菜單

Abr 27, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas

    Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.

Christian Feng Aixia’s Account of Her Experience of the CCP’s Cruel Persecution


Christian Feng Aixia’s Account of Her Experience of the CCP’s Cruel Persecution


Feng Aixia accepted Almighty God’s kingdom gospel in 2006. She was arrested by the CCP police when preaching the gospel in 2014. During the interrogation, the police stripped her off, slapped her on the face, beat her with electric batons, pulled one of her hands back over the shoulder and the other hand up along the back before cuffing them together, etc., torturing her in various kinds of ways. In the end, she was detained for fourteen days on the charge of preaching the gospel illegally and disturbing the social order. After her release, unable to bear the threat and control of the CCP, she was forced to leave her home and flee everywhere.
Recommendation:The origin of the Church of Almighty God
Understanding the Eastern Lightning
Are Almighty God and the Lord Jesus One God?
There is no way of eternal life within the Bible; if man holds to the Bible and worships it, then they will not obtain eternal life.
Human Rights Lawyer Carlos Iglesias: Repatriating Chinese Christians Is Putting Their Lives at Stake

Abr 25, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas

    Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos


Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos

Diyos ang may likha ng mundo at ng tao. Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya. Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao. Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi. Pag unlad ng tao’y di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

Ang Kalooban ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

    Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot sa kanilang taluktok, ibig sabihin, ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghuhukom ay umabot na sa rurok nito. Nguni’t hindi ito ang pinakamataas na rurok. Sa panahong ito, ang tono ng Diyos ay nagbago, hindi ito nanunuya o nakakatawa, at hindi nananakit o nanunumpa; pinalambot ng Diyos ang tono ng Kanyang mga salita. Ngayon, nagsisimula ang Diyos na “makayang gunitain” ang tao. Ang Diyos ay parehong nagpapatuloy sa gawain ng panahon ng paghuhukom at binubuksan ang landas ng susunod na seksyon ng gawain, upang ang lahat ng mga bahagi ng Kanyang gawain ay magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. Sa isang banda, nagsasalita Siya tungkol sa “katigasan ng ulo ng tao at kanyang pagbabalik sa dati,” at sa kabilang banda, sinasabi Niya “Sa Aking mga kasiyahan at kalungkutan, hindi Ko kayang gunitain ang pakikipaghiwalay at pakikipagbalikan Ko sa tao”—kung saan parehong nagsasanhi ng isang reaksyon sa puso ng mga tao, at inaantig kahit na ang pinakamanhid sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito ay pangunahing upang magpatirapa ang lahat ng mga tao sa harap ng Diyos, nang walang mapapabulong, sa katapus-tapusan, at pagkatapos “magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan.” Ang kaalaman sa Diyos ng mga tao ng panahong ito ay nananatiling ganap na mababaw, hindi ito tunay na kaalaman. Bagaman sila ay nagsisikap nang maigi hangga’t maaari, hindi nila kayang makuha ang naisin ng puso ng Diyos; ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot na sa kanilang kaitaasan, nguni’t ang mga tao ay nananatili sa mga unang yugto, at sa gayon ay hindi kayang pumasok sa mga pagbigkas ng dito at ngayon—na nagpapakita na ang Diyos at tao ay magkaibang-magkaiba sa isa’t isa. Batay dito, kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa katapusan makakaya lamang ng mga tao na makamit ang mga pinakamababang pamantayan ng Diyos. Ito ang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito na lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, at ang Diyos ay kailangang gumawa upang makamit ang pinakamainam na epekto. Ang mga tao ng mga iglesia ay nagbibigay ng higit na pansin sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang intensyon ng Diyos ay upang makilala nila ang Diyos sa Kanyang mga salita—hindi ba may pagkakaiba? Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na iniisip ng Diyos ang kahinaan ng tao, at nagpapatuloy sa pagsasalita na hindi alintana kung ang mga tao ay kayang tanggapin ang Kanyang mga salita o hindi. Ayon sa Kanyang layunin, kung kailan magtatapos ang Kanyang mga salita ay magiging kung kailan makumpleto ang Kanyang gawain sa lupa. Nguni’t ang gawaing ito ay hindi katulad ng nakaraan. Kung kailan magtatapos ang mga pagbigkas ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; kung kailan magtatapos ang gawain ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; at kung kailan magbabago ang anyo ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam. Ganyan ang karunungan ng Diyos. Upang maiwasan ang anumang mga akusasyon mula kay Satanas at anumang pagkagambala mula sa mga pwersa ng kaaway, ang Diyos ay gumagawa nang walang sinuman ang nakaaalam, at sa ngayon ay walang reaksyon sa mga tao sa lupa. Kahit na ang mga palatandaan ng pagbabagong-anyo ng Diyos ay minsan nang binanggit, walang sinuman ang nakakayang maunawaan ito, sapagka’t nakalimutan na ng tao ang bagay na ito, at hindi niya binibigyang pansin ito. At dahil sa mga pag-atake mula sa loob at labas—ang mga sakuna ng panlabas na mundo at ang pagsusunog at paglilinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ang mga tao ay hindi na handang magpagal para sa Diyos, sapagka’t sila ay masyadong abala sa kanilang sariling negosyo. Kapag tinanggihan ng lahat ng mga tao ang kaalaman at paghahanap ng nakaraan, kapag ang lahat ng mga tao ay nakita ang kanilang mga sarili nang malinaw, sila ay mabibigo at ang kanilang ganang sarili ay hindi na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso. Saka lamang totoong mananabik ang mga tao para sa mga salita ng Diyos, saka lamang ang mga salita ng Diyos ay tunay na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso, at saka lamang ang mga salitang ito ay magiging pinagmumulan ng kanilang pag-iral—at sa sandaling ito, ang naisin ng puso ng Diyos ay matutupad. Nguni’t ang mga tao ngayon ay malayong-malayo diyan. Ang ilan sa kanila ay bahagya nang nakausad ng isang pulgada, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ay “pagbabalik sa dati.”

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay ‘di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang ‘yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, ‘di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Abr 23, 2018

Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

    Mula sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, maaaring makita na ang araw ng Panginoon ay nalalapit sa bawa’t araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang ito ay darating bukas. Kaya, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lahat ng mga tao ay nahintakutan, at mayroon ding kaunting pakiramdam ng kapanglawan ng mundo. Para bang, habang ang mga dahon ay nalalaglag at ang ambon ay pumapatak, lahat ng mga tao ay naglaho nang walang bakas, na para bang lahat sila ay napawi mula sa lupa. Silang lahat ay may pakiramdam na may nagbabadyang masama. Bagaman pinipilit nila, at inaasam na bigyang-kasiyahan ang mga hangarin ng Diyos, lahat ay gumagamit ng bawa’t himaymay ng lakas na mayroon sila upang tuparin ang mga hangarin ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ay makakapagpatuloy nang maayos, walang hadlang, ang gayong saloobin ay laging may kahalong pakiramdam ng nagbabadyang mangyayari. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ang mga iyon ay ibinrodkast sa mga karamihan, ibinalita sa buong sansinukob, kung gayon ang lahat ng mga tao ay yuyukod at tatangis, sapagka’t sa mga salitang “Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” lahat nang nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay ay nakakakita na walang sinumang maaaring tumakas sa pagkastigo ng Diyos, na lahat ay susunod sa kanilang sariling uri pagkatapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo. Tunay nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang makakapagbago rito. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, nang pinangunahan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kahanga-hanga, at saka lamang kapag dinadala Niya ang kapanahunang ito sa katapusan mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na pagkamatuwid, kamahalan, poot, at kaparusahan. Higit pa, sa pamamagitan lamang ng pagkastigo na makakaya nilang makita ang Kanyang pagkamatuwid, kamahalan, at poot; ito ay isang landas na dapat matahak, gaya ng, sa panahon ng mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan, at hindi maaaring mawala. Pagkatapos iproklama ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinakikita ng Diyos sa tao ang gawain na ginagawa Niya ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! … Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan?” Sadyang ipinakikita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakamit ng dalawang magkasalungat na bansa mula sa mga kamay ng Diyos, sa isang banda ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng mga pinili ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga pinili ng Diyos habang ang Israel ay nagbabago. Kapag ang Israel ay lubos nang nakabalik sa orihinal nitong anyo, lahat ng mga pinili ay kasunod na magagawang ganap—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag niyaong mga minamahal ng Diyos. Ang Ehipto, samantala, ay ang pagtatagpo ng mga kinatawan niyaong mga kinamumuhian ng Diyos. Mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay kasunod na bumabagsak. Ito ay bumubuo ng malinaw na pagkakasalungat. Sa pamamagitan ng pagpoproklama ng mga katapusan ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang hantungan ng lahat ng mga tao; kaya, kapag binabanggit ang Israel, nagsasalita rin ang Diyos tungkol sa Ehipto. Mula rito ay nakikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang petsa ng paglipol sa mundo, ang petsa kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng mga tao. Ito ay mangyayari sa lalong madaling panahon; ito ay tutuparin na ng Diyos, at isang bagay na lubos na hindi-nakikita ng hubad na mata ng tao, datapwa’t ito rin ay hindi maaaring mawala, at hindi mababago ng sinuman. Sinasabi ng Diyos, “ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t Ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa.” Bakit ang Diyos ay nagsasalita nang gayong walang-pasubaling mga salita? At bakit Siya ay personal na naging katawang-tao sa sambayanan ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ang Kanyang layunin: hindi Siya dumating upang iligtas ang mga tao, o maging mahabagin tungo sa kanila, o kalingain sila, o ingatan sila—kundi upang kastiguhin ang lahat niyaong sumasalungat sa Kanya. Sapagka’t sinasabi ng Diyos, “Walang makatatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay namumuhay sa katawang-tao, at, higit pa, Siya ay isang normal na persona—datapwa’t hindi Niya pinatatawad ang mga tao sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya sa kanilang mga sarili; sa halip, dahil Siya ay normal, inuusig Niya ang mga tao dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, ginagawa Niya ang lahat niyaong nakakamasid sa Kanyang katawang-tao na yaong siyang kinakastigo, kaya’t sila ay nagiging mga biktima para sa mga yaong hindi kabilang sa mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Nguni’t ito ay hindi isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng labanan. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa loob ng Espiritu, ang Diyos ay nakikipaglaban sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at pagiging makapangyarihan-sa-lahat. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi-mabilang na mga tao ang “walang-muwang” na nausig, hindi-mabilang na mga tao ang naitapon sa impiyerno, at nadala tungo sa pagkastigo, nagdurusa sa laman. Ito ang paglalarawan ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung paano man nagbabago yaong mga sumasalungat sa Diyos ngayon, ang nananaig na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Minsan nang inusig, ang mga tao ay inuusig magpakailanman, at hindi na kailanman makababangon. Ang disposisyon ng tao ay hindi makakayang maging tulad ng sa Diyos. Tungo sa mga sumasalungat sa Diyos, ang mga tao ay paiba-iba ng isip, sila ay pagiwang-giwang sa kaliwa at kanan, sila ay umaakyat at bumababa, hindi nila makayang manatiling pareho nang tuluy-tuloy, kung minsan ay kinamumuhian sila nang sagad sa kanilang mga buto, kung minsan ay hinahawakan sila nang malapit; ang mga kalagayan ngayon ay nakasapit dahil hindi kilala ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel ay, sa paanuman, mga anghel; ang Diyos, sa paanuman, ay Diyos; ang mga demonyo, sa paanuman, ay mga demonyo; ang hindi-matuwid ay hindi pa rin matuwid; at ang mga banal ay banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito naaabot? Maari kayang hindi naalaala ng Diyos? Kaya, sinasabi ng Diyos, “ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya.” Mula rito ay makikita na ngayon, napagsama-sama na ng Diyos ang lahat ng mga bagay tungo sa kani-kanilang mga pamilya, upang ito ay hindi na isang “walang-hanggang mundo,” at ang mga tao ay hindi na kumakain mula sa parehong malaking palayok, kundi gumaganap ng kanilang sariling tungkulin sa kanilang sariling tahanan, ginagampanan ang kanilang sariling papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; pagkatapos na mapagsama-sama ayon sa uri, ang mga tao ay “bawa’t isa’y kakainin ang kanilang sariling pagkain”—sisimulan ng Diyos ang paghatol. Bilang resulta, mula sa bibig ng Diyos ay nagbuhat ang mga salitang ito: “Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito ang eksaktong layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap maunawaan. Gagawing ganap ng Diyos ang Kanyang gawain—maari bang hadlangan ng tao ang Kanyang gawain? At maari bang punitin ng Diyos ang tipang itinatag sa pag-itan Niya at ng tao? Sino ang maaaring magbago sa ginawa ng Banal na Espiritu? Maari kayang sinuman sa gitna ng tao?