菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Ene 10, 2020

Tagalog Worship Songs | Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol



Tagalog Worship Songs | Nakita Ko ang Pag-ibig ng Diyos sa Pagkastigo at Paghatol


Diyos ko, nagtiis man ako ng maraming pagsubok,
at muntik na akong mamatay,
nakilala na Kita nang lubusan,
at nakamit ko na ang kataas-taasang kaligtasan.
Kung Iyong paghatol at disiplina,
kung hindi Mo ako kinastigo,
ako nga ay mamumuhay sa karimlan,
mapapasailalim ako ni Satanas.
Diyos ko! Pakiusap.
Wag kunin pinakamalalaki kong kaaliwan;
ilang salita lang nito ay mainam na.
Dahil natamasa ko na ang pag-ibig Mo,
at mula sa'Yo, 'di ako mawawalay,
pa'nong 'di Kita mamahalin nang tuluyan?

Nob 4, 2019

"Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2) Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos



Tagalog Christian Movie | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" (Clips 1/2) Isang Kristiyano ang Kumilos nang Matapat at Pinagpala ng Diyos



Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Ang Kristiyanog si Cheng Nuo ay isang doktor. Sa buhay niya, nagpunyagi siyang maging matapat na tao ayon sa mga salita ng Panginoon. Minsan, sa isang pagtatalo tungkol sa paggamot sa isang pasyente, ipinagtapat niya sa mga kapamilya ng isang pumanaw na pasyente ang mga pagkakamali ng ospital.

Hul 31, 2019

ebanghelyo | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"

  


ebanghelyo | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"

Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho.

Hul 16, 2019

Tagalog Christian Songs- Nilikha ng Diyos ang Kalangitan, Lupa at Lahat ng Bagay Para Sa Sangkatauhan



I
Lahat ng bagay ay magkaugnay, nagtutulungan,
sa pamamagitan nito,
ang kapaligiran ng tao ay napangangalagaan.
Sa ilalim ng prinsipyong ito,
ay makapagpapatuloy at mabubuhay.
Ang buhay sa ganitong kapaligiran,
tao ay maaaring lumago at magparami.

Hun 19, 2019

Pagkilala kay Jesus|Ang Disposisyon ba ng Panginoong Jesus ay Maawain at Mapagmahal Lamang?


Sa tuwing pag-uusapan natin ang Panginoong Jesus, iniisip nating lahat ang Kanyang masaganang pag-ibig para sa atin; personal Siyang pumunta sa mundo upang tubusin ang sangkatauhan at isang inosenteng Tao na ipinako sa krus, at ang aktong ito ay ganap na inihahayag ang Kanyang pag-ibig sa buong sangkatauhan. Sinasabi ng Biblia, “Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios, Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin, Upang liwanagan ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan; Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan” (Lucas 1:78–79). Bawat Kristiyano na tumatanggap sa kaligtasan ng Panginoon ay tinatamasa ang masaganang biyaya na ipinagkakaloob Niya sa atin at nararanasan natin ang kapayapaan at kaligayahang ibinibigay Niya sa atin. Kaya naman maraming tao ang naniniwala na ang disposisyon ng Panginoong Jesus ay habambuhay na mapagmahal at maawain.

May 8, 2019

Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos



Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi kayo pinagdusa ng Diyos, kung gayon, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na iniibig ang Diyos. Habang lalong lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang lalong lumalaki ang pagdurusa ng tao, lalong mas nagagawa nitong ipakita kung gaano makahulugan ang gawain ng Diyos, at lalong mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na ibigin ang Diyos.

Abr 28, 2019

Tagalog Christian Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God



Tagalog Christian Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. 
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.

Abr 23, 2019

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas"


Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob "Ang Ikapitong Pagbigkas" 


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?"

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Abr 15, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"



Tagalog Christian Songs | "Ang Kalooban ng Diyos ay Hindi Kailanman Magbabago"


I
Matagal nang nasa mundo ang Diyos,
ngunit kilala ba Siya?
Kaya tao'y kinakastigo ng Diyos.
Tila sila'y ginagamit ng Diyos
bilang layon ng Kanyang awtoridad.
Sila'y tila mga bala sa baril Niya,
at oras na iputok Niya ito,
isa-isa silang makakawala.
Ngunit hindi ito ang totoo,
ito'y kanilang imahinasyon.

Abr 11, 2019

Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


Tagalog church songs | Tanging Landas ng Sangkatauhan Upang Makapasok sa Kapahingahan


I
Yaong tumatayong matatag sa huling paglilinis ng Diyos
sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol
ay makakapasok sa huling pahinga.
Yaong nakalaya mula sa impluwensiya ni Satanas
ay makukuha ng Diyos at papasok sa huling kapahingahan.
Ang diwa ng paghatol at pagkastigo
ay upang linisin ang tao para sa kanyang huling pahinga.

Abr 1, 2019

Pag-bigkas ng Diyos|Paano dapat masusubukan ng isang tao na maging matapat?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Dapat kang maging tapat, at dapat manalangin upang alisan ang iyong sarili ng katusuhan sa iyong puso. Habang ginagamit mo ang panalangin upang dalisayin ang iyong sarili kung kinakailangan, at gamitin ito upang antigin ng Espiritu ng Diyos, ang iyong disposisyon ay unti-unting magbabago.

mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang pinakamababang antas na kinakailangan ng Diyos sa mga tao ay ang magawa nilang buksan ang kanilang mga puso sa Kanya. Kung ibibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sasabihin kung ano talaga ang nasa loob ng kanyang puso sa Diyos, kung gayon ang Diyos ay nakahandang gumawa sa tao; hindi gusto ng Diyos ang pilipit na puso ng tao, kundi ang kanyang dalisay at tapat na puso. Kung hindi tunay na sasabihin ng tao ang kanyang puso sa Diyos, kung gayon hindi aantigin ng Diyos ang puso ng tao, o gagawa sa loob niya. Kaya naman, ang pinakamahalagang bagay tungkol sa panalangin ay para sabihin ang mga salita ng iyong tunay na puso sa Diyos, pagsasabi sa Diyos ng iyong mga kapintasan at mapaghimagsik na disposisyon at ganap na pagbubukas ng iyong sarili sa Diyos. Sa gayon lamang magiging interesado ang Diyos sa iyong mga panalangin; kung hindi, kung gayon ay itatatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa iyo.

mula sa “Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang umaasal kagaya ng isang normal na tao ay ang makipag-usap nang may pagkakaugnay-ugnay. Ang ibig sabihin ng oo ay oo, ang hindi ay nangangahulugang hindi. Maging tapat sa katotohanan at magsalita nang akma. Huwag mandadaya, huwag magsinungaling.

mula sa “Ang Pagpapabuti ng Kakayahan ay para Matanggap ang Kaligtasan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa araw na ito, ang karamihan sa mga tao ay masyadong takot na dalhin ang kanilang mga pagkilos sa harap ng Diyos, at samantalang maaari mong linlangin ang laman ng Diyos, hindi mo malilinlang ang Espiritu ng Diyos. Ang lahat ng mga hindi nakatagal sa pagmamasid ng Diyos ay hindi kaayon ng katotohanan at dapat na palayasin, o ikaw ay magkakasala laban sa Diyos. Kaya, hindi alintana maging ito man ay kapag nananalangin ka, kapag ikaw ay nakikipag-usap o nakikisama sa iyong mga kapatid na babae at mga kapatid na lalaki, o kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin o gumagawa ng iyong gawain, kailangan mong ilaan ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kapag natupad mo ang iyong tungkulin, ang Diyos ay kasama mo, at hangga’t ang iyong hangarin ay tama at ito ay para sa gawain ng bahay ng Diyos, tatanggapin ng Diyos ang lahat mong ginagawa, kaya buong taimtim mong ialay ang iyong sarili sa pagtupad ng iyong tungkulin. ...

... Ang lahat ng iyong ginagawa, bawat pagkilos, bawat hangarin, at ang bawat tugon ay dapat na dalhin sa harapan ng Diyos. Iyon ay, ang iyong normal na buhay espirituwal, ang iyong mga panalangin, ang iyong pagiging malapit sa Diyos, ang pagkain at pag-inom sa salita ng Diyos, ang pakikipagsamahan sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, ang pamumuhay ng iyong buhay sa iglesia, at maging ang iyong paglilingkod sa iyong tambalan ay mga bagay lahat na dapat dalhin sa harapan ng Diyos at mamasdan Niya. Ito ang uri ng pagsasagawa na makatutulong sa iyo na umunlad sa buhay. Ang proseso ng pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay ang proseso ng pagdalisay. Habang lalo mong tinatanggap ang pagmamasid ng Diyos, mas lalo kang dinadalisay, habang lalo kang nakikiayon sa kalooban ng Diyos, nang upang hindi mo marinig ang tawag ng kabuktutan at pagkagumon sa kasamaan, at ang iyong puso ay mabubuhay sa harap ng Diyos; mas lalo mong matatanggap ang pagmamasid ng Diyos, mas lalo mong hinihiya si Satanas at tinatalikuran ang laman. Kaya, ang pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos ay isang landas na dapat isagawa ng mga tao. Maging anuman ang iyong ginagawa, maging sa panahon ng iyong pagsasamahan sa iyong mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung dadalhin mo ang iyong mga pagkilos at hahangarin ang pagmamasid ng Diyos, at kung ang iyong hangad ay upang sundin ang Diyos, ang iyong pagsasagawa ay mas tama. Kung ikaw ay isang tao na dinadala ang lahat ng iyong ginagawa sa harapan ng Diyos at tinatanggap ang Kanyang pagmamasid saka ka pa lamang magiging isang tao na tunay na nabubuhay sa harapan ng Diyos.

mula sa “Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay aprobado ng Diyos. Ibig sabihin, dahil tanggap ninyo na kayo ay kabilang sa tahanan ng Diyos, nararapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumasang-ayon sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng iyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian ka kung ganoon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan ka, hindi ka maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakahulugan ng hindi aprobado ng Diyos.

... Ang ibig sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; huwag kailanman magbulaan na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itinatago ang katotohanan; huwag kailanman gawin ang bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya sa mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magmagaling lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. ... Ang iba ay matino at maayos kung kumilos at partikular na “magalang makitungo” sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang ninyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at isa ka sa mga bihasang “makipagsosyalan,” masasabi Kong isa ka sa tiyak na ipinagwawalang-bahala ang Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng pagdadahilan at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi Kong lughang kinasusuklaman mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang nagaatubiling di-maibahaging pinagkakatiwalaan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—nangangahulugan, iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi Ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang gugulin ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat sa puntong iniisip lang ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi Ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian.

mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mar 31, 2019

Tagalog Christian Songs | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)


Tagalog Christian Songs | "Ang Pagpapakumbaba ng Diyos ay Kaibig-ibig" (Tagalog Song)

I
Nagpapakumbaba ang Diyos at gumagawa sa mga
marurumi't tiwaling tao para sila'y gawing perpekto. 
Naging tao ang Diyos.
S’ya’y nag-aalaga’t nagpapastol sa kanila,
lumalapit sa puso ng malaking pulang dragon
upang mailigtas at malupig ang mga tiwali,
ginagawa ang tungkulin ng pag-iiba’t pagbabago nila.
Nagpapakumbaba S’ya Mismo bilang tao
at tinitiis ang mga pasakit na dala nito.

Peb 26, 2019

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala.

Peb 22, 2019

Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos


Yixin Lungsod ng Shijiazhuang Lalawigan ng Hebei

Noon madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga kapatid, “Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ang pinakamainam; ito ang lahat na kailangan ng mga tao.” Inamin ko ito at sumang-ayon dito, nguni’t wala akong anumang naunawaan sa pamamagitan ng aking sariling karanasan. Nang maglaon, nakakuha ako ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin.

Peb 10, 2019

Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Siqiu Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwat ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ang mga hadlang sa buhay, at ang pag-abandona ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o tinitiis ang anumang ibang mga kasawian sa buhay, sa gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). lubha akong hindi nasisiyahan- ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito:

Ene 22, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Pagpapatuloy ng Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mfga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag.

Ene 16, 2019

Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko


Tagalog Christian Songs

Pag-ibig ng Diyos Pumapaligid sa Puso Ko


I
Araw ng katuwiran sumisikat sa Silangan.
O Diyos! Kaluwalhatian Mo'y pinupuspos ang langit at lupa.
Sinta ko, puso ko'y lukob ng pag-ibig Mo.
Mga naghahanap sa katotohanan—nagmamahal sa 'Yo.
Madaling-araw, mag-isa man,
pagninilay sa Kanyang mga salita dulot ay galak.
Magiliw Niyang mga salita, parang sa inang nagmamahal;
mga salita ng Kanyang paghatol, parang pangaral ng ama.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.
Walang ibang mahal sa mundo,
kundi ang Makapangyarihang Diyos, nang buong puso.

Ene 12, 2019

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX" (Ikatlong Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (III) (Ikatlong Bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nang nilkha ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan upang mabalanse sila, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa mga kabundukan at mga lawa, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay para sa lahat ng halaman at lahat ng mga uri ng mga hayop, mga ibon, mga insekto—ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang upang mabuhay at magparami sa loob ng mga kautusang Kanyang itinatag. Ang lahat ng nilalang ay hindi makalalabas sa mga kautusang ito at hindi sila maaaring labagin. Sa loob lamang ng ganitong uri ng kapaligiran maaaring ligtas na makapanatili at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi."

Manood ng higit pa:Ang tinig ng Diyos

Ago 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan. 
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

Peb 9, 2018

Kristiyanong Video | “Umuwi ang isang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kristiyanong Video “Nakauwi na ang Pagala-galang Puso” | Hanapin ang Tunay na Buhay

Magmula noong maliit siya, naniwala si Novo sa Panginoong Jesus, tulad ng kanyang ina. Kahit na madalas siyang nagbabasa ng Biblia, nagdarasal, at dumadalo sa mga sermon, madalas niyang hindi mapigilang sundan ang mga masasamang kalakaran ng mundo, hanapin ang mga kasayahan ng laman, at magsinungaling at mandaya … Maraming beses siyang nagpasyang iwaksi ang buhay na paulit-ulit sa pagkakasala at pangungumpisal, pangungumpisal at pagkakasala. Subalit, palagi siyang nabibigo. Paglaon, noong nagtatrabaho si Novo sa Taiwan, narinig niya ang ebanghelyo ng kaharian, at sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos naisip niya na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, at na ang Kanyang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa mga huling araw ay ganap na makakayang lutasin ang problema ng makasalanang kalikasan ng sangkatauhan. Kaya tinanggap niya ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw nang may pusong puno ng galak. Pagkalipas ng dalawang taon, bumalik si Novo sa Pilipinas at sinimulang tuparin ang kanyang tungkulin sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natagpuan niya ang kanyang layunin at direksyon sa buhay, at magmula noon nakauwi na sa wakas ang kanyang pagala-galang puso.
Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan