菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 7, 2020

Ang Makapangyarihang Diyos ba at ang Panginoong Jesus ay Iisang Diyos?

 Noong ang sangkatauhan ay nagawang tiwali ni Satanas, sinimulan ng Diyos ang Kanyang plano ng pamamahala para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Isinagawa ng Diyos ang tatlong yugto ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan.Noong Kapanahunan ng Kautusan, ibinigay ng Diyos na Jehova ang mga batas at ginabayan ang buhay ng sangkatauhan, ipinapaalam sa mga tao na dapat nilang sambahin ang Diyos, at ipinapaalam sa kanila kung ano ang kasalanan.

Hul 22, 2020

Sinabi ng Panginoong Jesus na Siya ay babalik, at ano ang paraan ng Kanyang pagbabalik?

Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon.

Hul 17, 2020

Bakit sinasabi na mas kailangan ng tiwaling sangkatauhan ang pagliligtas ng Diyos na naging tao?

(Mga Piling Talata ng Salita ng Diyos)

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Hul 15, 2020

Daily Devotion Tagalog: 4 na Paraan Upang Mapanatili ang Isang Malapit na Relasyon sa Diyos


Sinasabi ng Bibliya, “Magsilapit kayo sa Dios, at siya’y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8). Bilang mga Kristiyano, sa pamamagitan lamang ng paglapit sa Diyos at pagkakaroon ng isang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya at saka natin mapananatili ang isang normal na relasyon sa Diyos at matamo ang gawain ng Banal na Espiritu. Katulad lang ito ng dalawang taong nakikipag-ugnayan sa bawat isa, na mapananatili lamang nila ang kanilang malapit na relasyon sa mahabang panahon sa pamamagitan ng pagiging bukas sa isa’t isa, madalas na pakikipag-usap kapag nahaharap sila sa mga isyu, at sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa isa’t isa. Nguni’t sa panahong ito na ang lahat ay napakabilis, ang sobrang daming trabaho, kumplikadong mga relasyon at masasamang kalakarang panlipunan ang humahatak sa atin at madalas na sumasakop sa ating panahon. Ang ating mga puso ay madaling mabagabag ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay sa sanlibutan, at pinipigilan tayong mapanatili ang normal na relasyon sa Diyos. Ito ang nagdadala sa atin palayo nang palayo sa Diyos, at kapag nahaharap tayo sa mga isyu, nagiging mas mahirap para sa atin na mapanatag ang ating mga sarili sa harapan ng Diyos, na lumapit sa Diyos at hanapin ang kaliwanagan at gabay ng Banal na Espiritu. Kapag gumagawa tayo ng mga bagay, kadalasan ginagawa natin ang mga ito nang walang ano mang tamang direksyon o layunin, at ang ating mga espiritu ay patuloy na nasa kalagayan ng kahungkagan at pagkabalisa. Kaya’t paano natin tiyak na mapananatili ang isang malapit na relasyon sa Diyos? Kailangan lang nating maunawaan ang apat na puntos sa ibaba, at ang ating relasyon sa Diyos ay siguradong mas magiging malapit.

Hul 13, 2020

Paano ang Pagbabasa ng Bibliya: 3 Pangunahing Punto


Ni: Xiao Xiao, Pransya

Ang pagbabasa ng Biblia ay isang pang-araw-araw na pangangailangan para sa mga Kristiyano, at lubos din itong kailangan sa landas upang kamtin ang katotohanan at limago sa ating mga espiritwal na buhay. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa’t salitang lumalabas sa bibig ng Dios” (Mateo 4:4). Maliwanag na, ang madalas na pagbabasa ng mga salita ng Diyos sa Biblia at ang matatag na panghahawak sa mga ito sa ating mga puso ay isang bagay na dapat gawin ng bawat Kristiyano. Gayunpaman, ang bawat isa sa atin ay nagkaroon ng sumusunod na karanasan sa ating pagbabasa sa Banal na Kasulatan: Minsan natatamo natin ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu; ang ating espiritu ay nakikilos, nauunawaan natin ang kalooban at mga hinihingi ng Diyos at mayroong pananampalataya upang isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na buhay. Pagkatapos ng ilang panahon, lumalago tayo sa ating mga espiritwal na buhay. Ngunit may mga pagkakataon, nawawalan tayo ng gana at hindi nasisiyahan sa pagbabasa natin ng Biblia at hindi madama ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Wala tayong diwa ng kalooban at mga hinhingi ng Diyos, at lalo pang hindi natin nalalaman kung paano isagawa ang mga salita ng Diyos sa ating pang-araw-araw na mga buhay, at pagkalipas ng ilang sandali, hindi natin nararansasan ang espiritwal na paglago. Minsan inaantok pa tayo habang nagbabasa ng Biblia at nagiging lalong hindi gaanong handa na basahin ang Banal na Kasulatan, daluhan ang mga pagtitipon, at manalangin. Nakalilito talaga ang ganito. Binabasa natin ang Biblia kagaya ng lagging ginagawa, kaya bakit mayroong dalawang kinalabasan? Paano natin matatamo ang pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu upang magtamo tayo ng magandang resulta sa pagbabasa natin ng Banal na Kasulatan? Ang totoo, hangga’t nauunawaan natin ang tatlong mahahalagang punto, malulutas natin ang usaping ito. Susunod, nais kong talakayin ang aking simpleng pagkaunawa sa mga ito.

Hul 11, 2020

Ano ang Kahulugan ng Pahinga sa Biblia?

Ang salitang “pahinga” ay literal na nangangahulugang mag-relaks sa kapayapaan; ipinahihiwatig din nito ang pagluluksa ng mga tao para sa mga patay. Sa Biblia, ang salitang “pahinga” ay lumilitaw nang dalawang daang beses. Kaya, ano nga ba ang kahulugan ng “pahinga” sa Biblia?

Ang salitang “pahinga” ay unang lumitaw sa Aklat ng Genesis 2:1-3: “At nayari ang langit at ang lupa, at ang lahat na natatanaw sa mga iyon. At nang ikapitong araw ay nayari ng Dios ang kaniyang gawang ginawa; at nagpahinga ng ikapitong araw sa madlang gawa niyang ginawa. At binasbasan ng Dios ang ikapitong araw at kaniyang ipinangilin, sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.” Alam ng lahat ng mga nagbabasa ng Biblia na nilikha ng Diyos na Jehova ang langit, lupa, dagat at lahat ng mga bagay sa kanila sa loob ng anim na araw, at sa ika-anim na araw ay nilalang Niya sina Adan at Eba sa Kanyang sariling larawan at ipinagkaloob sa kanila ang kapangyarihan ng pamamahala ng lahat ng bagay. Maaari silang makipag-usap sa Diyos at nanirahan sa isang maligayang buhay sa ilalim ng pag-aalaga at proteksyon ng Diyos. Iyon ang maginhawang buhay na mayroon ang sangkatauhan sa paninirahan sa Hardin ng Eden. Nang makita ng Diyos ang lahat ng Kanyang nilikha, ang Kanyang puso ay nagkamit ng kaginhawahan, kasiyahan at kaligayahan, at hininto Niya ang lahat ng Kanyang gawain at nagpahinga. Ito ay nagpapahiwatig na ang gawain ng paglikha ng Diyos ay dumating sa isang matagumpay na konklusyon. At ito ang kahulugan ng mga salitang “sapagka’t siyang ipinagpahinga ng Dios sa madlang gawang kaniyang nilikha at ginawa.”

Hul 7, 2020

Bakit ang mga simbahan sa ngayon ay nalulungkot?

Tanong: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw. Sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, hindi sinunod ng mga pinunong Judio ang mga utos ng Diyos, tinahak nila ang sarili nilang landas at kinalaban ang Diyos; ito ang pangunahing dahilan na tuwirang nagresulta sa kapanglawan ng templo. Inilantad at kinagalitan ng Panginoong Jesus ang mga Fariseo, na nagsasabing: “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! sapagka’t tulad kayo sa mga libingang pinaputi, na may anyong maganda sa labas, datapuwa’t sa loob ay puno ng mga buto ng mga patay na tao, at ng lahat na karumaldumal. Gayon din naman kayo, sa labas ay nangagaanyong matuwid sa mga tao, datapuwa’t sa loob ay puno kayo ng pagpapaimbabaw at ng katampalasanan” (Mateo 23:27-28).

Hul 4, 2020

Ano ang Tinutukoy na mga Mananagumpay sa Biblia?


Kapag naririnig nila ang tungkol sa “mananagumpay,” karamihan sa mga Kristiyano ay iniisip na ang mga gumagawa at nagtatrabaho para sa Panginoon, na kayang panatilihin ang pangalan ng Panginoon, na kayang umupo sa kulungan sa loob ng maraming taon nang hindi itinatatwa ang Panginoon, at nakaranas ng iba’t ibang pag-uusig at kapighatian ngunit nagagawa pa ring magpatotoo, ang mga mananagumpay na tinutukoy sa Pahayag. Tama ba ang pananaw na iyon? Ano nga ba talaga ang tinutukoy na mga mananagumpay sa Biblia?

Hul 3, 2020

Ano ang Kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus?

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Hul 2, 2020

Kailangang maunawaan ng isang tao na ang mensaheng ipinalalaganap ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya ang tanging daan tungo sa pagsisisi.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17).

“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

“At ipangaral sa kaniyang pangalan ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan sa lahat ng mga bansa, magbuhat sa Jerusalem” (Lucas 24:47).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Sa simula, ipinakalat ni Jesus ang ebanghelyo at ipinangaral ang paraan ng pagsisisi, pagkatapos ay natuloy ito sa bumautismo ng tao, pagpapagaling ng karamdaman, at magpalayas ng mga demonyo. Sa katapusan, tinubos Niya ang sangkatauhan mula sa kasalanan at kinumpleto ang Kanyang trabaho para sa buong panahon.

Hun 26, 2020

Parabula ng Sampung Dalaga




1Kung magkagayon ay makakatulad ang kaharian ng langit ng sangpung dalaga, na kinuha ang kanilang mga ilawan, at nagsilabas upang salubungin ang kasintahang lalake.

Hun 23, 2020

Ano ang katotohanan? Ano ang kaalaman at doktrina sa Biblia?



Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin, … na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:1, 14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan” (Juan 17:17).

“At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat, Ang bayang ito’y iginagalang ako ng kaniyang mga labi, Datapuwa’t ang kanilang puso ay malayo sa akin. Datapuwa’t walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao. Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali’t-saling sabi ng mga tao. At sinabi niya sa kanila, Totoong itinatakuwil ninyo ang utos ng Dios, upang mangaganap ninyo ang inyong mga sali’t-saling sabi. … Na niwawalang kabuluhan ang salita ng Dios ng inyong sali’t-saling sabi, na inyong itinuro: at nagsisigawa kayo ng iba pang maraming bagay na kawangis nito” (Marcos 7:6-9, 13).

Hun 20, 2020

Totoo Nga Bang Walang Nakakaalam Kung Kailan Darating ang Diyos


Ni Xia Han, China

Ito ang kritikal na oras ng pagdating ng Panginoon sa mga huling araw. Maraming tao ang saksi na nagbalik na ang Panginoon, ngunit sinabi ng Pastor na walang nakakaalam kung kailan darating ang Panginoon, dahil sinasabi sa Biblia: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Kung kaya’t lahat ng mga balitang nagsasaad na nagbalik na ang Panginoon ay mali. Isa pa, sinabi niya sa’ming huwag makikinig, manonood o lalapit sa ganoong klase ng balita baka sakaling malinlang kami. Totoo ba talaga ang mga salita niya? Kung talagang nagbalik na nga ang Panginoon at hindi tayo makikinig, manonood o lalapit sa mga nakasaksi ng pagbabalik ng Panginoon, magagawa ba nating salubungin ang Panginoon? Ngayon tayo ay magbabahagian tungkol sa isyung ito.

Hun 10, 2020

Kailan Babalik ang Panginoong Jesus? Paano natin Siya Sasalubungin?

Ni Xinjie
Lumitaw na ang apat na mapulang buwan, at ang mga sakuna tulad ng mga lindol, taggutom, at mga epidemya ay mas nagiging karaniwan. Ang mga hula ng pagbabalik ng Panginoon ay talagang natupad na, at hayagan nang nagpatotoo online ang ilang tao na Siya ay dumating na. Naguguluhan ang ilang kapatid, dahil malinaw na nakasulat sa Biblia: “Nguni’t tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang” (Mateo 24:36). Paano nila malalaman na nagbalik na ang Panginoon? Talaga bang nagbalik na Siya? Ano ang dapat nating gawin para masalubong Siya? Magbahaginan tayo tungkol sa tanong na ito.

Hun 3, 2020

Kristiyanong Sermon: Ang Kahulugan ng Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay

Ni Cheng Hang

Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.

Hun 2, 2020

Isang Diskusyon sa Kung Ano ang Tunay na Pagsisisi

Ni Liu Shuo

Pansin ng Patnugot: : Sabi ng Panginoong Jesus: “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17). Makikita na yaon lamang mga tunay na nagsisisi ang makakapasok sa kaharian ng langit. Maraming kapatid ang nag-iisip nang matagal kapag nagdarasal sila sa Panginoon at umaamin sa kanilang mga kasalanan, umiiyak nang husto, iyan ang tunay na pagsisisi. Gayunman, nagdududa ang ilan: “Kahit maaari tayong magdasal sa Panginoon at mangumpisal, madalas pa rin tayong nagkakasala at lumalaban sa Kanya. Ito ba ang tunay na pagsisisi? Talaga bang madadala tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon?” Kaya, ano ang tunay na pagsisisi? Tingnan natin kung paano naghahanap ng mga sagot ang mga magkakatrabahong ito sa isang pulong sa pag-aaral ng Biblia.

May 22, 2020

Alin ang mas Dakila: Ang Diyos, o ang Biblia? Ano ang Pagkakaugnay ng Diyos at ng Biblia?

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos.Mula noong panahong mayroong Biblia, ang pananalig ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay nananalig sa Panginoon, mas mabuti pang sabihin na naniniwala sila sa Biblia; sa halip na sabihing nagsimula na silang magbasa ng Biblia, mas mabuti pang sabihing nagsimula na silang maniwala sa Biblia; at sa halip na sabihing nagbalik na sila sa Panginoon, mas mabuti pang sabihing nagbalik na sila sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na para bang ito ang Diyos, na para bang ito ang kanilang ikinabubuhay at ang mawalan nito ay kapareho ng mawalan ng kanilang buhay. Itinuturing ng mga tao ang Biblia na kasintaas ng Diyos, at may mga tao pa na itinuturing itong mas mataas pa kaysa sa Diyos.

May 21, 2020

Di ako sang-ayon sa sinabi mo! Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang paglayo sa Biblia!

Sagot: “Pananalig sa Diyos ang paniniwala sa Biblia. ‘Di pananalig sa Diyos ang pagtalikod sa Biblia.” Mali ang pahayag na ‘yan! Maililigtas ba ng Biblia ang mga tao? Mapapalitan ba ng Biblia ang Diyos? Mapapalitan ba ng Biblia’ng gawain ng Espiritu Santo? Makakatawan ba nito ang Diyos at magagawa ang paghatol Niya? Mas dakila ba ang Diyos, o mas dakila ang Biblia? Nauna ba ang Diyos, o nauna ang Biblia? Wala pang Biblia nung panahon ni Abraham, kaya masasabi niyo bang hindi nanalig si Abraham sa Diyos? Wala pang Biblia nang pamunuan ni Moises ang mga Israelita palabas ng Egipto, kaya masasabi niyo ba na hindi nanalig si Moises sa Diyos? Ang Diyos ay Diyos, ang Biblia ay Biblia. Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos, at ang Biblia ay hindi ang Diyos. Ang Biblia ay talaan lang ng kasaysayan ng nakaraang gawain ng Diyos, mga patotoo lang tungkol sa Diyos. Di mapapalitan ng Biblia ang gawai’t pahayag ng Diyos sa mga huling araw, at ‘di rin nito mapapalitan ang Diyos sa pagliligtas sa tao. Kaya ‘di tulad ng paniniwala sa Biblia’ng pananalig sa Diyos. Kapag itinuring ng mga tao na Diyos ang Biblia, malubhang pagkalaban at paglapastangan ‘yan sa Diyos! Ang Biblia ay isang patotoo lang sa gawain ng Diyos. ‘Di pwedeng katawanin ng Biblia’ng Diyos sa pagbibigay ng buhay, at ‘di nito mapapalitan ang gawain ng Espiritu Santo.

May 20, 2020

Alamin ang layunin ng tatlong yugto ng gawain ng pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, isang plano na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: ang Kapanahunan ng Kautusan sa pasimula; ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at ang Kapanahunan ng Kaharian sa mga huling araw. Ang aking gawain sa tatlong kapanahunang ito ay nagkakaiba sa nilalaman ayon sa kalikasan ng bawat kapanahunan, ngunit sa bawat yugto ito ay tumutugma sa mga pangangailangan ng tao-o, upang maging mas tumpak, ito ay tinutupad batay sa mga panlilinlang na ginagamit ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas, at sa gayon ay iligtas ang buong lahi ng tao, na namumuhay sa ilalim ng sakop nito. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang ibinubunyag ang di-matiis na pagiging kakila-kilabot ni Satanas. Lalong higit pa, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na kumiling sa pagitan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita nang malinaw na si Satanas ay kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mababa, ang siyang masama, at upang makita, nang may katiyakang walang-pasubali, ang pagkakaiba sa pagitan ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, at kung ano ang dakila at kung ano ang hamak. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay makakayang maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lamang-ang Panginoon ng sangnilikha-ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa tao ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha at nang naglaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na maging Aking mga saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan.

May 14, 2020

Anong Uri ng Iglesia ang Maituturing na may Gawain ng Banal na Espiritu

Kumusta mga kapatid ng Espirituwal na Tanong at Sagot,

Ilang buwan na ang nakararaan, nasaksihan ko ang pagpapaligsahan sa isa’t isa ng mga pastor sa aming iglesia para sa katanyagan at pagtamo at pandaraya para sa posisyon. Sa kalabisan ay inatake at siniraan pa nila ang isa’t isa sa mga sermon. Hindi nakakaaliw pakinggan ang mga sermon nila, at walang sustansiyang nakukuha ang aming mga espiritu. Idagdag pa doon, laganap ang paglamig ng pananampatalaya ng mga kapatid. Hinahanap nila ang kayamanan, nag-iimbot sila sa kasiyahan ng laman at sumusunod sila sa mga makamundong kalakaran, inilalaan ang buong atensiyon nila sa pagkain, pag-inom at pagsasaya. Mas madalas na basta na lamang hindi dumadalo sa mga pagtitipon ang ilang mga kapatid, ngunit sa halip ay pumupunta lang kapag may nangyaring sakuna sa kanilang mga buhay o kapag mayroong importanteng pista … Naharap sa ganitong sitwasyon sa iglesia namin, umalis ako upang humanap ng iglesia na mayroong gawain ng Banal na Espiritu. Gayunman, naghanap ako sa maraming lugar at natuklasan na karamihan sa mga iglesia ay katulad lang ng sa’min, at nag-umpisa akong mawalan ng pag-asa. Gayunman, kamakailan lang ay nakahanap ako ng iglesia na madalas magtanghal at nagdaraos ng mga pagdiriwang, at mayroon pa silang mga pastor na mula sa ibang mga bansa upang magbigay ng sermon. Napakainit at masigla ang kapaligiran sa iglesiang ito, at maraming tao ang dumadalo sa bawat pagtitipon. Habang tinitingnan ang iglesiang ito na napakasigla at sa mga kapatid na masigasig na dumalo sa mga pagtitipon, naisip ko na marahil ay mayroong paggawa ng Banal na Espiritu ang iglesia na ito. Gayunman, hindi nagtagal ay nadiskubre ko na kahit na tila masigla ang iglesia, ang mga sermon na ipinapangaral ng mga pastor ay hindi nakakapagbigay ng pakinabang sa buhay ng mga kapatid at hindi nagagawang paluguran ang aming mga espiritu. Ang patuloy na pag-awit at pagsayaw ay nagagawa lamang baguhin ang kapaligiran ng iglesia—habang nagaganap iyon, lahat kami ay napakasigla, ngunit kapag umupo na kami upang makinig sa pagbibigay ng sermon ng pastor, mag-uumpisa kaming antukin. Idagdag pa, palaging nagpapaligsahan ang mga kapatid sa mga donasyon at panalangin. Kung sino man ang magdonate ng marami ay itinuturing na isang taong mahal ang Panginoon, at kung sinuman ang nananalangin nang matagal at nagsasabi ng magagandang salita sa kanilang mga panalangin ay itinuturing na espirituwal na tao…. Sa ganitong uri ng iglesia, ang mga kapatid ay hindi lamang basta walang katapatan o kababaang loob ngunit bagkus ay lalo lamang tumitindi ang kanilang kahambugan at lalo silang nagiging ipokrito. Nakatuon sila sa pagpapahayag sa kanilang mga sarili at pagpapasikat sa harap ng iba at labis-labis ang pagiging mapagmagaling at arogante. Sa tuwing may nangyayaring isyu sa kanila, basta na lamang nila iyong hinaharap sa kung paanong paraan nila gusto, at hindi sila nakikinig kahit kanino pa—hindi nila sinusunod ang mga turo ng Panginoon. Nahaharap sa ganitong uri ng sitwasyon sa iglesia, hindi ko mapigilang isipin: Mayroon kayang gawain ng Banal na Espiritu ang isang iglesia na sa labas ay mukhang marubdob? Palagi na akong nalilito sa tanong na ito, kaya nais ko sanang humingi ng sagot sa inyo.