菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kalooban ng diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 26, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao"

Tagalog Christian Song | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao"

I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

Dis 6, 2019

Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia

 Landas ng Pagasasagawa para sa Mas Mabisang Pag-aaral ng Biblia

Ni: Xiao Xiao, Pransya

Mga Nilalaman

Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago.

Nob 11, 2019

Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo


Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo



Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat ng bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Ito ma'y mga salitang
gusto n'yong dinggin o hindi,
ito ma'y mga salitang
masaya n'yong tinatanggap o nahihirapan,
dapat n'yo itong bigyang-halaga.
Kilos n'yong mababaw at walang pakialam
magdudulot ng lungkot at muhi sa Kanya.
Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.

Set 25, 2019

Ano ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan

kalooban ng diyos, katotohanan, salita ng Diyos,

Ano ang Totoong Pagtanggap sa Katotohanan


Xiaohe Lungsod ng Puyang, Lalawigan ng Henan

Sa nakaraan, sa tuwing babasahin ko ang mga salita na ibinunyag ng Diyos tungkol sa kung paano hindi tinatanggap ng mga tao ang katotohanan, hindi ako naniwala na ang mga salitang ito ay naaangkop sa akin.

Set 11, 2019

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos -May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal


Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. 

Hul 10, 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Pamamahala ng Diyos ay Patuloy na Sumusulong



I
Pagkatapos ng gawain ni Jehova,
naging tao si Jesus para gumawa sa gitna ng mga tao.
Di nakabukod ang Kanyang gawain,
ito'y itinatag sa gawain ni Jehova.
Ito ang gawain para sa isang bagong panahon
nang wakasan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan.
At nang magwakas ang gawain ni Jesus,
nagpatuloy ang Diyos sa sumunod na panahon.

May 26, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)



Salita ng Diyos | "Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa bawa’t pagkakataon ng gawain ng Diyos ay naroon ang mga pangitain na kailangang malaman ng tao, mga pangitain na sinusundan ng mga angkop na kinakailangan ng Diyos sa tao. Kung wala ang mga pangitaing ito bilang saligan, hindi kayang magsagawa ng tao, o makakayang lubos na sumunod sa Diyos. Kung hindi kilala ng tao ang Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, lahat ng ginagawa ng tao ay walang kabuluhan, at walang kakayahang sang-ayunan ng Diyos.Kahit gaano kasagana ang mga kaloob sa tao, hindi pa rin siya maihihiwalay mula sa gawain at sa patnubay ng Diyos.

May 23, 2019

31. Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod.

May 21, 2019

Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas



Mga Pagsasalaysay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Tumatayo Ako sa ibabaw ng sansinukob sa bawa’t araw, nagmamasid, at mapagpakumbabang itinatago ang Aking Sarili sa Aking dakong tahanan upang maranasan ang pantaong buhay, maiging pinag-aaralan ang bawat gawa ng tao. Kailanma’y walang sinumang tunay na naghandog ng kanyang sarili sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang nagsikap na matamo ang katotohanan. Wala kahit isa ang kailanma’y naging napakaingat para sa Akin. Kailanma’y walang sinuman ang gumawa ng mga pagpapasya sa harap Ko at nanatili sa kanyang tungkulin.

May 17, 2019

Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan.

May 11, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II Ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos (Ikalimang bahagi)


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
(III) Limang Uri ng mga Tao
Ang unang uri ay ang antas na kinikilala bilang ang “sanggol na nakabigkis ng damit”.
Ang pangalawang uri ay ang antas ng “sanggol na pinapasuso”.
Ang pangatlong uri ay ang antas ng inaawat na sanggol—ang antas ng pagiging bata.
Ang pang-apat na uri ay ang antas ng pagiging ganap na bata; ang pagkabata.
Ang panlimang uri ay ang antas ng ganap na buhay, o ang antas ng pagiging matanda.

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

Abr 22, 2019

Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


I
Dakila ang mga gawa ng Espiritu ng D'yos
mula pa man sa paglalang ng mundo.
Tinapos N'ya iba't-ibang mga gawain sa iba't-ibang mga bansa,
at sa iba't-ibang mga kapanahunan.
Ang mga tao sa bawat kapanahunan
nakikita'ng iba't iba N'yang mga disposisyon
likas na ibinunyag para makita ng lahat
at ipinakita sa iba't ibang mga gawain.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.

Mar 20, 2019

Tagalog Gospel Songs Siya Ang Ating Diyos


Tagalog Gospel SongsSiya Ang Ating Diyos


I
Siya lang ang may alam ng ating iniisip.
Uri't diwa natin ay talos N'ya, tulad ng palad N'ya.
Tanging S'ya ang hukom sa taong tiwali at suwail.
Tanging S'ya ang magsasabi't gagawa sa atin sa ngalan ng Diyos.
S'ya lang ang nag-aangkin ng kapangyariha't dunong ng Diyos.
Tanging S'ya lamang ang nag-aangkin ng dangal ng Diyos.
Ang disposisyon ng Diyos at kung ano S'ya at mayro'n S'ya
ay ganap na hayag sa buo, sa buo Niyang katawan.
S'ya lang ang makapagdadala ng liwanag sa atin.
S'ya lang ang makapagtuturo ng tamang daan.

Mar 10, 2019

Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?

IX. Kailangang Ipaliwanag nang Malinaw ng Isang Tao na si Cristo ang Pagpapakita ng Diyos Mismo


1. Paano malalaman ng isang tao ang banal na diwa ni Cristo?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa” (Juan 14:6, 10-11).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pag-aralan ang ganoong bagay ay hindi mahirap, ngunit nangangailangan mula sa bawat isa sa atin na alamin ang katotohanang ito: Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay sa sustansya ng Diyos, at Siya na pagkakatawang-tao ng Diyos ang magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos.

Peb 26, 2019

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala.