菜單

Abr 15, 2018

Ang tinig ng Diyos | Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

    Kapag namamasdan ng mga tao ang praktikal na Diyos, kapag personal silang namumuhay ng kanilang mga buhay kasama, lumalakad kasabay, at nananahan kasama ang Diyos Mismo, kanilang isinasantabi ang pagkamausisa na nasa kanilang mga puso sa loob ng maraming mga taon. Ang pagkakilala sa Diyos na sinalita nang una ay ang unang hakbang lamang; bagaman ang mga tao ay may pagkakilala sa Diyos, mayroong nananatiling maraming nagpupumilit na mga pag-aalinlangan sa kanilang mga puso: Saan nanggaling ang Diyos? Kumakain ba ang Diyos? Malaki ba ang kaibahan ng Diyos sa pangkaraniwang mga tao? Para sa Diyos, ang pakikitungo ba sa lahat ng mga tao ay napakadali, laro lamang ng bata? Ang lahat bang sinabi ng bibig ng Diyos ay mga hiwaga ng langit? Ang lahat ba na Kanyang sinasabi ay mas mataas kaysa roon sa lahat ng mga nilalang? Ang liwanag ba ay sumisikat mula sa mga mata ng Diyos? At iba pa—ito ang kung anong kaya ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ang dapat ninyong maunawaan at mapasok bago ang lahat ng iba pa. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay isa pa ring malabong Diyos. Kung hindi sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman, hindi Ako kailanman makakayang maunawaan ng mga tao, at hindi kailanman mamamasdan ang Aking mga gawa sa kanilang mga karanasan. Ito ay dahil lamang sa Ako ay naging katawang-tao na hindi nakakaya ng mga tao na maunawaan ang Aking kalooban. Kung Ako ay hindi naging katawang-tao, at nasa langit pa rin, nasa kinasasaklawang espirituwal pa rin, kung gayon “makikilala” Ako ng mga tao, sila ay yuyukod at sasamba sa Akin, at magsasalita tungkol sa kanilang “pagkakilala” sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—nguni’t ano ang magiging gamit ng ganoong pagkakilala? Ano ang magiging kabuluhan nito bilang sanggunian? Maaari bang maging tunay ang pagkakilalang nagmumula sa mga pagkaintindi ng mga tao? Hindi Ko nais ang pagkakilala ng mga utak ng mga tao—ang nais Ko ay praktikal na pagkakilala.

    Ang Aking kalooban ay nabubunyag sa gitna ninyo sa lahat ng oras, at sa lahat ng oras ay naroroon ang Aking pagpapalinaw at pagliliwanag. At kapag Ako ay kumikilos nang tuwiran sa pagkaDiyos, ito ay hindi sinasala sa pamamagitan ng utak, walang pangangailangang dagdagan ng “pampalasa”—ito ay isang tuwirang kilos ng pagkaDiyos. Ano ang nakakaya ng mga tao? Hindi ba ang lahat mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayong araw ay personal Kong naisakatuparan? Sa nakaraan, nagsalita Ako tungkol sa pitong-ulit na pinatinding Espiritu, nguni’t walang sinuman ang nakayang maunawaan ang Kanyang diwa—kahit na nang sila ay nakamalay tungkol dito, hindi nila kayang ganap na maunawaan. Kapag Ako ay gumagawa sa pagkatao sa pamamahala ng pagkaDiyos, dahil ang gawaing ito ay isinasakatuparan sa mga kalagayan na pinaniniwalaan ng mga tao na hindi lampas-sa-natural kundi normal, ito ay tinutukoy bilang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag Ako ay gumagawa nang tuwiran sa pagkaDiyos, dahil Ako ay hindi napipigilan ng mga pagkaintindi ng mga tao, at wala sa ilalim ng mga hangganan ng “lampas-sa-natural” sa kanilang mga pagkaintindi, ang gawaing ito ay may agarang epekto, ito ay tumutungo sa pinaka-puso ng usápín, dumidiretso ito sa punto. Bilang bunga, ang hakbang na ito ng gawain ay mas dalisay, ito ay dalawang beses na mas mabilis, ang kaalaman ng mga tao ay tumataas, at ang Aking mga salita ay nadaragdagan, nagsasanhi sa lahat ng mga tao na magmadali upang makaabot. Dahil ang epekto ay iba, dahil ang daan, ang kalikasan, at ang nilalaman ng Aking gawain ay hindi pare-pareho—at, higit pa, dahil Ako ay opisyal na nagsimulang gumawa sa katawang-tao, batay sa mga tinalakay na, ang hakbang na ito ng gawain ay tinutukoy na ang gawain ng pitong-ulit na pinatinding Espiritu. Ito ay hindi isang bagay na abstrak. Kasunod ng mga pagbabago sa[a] mga paraan kung saan Ako ay gumagawa sa inyo, at kasunod ng pagdating ng kaharian, ang pitong-ulit na pinatinding Espiritu ay nagsisimulang gumawa, at ang gawaing ito ay patuloy na lumalalim at nagiging higit na matindi. Kapag namamasdan ng lahat ng mga tao ang Diyos at kanilang nakikitang lahat na ang Espiritu ng Diyos ay nasa gitna ng tao, ang buong kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao ay nagagawang malinaw. Walang pangangailangang magbuod—likas itong nalalaman ng mga tao.
    Tungkol sa maraming mga bagay na may-kinalaman—ang mga pamamaraan kung saan Ako ay gumagawa, ang mga hakbang ng Aking gawain, ang himig ng Aking mga salita ngayong araw, at iba pa—tanging ang mga lumalabas sa Aking bibig ngayon ay “ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu.” Bagaman Ako ay nagsalita rin sa nakaraan, iyan ay noong yugto ng pagtatayo ng iglesia. Ito ay tulad ng paunang-salita at indise sa isang nobela, at wala ang diwa; tanging ang mga pagbigkas ng araw ngayon ang maaaring matawag na diwa ng mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu. “Ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu” ay tumutukoy sa mga pagbigkas na nagmumula sa trono, na ibig sabihin, ang mga iyon ay binibigkas nang tuwiran sa pagkaDiyos. Ang sandali kapag ang Aking mga pagbigkas ay bumaling sa pagbubunyag ng mga hiwaga ng langit ay ang sandali nang Ako ay nagsalita nang tuwiran sa pagkaDiyos. Sa ibang mga salita, hindi-napipigilan ng pagkatao, Aking tuwirang ibinunyag ang lahat ng mga hiwaga at mga kalagayan ng espirituwal na kinasasaklawan. Bakit Ko sinasabi na Ako ay dating nasa ilalim ng mga hangganan ng pagkatao? Ito ay nangangailangan ng paliwanag. Sa mga mata ng mga tao, walang sinuman ang may kakayahan sa pagbubunyag ng mga hiwaga ng langit; kung hindi ang Diyos Mismo, walang sinumang iba pa sa lupa ang makakaalam ng tungkol sa mga hiwagang ito. Sa gayon, Aking pinatutungkulan ang mga pagkaintindi ng mga tao at sinasabing sa nakaraan hindi Ako nagbunyag ng anumang mga hiwaga dahil Ako ay nasa ilalim ng mga hangganan ng pagkatao. Mas espisipiko, gayunpaman, hindi ito ang katayuan: Ang nilalaman ng Aking mga salita ay naiiba kung paanong ang Aking gawain ay naiiba, at sa gayon, noong Ako ay nagsimulang gampanan ang Aking ministeryo sa pagkaDiyos, nagbunyag Ako ng mga hiwaga; sa nakaraan, kinailangan Kong gumawa sa mga kalagayan na tinanaw ng lahat ng mga tao bilang normal, at ang mga salitang Aking sinabi ay kayang makamit sa mga pagkaintindi ng mga tao. Nang nagsimula Akong magbunyag ng mga hiwaga, walang isa man sa mga ito ang kayang makamit sa pamamagitan ng mga pagkaintindi ng mga tao—ang mga iyon ay hindi tulad ng pantaong pag-iisip. Kaya, opisyal Akong nagsimulang bumaling sa pagsasalita sa pagkaDiyos, at ang mga ito ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu. Bagaman ang mga salita nang nakaraan ay mga pagbigkas mula sa trono, ang mga iyon ay sinalita sa ibabaw ng batayan ng kung ano ang makakayang makamit ng mga tao, at sa gayon ay hindi binigkas nang tuwiran sa pagkaDiyos—kung saan bilang bunga nito ang mga iyon ay hindi ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “mga pagbabago sa.”
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal