Ang Ikalabimpitong Pagbigkas
Umaalingawngaw ang Aking tinig tulad ng kulog na tumatanglaw sa apat na kwandrante at sa buong mundo, at sa kalagitnaan ng kulog at kidlat, pinababagsak ang sangkatauhan. Walang taong kailanman ang nanatiling matatag sa gitna ng kulog at kidlat: Karamihan ng mga tao ay nasisindak na halos mawalan ng isip sa pagdating ng Aking liwanag, hindi nila malaman kung ano ang gagawin. Nang nagsimulang magpakita ang bahagyang sinag ng liwanag sa Silangan, maraming tao ang biglaang napukaw mula sa kanilang mga ilusyon nang naantig sila ng bahagyang liwanag na ito. Ngunit wala ni isa na kailanma’y nakaunawa na dumating na ang araw na bumababa sa mundo ang Aking liwanag. Karamihan sa mga tao ay natulala sa biglaang pagdating ng liwanag; pinagmasdan ito nang mabuti ng ilan sa kanila na may pagtitig ng mausisang pagkabighani, at pinagmamasdan ang mga paggalaw ng liwanag at kung saang direksyon ito patungo; o ang iba ay nakatayong handa sa pagharap nila sa liwanag, upang baka sakaling mas malinaw nilang maunawaan ang pinagmulan kung saan nanggaling ang liwanag. Kung ganito man ang nangyari, may sinuman bang nakatuklas kung gaano kahalaga ang liwanag sa ngayon? May sinuman bang napukaw kailanman sa pagiging katangi-tangi ng liwanag? Karamihan sa mga tao ay naguguluhan lamang; nasusugatan sila sa mga mata at nasusubsob sila sa putik sa pamamagitan ng liwanag. Maaaring sabihin na, habang nasa ilalim ng malabong liwanag na ito, natatalukbungan sa ilalim ng kaguluhan ang daigdig, gumagawa ng nakalulungkot na tanawing hindi makayanang tingnan na, kung sinusuri nang malapitan, sinasalakay ang isang tao ng napakatinding kalungkutan. Mula dito malalaman na, kapag ang liwanag ay nasa pinakamalakas nito, hindi pahihintulutan sa gayong kalagayan ng mundo na tumayo ang sangkatauhan sa Aking harapan. Ang sangkatauhan ay nasa abot ng kaningningan ng liwanag; muli, ang sangkatauhan ay nasa abot ng pagliligtas ng liwanag ngunit kasabay nito, nasa abot din ng mga sugat na ipinataw ng liwanag: Mayroon bang sinuman na hindi abot sa ilalim ng nakamamatay na dagok ng liwanag? Mayroon bang sinuman na makatatakas sa pagsunog ng liwanag? Nakapaglakad na Ako sa buong ibabaw ng mundo, isinasabog ng Aking mga kamay ang mga binhi ng Aking Espiritu, upang ang buong sangkatauhan sa daigdig ay maaantig Ko dahil dito. Mula sa kataas-taasang tugatog sa kalangitan, tinatanaw Ko ang buong daigdig, pinagmamasdan ang kakatwa at kamangha-manghang kababalaghan ng mga nilikha sa mundo. Ang ibabaw ng dagat ay parang nagdurusa sa pagyanig ng lindol: Ang mga ibong-dagat ay lumilipad paroo’t parito, naghahanap ng isdang malululon. Samantala, lubusang hindi ito alam sa ilalim ng dagat, na kung saan ang kundisyon sa ibabaw ay hindi kayang pukawin upang mamalayan, dahil ang sahig ng karagatan ay kasing-payapa ng ikatlong langit: Ang nabubuhay dito malaki man o maliit ay sama-samang umiiral nang magkaayon, at hindi kailanman nasasangkot sa “mga pagtatalo ng bibig at dila.” Sa di-mabilang na kakaiba at nakakatuwang kababalaghan, ang sangkatauhan ang siyang pinaka-nahihirapang magbigay sa Akin ng kaluguran. Ito ay dahil masyadong mataas ang posisyong ibinigay Ko sa tao, at kaya ang kanyang ambisyon ay masyadong matayog, at sa kanyang mga mata ay palaging may sukat ng paghihimagsik. Napapaloob sa Aking pagdisiplina sa tao, napapaloob sa Aking paghatol sa kanya, nagkaroon na ng marami na pag-iingat, marami na kahabagan, ngunit sa mga bagay na ito wala ang sangkatauhan kahit na pinakakaunting kamalayan. Wala Akong napagmalupitan kailanman na kahit sinong tao: Ako ay nagpatupad lamang ng nararapat na pagtutuwid noong naging masuwayin ang sangkatauhan, at nang naging mahina ang tao, naghandog lamang ng nararapat na tulong. Ngunit, kapag ang sangkatauhan ay patuloy na lumalayo sa Akin at dagdag pa nito, ginagamit ang mapanlinlang na pakana ni Satanas upang maghimagsik laban sa Akin, kaagad Kong lilipulin ang sangkatauhan, hindi binigbigyan ng pagkakataon ang mga tao na makapagparangya ng kanilang mga kakayahan sa harap Ko, upang hindi na sila palalong lumakad na may karangyaan at katayugan, paghahari-harian sa iba, sa ibabaw ng mundo.
Pinamamahalaan Ko ang Aking awtoridad sa mundo, inilalahad ang Aking gawain sa kabuuan nito. Lahat ng nasa Aking gawain ay nasasalamin sa ibabaw ng lupa; hindi kailanman nakayang maunawaan ng sangkatauhan, sa daigdig, ang Aking mga pagkilos sa kalangitan, o ni masusing pag-isipan ang mga ligiran at mga tilapon ng Aking Espiritu. Ang karamihan sa mga tao ay nauunawaan lamang ang maliliit na detalyeng nasa labas ng espiritu, nang hindi nauunawaan ang aktuwal na kalagayan ng espiritu. Ang mga pangangailangan na Aking hinihingi sa sangkatauhan ay hindi lumalabas mula sa malabong Ako na nasa langit, o mula sa di-mawaring Ako na nasa lupa: Gumagawa Ako ng mga angkop na pangangailangan batay sa tayog ng tao sa mundo. Hindi Ko kailanman inilagay ang sinuman sa mga paghihirap, ni hiniling kaninuman na “pigain ang kanyang dugo” para sa Aking kaluguran: Maaari kaya na ang Aking mga pangangailangan ay limitado lamang sa mga kundisyong ito? Sa di-mabilang na mga nilalang sa daigdig, alin sa mga ito ang hindi nagpapasakop sa mga disposiyon ng mga salita sa Aking bibig? Alin sa mga nilalang na ito, na lumalapit sa harap Ko, ang hindi lubusang nasunog sa pamamagitan ng Aking mga salita at ng Aking nagliliyab na apoy? Alin sa mga nilalang na ito ang nangangahas na palalong lumakad sa mayabang na pagbubunyi sa Aking harapan? Alin sa mga nilalang na ito ang hindi yumuyukod sa Akin? Ako ba ang Diyos na nagpapataw lamang ng katahimikan sa sangnilikha? Sa di-mabilang na bagay sa sangnilikha, pinipili Ko ang makapagbibigay kasiyahan sa Aking intensyon; sa di-mabilang na tao sa sangkatauhan, pinipili Ko ang mga nagmamalasakit sa Aking puso. Pinipili Ko ang pinakamaganda sa lahat ng mga bituin, upang makapagdagdag ng bahagyang sinag ng liwanag sa Aking kaharian. Naglalakad-lakad Ako sa lupa, nagsasabog ng Aking bango sa lahat ng dako, at iniiwan ang Aking anyo sa bawat lugar. Umaalingawngaw sa bawat lugar ang tunog ng Aking tinig. Ang mga tao sa lahat ng dako ay nananatiling ginugunita ang magagandang tanawin ng kahapon, dahil inaalala ng buong sangkatauhan ang nakalipas …
Ang buong sangkatauhan ay nananabik na makita ang Aking mukha, ngunit nang bumaba Ako sa lupa nang personal, tutol silang lahat sa Aking pagdating, itinaboy nilang lahat ang liwanag sa pagdating nito, na parang kaaway Ako ng tao sa kalangitan. Binabati Ako ng tao nang may pagsanggalang na liwanag sa kanyang mga mata, at palaging nananatiling alerto, matinding natatakot na baka may ibang plano Ako para sa kanya. Dahil ang turing sa Akin ng mga tao ay kaibigang hindi kilala, pakiramdam nila na parang may intensyon Akong patayin sila nang walang pili-pili. Sa mata ng tao, Ako ay isang nakamamatay na katunggali. Matapos maramdaman ang Aking mainit na pagtulong sa gitna ng kalamidad, ang tao gayunpama’y hindi pa rin batid ang Aking pagmamahal, at determinado pa rin na hinahadlangan Ako at sinasalungat. Sa halip na pagsamantalahan siya sa ganitong kalagayan upang kumilos laban sa kanya, niyayapos Ko ang tao sa mainit na yakap, pinupuno Ko ang kanyang bibig ng katamisan, at nilalagyan Ko ng kailangang pagkain ang kanyang tiyan. Ngunit, nang yanigin ng Aking nagpupuyos na galit ang mga bundok at mga ilog, hindi Ko na, dahil sa karuwagan ng tao, ipagkakaloob sa kanya ang iba’t ibang uri ng pagtulong na ito. Sa sandaling ito, Ako ay magngangalit, tinatanggihang bigyan ng pagkakataong magsisi ang lahat ng may-buhay at, binibitawan na ang lahat ng pag-asa sa tao, ilalapat Ko sa kanya ang parusang talaga namang nararapat sa kanya. Sa pagkakataong ito, nagsasalimbayan ang mga kidlat at dumadagundong ang mga kulog, tulad ng mga alon sa dagat na nagpupuyos sa galit, tulad ng libu-libong bundok na nagsisiguho. Dahil sa kanyang paghihimagsik, ang sangkatauhan ay pinapatumba ng kulog at kidlat, ang iba pang nilalang ay nililipol sa mga pagsabog ng kulog at kidlat, ang buong sansinukob ay biglang lumulusong sa malaking kaguluhan, at ang buong sangnilikha ay hindi na nakapapanumbalik sa pangunahing hininga ng buhay. Ang di-mabilang na hukbo ng sangkatauhan ay hindi makatatakas sa dagundong ng kulog; sa gitna ng mga kislap ng kidlat, ang mga tao, pulutong sa kapwa pulutong, nabubuwal sa matuling umaagos na batis, at upang tangayin ng malalakas na agos na bumababa mula sa mga bundok. Nang biglang, sa lugar na kanlungan ng mga tao doon nagtitipon ang isang mundo ng mga tao. Tinatangay ang mga bangkay sa ibabaw ng karagatan. Ang buong sangkatauhan ay nagsilayo sa Akin dahil sa Aking poot, dahil ang tao ay nagkasala laban sa diwa ng Aking Espiritu, hindi naging kalugod-lugod sa Akin ang kanyang paghihimagsik. Ngunit sa mga lugar na walang tubig, nagtatamasa pa rin ang ibang mga tao, sa gitna ng tawanan at awitan, sa mga pangakong Aking pinayagan para sa kanila.
Nang tumatahimik na ang buong sangkatauhan, naglalabas Ako ng sinag ng liwanag sa harap ng titig nito. Dahil doon, magiging malinaw ang isipan ng mga tao at liliwanag ang mata, at titigil sa pananatiling tahimik; kaya ang damdaming espirituwal ay kaagad naiipon sa kanilang mga puso. Sa panahong ito, lahat ng tao ay muling nabuhay. Isinasantabi ang kanilang mga di-masabing hinaing, humaharap ang lahat ng tao sa Akin, matapos nilang napanalunan ang isa pang pagkakataon na maligtas sa pamamagitan ng mga salita na Aking inihahayag. Ito ay dahil nais ng lahat ng tao na mamuhay sa ibabaw ng lupa. Ngunit sino sa kanila ang kailanma’y nagkaroon ng layunin na mamuhay para sa Aking kapakanan? Sino sa kanila ang kailanma’y nailantad ang mga maningning na bagay sa kanya upang bigyan Ako ng kasiyahan? Sino sa kanila ang kailanma’y nakatuklas ng isang nakaaakit na pabango sa Akin? Lahat ng tao ay gawa sa magaspang at hindi pinong sangkap: Sa panlabas, parang sinisilaw nila ang mga mata, ngunit sa kanilang talagang mga sarili, hindi nila Ako minamahal nang taimtim, dahil sa kaibuturan ng puso ng tao, wala ni kahit pinakamaliit na bahagi Ko. Ang tao ay labis na nagkukulang: Kung ihahambing siya sa Aking sarili, lumilitaw na kami ay magkasinlayo tulad ng lupa sa langit. Ngunit, gayon pa man, hindi Ko sinasalakay ang tao sa kanyang mahihina at matatablang bahagi, ni pinagtatawanan upang hamakin dahil sa kanyang mga pagkukulang. Ang Aking mga kamay ay gumagawa[a] sa mundo sa loob ng libu-libong taon, habang nananatiling nakamasid ang Aking mga mata sa buong sangkatauhan. Ngunit kailanman wala Akong bale-wala lamang na kinuhang buhay ng tao upang paglaruan na parang isang laruan ito. Minamatyagan Ko ang dugo sa puso ng tao, at nalalaman Ko ang halaga na kanyang binayaran. Habang nakatayo siya sa harap Ko, hindi Ko hinahangad na pagsamantalahan ang kawalang kakayahan ng tao na ipagtanggol ang kanyang sarili upang parusahan siya, ni ipagkaloob sa kanya ang mga di-kanais-nais na bagay. Sa halip, natustusan Ko lang ang tao, at nakapagbigay sa kanya, sa buong panahong ito. Kaya, kung ano ang tinatamasa ng tao, iyon ay dahil sa Aking biyaya, lahat ng kasaganaan na nagmumula sa Aking mga kamay. Dahil Ako ay nasa daigdig, hindi kailangang dumanas ang tao ng pagpapahirap ng pagkagutom. Sa halip, pinahintulutan Ko ang tao na tumanggap mula sa Aking mga kamay ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya, at pinahihintulutan Ko ang sangkatauhan na mamuhay ayon sa Aking mga pagpapala. Hindi ba’t ang buong sangkatauhan ay nabubuhay sa ilalim ng Aking pagkastigo? Tulad ng mga bundok na nagtataglay nang labis-labis at kasaganaan sa kalaliman nito, at ang mga tubig sa kaaliwalasan nito ay mga bagay na tinatamasa, hindi ba ang mga taong nabubuhay ngayon ayon sa Aking mga salita, lalong higit pa, ay mayroong pagkain na kanilang ikinalulugod at nalalasahan? Ako ay nasa daigdig at nasisiyahan ang sangkatauhan sa Aking mga pagpapala sa daigdig. Kapag iniwan Ko na ang daigdig, ay kung kailan din mararating ng Aking gawain ang kaganapan nito, sa pagkakataong iyon, hindi na makatatanggap ang sangkatauhan ng anumang tulong mula sa Akin dahil sa kanilang kahinaan.
Marso 16, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Wala sa orihinal na texto ang “gumagawa.”
Ang pinagmulan:Ang Ikalabimpitong Pagbigkas
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus
Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal