菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na soberanya. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 3, 2018

Cristianong Musikang | Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay

Diyos, soberanya, buhay, kapalaran



I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos,
tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.
Ganito mamuno ang Diyos.
Lahat ng mga bagay, may buhay o wala,
Magbabago, maglalaho, magsisimulang muli,
lahat ay matutupad sa kagustuhan ng Diyos.
Ganito mamuno ang Diyos.

May 23, 2018

Trailer ng Dokumentaryong "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | Pagsisiyasat sa mga Hiwaga ng Buhay


Abo sa Abo, Alabok sa Alabok
Walang hindi magkakasakit at mamamatay.
Walang makakapagbago sa mga batas ng pagtanda at pagkakasakit.
“Bakit tayo nabubuhay?
At bakit kailangan nating mamatay?
Sino ang namamahala sa mundong ito?”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

May 15, 2018

Bakit tayo nabubuhay? At bakit kailangan nating mamatay?

 daan, Diyos, kapalaran, soberanya

Sinasabi ng Diyos, “Yaong mga namamatay ay dinadalang kasama nila ang mga kwento ng nabubuhay, at yaong mga nabubuhay ay inuulit ang kaparehong kalunus-lunos na kasaysayan niyaong mga namatay.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Paanong Lumitaw ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Ene 30, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

Ang Kalooban ng Diyos | Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay. Siya ang Isa na hindi kailanman nakita ng tao, ang Isa na hindi kailanman nakilala ng sangkatauhan, na sa kanyang pag-iral ay hindi kailanman naniwala ang sangkatauhan, gayunma’y Siya ang Isa na huminga ng hininga tungo sa mga ninuno ng sangkatauhan at nagbigay ng buhay sa sangkatauhan. Siya ang Isa na nagtutustos at nagpapalusog sa sangkatauhan para sa kanyang pag-iral, at gumagabay sa sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon. Higit pa rito, Siya at Siya lamang ang inaasahan ng sangkatauhan para sa pananatiling buháy nito. Siya ang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng bagay at namamahala sa lahat ng nilalang na may buhay sa ilalim ng sansinukob. Siya ang nag-uutos sa apat na panahon, at Siya ang tumatawag sa hangin, hamog na nagyelo, niyebe, at ulan. Siya ang nagbibigay ng sikat ng araw sa sangkatauhan at nagpapasapit ng gabi. Siya ang naglatag ng mga kalangitan at lupa, nagkakaloob sa tao ng mga kabundukan, mga lawa at mga ilog at ng lahat ng mga nabubuhay na bagay sa loob nila. Ang Kanyang gawa ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang kapangyarihan ay nasa lahat ng dako, ang Kanyang karunungan ay nasa lahat ng dako, at ang Kanyang awtoridad ay nasa lahat ng dako. Ang bawa’t isa sa mga batas at patakarang ito ang pagsasakatawan ng Kanyang gawain, at ang bawa’t isa sa mga ito ay nagbubunyag ng Kanyang karunungan at awtoridad. Sino ang maaaring maglabas ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang kataasan? At sino ang makapag-aalis ng kanilang sarili mula sa Kanyang mga disenyo? Ang lahat ng mga bagay ay umiiral sa ilalim ng Kanyang titig, at higit pa rito, ang lahat ng mga bagay ay namumuhay sa ilalim ng Kanyang kataasan. Ang Kanyang gawa at ang Kanyang kapangyarihan ay pumipilit sa sangkatauhan na kilalanin ang katunayan na Siya ay talagang tunay na umiiral at Siyang pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Walang iba pang bagay bukod sa Kanya ang maaaring mag-utos sa sansinukob, mas lalong hindi makapagkakaloob nang walang-humpay sa sangkatauhang ito. Hindi alintana kung kaya mo mang kilalanin ang gawain ng Diyos, at walang-kinalaman kung ikaw man ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, walang duda na ang iyong kapalaran ay nakasalalay sa pagtatalaga ng Diyos, at walang duda na ang Diyos ang palaging pinakamataas sa ibabaw ng lahat ng mga bagay. Ang Kanyang pag-iral at awtoridad ay hindi nakabatay sa kung ang mga ito ba ay makikilala at maaabot ng tao o hindi. Siya lamang ang nakakaalam sa nakaraan ng tao, kasalukuyan at hinaharap, at Siya lamang ang maaaring makaalam sa kapalaran ng sangkatauhan. Hindi alintana kung ikaw man ay may kakayahang tanggapin ang katunayang ito, hindi na magtatagal bago masaksihan ng sangkatauhan ang lahat ng ito ng sarili niyang mga mata, at ito ang katunayan na malapit nang ipatupad ng Diyos.

Ene 2, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

Cristo, Diyos, Kaalaman, soberanya


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II

  Noong ating huling pulong ay naibahagi natin ang napakahalagang paksa. Naalala niyo ba kung ano iyon? Hayaan ninyong ulitin Ko. Ang paksa ng ating huling pakikisama ay ang: Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Mahalagang paksa ba ito para sa inyo? Aling mga bahagi ang pinakamahalaga para sa inyo? Gawain ng Diyos, Katangian ng Diyos, o ang Diyos Mismo? Saan kayo pinaka-interesado? Aling mga bahagi ang pinakagusto ninyong marinig? Alam kong mahirap ito para sa inyo na sagutin ang tanong na iyan, dahil ang disposisyon ng Diyos ay makikita sa lahat ng aspeto ng Kanyang trabaho, at ang Kanyang disposisyon ay palaging naisisiwalat sa Kanyang gawain at sa lahat ng lugar, at, sa katunayan, kumakatawan sa Diyos Mismo; sa pangkalahatang plano sa pamamahala ng Diyos, ang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay hindi mapaghihiwalay lahat mula sa bawat isa.

Dis 22, 2017

Pag-bigkas ng Diyos | Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

Diyos, kapalaran, maghanap, soberanya


Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao

   Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nanggawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ngDiyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walangmaaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ngaraw na dumating ang pag-iral ng taoang Diyos ay naging matatag sa Kanyanggawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanangtinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ngpagsasaayos ng kamay ng DiyosAng puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ngDiyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.