I
Diyos ay gumagawa sa buong sansinukob.
Dagundong ng ingay sa Silanganang 'di tumitigil,
nililiglig lahat ng denominasyo't lahat ng sekta.
Ito'y tinig ng Diyos, lahat dinala sa kasalukuyan.
Ito'y Kanyang tinig na sa lahat ay lulupig.
Sila'y nahuhulog sa agos nito, at nagpapasakop sa Kanya.
Matagal nang nabawi ng Diyos sa lupa ang luwalhati,
at mula Silangan ay inilabas Niyang muli.
Sinong 'di sabik makita ang luwalhati ng Diyos?
Sinong 'di naghihintay at nananabik Sa Kanyang pagbabalik?
Sinong hindi nauuhaw na Siya'y magpakitang muli?
Sinong 'di nangungulila sa Kanyang kariktan?
Sinong 'di lalapit tungo sa liwanag?
Sinong di nais makita yaman ng Canaan?
Sinong 'di nananabik sa pagbalik ng Manunubos?
Sinong 'di hanga sa Makapangyarihan-sa-lahat?
II
Ang tinig ng Diyos dapat lumaganap sa buong mundo.
Sa Kanyang bayang hirang, marami pa Siyang sasabihin.
Gaya ng malakas na kulog, inaalog ang bundok at mga ilog,
Siya'y nangungusap sa lahat ng tao at sa buong kalawakan.
Kaya't salita ng Diyos sa tao'y nagiging yaman.
Kanyang mga salita, minamahal ng lahat.
Kidlat kumikislap nang tuwid mula Silangan hanggang Kanluran.
Ang Salita ng Diyos tao'y mamuhing ito'y bitiwan.
Salita ng Diyos di-maarok nguni't nagpapagalak.
Lahat nagdiriwang sa pagdating ng Diyos na parang bagong silang.
Tinig ng Diyos tao'y nahahalina sa harap Niya.
Diyos ay pormal na pumapasok sa gitna ng katauhan.
Lahat lumalapit at sumasamba sa Diyos dahil dito.
Dahil sa luwalhati't salita na binibigay ng Diyos,
lahat lumalapit sa harap ng Diyos, nakikita kidlat mula sa Silangan.
III
Diyos ay bumaba sa Bundok Olibo sa Silangang.
Siya'y matagal na sa lupa, di na "Anak ng mga Hudyo."
Siya'y Kidlat ng Silangan, pagka't Siyay nabuhay na muli.
Lumisan Siya't ngayo'y nagpakitang puno ng luwalhati.
Siya ay Diyos na sinasamba bago ang mga kapanahunan,
"sanggol" na 'tinakwil ng mga Israelita mula yugtong yaon.
Siya'ng ganap na maluwalhating
Makapangyarihang Diyos ng kapanahunan ngayon!
Lahat nang nais Niyang makamit walang-iba kundi ito:
Lahat ng tao'y lumalapit sa Kanyang trono,
makita ang Kanyang mukha't gawa, marinig Kanyang tinig.
Ito ang wakas at rurok ng Kanyang plano,
at ang layunin ng pamamahala ng Diyos.
Kaya lahat ng bansa'y sumasamba't kinikilala Siya.
Lahat ng tao'y tiwala at nagpapasakop sa Kanya!
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa
Ano Ito Na Luminlang Sa Aking Espiritu?