菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Dis 26, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

 Ang Banal na Espiritu, buhay, Jesus, Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakágáwâ ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

    Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, nakágáwâ ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay nakágáwâ ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.

Dis 24, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

Cristo, daan, kaluwalhatian, pananampalataya sa Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ikaw ba ay Tunay na Mananampalataya sa Diyos?

    Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang ordinaryo lamang. Sa kabila nito, ikaw ay nanatiling tagasunod ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagsasamahan tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Dis 23, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Biblia, buhay, Diyos, Jesus

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

    Nais mo bang makita si Jesus? Nais mo bang mabuhay kasama si Jesus? Nais mo bang marinig ang mga salitang sinambit ni Jesus? Kung gayon, paano mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Handang-handa ka na ba? Sa anong paraan mo sasalubungin ang pagbalik ni Jesus? Sa palagay Ko bawat kapatid na lalaki at babae na sumusunod kay Jesus ay gugustuhing malugod na salubungin si Jesus. Ngunit naisip na ba ninyo kung talagang makikilala ninyo si Jesus pagbalik Niya? Talaga bang mauunawaan ninyo ang lahat ng sinasabi Niya? Talaga bang tatanggapin ninyo, nang walang pasubali, ang lahat ng gawaing ginagawa Niya? Alam ng lahat nang nagbasa ng Biblia na babalik si Jesus, at lahat nang nagbasa ng Biblia ay taimtim na hinihintay ang Kanyang pagdating. Nakatutok kayong lahat sa pagdating ng sandaling iyon, at kapuri-puri ang inyong katapatan, nakakainggit ang inyong pananampalataya, ngunit natatanto ba ninyo na nakagawa kayo ng malubhang pagkakamali? Sa anong paraan babalik si Jesus? Naniniwala kayo na si Jesus ay babalik na nasa ibabaw ng puting ulap, ngunit ito ang tanong Ko sa inyo: Ano ang tinutukoy ng puting ulap na ito? Sa napakaraming alagad ni Jesus na naghihintay sa Kanyang pagbalik, kanino Siya bababa? Kung sa inyo unang bababa si Jesus, hindi ba ito ituturing ng iba na lubhang di-makatarungan? Alam Ko na napakamataimtim at napakamatapat ninyo kay Jesus, ngunit nakaharap na ba ninyo si Jesus? Alam ba ninyo ang Kanyang disposisyon? Nakasama na ba ninyo Siya? Gaano ba talaga ninyo nauunawaan ang tungkol sa Kanya? Sasabihin ng ilan na ang mga salitang ito ay naglalagay sa kanila sa nakakaasiwang kalagayan. Sasabihin nilang, “Napakaraming beses ko nang nabasa ang Biblia mula simula hanggang wakas. Paano ko hindi mauunawaan si Jesus? Huwag na nating intindihin ang disposisyon ni Jesus—alam ko pa nga ang kulay ng damit na gusto Niyang isuot. Hinahamak Mo ba ako kapag sinasabi Mo na hindi ko Siya nauunawaan?” Iminumungkahi Ko na huwag kang makipagtalo sa mga usaping ito; mas mabuti pang huminahon at pagsamahan ang tungkol sa sumusunod na mga tanong: Una, alam mo ba kung ano ang katotohanan, at ano ang teoriya? Ikalawa, alam mo ba kung ano ang pagkaintindi, at ano ang katotohanan? Ikatlo, alam mo ba kung ano ang akala, at ano ang totoo?

Dis 22, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Diyos, kapalaran, maghanap, soberanya


Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

   Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nanggawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ngDiyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walangmaaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ngaraw na dumating ang pag-iral ng taoang Diyos ay naging matatag sa Kanyanggawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanangtinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ngpagsasaayos ng kamay ng DiyosAng puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ngDiyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.

Dis 19, 2017

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo

Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi
  Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

Dis 17, 2017

Ang tinig ng Diyos | The Path … (5)

Daan, Kaalaman, praktikal, Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | The Path … (5)

  It used to be that no one knew the Holy Spirit, and they particularly did not know what the path of the Holy Spirit is. That’s why people always made fools of themselves in front of God. It can be said that nearly all of the people who believe in God do not know the Spirit, but just have a confused kind of belief. It’s clear from this that people do not understand God, and even though they say they believe in Him, in terms of the essence of it, based on their actions they believe in themselves, not God. From My personal actual experience, I can see that God witnesses God in the flesh, and from the outside, all people are forced to acknowledge His witness, and it can just barely be said that they believe that the Spirit of God is completely without error. However, I say that what people believe in is not this person and it particularly is not God’s Spirit, but they believe in their own feeling. Isn’t that just believing in themselves? These words I say are all true. It’s not labeling people, but I do need to clarify one thing—that people could be brought to this day, whether they have clarity or they are confused, this is all done by the Holy Spirit and it is not something that humans can dictate. This is an example of what I’ve mentioned before about the Holy Spirit forcing people’s belief. This is the way that the Holy Spirit works, and it is one path that the Holy Spirit takes. No matter whom people believe in in essence, the Holy Spirit forcefully gives people a type of feeling so that they believe in the God in their own heart. Isn’t this the kind of belief that you have? Don’t you feel that your belief in God is a strange thing? Don’t you think that it’s a strange thing that you are unable to escape from this stream? Haven’t you put any effort into pondering this? Isn’t this the greatest sign and wonder? Even if you’ve had the urge to escape many times, there’s always a great life force that attracts you and makes you reluctant to walk away. And every time you encounter this you are always choked up and sobbing, and you don’t know what to do. And there are some of you who try to leave, but when you try to go, it’s like a knife to your heart, and it’s as if your soul was taken from you by a ghost on earth so that your heart is restless and without peace. After that, you can’t help but steel yourself and return to God…. Haven’t you had this experience? I believe that the young brothers and sisters who are able to open up their hearts will say: “Yes! I’ve had so many of these experiences; I am so ashamed to think of them!” In My own daily life I am always happy to see My young brothers and sisters as My intimates because they are full of innocence—they are pure and so lovable. It’s as if they are My very own companions. This is why I’m always looking for an opportunity to bring all of My intimates together, to talk about our ideals and our plans. May God’s will be carried out in us so that we are all like flesh and blood, without barriers and without distance. May we all pray to God: “Oh God! If it is Your will, we plead with You to provide us with an appropriate environment so that we may all realize the wishes in our hearts. May You have mercy on those of us who are young and lacking in reason, so that we may exert every drop of strength in our hearts!” I believe that this must be God’s will because long ago, I made the following supplication in front of God: “Father! We on earth call out to You at all times, and hope that Your will may be completed soon on earth. I am willing to seek Your will. May You do what You want to, and complete what You have entrusted to Me as soon as possible. As long as Your will can be accomplished as soon as possible, I am even willing for You to open up a new path among us. My only hope is that Your work can be completed soon. I believe that no rules can hold Your work back!” This is the work that God is doing now. Haven’t you seen the path that the Holy Spirit is taking? When I encounter older brothers and sisters, there’s always a feeling of oppression that I can’t put My finger on. It’s only when I’m with them that I can see that they reek of society, and their religious notions, experiences with handling things, their ways of speaking, the words they use, etc., are all exasperating. It’s as if they are full of wisdom and I always stay far away from them because personally, My philosophy of life is very lacking. When I am with them I always feel exhausted and overtaxed, and sometimes it becomes so serious, so oppressive that I can hardly breathe. So at these perilous times, God gives Me the best way out. Perhaps it’s My own misconception. I only care about what benefits God; carrying out God’s will is most important. I keep far away from these people, and if God requires Me to deal with them, then I obey. It’s not at all that they are detestable, but it’s that their “wisdom,” notions, and philosophies of life are so irritating. I’m here to complete what God has entrusted Me with, not to learn from their experiences with handling affairs. I remember that God once told Me the following: “On the earth, seek the will of the Father and complete what He has entrusted You with. All else is irrelevant for You.” When I think of this I feel a bit of peace. This is because I always feel that earthly matters are too complicated and that I can’t wrap My head around them—I never know what to do. So I don’t know how many times I’ve been so distraught for this and have hated mankind—why are people so complicated? What’s wrong with being a little simpler? Trying to be clever—why bother? When I deal with people for the most part it’s on the basis of God’s commission for Me, and even though there have been a few times that this wasn’t the case, who can possibly know what’s hidden deep in My heart?

Dis 12, 2017

Ang Landas… (2)

Diyos, Pag-asa, Panalangin, praktikal

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Landas… (2)

    Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.

Nob 29, 2017

Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

 Kaalaman, Mahalin ang Diyos, Paghatol, palaganapin

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

    Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.