Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | 3. Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay. Kung hindi ibinibigay ng mga tao ang kanilang puso sa Diyos sa kanilang paniniwala sa Kanya, kung ang kanilang puso ay wala sa Kanya at hindi nila tinatrato ang Kanyang pasanin bilang sariling kanila, kung gayon ang lahat ng kanilang ginagawa ay pandaraya sa Diyos, at ito ay pawang pag-uugali ng mga taong relihiyoso—hindi nito matatamo ang papuri ng Diyos. …
Maaaring makita mula sa karanasan na isa sa pinakamahalagang usapin ay ang pagpapatahimik ng puso ng isang tao sa harap ng Diyos. Ito ay isang usapin na may kinalaman sa espirituwal na buhay ng mga tao, at ang paglago ng kanilang buhay. Kung ang iyong puso ay panatag sa harap ng Diyos saka lamang magbubunga ang iyong paghahangad sa katotohanan at ang ukol sa mga pagbabago sa iyong disposisyon. Sapagkat lumalapit kang may pasanin sa harap ng Diyos at palagi mong nadadama na masyado kang maraming kakulangan, na maraming mga katotohanan ang kailangan mong malaman, maraming realidad ang kailangan mong maranasan, at na dapat mong ibigay ang bawat pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos—ang mga bagay na ito ay palaging nasa iyong isip, at para bang dinadaganan ka ng mga ito nang husto na hindi ka makahinga, at kung kaya nakadadama ka ng sobrang kalungkutan (ngunit hindi sa isang negatibong kalagayan). Ang mga tao lamang kagaya nito ang karapat-dapat na tumanggap sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos at kikilusan ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil sa kanilang pasanin, dahil sila ay napakalungkot, at, maaaring sabihin, dahil sa halaga na kanilang ibinayad at ang pagdurusa na kanilang tiniis sa harap ng Diyos kaya nila natatanggap ang pagpapaliwanag at pagpapalinaw, sapagkat hindi binibigyan ng Diyos ang sinuman ng natatanging pagtrato. Palagi Siyang patas sa Kanyang pagtrato sa mga tao, ngunit hindi rin siya kapritsoso sa Kanyang paglalaan sa mga tao, at hindi nagbibigay sa kanila nang lubusan. Ito ay isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sa totoong buhay, hindi pa nakakamit ng karamihan sa mga tao ang kahariang ito. Sa paanuman, ang kanilang puso ay hindi pa lubos na ibinabaling sa Diyos, at kung kaya wala pa ring anumang malaking pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ay dahil sa nabubuhay lamang sila sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi pa nila nakakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang mga saligan para sa pagkasangkapan ng Diyos sa mga tao ay ang mga sumusunod: Ang kanilang mga puso ay ibinabaling sa Diyos, sila ay nabibigatan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, taglay nila ang isang puso na nasasabik, at taglay nila ang paninindigan upang hangarin ang katotohanan. Ang ganitong uri ng mga tao lamang ang makapagkakamit sa gawain ng Banal na Espiritu at madalas na nakakamit ang pagliliwanag at pagpapalinaw.
mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Magsimula muna sa panalangin: Ang pananalangin nang payapa sa harap ng Diyos ay pinakamabunga. Pagkatapos noon, kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos at subukang kamtin ang liwanag, hanapin ang landas na isasagawa, alamin kung ano ang mga layunin ng mga pagbigkas ng Diyos, at unawain nang walang paglihis. Karaniwan nang lumapit sa Diyos nang normal sa iyong puso, nilayin ang pag-ibig ng Diyos, at bulayin ang mga salita ng Diyos, nang hindi nagagambala ng panlabas na mga bagay. Kapag ang iyong puso ay payapa hanggang sa isang antas na nagagawa mong magnilay-nilay, nang upang, sa loob ng iyong sarili, nabubulay-bulay mo ang pag-ibig ng Diyos at tunay na lumalapit sa Diyos maging anuman ang iyong kinaroroonang kapaligiran, at sa huli ay iyong narating ang punto kung saan nagbibigay ka ng papuri sa iyong puso, at ito ay lalo pang mahusay kaysa sa pananalangin, kung gayon sa ganito makapagtataglay ka ng isang tiyak na tayog. Kung matatamo mo ang mga kalagayan na inilarawan sa itaas, kung gayon mapatutunayan nito na ang iyong puso ay tunay na payapa sa harap ng Diyos. Ito ang unang hakbang; ito ay isang karaniwang pagsasanay. Pagkatapos lamang na magawa nilang maging payapa sa harap ng Diyos saka pa lamang makikilos ang mga tao ng Banal na Espiritu, at nang niliwanagan at pinagliwanag ng Banal na Espiritu, sa gayon lamang nila nagagawang tunay na makipagniig sa Diyos, at nagagawang maunawaan ang kalooban at ang paggabay ng Banal na Espiritu—at sa ganito, makapapasok sila sa tamang landas sa kanilang espirituwal na mga buhay. …
Ang pagbubulay-bulay sa mga salita ng Diyos at ang pananalangin ng mga salita ng Diyos kasabay ng pagkain at pag-inom sa mga salita ng Diyos—ito ang unang hakbang sa pagiging payapa sa harap ng Diyos. Kung magagawa mong maging tunay na payapa sa harap ng Diyos, kung gayon ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ay makakasama mo.
mula sa “Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang isang normal na buhay espiritwal ay upang isabuhay ang isang buhay sa harap ng Diyos. Kapag nananalangin maaaring mapatahimik ng isang tao ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos, at sa pananalangin maaaring hangarin ng isang tao ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, maunawaan ang mga salita ng Diyos, at maaaring maunawaan ang kalooban ng Diyos. Kapag kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos maaaring mas maging maliwanag at mas malinaw ang isang tao sa kung ano ang gusto ng Diyos na gawin sa ngayon, at ang isang tao ay maaaring magkaroon ng isang bagong landas ng pagsasagawa at huwag maging konserbatibo, para lahat ng pagsasagawa ng isang tao ay para sa layunin ng pagtatamo ng kaunlaran sa buhay. Halimbawa, ang panalangin ng isa ay hindi para sa layunin ng pagsasabi ng ilang magagandang mga salita, o upang humiyaw sa harap ng Diyos upang ipahayag ang pagkakautang ng isang tao, ngunit sa halip upang magsagawa ng pagsasanay sa espiritu ng isang tao, upang mapatahimik ang puso ng isang tao sa harap ng Diyos, upang isagawa ang paghahanap para sa paggabay sa lahat ng mga bagay, upang gawin ang puso ng isang tao na isang puso na inilalapit tungo sa bagong liwanag araw-araw, nang upang huwag maging walang kibo o tamad, at upang pumasok sa tamang landas ng pagsasagawa sa mga salita ng Diyos.
mula sa “May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung gusto mong mamuhay ng isang normal na buhay espiritwal, kailangan mong tumanggap ng bagong liwanag sa araw-araw, hangarin ang tunay na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at magtamo ng kaliwanagan tungo sa katotohanan. Kailangan mong magkaroon ng isang landas upang isagawa ang lahat ng bagay, at sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa araw-araw makasusumpong ka ng bagong mga katanungan at madidiskubre ang iyong sariling mga pagkukulang. Ito ay magreresulta sa paglalabas ng isang puso na nauuhaw at naghahanap, na magtatakda sa iyong buong pagkatao sa paggalaw, at magagawa mong maging tahimik sa harap ng Diyos sa anumang oras, at magkakaroon ng masidhing takot na mapag-iwanan. Kung ang isang tao ay magkakaroon nitong nauuhaw na puso, at nakahanda rin na pumasok nang tuloy-tuloy, kung gayon ay nasa tamang landas sila para sa isang espiritwal na buhay. Lahat silang mga maaaring tumanggap ng pagkilos ng Banal na Espiritu, na nagnanais na makagawa ng pag-unlad, na nakahandang maghangad na gawing perpekto ng Diyos, yaong mga nananabik para sa mas malalim na pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, na hindi naghahangad ng higit sa karaniwan ngunit nagbabayad ng isang praktikal na halaga, nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, na sadyang nakapasok, ginagawa ang kanilang karanasan nang mas tunay at higit na makatotohanan, na hindi naghahangad sa hungkag na mga salita ng doktrina, at na hindi rin naghahangad ng isang damdamin na higit sa karaniwan, at ni hindi sumasamba sa dakilang tao-ang ganitong uri ng tao ay nakapasok sa isang normal na buhay espiritwal, at ang lahat ng kanilang ginagawa ay para sa layunin ng pagtatamo ng higit na kaunlaran sa buhay, upang mapanatiling sariwa ang kanilang espiritu at hindi yaong hindi gumagalaw, at upang palaging nagagawang pumasok sa positibong paraan.
mula sa “May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espiritwal”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung hindi mo magagawang sundin ang liwanag sa kasalukuyan, kung gayon isang pagitan ang nabuksan sa iyong ugnayan sa Diyos—maaari pa itong maputol—at wala kang isang normal na espirituwal na buhay. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay itinatag sa ibabaw ng saligan ng pagtanggap sa totoong mga salita ng Diyos. Mayroon ka bang normal na espirituwal na buhay? Mayroon ka bang isang normal na kaugnayan sa Diyos? Ikaw ba ay isang taong sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung nagagawa mong sundin ang liwanag ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan, at makakayang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, at pumasok sa mga salitang ito, kung gayon ikaw ay isang taong sumusunod sa daloy ng Banal na Espiritu.
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag ang isang tao ay naniniwala sa Diyos at naghahangad na pumasok sa buhay at maghangad ng isang pagbabago sa kanilang disposisyon, kailangan nilang magbayad ng isang halaga at matamo ang isang kalagayan kung saan palagi nilang susundin ang Diyos anuman ang Kanyang gawin. Ito ay isang bagay na kailangang gawin ng mga tao. Kahit sundin mo ang lahat ng ito bilang isang patakaran, kailangang manatili ka dito, at gaano man katindi ang mga pagsubok, hindi mo bibitiwan ang iyong normal na kaugnayan sa Diyos. Dapat nagagawa mong manalangin, panatilihin ang iyong buhay iglesia, at manatili sa mga kapatid. Kapag sinusubok ka ng Diyos, dapat mo pa ring hangarin ang katotohanan. Ito ang pinakakaunti para sa isang espiritwal na buhay. Ang pagkakaroon palagi ng isang pusong paghahangad at pagsisikap na makipagtulungan, paggamit ng lahat ng iyong lakas-maaari bang gawin ito? Sa batayang ito, ang pang-unawa at ang pagpasok sa katotohanan ay magiging isang bagay na maaari mong matamo. Madaling tanggapin ang salita ng Diyos kapag ang iyong mga sariling kalagayan ay normal, at parang hindi mahirap isagawa ang katotohanan, at nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay dakila. Ngunit kung mahina ang iyong mga kondisyon, gaano man kadakila ang gawain ng Diyos at gaano man kagandang magsalita ang isang tao, hindi mo papansinin. Kapag ang mga kondisyon ng isang tao ay hindi normal, hindi makagagawa ang Diyos sa kanila, at hindi sila makapagtatamo ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon.
mula sa “Kailangan Mong Mapanatili ang Iyong Katapatan sa Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung wala kang wastong kaugnayan sa Diyos, maging anuman ang iyong gawin upang mapanatili ang iyong kaugnayan sa ibang mga tao, kahit gaano ka man kasikap gumawa o gaano man karaming lakas ang iyong ibuhos, makakabilang pa rin ito sa isang pilosopiya sa buhay ng tao. Pinananatili mo ang iyong kalagayan sa gitna ng mga tao sa pamamagitan ng isang pananaw ng tao at isang pilosopiya ng tao upang purihin ka nila. Hindi ka nagtatatag ng wastong mga kaugnayan sa mga tao alinsunod sa salita ng Diyos. Kung hindi ka magtutuon ng pansin sa iyong mga kaugnayan sa mga tao ngunit nagpapanatili ng isang wastong kaugnayan sa Diyos, kung ikaw ay nakahandang ibigay ang iyong puso sa Diyos at matututuhang sundin Siya, likas lamang na, ang iyong mga kaugnayan sa lahat ng mga tao ay magiging wasto. Sa ganitong paraan, ang mga kaugnayang ito ay hindi itinatatag sa laman, ngunit sa saligan ng pag-ibig ng Diyos. Halos walang mga pakikipag-ugnayan batay sa laman, ngunit sa espiritu ay mayroong pagsasamahan at pag-ibig, kaaliwan, at paglalaan para sa isa’t isa. Ang lahat ng ito ay ginagawa sa saligan ng isang puso na pinalulugod ang Diyos. Ang mga kaugnayang ito ay hindi pinananatili sa pananangan sa pantaong pilosopiya sa buhay, ngunit ang mga ito ay likas na binubuo sa pamamagitan ng pasanin para sa Diyos. Hindi kinakailangan ng mga ito ang pagsisikap ng tao—ang mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng mga panuntunan ng salita ng Diyos. … Ang isang wastong kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay itinatatag sa saligan ng pagbibigay ng kanilang puso sa Diyos; hindi ito natatamo sa pamamagitan ng pagsisikap ng tao. Kung wala ang Diyos, ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga tao ay mga kaugnayan lamang ng laman. Ang mga ito ay hindi wasto, ngunit nagpapalayaw sa laman—ang mga ito ay mga kaugnayan na kinamumuhian ng Diyos, na Kanyang kinasusuklaman. Kung sasabihin mo na ang iyong espiritu ay ikinilos, ngunit gusto mo palaging magkaroon ng pagsasamahan sa mga tao na kinagigiliwan mo, sa kaninumang tinitingala mo, at kung magkaroon man ng ibang naghahangad na hindi mo kinagigiliwan, yaong hindi mo itinatangi at hindi pakikisamahan, ito ay lalo pang nagpapatunay na ikaw ay taong maramdamin at wala kang wastong kaugnayan sa Diyos sa anumang paraan. Tinatangka mong linlangin ang Diyos at ikubli ang iyong sariling kapangitan. Kahit na nagagawa mong magbahagi ng ilang mga pagkaunawa ngunit ang dala-dala mo ay maling mga layunin, ang lahat ng iyong ginagawa ay mainam lamang sa mga pamantayan ng tao. Hindi ka pupurihin ng Diyos—ikaw ay kumikilos alinsunod sa laman, hindi alinsunod sa pasanin ng Diyos. Kung nagagawa mong ipanatag ang iyong puso sa harap ng Diyos at mayroong wastong mga pakikipag-ugnayan sa lahat niyaong umiibig sa Diyos, sa gayon ka lamang nagiging angkop sa pagkasangkapan ng Diyos. Sa ganitong paraan, gaano ka man nakikisalamuha sa iba, hindi ito magiging ayon sa isang pilosopiya sa buhay, ngunit ito ay pamumuhay sa harap ng Diyos, pagsasaalang-alang sa Kanyang pasanin.
mula sa “Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw