Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas
Kapag namamasdan ng mga tao ang praktikal na Diyos, kapag personal silang namumuhay ng kanilang mga buhay kasama, lumalakad kasabay, at nananahan kasama ang Diyos Mismo, kanilang isinasantabi ang pagkamausisa na nasa kanilang mga puso sa loob ng maraming mga taon. Ang pagkakilala sa Diyos na sinalita nang una ay ang unang hakbang lamang; bagaman ang mga tao ay may pagkakilala sa Diyos, mayroong nananatiling maraming nagpupumilit na mga pag-aalinlangan sa kanilang mga puso: Saan nanggaling ang Diyos? Kumakain ba ang Diyos? Malaki ba ang kaibahan ng Diyos sa pangkaraniwang mga tao? Para sa Diyos, ang pakikitungo ba sa lahat ng mga tao ay napakadali, laro lamang ng bata? Ang lahat bang sinabi ng bibig ng Diyos ay mga hiwaga ng langit? Ang lahat ba na Kanyang sinasabi ay mas mataas kaysa roon sa lahat ng mga nilalang? Ang liwanag ba ay sumisikat mula sa mga mata ng Diyos? At iba pa—ito ang kung anong kaya ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ang dapat ninyong maunawaan at mapasok bago ang lahat ng iba pa. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay isa pa ring malabong Diyos. Kung hindi sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman, hindi Ako kailanman makakayang maunawaan ng mga tao, at hindi kailanman mamamasdan ang Aking mga gawa sa kanilang mga karanasan. Ito ay dahil lamang sa Ako ay naging katawang-tao na hindi nakakaya ng mga tao na maunawaan ang Aking kalooban. Kung Ako ay hindi naging katawang-tao, at nasa langit pa rin, nasa kinasasaklawang espirituwal pa rin, kung gayon “makikilala” Ako ng mga tao, sila ay yuyukod at sasamba sa Akin, at magsasalita tungkol sa kanilang “pagkakilala” sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—nguni’t ano ang magiging gamit ng ganoong pagkakilala? Ano ang magiging kabuluhan nito bilang sanggunian? Maaari bang maging tunay ang pagkakilalang nagmumula sa mga pagkaintindi ng mga tao? Hindi Ko nais ang pagkakilala ng mga utak ng mga tao—ang nais Ko ay praktikal na pagkakilala.