Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas
Kapag nakikinig ang lahat ng mga tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng mga bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawa’t tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan, tinatanglawan lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. Ibig sabihin, sa sandaling ito nagsisimula ang Diyos ng bagong gawain sa lupa, ipinahahayag sa mga tao ng buong sansinukob na “Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo.” Kaya, kailan ang oras na lumalabas ang kidlat mula sa Silangan? Kapag nagdidilim ang kalangitan at lumalamlam ang lupa iyon din ang kung kailan itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa mundo, at ang mismong sandali na malapit nang maligalig ang lahat sa ilalim ng kalangitan ng malakas na bagyo. Sa oras na ito, natataranta ang lahat ng tao, nangatatakot sa kulog, natatakot sa kislap ng kidlat, at lalo pang nasisindak sa pagdaluhong ng delubyo, anupa’t nagpipikit ng kanilang mga mata ang karamihan sa kanila at naghihintay na ilabas ng Diyos ang Kanyang poot at pabagsakin sila. At habang nagaganap ang iba’t ibang mga kalagayan, agad na lumalabas ang kidlat-silanganan. Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang soberanong kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat-silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat-silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buháy na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan tiyak na nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng Espiritung maka-pitong-ulit. Sa oras na ito, nagsisimulang lumabas ang kidlat-silanganan, at dahil sa pagkakaiba sa oras, nagkakaiba-iba rin ang antas ng pagliliwanag, at mayroon ding limitasyon sa saklaw ng kaningningan. Nguni’t habang kumikilos ang gawain ng Diyos, habang nagbabago ang Kaniyang plano—habang nagiiba-iba ang gawain sa mga anak at ng mga tao ng Diyos—lalong ginaganap ng kidlat ang likas na tungkulin nito, anupa’t nililiwanagan ang lahat sa buong sansinukob, at walang nananatiling latak o linab. Ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong planong pamamahala ng Diyos, at ang talagang bunga na tinatamasa ng Diyos. Hindi tumutukoy sa mga bituin sa kalangitan ang “mga bituin”, kundi sa lahat ng mga anak at mga tao ng Diyos na gumagawa para sa Diyos. Dahil nagpapatotoo sila sa Diyos sa kaharian ng Diyos, at kinakatawan ang Diyos sa kaharian ng Diyos, at dahil mga nilalang sila, tinatawag silang “mga bituin.” Tumutukoy sa mga pagbabago sa pagkakakilanlan at katayuan ang mga pagbabagong nagaganap: Nagbabago sila mula sa mga tao sa lupa tungo sa mga tao ng kaharian, at, higit pa, kasama nila ang Diyos, at nasa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos. Dahil dito, humahawak sila ng soberanyang kapangyarihan na kahalili ng Diyos, at nalilinis ang kamandag at mga dumi sa mga ito dahil sa gawain ng Diyos, sa kahuli-hulihan ay ginagawang angkop para sa paggamit ng Diyos at naaayon sa puso ng Diyos—na isang aspeto ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nililiwanagan ng silahis ng liwanag mula sa Diyos ang buong lupain, magbabago sa magkakaibang antas ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, at magbabago rin ang mga bituin sa langit, magpapanibago ang araw at ang buwan, at kasunod na magpapanibago ang mga tao sa lupa—na siyang kabuuan ng lahat ng mga gawaing nagawa ng Diyos sa pag-itan ng langit at lupa, at hindi kataka-taka.
Kapag nagliligtas ang Diyos ng mga tao—kung saan, natural, hindi kasama yaong mga hindi pinili—ay ang mismong sandali na nililinis at hinahatulan ng Diyos ang mga tao, at tumatangis nang may kapaitan ang lahat ng mga tao, o bumabagsak na nasasaktan sa kanilang mga higaan, o napababagsak at bumubulusok sa impiyerno ng kamatayan dahil sa mga salita ng Diyos. Salamat na lamang sa mga pagbigkas ng Diyos na nagsisimula silang makilala ang kanilang mga sarili. Kung hindi, ang mga mata nila ay magiging gaya ng sa isang inákáy-na-palaka—nakatingala, walang kumbinsido, walang nakakikilala sa kanilang mga sarili, walang alam kung ilang mga batong maliliit ang bigat ang kanilang timbang. Talagang natiwali ni Satanas ang mga tao sa isang punto. Eksaktong dahil sa pagka-makapangyarihan ng Diyos kaya nailalarawan nang napakaliwanag ang pangit na mukha ng tao, inuudyukan ang tao, matapos itong basahin, upang ihambing ito sa sarili niyang tunay na mukha. Alam ng lahat ng tao na tila napakalinaw sa Diyos kung gaano karami ang mga selula ng utak na mayroon sila sa kanilang mga ulo, bukod pa sa kanilang mga pangit na mukha o mga kaloob-loobang kaisipan. Sa mga salitang “Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito” makikita na isang araw, kapag nagtapos na ang gawain ng Diyos, nahusgahan na ng Diyos ang buong sangkatauhan. Walang makatatakas, pangangasiwaan ng Diyos ang mga tao ng buong sangkatauhan isa-isa, hindi kinakaligtaan kahit isa sa kanila, at saka lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. At kaya, sinasabi ng Diyos, “Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag.” Hamak at mababang mga hayop ang mga tao. Namumuhay sa mga kamay ni Satanas, tila nanganlong sila sa mga sinaunang kagubatan sa kaloob-looban ng mga bundok—nguni’t dahil ang lahat ng mga bagay ay hindi makatatakas sa pagsunog ng apoy ng Diyos, kahit nasa ilalim ng “proteksyon” ng mga puwersa ni Satanas, paano kaya sila makalilimutan ng Diyos? Kapag tinanggap nila ang pagdating ng mga salita ng Diyos, inilalarawan ng panulat ng Diyos ang sari-saring kakatwang anyo at mga nakapangingilabot na katayuan ng lahat ng mga tao; Nagsasalita ang Diyos angkop sa mga pangangailangan at mentalidad ng tao. Sa gayon, sa mga tao, nagmumukha ang Diyos na dalubhasa sa sikolohiya. Para bang isang sikologo ang Diyos, nguni’t para ding isang manggagamot ng panloob na medisina ang Diyos—hindi nga nakapagtataka na mayroon Siyang ganitong pag-unawa sa tao, na “masalimuot.” Higit na pinag-iisipan ito ng tao, higit na tumitindi ang pandama nila sa kamahalan ng Diyos, at lalo pa nilang nadarama na malalim at di-maarok ang Diyos. Para bang, sa pag-itan ng tao at ng Diyos, mayroong isang di-matatawid na mala-kalawakang hangganan, walang magagawa ang kahit sino sa kanila kundi panoorin ang isa, nguni’t para ding may pakialam ang dalawa sa isa’t isa mula sa magkabilang pampang ng Ilog Chu[a]. Ibig sabihin, tumitingin lamang sa Diyos ang mga tao sa mundo sa kanilang mga mata, hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong pag-aralan Siya nang malapitan, at isang damdamin lamang ng pagkapit ang mayroon sila. Sa kanilang mga puso, lagi silang may pakiramdam na kaibig-ibig ang Diyos, nguni’t dahil “walang puso at walang pakiramdam” ang Diyos, hindi sila nagkaroon ng pagkakataon kailanman na magsalita tungkol sa pagdadalamhati sa kanilang mga puso sa harapan Niya. Tulad sila ng isang magandang kabataang asawang-babae sa harap ng kanyang asawang-lalaki—na, dahil sa katapatan ng kanyang asawang-lalaki, ay hindi kailanman nagkaroon ng pagkakataong isiwalat ang kanyang tunay na mga damdamin. Mga miserableng nagtatakwil-sa-sarili ang mga tao, at sa gayon, dahil sa kanilang karupukan, dahil sa kanilang kawalan ng paggalang-sa-sarili, nadaragdagan kahit papaano nang di-namamalayan ang Aking pagkamuhi sa tao, at sumasambulat ang pagngangalit ng Aking puso. Sa isipan Ko, para bang nagdurusa Ako ng matinding-pagkadalâ. Matagal na Akong nawalan ng pag-asa sa tao, nguni’t dahil “Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain,” muli nag-ipon Ako ng lakas ng loob upang malupig ang buong sangkatauhan, upang mabihag at matalo ang malaking pulang dragon. Ang mga sumusunod ang orihinal na intensiyon ng Diyos: lupigin lamang ang mga inanak ng malaking pulang dragon sa Tsina; tanging ito ang maaaring ituring na pagkatalo ng malaking pulang dragon, ang pagkalupig sa malaking pulang dragon, at sapat na ito upang patunayan na namamahala ang Diyos bilang Hari sa buong mundo, pinatutunayan ang katuparan ng dakilang layon ng Diyos, at na may bagong pagsisimula ang Diyos sa lupa at Siya’y niluluwalhati sa lupa. Dahil sa pangwakas na magandang tanawin, hindi mapigilang ipahayag ng Diyos ang masidhing pagnanasa sa Kanyang puso: “Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso.” Makikita mula rito na kung ano ang naisakatuparan na ng Diyos ay yaong binalak ng Diyos, na patiunang-itinalaga ito ng Diyos, at mismong siyang ipinararanas at ipinamamalas ng Diyos sa mga tao. Maganda ang pag-asa ng kaharian, ang nagtagumpay ay ang Hari ng kaharian, mula ulo hanggang daliri ng paa walang anumang bakas ng laman at dugo, sagrado ang lahat sa Kanya. Nagniningning sa sagradong kaluwalhatian ang Kanyang buong katawan, lubusang di-nababahiran ng mga pantaong ideya, nag-uumapaw sa pagka-matuwid at aura ng langit ang Kanyang buong katawan, mula itaas pababa, at naglalabas ng isang nakabibighaning halimuyak. Tulad ng minamahal sa Awit ng mga Awit, lalong mas maganda Siya kaysa lahat ng mga banal, mas mataas kaysa mga sinaunang banal, huwaran Siya sa gitna ng lahat ng tao, at hindi maihahambing sa tao; hindi karapat-dapat ang mga tao na direktang tumingin sa Kanya. Walang sinuman ang maaaring makaabot sa maluwalhating mukha ng Diyos, sa anyo ng Diyos, o sa imahe ng Diyos, walang sinuman ang maaaring makipagtunggali, at walang sinuman ang maaaring madaling magpuri sa mga ito sa kanilang mga bibig.
Walang katapusan ang mga salita ng Diyos, tulad ng tubig na bumubulwak mula sa bukal na hindi kailanman natutuyuan, at sa gayon walang sinumang makaaarok sa mga misteryo ng planong pamamahala ng Diyos—gayunman sa Diyos, ang gayong mga misteryo ay walang hanggan. Gamit ang iba’t ibang mga paraan at wika, nakapagsalita nang maraming beses ang Diyos tungkol sa Kanyang pagpapanibago at pagbabagong-anyo ng buong sansinukob, sa bawa’t pagkakataon mas malalim kaysa sa huli: “Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral.” Bakit paulit-ulit na sinasabi ng Diyos gayong mga bagay? Hindi ba Siya natatakot na manghihimagod ang mga tao sa mga ito? Nag-aapuhap lamang ang mga tao sa gitna ng mga salita ng Diyos, nagnanais na makilala ang Diyos sa ganitong paraan, nguni’t hindi kailanman naaalala na suriin ang kanilang mga sarili. Kaya, ginagamit ng Diyos ang ganitong paraan upang maipaalala sa kanila, upang magawa sila na kilalanin ang kanilang mga sarili, upang mula sa kanilang mga sarili makilala nila ang pagsuway ng tao, at sa gayon malipol ang kanilang pagsuway sa harap ng Diyos. Sa pagkabasa na nais ng Diyos na “linisin at lutasin”, kara-karakang nababalisa ang kanilang damdamin, at tila humihinto rin sa paggalaw ang kanilang mga kalamnan. Agad silang nagbabalik sa harap ng Diyos upang punahin ang kanilang mga sarili, at sa gayon nakikilala ang Diyos. Pagkatapos nito—pagkatapos nilang matiyak ang kanilang ninanais—ginagamit ng Diyos ang pagkakataon upang ipakita sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon; sa gayon, direktang nakikibahagi ang mga tao sa kinasasaklawang espirituwal, at dahil sa bahaging ginagampanan ng kanilang paninindigan, nagsisimula ring gumanap ng isang papel ang kanilang mga isipan, na nagdaragdag ng saloobin sa pag-itan ng tao at Diyos—na higit na pakinabang sa gawain ng Diyos sa katawang-tao. Sa ganitong paraan, hindi namamalayang nagnanais ang mga tao na magbalik-tanaw sa nakalipas na panahon: Noon, naniwala ang mga tao sa loob ng maraming taon sa malabong Diyos, sa loob ng maraming taon, hindi sila napalaya kailanman sa kanilang mga puso, wala silang kakayahan ng malaking kasiyahan, at kahit na naniniwala sila sa Diyos, walang kaayusan sa kanilang mga buhay. Parang walang pagkakaiba bago sila naging mga mananampalataya, nananatili pa rin ang kanilang mga buhay na walang kabuluhan at walang pag-asa, parang isang uri ng pagkakasalabid ang kanilang paniniwala sa panahong iyon, at tila mas mabuti pang hindi sila nananampalataya. Dahil namasdan nila ang praktikal na Diyos Mismo ng kasalukuyan, parang napabago ang langit at lupa; napapagningning ang kanilang mga buhay, hindi na sila walang pag-asa, at dahil sa pagdating ng praktikal na Diyos, nadarama nilang matatag ang kanilang mga puso at mapayapa sa loob ng kanilang mga espiritu. Hindi na nila hinahabol ang hangin at sinusunggaban ang mga anino sa lahat ng ginagawa nila, hindi na walang-patutunguhan ang kanilang mga paghahabol at hindi na sila aalug-alog. Higit pang mas maganda ang buhay sa kasalukuyan, di-inaasahang nakapasok ang mga tao sa kaharian at naging isa sa bayan ng Diyos, at pagkatapos…. Sa kanilang mga puso, higit pang nag-iisip ang mga tao, higit ang katamisan, higit silang nag-iisip, higit na maligaya sila, at higit silang napasigla na ibigin ang Diyos. Kaya, nang hindi nila ito napapagtanto, napatitibay ang pagkakaibigan sa pag-itan ng Diyos at ng tao. Higit na minamahal ng mga tao ang Diyos, at higit na nakikilala ang Diyos, at padali nang padali ang gawain ng Diyos sa tao, at hindi na nito pinupuwersa o pinipilit ang mga tao, nguni’t sinusundan ang landas ng kalikasan, at ginaganap ng tao ang kanyang sariling natatanging katungkulan—kung magkagayon lamang nila unti-unting makakayang makilala ang Diyos. Ito lamang ang karunungan ng Diyos—hindi ito nagsasanhi ng kaliit-liitang pagsisikap, at ito ay napapasan ayon sa kalikasan ng tao. Kaya, sa sandaling ito sinasabi ng Diyos, “Sa oras ng Aking pagkakatawang-tao sa mundo ng tao, ang sangkatauhan ay dumating nang hindi sinasadya sa araw na ito sa tulong ng Aking gumabagay na kamay, dumating nang hindi sinasadya upang makilala Ako. Subalit, tulad ng kung paano tahakin ang landas na naghihintay sa daan, walang sinuman ang nakaka-alam, walang kahit isa ang may kamalayan, at kaunti pa rin ang sinumang may bakas ng direksyon kung saang landas siya nito dadalhin. Sa pamamagitan lamang ng Makapangyarihan na nagbabantay sa kanya magagawa ng sinuman na maglakad sa landas hanggang sa wakas; tanging ang ginabayan lamang ng kidlat sa Silangan ang maaaring makatawid sa ibabaw ng pintuan patungo sa Aking kaharian.” Hindi ba ito isang buod ng Aking inilarawan sa puso ng tao sa itaas? Dito nakasalalay ang mga lihim ng mga salita ng Diyos. Ang mga kaisipan sa puso ng tao ay kung ano ang sinasalita ng bibig ng Diyos, at kung ano ang sinasalita ng bibig ng Diyos ay hinahangad ng tao, at ang paglalantad ng puso ng tao ang talagang pinaka-pagkadalubhasa ng Diyos; kung hindi, paano magiging lubos na kumbinsido ang lahat? Hindi ba ito ang epekto na nais ng Diyos na makamit sa paglupig sa malaking pulang dragon?
Sa katunayan, tulad ng orihinal na intensyon ng Diyos, hindi nakasalalay sa mababaw na kahulugan nito ang kahulugan ng marami sa Kanyang mga salita. Sa marami sa Kanyang mga salita, sinasadya lamang na palitan ng Diyos ang mga pagkaintindi ng mga tao at inililihis ang kanilang pansin. Hindi nag-uugnay ang Diyos ng anumang kahalagahan sa mga salitang ito, at sa gayon maraming mga salita ang hindi karapat-dapat sa pagpapaliwanag. Kapag nakararating ang paglupig sa tao sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos sa puntong narating nito ngayon, nakaaabot ang lakas ng mga tao sa isang tiyak na punto, at kaya binibigkas ng Diyos pagkatapos nito ang higit pang mga salitang babala—ang konstitusyon na ipinahahayag Niya sa mga tao ng Diyos: “Kahit na ang mga tao na naninirahan sa lupa ay kasing dami ng mga bituin, kilala ko silang lahat na kasing linaw nang pagtingin ko sa Aking sariling palad. At, kahit ang mga tao na “umiibig” sa Akin ay kasing dami rin ng hindi mabilang na buhangin sa dagat, kaunti lamang ang Aking pinili: ang mga sumunod lamang sa maliwanag na ilaw, na hiwalay sa mga taong “umiibig” sa Akin.” Tunay nga, marami ang nagsasabi na iniibig nila ang Diyos, nguni’t kakaunti ang nagmamahal sa Kanya sa kanilang mga puso—na waring malinaw na maaaring makilala kahit nakapikit ang mga mata. Ito ang aktwal na sitwasyon ng buong mundo ng mga naniniwala sa Diyos. Sa ganito, nakikita natin na ngayon nababaling ang Diyos sa gawain ng paglipol ng mga tao, nagpapakita na ang ninanais ng Diyos, at ang nagbibigay-kasiyahan sa Diyos, ay hindi ang iglesia ngayon, kundi ang kaharian pagkatapos ng paglipol. Sa sandaling ito, karagdagan Siyang nagbibigay ng babala sa lahat ng “mapanganib na mga kalakal”: Malibang hindi kumikilos ang Diyos, sa sandaling nagsisimulang kumilos ang Diyos, mapapawi mula sa kaharian ang mga taong ito. Hindi kailanman ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang paimbabaw, laging Siyang kumikilos alinsunod sa alituntunin ng “isa ang isa at dalawa ang dalawa,” at kung may mga hindi Niya nais na tinitingnan, ginagawa Niya ang lahat ng posible upang pawiin ang mga ito upang pigilan sila mula sa pagdudulot ng problema sa hinaharap. Tinatawag itong “paglalabas ng basura at lubusang paglilinis.” Kapag inihahayag ng Diyos ang mga kautusang pang-administratibo sa tao yaon ang mismong sandali na ipinakikita Niya ang Kanyang mahimalang mga gawa at lahat ng nasa loob Niya, at sa gayon sinasabi Niya pagkatapos: “May mga mababangis na hayop na hindi mabilang sa mga bundok, ngunit ang lahat ng mga ito ay kasing bait ng mga tupa sa harap Ko; hindi maarok na misteryo na pumapailalim sa karagatan, ngunit ipinakita nila ang kanilang mga sarili sa Akin na kasing linaw ng lahat ng bagay sa ibabaw ng lupa; sa itaas na kalangitan ay ang mga kahariang di kailanman maaabot ng mga tao, gayun pa man Ako ay malayang naglalakad sa mga hindi mararating na kaharian.” Ganito ang pakahulugan ng Diyos: Bagaman magdaraya nang higit kaysa lahat ng bagay ang puso ng tao, at tila baga walang-katapusang mahiwaga tulad ng impiyerno ng mga pagkaintindi ng mga tao, alam ng Diyos ang aktwal na kalagayan ng tao tulad ng likod ng Kanyang kamay. Sa gitna ng lahat ng bagay, mas mabagsik at malupit na hayop ang tao kaysa isang mabangis na hayop, gayunpaman nasakop ng Diyos ang tao sa punto na walang maglakas-loob na bumangon at lumaban. Sa katunayan, tulad ng pagpapakahulugan ng Diyos, mas masalimuot kaysa lahat ng mga bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay ang kung ano ang iniisip ng mga tao sa kanilang mga puso, hindi ito maarok, nguni’t walang pagpapakundangan ang Diyos sa puso ng tao, tinatrato lamang Niya ito bilang isang maliit na uod sa harap ng Kanyang mga mata; sa pamamagitan ng isang salita mula sa Kanyang bibig, nilulupig Niya ito, sa anumang oras na nais Niya, pinababagsak Niya ito, sa kaliit-liitang paggalaw ng Kanyang kamay, kinakastigo Niya ito, at hinahatulan Niya ito kailanman gustuhin.
Ngayon, umiiral ang lahat ng tao sa gitna ng kadiliman, nguni’t dahil sa pagdating ng Diyos, nalalaman ng mga tao ang nilalaman ng liwanag resulta ng pagkakita sa Diyos, at sa buong mundo parang isang malaking itim na palayok ang naitaob sa ibabaw ng lupa; walang sinuman ang maaaring humugot ng hininga, nais nilang lahat na baligtarin ang sitwasyon, gayunpaman walang sinuman ang nakapag-angat ng itim na palayok kailanman. Dahil lamang sa pagkakatawang-tao ng Diyos na biglang nabuksan ang mga mata ng mga tao, at namalas nila ang praktikal na Diyos, at kaya, tinatanong sila ng Diyos sa tonong nagtatanong: “Hindi Ako kailanman nakilala ng tao sa liwanag, ngunit nakita lamang Ako sa mundo ng kadiliman. Kayo ba ay wala sa gayung-gayong sitwasyon ngayon? Iyon ay ang rurok ng pagdaluhong ng malaking pulang dragon nang Ako’y pormal na nagkatawang-tao upang gawin ang Aking gawain.” Hindi itinatago ng Diyos kung ano ang nangyayari sa kinasasaklawang espirituwal, ni itinatago Niya ang nangyayari sa puso ng tao, at kaya paulit-ulit Niyang ipinaalala sa mga tao: “Aking ginagawa ito hindi lamang upang ipakilala sa Aking mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao, kundi pati na rin upang linisin ang Aking bayan. Dahil sa tindi ng Aking kautusan ng pamamahala, ang malaking bilang ng mga tao ay nasa panganib pa rin sa Aking pagpapaalis. Maliban na lamang kung gumawa kayo ng pagsusumikap upang makitungo sa inyong sarili, upang magtagumpay laban sa inyong sariling katawan, maliban kung gagawin ninyo ito, kayo ay tiyak na magiging isang bagay na Aking kasusuklaman at tatanggihan, upang itapon pababa sa impiyerno, tulad ng natanggap ni Pablo na pagkastigo mula mismo sa Aking mga kamay, na kung saan ay walang makakatakas.” Lalong sinasabi ng Diyos ang mga bagay na ganyan, lalong nagiging ingat na ingat ang mga tao sa kanilang sariling mga yapak, at lalo silang nahihintakutan sa mga kautusang pang-administrasyon ng Diyos, at saka lamang nababata ang awtoridad ng Diyos at nalilinawan ang Kanyang kamahalan. Dito, muling binabanggit si Pablo upang ipaunawa sa mga tao ang kalooban ng Diyos: Hindi sila dapat ang mga kinakastigo ng Diyos, kundi yaong mga iniingatan ang kalooban ng Diyos. Tanging ito ang makagagawa sa mga tao, sa gitna ng kanilang pagkatakot, na lingunin ang kanilang nakaraang kawalang-kakayahan ng paninidigan sa harap ng Diyos upang ganap na bigyang-kasiyahan ang Diyos, na nagbibigay sa kanila ng mas malaking panghihinayang, at nagbibigay sa kanila ng higit na pagkakilala sa praktikal na Diyos, at kaya saka lamang sila nagkakaroon ng di-pagaalinlangan tungkol sa mga salita ng Diyos.
“Ito ay hindi lamang sa hindi Ako kilala ng tao sa Aking katawang-tao; ang higit na masahol, siya ay nabigo na maunawaan ang kanyang sarili na namamalagi sa katawang-tao. Ilang taon na ba ang nakalilipas, at sa lahat ng oras ay nililinlang Ako ng mga tao, trinato Ako bilang isang panlabas na bisita? Gaano karaming beses …?” Yaong “Gaano karaming beses” ang naglilista ng realidad ng pagsalungat ng tao sa Diyos, ipinakikita sa mga tao ang mga tunay na halimbawa ng pagkastigo; patunay ito ng kasalanan, at walang sinuman ang muling makapagpapabulaan dito. Ginagamit ang Diyos ng lahat ng mga tao tulad ng ilang pang-araw-araw na bagay, na para Siyang ilang kinakailangan sa sambahayan na maaari nilang gamitin ayon sa nais nila. Walang sinuman ang nagpapahalaga sa Diyos, walang sinumang sumubok na alamin ang kagalingan ng Diyos, at ang maluwalhating mukha ng Diyos, lalo nang walang sinumang sinasadyang magpasakop sa Diyos. Wala ring sinuman ang tumitingin sa Diyos kailanman bilang isang bagay na minamahal sa kanilang puso; kinakaladkad Siya nilang lahat kapag kailangan, at iiitsa Siya sa isang tabi at hindi papansinin kapag hindi. Ito ay tila para sa tao, ang Diyos ay isang papet, isang maaaring manipulahin ng tao kung kailan gusto, at hingan ng papaano mang hinahangad o inaasam niya. Nguni’t sinasabi ng Diyos, “Kung, sa panahon ng aking pagkakatawang-tao, Ako ay hindi nagmalasakit sa kahinaan ng tao, sa gayon ang lahat ng sangkatauhan, dahil lamang sa Aking pagkakatawang-tao, ay matatakot nang husto at, bilang resulta, malalaglag sa impyerno,” na nagpapakita kung gaano kalaki ang kahalagahan ng pagkakatawang-tao ng Diyos: Sa katawang-tao, dumating Siya upang lupigin ang sangkatauhan, sa halip na wasakin ang buong sangkatauhan mula sa kinasasaklawang espirituwal. Kaya, nang ang Salita ay naging katawang-tao, walang nakaalam. Kung hindi nagmamalasakit ang Diyos sa kahinaan ng tao, nang nagkatawang-tao Siya at ibinaligtad ang langit at lupa, malilipol ang lahat ng mga tao. Dahil nasa kalikasan ng mga tao na gustuhin ang bago at kamuhian ang luma, at madalas nilang nalilimutan ang masasamang panahon kapag mabuti ang takbo ng mga bagay-bagay, at wala sa kanilang nakakaalam kung gaano sila pinagpala, kaya paulit-ulit na ipinaaalaala sa kanila ng Diyos na dapat nilang pahalagahan kung gaanong puspusang ipinaglaban ang ngayon; alang-alang sa kinabukasan, dapat nilang pahalagahan ang ngayon nang higit pa, at hindi dapat, tulad ng isang hayop, umakyat sa mataas at hindi kilalanin ang panginoon, at hindi maging ignorante sa mga pagpapalang kasama sa pamumuhay. Sa gayon, nagiging maganda ang asal nila, hindi na sila mapagmalaki o mapagmataas, at nalalaman nila na hindi totoo na likas sa tao ang mabuti, nguni’t nakarating ang awa at pag-ibig ng Diyos sa tao; natatakot sila sa pagkastigo, at kaya walang lakas-loob na gumawa pa.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga talababa:
a. Sa Tsino, ang “Ilog Chu” ay isang termino mula sa makasaysayang pangyayari na ginagamit upang tukuyin ang mga hangganan ng bansa o mga larangan ng pagbabaka.
Ang pinagmulan:Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal