菜單

Ene 5, 2018

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Diyos, Kaligtasan, Pagsamba, Panalangin


Mga patotoo’t karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna

Muling, Beijing
Agosto 16, 2012
     Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

     Nang hapon na iyon nagkita kami ng aking tatlong kapatid na babae. Sa labas ang ulan ay patuloy na bumubuhos. Sa ganap na ika-4:30 ng hapon, ang aking asawa, na isang hindi mananampalataya, ay bumalik at sinabi sa amin na napakaraming tubig sa rotonda na ang mga tao ay hindi na makasakay. Magkagayunman, sa ganap na ika 5:00 ng hapon nagmamadali siyang umalis papunta sa kaniyang panggabing trabaho. Nang oras na iyon ay wala akong naramdaman na anumang kakaiba, at nagpatuloy na gumawa ng aming hapunan gaya ng dati. Sa ganap na ika 7:00 ng gabi ang nangungupahan sa amin ay biglang kumatok sa pinto na tinatawag ako, at nang ako ay lumabas upang tingnan, aking nakita ang pinakakagimbal-gimbal na pangyayari sa buhay ko: Napuno na ng tubig-ulan ang looban at pumapasok sa silangan at kanlurang bahagi ng bahay, habang ang tubig sa lupa ay patuloy sa pagtaas. Sinubukan namin ng aking anak na harangan ang daloy ng tubig, pero walang nangyari. Sa kawalang pag-asa, lumuhod ako sa tubig, tumatawag sa Diyos, “Diyos ko, sumasamo ako sa Iyo na magbukas Ka ng daan palabas para sa akin.” Sa puntong ito ang kompanya ng aking asawa ay tumawag at nagtanong kung siya ay nasa bahay, at habang sinasagot ko ang tawag, ang tubig ay pumapasok na sa pangunahing bahagi ng bahay. Napagtanto ko ngayon kung gaano kaseryoso ang mga bagay, at nagsimulang mag-alala sa aking asawa na wala akong ideya kung anong nangyari sa kaniya. Lumuhod akong muli sa tubig upang tumawag sa Diyos sa aking pagkabahala, “O Diyos! Tanging sa pagharap lamang sa biglang pagbahang ito na nararamdaman ko sa aking sarili ang Iyong galit, at napagtanto ang aking sariling paghihimagsik at pagtataksil. Magagawa Mong ibaling ang aming mga puso tungo sa Iyo, at mabuhay nang madali na umaasa sa Iyo, gayon man kumakapit pa din ako sa aking pamilya, sa aking asawa at anak at hindi bumibitaw. O Diyos! Tanging ngayon lamang na naunawaan ko na sa pagitan ng mga tao wala sinuman ang makakapagdala ng kahit ano sa kahit sino, at walang makakapagligtas sa sinuman; Sa Iyo lamang ako makakaasa. Ang aking asawa ay higit na sa apat na oras na papunta sa trabaho, ngunit hindi pa nakakarating sa kompanya, at hindi ko alam kung anong maaaring nangyari sa daan. Maluwag sa kalooban ko na ipinagkakatiwala siya sa Iyong mga kamay, at anumang mangyari, maluwag ang kalooban ko na susunod sa Iyong pagsasaayos at kaayusan!” Nagpatuloy ako na manalangin ng tulad nito nang paulit-ulit, at bandang ika- 9:00 ng gabi ang aking asawa ay biglang nakatayo sa harap ko na basang-basa. Walang humpay kong pinasalamatan ang Diyos sa aking puso sa pagliligtas sa kaniya. Sa oras na ito ang tubig sa kwarto ay nasa dulo na ng aking hita at kinuha ko ang aking asawa at sinabing, “Manalangin tayo, ang ating buhay ay nakasalalay sa Diyos.” Ang aking asawa ay tumango sa pagsang-ayon, at kami ay lumuhod sa tubig na magkasama sa panalangin. Habang kami ay nananalangin, bigla kong narinig ang nangungupahan sa amin na sumisigaw, “Ang tubig ay humuhupa! Ito ay humuhupa!” Sa aking puso ako ay nanabik; sa labas ang ulan ay bumubuhos, kaya paanong ang tubig ay humuhupa? Ito ay ang pagka-makapangyarihan ng Diyos! Gaano kaibig-ibig, gaano katiwa-tiwala ang Diyos; Lubos Niyang mahal ang tao. Tayo ay lubhang walang halaga at mapanghimagsik, ang Diyos ay naaawa sa atin, at iniintindi ang ating mga iyak at inililigtas tayo mula sa kalamidad. Hindi ko talaga alam kung anong mga salita ang makakapagpahayag sa aking pasasalamat at pagsamba sa Diyos.
    Pagkatapos ng malakas na ulan na ito, ang aking asawa, ang aking biyenan at ang aking mga kasama ay nanampalataya na din sa Diyos, at nagpasalamat ako sa Diyos para sa kanilang kaligtasan. Sa pamamagitan ng karanasan na ito tunay kong naunawaan na nagbababa ang Diyos ng mga sakuna hindi para wasakin ang sangkatauhan ngunit upang matupad ang kaligtasan nito. Sa isang banda, nagbibigay Siya ng panggising na tawag sa atin, sa mga bulag at mapanghimagsik na mga anak na sumasampalataya sa Kaniya ngunit mga hindi buo ang puso at nililinlang at pinagtataksilan Siya. Sa kabilang banda, ito ay higit na upang iligtas ang lahat ng kawawang kaluluwa na orihinal na sa Kaniya ngunit patuloy na nabubuhay sa pananakop ni Satanas. Itong paraan ng kaligtasan ay nagtataglay ng lubos na maingat na pag-aalaga ng Diyos. Gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos: “Ngayon, hindi lamang Ako bumababa sa bansa ng malaking pulang dragon, ibabaling Ko rin ang Aking mukha sa buong sansinukob, upang manginig ang buong pinakamataas na langit. Mayroon bang isang nag-iisang lugar na hindi sumailalim sa Aking paghatol? Mayroon bang isang nag-iisang lugar na hindi umiiral sa ilalim ng mga hagupit na Ako ang sumibat pababa? Sa lahat ng dako na Ako ay pumunta Aking pinakalat ang ‘buto ng kalamidad’ ng lahat ng uri. Ito ay isa sa mga paraan kung saan Ako ay nagtrabaho, at ito ay walang duda na isang gawa ng pagliligtas sa tao, at kung ano ang mapalawig Ko sa kanya ay isang uri pa rin ng pag-ibig. Nais Kong gumawa ng mas maraming tao na pupunta upang makilala Ako, upang makita Ako, at sa ganitong paraan dumating upang igalang ang Diyos na hindi nila nakita nang maraming taon ngunit sino, sa ngayon, ang tunay” (“Ang Ikasampung Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hindi ko mapigilang mag-alay muli ng aking papuri sa Diyos: “O Diyos, ang Iyong pagmamahal ay lubhang totoo, sapagkat nakita ko na anupaman ang gawin Mo lahat ng ito ay upang iligtas kami. Ngayon ikinalulugod ko ang Iyong pagka-makapangyarihan at karunungan at nakikita ko ang Iyong pagmamahal, Iyong pagliligtas at higit na nakikita nang malinaw ang Iyong mga masigasig na intensyon. Hindi na ako maaaring maging walang malasakit at walang utang na loob. Ninanais ko lamang na ibigay ang lahat ng mayroon ako upang ipalaganap ang ebanghelyo ng Iyong kaharian, upang ibalik ang mas maraming naligaw na kaluluwa sa Iyong pamilya, at sa pamamagitan nito ay totoong ialay ang aking puso sa Iyo kapalit ng Iyong dakilang pagmamahal!”
Mula sa Sandaang mga Tanong at mga Sagot sa Pag-iimbestiga sa Tunay na Daan
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus