菜單

Abr 25, 2018

Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos


Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos

Diyos ang may likha ng mundo at ng tao. Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya. Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao. Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi. Pag unlad ng tao’y di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.

Ang Kalooban ng Diyos | Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikadalawampu’t-pitong Pagbigkas

    Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot sa kanilang taluktok, ibig sabihin, ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghuhukom ay umabot na sa rurok nito. Nguni’t hindi ito ang pinakamataas na rurok. Sa panahong ito, ang tono ng Diyos ay nagbago, hindi ito nanunuya o nakakatawa, at hindi nananakit o nanunumpa; pinalambot ng Diyos ang tono ng Kanyang mga salita. Ngayon, nagsisimula ang Diyos na “makayang gunitain” ang tao. Ang Diyos ay parehong nagpapatuloy sa gawain ng panahon ng paghuhukom at binubuksan ang landas ng susunod na seksyon ng gawain, upang ang lahat ng mga bahagi ng Kanyang gawain ay magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. Sa isang banda, nagsasalita Siya tungkol sa “katigasan ng ulo ng tao at kanyang pagbabalik sa dati,” at sa kabilang banda, sinasabi Niya “Sa Aking mga kasiyahan at kalungkutan, hindi Ko kayang gunitain ang pakikipaghiwalay at pakikipagbalikan Ko sa tao”—kung saan parehong nagsasanhi ng isang reaksyon sa puso ng mga tao, at inaantig kahit na ang pinakamanhid sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito ay pangunahing upang magpatirapa ang lahat ng mga tao sa harap ng Diyos, nang walang mapapabulong, sa katapus-tapusan, at pagkatapos “magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan.” Ang kaalaman sa Diyos ng mga tao ng panahong ito ay nananatiling ganap na mababaw, hindi ito tunay na kaalaman. Bagaman sila ay nagsisikap nang maigi hangga’t maaari, hindi nila kayang makuha ang naisin ng puso ng Diyos; ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot na sa kanilang kaitaasan, nguni’t ang mga tao ay nananatili sa mga unang yugto, at sa gayon ay hindi kayang pumasok sa mga pagbigkas ng dito at ngayon—na nagpapakita na ang Diyos at tao ay magkaibang-magkaiba sa isa’t isa. Batay dito, kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa katapusan makakaya lamang ng mga tao na makamit ang mga pinakamababang pamantayan ng Diyos. Ito ang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito na lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, at ang Diyos ay kailangang gumawa upang makamit ang pinakamainam na epekto. Ang mga tao ng mga iglesia ay nagbibigay ng higit na pansin sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang intensyon ng Diyos ay upang makilala nila ang Diyos sa Kanyang mga salita—hindi ba may pagkakaiba? Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na iniisip ng Diyos ang kahinaan ng tao, at nagpapatuloy sa pagsasalita na hindi alintana kung ang mga tao ay kayang tanggapin ang Kanyang mga salita o hindi. Ayon sa Kanyang layunin, kung kailan magtatapos ang Kanyang mga salita ay magiging kung kailan makumpleto ang Kanyang gawain sa lupa. Nguni’t ang gawaing ito ay hindi katulad ng nakaraan. Kung kailan magtatapos ang mga pagbigkas ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; kung kailan magtatapos ang gawain ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; at kung kailan magbabago ang anyo ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam. Ganyan ang karunungan ng Diyos. Upang maiwasan ang anumang mga akusasyon mula kay Satanas at anumang pagkagambala mula sa mga pwersa ng kaaway, ang Diyos ay gumagawa nang walang sinuman ang nakaaalam, at sa ngayon ay walang reaksyon sa mga tao sa lupa. Kahit na ang mga palatandaan ng pagbabagong-anyo ng Diyos ay minsan nang binanggit, walang sinuman ang nakakayang maunawaan ito, sapagka’t nakalimutan na ng tao ang bagay na ito, at hindi niya binibigyang pansin ito. At dahil sa mga pag-atake mula sa loob at labas—ang mga sakuna ng panlabas na mundo at ang pagsusunog at paglilinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ang mga tao ay hindi na handang magpagal para sa Diyos, sapagka’t sila ay masyadong abala sa kanilang sariling negosyo. Kapag tinanggihan ng lahat ng mga tao ang kaalaman at paghahanap ng nakaraan, kapag ang lahat ng mga tao ay nakita ang kanilang mga sarili nang malinaw, sila ay mabibigo at ang kanilang ganang sarili ay hindi na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso. Saka lamang totoong mananabik ang mga tao para sa mga salita ng Diyos, saka lamang ang mga salita ng Diyos ay tunay na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso, at saka lamang ang mga salitang ito ay magiging pinagmumulan ng kanilang pag-iral—at sa sandaling ito, ang naisin ng puso ng Diyos ay matutupad. Nguni’t ang mga tao ngayon ay malayong-malayo diyan. Ang ilan sa kanila ay bahagya nang nakausad ng isang pulgada, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ay “pagbabalik sa dati.”

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin, dalisay na walang dungis. Gamitin ang iyong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Ang pag-ibig ay ‘di nagtatakda ng mga kondisyon o mga hadlang o agwat. Gamitin ang ‘yong puso, sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga. Kung ikaw ay nagmamahal, ‘di ka manlilinlang, magrereklamo at tatalikod, naghihintay ng kapalit. Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka, tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Abr 23, 2018

Salita ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas

    Mula sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, maaaring makita na ang araw ng Panginoon ay nalalapit sa bawa’t araw na lumilipas. Para bang ang araw na ito ay nasa harap mismo ng mga mata ng mga tao, na para bang ito ay darating bukas. Kaya, pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, lahat ng mga tao ay nahintakutan, at mayroon ding kaunting pakiramdam ng kapanglawan ng mundo. Para bang, habang ang mga dahon ay nalalaglag at ang ambon ay pumapatak, lahat ng mga tao ay naglaho nang walang bakas, na para bang lahat sila ay napawi mula sa lupa. Silang lahat ay may pakiramdam na may nagbabadyang masama. Bagaman pinipilit nila, at inaasam na bigyang-kasiyahan ang mga hangarin ng Diyos, lahat ay gumagamit ng bawa’t himaymay ng lakas na mayroon sila upang tuparin ang mga hangarin ng Diyos upang ang kalooban ng Diyos ay makakapagpatuloy nang maayos, walang hadlang, ang gayong saloobin ay laging may kahalong pakiramdam ng nagbabadyang mangyayari. Halimbawa ay ang mga pagbigkas ngayon: Kung ang mga iyon ay ibinrodkast sa mga karamihan, ibinalita sa buong sansinukob, kung gayon ang lahat ng mga tao ay yuyukod at tatangis, sapagka’t sa mga salitang “Babantayan ko ang buong lupa, at, magpapakita sa Silangan ng mundo nang may kabanalan, kamahalan, poot at kaparusahan, ihahayag ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!” lahat nang nakakaunawa ng espirituwal na mga bagay ay nakakakita na walang sinumang maaaring tumakas sa pagkastigo ng Diyos, na lahat ay susunod sa kanilang sariling uri pagkatapos maranasan ang pagdurusa ng pagkastigo. Tunay nga, ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos, at walang sinumang makakapagbago rito. Nang nilikha ng Diyos ang mundo, nang pinangunahan Niya ang sangkatauhan, ipinakita Niya ang Kanyang karunungan at pagiging kahanga-hanga, at saka lamang kapag dinadala Niya ang kapanahunang ito sa katapusan mamamasdan ng mga tao ang Kanyang tunay na pagkamatuwid, kamahalan, poot, at kaparusahan. Higit pa, sa pamamagitan lamang ng pagkastigo na makakaya nilang makita ang Kanyang pagkamatuwid, kamahalan, at poot; ito ay isang landas na dapat matahak, gaya ng, sa panahon ng mga huling araw, ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kailangan, at hindi maaaring mawala. Pagkatapos iproklama ang katapusan ng buong sangkatauhan, ipinakikita ng Diyos sa tao ang gawain na ginagawa Niya ngayon. Halimbawa, sinasabi ng Diyos, “Ang Israel noong panahon ay huminto na, at ang Israel sa araw na ito ay bumangon, tumayo at tumitindig nang matayog, sa mundo, ay bumangon sa mga puso ng lahat ng sangkatauhan. Ngayon ang Israel ay tiyak na makukuha ang pinagmulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, nakamumuhing Ehipto! … Paanong hindi ka iiral sa loob Aking kaparusahan?” Sadyang ipinakikita ng Diyos sa mga tao ang mga bungang nakamit ng dalawang magkasalungat na bansa mula sa mga kamay ng Diyos, sa isang banda ay tumutukoy sa Israel, na materyal, at sa isa pa ay tumutukoy sa lahat ng mga pinili ng Diyos—na ibig sabihin, sa kung paano nagbabago ang mga pinili ng Diyos habang ang Israel ay nagbabago. Kapag ang Israel ay lubos nang nakabalik sa orihinal nitong anyo, lahat ng mga pinili ay kasunod na magagawang ganap—na ibig sabihin, ang Israel ay isang makahulugang sagisag niyaong mga minamahal ng Diyos. Ang Ehipto, samantala, ay ang pagtatagpo ng mga kinatawan niyaong mga kinamumuhian ng Diyos. Mas nagiging bulok ito, mas nagiging tiwali yaong mga kinamumuhian ng Diyos—at ang Babilonia ay kasunod na bumabagsak. Ito ay bumubuo ng malinaw na pagkakasalungat. Sa pamamagitan ng pagpoproklama ng mga katapusan ng Israel at Ehipto, ibinubunyag ng Diyos ang hantungan ng lahat ng mga tao; kaya, kapag binabanggit ang Israel, nagsasalita rin ang Diyos tungkol sa Ehipto. Mula rito ay nakikita na ang araw ng pagwasak sa Ehipto ay ang petsa ng paglipol sa mundo, ang petsa kung kailan kinakastigo ng Diyos ang lahat ng mga tao. Ito ay mangyayari sa lalong madaling panahon; ito ay tutuparin na ng Diyos, at isang bagay na lubos na hindi-nakikita ng hubad na mata ng tao, datapwa’t ito rin ay hindi maaaring mawala, at hindi mababago ng sinuman. Sinasabi ng Diyos, “ang lahat ng mga taong lumaban sa Akin ay tiyak na paparusahan Ko nang walang hanggan. Sapagka’t Ako’y ang naninibughong Diyos, hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang ginawa.” Bakit ang Diyos ay nagsasalita nang gayong walang-pasubaling mga salita? At bakit Siya ay personal na naging katawang-tao sa sambayanan ng malaking pulang dragon? Mula sa mga salita ng Diyos ay nakikita ang Kanyang layunin: hindi Siya dumating upang iligtas ang mga tao, o maging mahabagin tungo sa kanila, o kalingain sila, o ingatan sila—kundi upang kastiguhin ang lahat niyaong sumasalungat sa Kanya. Sapagka’t sinasabi ng Diyos, “Walang makatatakas sa Aking pagkastigo.” Ang Diyos ay namumuhay sa katawang-tao, at, higit pa, Siya ay isang normal na persona—datapwa’t hindi Niya pinatatawad ang mga tao sa kanilang kahinaan sa kawalan ng kakayahang makilala Siya sa kanilang mga sarili; sa halip, dahil Siya ay normal, inuusig Niya ang mga tao dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, ginagawa Niya ang lahat niyaong nakakamasid sa Kanyang katawang-tao na yaong siyang kinakastigo, kaya’t sila ay nagiging mga biktima para sa mga yaong hindi kabilang sa mga tao ng bansa ng malaking pulang dragon. Nguni’t ito ay hindi isa sa mga pangunahing layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang Diyos ay naging katawang-tao pangunahing upang makipaglaban, sa katawang-tao, sa malaking pulang dragon, at upang hiyain ito sa pamamagitan ng labanan. Dahil ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay higit na napapatunayan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa malaking pulang dragon sa katawang-tao kaysa sa loob ng Espiritu, ang Diyos ay nakikipaglaban sa katawang-tao upang ipakita ang Kanyang mga gawa at pagiging makapangyarihan-sa-lahat. Dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi-mabilang na mga tao ang “walang-muwang” na nausig, hindi-mabilang na mga tao ang naitapon sa impiyerno, at nadala tungo sa pagkastigo, nagdurusa sa laman. Ito ang paglalarawan ng matuwid na disposisyon ng Diyos, at kung paano man nagbabago yaong mga sumasalungat sa Diyos ngayon, ang nananaig na disposisyon ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Minsan nang inusig, ang mga tao ay inuusig magpakailanman, at hindi na kailanman makababangon. Ang disposisyon ng tao ay hindi makakayang maging tulad ng sa Diyos. Tungo sa mga sumasalungat sa Diyos, ang mga tao ay paiba-iba ng isip, sila ay pagiwang-giwang sa kaliwa at kanan, sila ay umaakyat at bumababa, hindi nila makayang manatiling pareho nang tuluy-tuloy, kung minsan ay kinamumuhian sila nang sagad sa kanilang mga buto, kung minsan ay hinahawakan sila nang malapit; ang mga kalagayan ngayon ay nakasapit dahil hindi kilala ng mga tao ang gawain ng Diyos. Bakit sinasabi ng Diyos ang mga salitang gaya ng, “Ang mga anghel ay, sa paanuman, mga anghel; ang Diyos, sa paanuman, ay Diyos; ang mga demonyo, sa paanuman, ay mga demonyo; ang hindi-matuwid ay hindi pa rin matuwid; at ang mga banal ay banal pa rin”? Hindi ba ninyo ito naaabot? Maari kayang hindi naalaala ng Diyos? Kaya, sinasabi ng Diyos, “ang bawa’t isa’y ayon sa kanilang mga uri, ang mga tao ay hinahanap ang kanilang mga landas na hindi sinasadya pagbalik sa sinapupunan ng kanilang mga pamilya.” Mula rito ay makikita na ngayon, napagsama-sama na ng Diyos ang lahat ng mga bagay tungo sa kani-kanilang mga pamilya, upang ito ay hindi na isang “walang-hanggang mundo,” at ang mga tao ay hindi na kumakain mula sa parehong malaking palayok, kundi gumaganap ng kanilang sariling tungkulin sa kanilang sariling tahanan, ginagampanan ang kanilang sariling papel. Ito ang orihinal na plano ng Diyos sa paglikha ng mundo; pagkatapos na mapagsama-sama ayon sa uri, ang mga tao ay “bawa’t isa’y kakainin ang kanilang sariling pagkain”—sisimulan ng Diyos ang paghatol. Bilang resulta, mula sa bibig ng Diyos ay nagbuhat ang mga salitang ito: “Aking ibabalik sa dating estado ng paglikha, Aking ibabalik ang lahat ng bagay sa orihinal, malalim na babaguhin ang lahat ng bagay, nang sa gayon ang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano.” Ito ang eksaktong layunin ng buong gawain ng Diyos, at hindi ito mahirap maunawaan. Gagawing ganap ng Diyos ang Kanyang gawain—maari bang hadlangan ng tao ang Kanyang gawain? At maari bang punitin ng Diyos ang tipang itinatag sa pag-itan Niya at ng tao? Sino ang maaaring magbago sa ginawa ng Banal na Espiritu? Maari kayang sinuman sa gitna ng tao?

Abr 22, 2018

Consequence of Deporting Chinese Christian Refugees in Europe: Torture! Blood!


Consequence of Deporting Chinese Christian Refugees in Europe: Torture! Blood!

In recent years, legions of war refugees have swarmed into Europe.And some states tightened up their policy on refugees successively.According to Nouvelles d’Europe, in July 2017, while announcing a refugee reception plan,the French Prime Minister Philippe emphasized that the asylum seekers whose applications are denied should be deported without exception.Among the refugees who are confronted with deportation,are Christians from China.They suffered arbitrary arrests and persecution at the hands of the CCP atheistic regime solely because they had attended gatherings and spread the gospel in Mainland China.They were subsequently turned homeless without a hideout in China,and had to risk their lives to flee to overseas democracies for asylum.However, most of The Church of Almighty God (CAG) Christians who fled to Europe have had their refugee status applications denied so far,and hundreds of these Christians are confronted with deportation.Very few people have the knowledge of what persecution these Christians had suffered in China,or how risky the situation will be once they are sent back to China,or what living conditions they are going through in host countries.Well, let’s approach these Christians together today.
Recommendation:Know more of the Church of Almighty God
The Eastern Lightning—The Light of Salvation
Are Almighty God and the Lord Jesus One God?
Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?

Ang Kalooban ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-apat at Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas

    Kung walang matamang pagbasa, imposibleng makaalam ng anuman sa mga pagbigkas nitong dalawang araw; sa katunayan, ang mga iyon ay dapat na nabigkas sa isang araw, datapwa’t hinati ng Diyos sa dalawang araw. Ibig sabihin niyan, ang mga pagbigkas nitong dalawang araw ay bahagi ng isang buo, nguni’t upang gawing madali para sa mga tao na tanggapin ang mga iyon, hinati ng Diyos ang mga iyon sa dalawang araw upang bigyan ang mga tao ng pagkakataong makahinga. Ganyan ang pagsasaalang-alang ng Diyos para sa tao. Sa lahat ng gawain ng Diyos, lahat ng mga tao ay gumaganap ng kanilang gampanin at kanilang tungkulin sa kanilang sariling lugar. Hindi lamang ang mga taong may espiritu ng isang anghel ang nakikipagtulungan; yaong may espiritu ng demonyo ay “nakikipagtulungan” din, gayundin ang lahat ng mga espiritu ni Satanas. Sa mga pagbigkas ng Diyos ay nakikita ang kalooban ng Diyos at Kanyang mga kinakailangan sa tao. Ang mga salitang “Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Bawa’t buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin” ay nagpapakita na gumagamit ang Diyos ng pagkastigo upang bantaan ang lahat ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na makatamo ng pagkakilala sa Kanya. Dahil sa pagtitiwali ni Satanas at kahinaan ng mga anghel, ang Diyos ay gumagamit lamang ng mga salita, at hindi mga utos sa pangangasiwa, upang kastiguhin ang mga tao. Simula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, ito ang naging panuntunan ng gawain ng Diyos patungkol sa mga anghel at lahat ng mga tao. Dahil ang mga anghel ay sa Diyos, isang araw sila ay tiyak na magiging mga tao ng kaharian ng Diyos, at kakalingain at iingatan ng Diyos. Lahat ng mga iba, samantala, ay pagsasama-samahin din ayon sa uri, lahat ng sari-saring masasamang mga espiritu ni Satanas ay kakastiguhin, at lahat ng mga walang espiritu ay pamumunuan ng mga anak-na-lalaki at bayan ng Diyos. Ganyan ang plano ng Diyos. Kaya, minsang sinabi ng Diyos “Ang pagdating ba ng Aking araw ay talaga nga bang sandali ng kamatayan ng tao? Maaari Ko nga bang sirain ang tao sa panahon ng pagkabuo ng Aking kaharian?” Bagaman ang mga ito ay dalawang payak na mga katanungan, ang mga iyon ay mga pagsasaayos ng Diyos para sa hantungan ng buong sangkatauhan. Kapag dumarating ang Diyos ay ang panahon kung kailan ang “mga tao sa buong sansinukob ay ipinako sa krus nang patiwarik.” Ito ang layunin kaya ang Diyos ay nagpapakita sa lahat ng mga tao, gumagamit ng pagkastigo upang ipaalam sa kanila ang pag-iral ng Diyos. Dahil ang panahon na ang Diyos ay bumababa sa lupa ay ang huling kapanahunan, at ang panahon kung kailan ang mga bansa sa lupa ay nasa kanilang pinakamaligalig, kaya sinasabi ng Diyos “Sa Aking pagdating sa mundo, ito ay nakukubli ng kadiliman at ang sangkatauhan ay ‘mahimbing na natutulog.’” Sa gayon, ngayong araw mayroon lamang sandakot na mga taong may kakayahang makilala ang Diyos na nagkatawang-tao, halos wala. Dahil ngayon ang huling kapanahunan, walang sinuman ang kahit kailan ay nakakilala sa praktikal na Diyos, at ang mga tao ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala sa Diyos. At dahil dito kaya ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng masakit na pagpipino. Kapag lumalabas ang mga tao sa pagpipino ay kung kailan din sila ay nagsisimulang makastigo, ito ang panahon kung kailan nagpapakita ang Diyos sa lahat ng mga tao upang maari nilang personal na mamasdan Siya. Dahil sa Diyos na nagkatawang-tao, ang mga tao ay nahuhulog sa sakuna, at hindi nakakayang alisin ang kanilang mga sarili—na siyang kaparusahan ng Diyos sa malaking pulang dragon, at Kanyang utos sa pangangasiwa. Kapag ang init ng tagsibol ay dumarating at ang mga bulaklak ay namumukadkad, kapag ang lahat sa silong ng mga kalangitan ay pawang luntian at lahat ng mga bagay sa lupa ay nasa lugar, lahat ng mga tao at mga bagay ay unti-unting papasok tungo sa pagkastigo ng Diyos, at sa panahong iyan lahat ng gawain ng Diyos sa lupa ay matatapos. Ang Diyos ay hindi na gagawa o mamumuhay sa lupa, sapagka’t ang dakilang gawain ng Diyos ay natupad na. Ang mga tao ba ay walang kakayahang isantabi ang kanilang laman sa maikling panahong ito? Anong mga bagay ang makakapaghati sa pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Sino ang makakayang paghiwalayin ang pag-ibig sa pag-itan ng tao at Diyos? Ang mga magulang ba, mga asawang-lalaki, mga kapatid-na-babae, mga asawang-babae, o masakit na pagpipino? Mapapawi ba ng mga damdamin ng konsensya ang larawan ng Diyos sa loob ng tao? Ang pagkakautang ba at mga pagkilos ng mga tao tungo sa isa’t isa ay kanilang kagagawan? Ang mga iyon ba ay malulunasan ng tao? Sino ang makakayang ingatan ang kanilang mga sarili? Makakaya ba ng mga taong magkaloob para sa kanilang mga sarili? Sino ang mga malalakas sa buhay? Sino ang makakayang iwanan Ako at mamuhay sa kanilang sarili? Paulit-ulit nang paulit-ulit, bakit hinihingi ng Diyos na ang lahat ng mga tao ay magsagawa ng pagsusuri-sa-sarili? Bakit sinasabi ng Diyos, “kaninong paghihirap ang isinaayos sa pamamagitan ng kanilang mga sariling kamay?”

Ang tinig ng Diyos | Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-dalawa at Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas

    Ngayong araw, ang lahat ay handang tarukin ang kalooban ng Diyos at kilalanin ang disposisyon ng Diyos, datapwa’t walang nakakaalam sa dahilan kung bakit wala silang kakayahan sa pagsunod sa kanilang mga inaasam, hindi nila nalalaman kung bakit lagi silang ipinagkakanulo ng kanilang mga puso, at kung bakit hindi nila makayang kamtin kung ano ang nais nila. Bilang resulta, sila ay minsan pang binabagabag ng nakapanlulumong kawalang-pag-asa, gayunman ay puno pa rin sila ng takot. Hindi-kayang ipahayag ang mga magkakasalungat na damdaming ito, maaari lamang nilang iyuko ang kanilang mga ulo sa kalungkutan at patuloy na tanungin ang kanilang mga sarili: Maaari kayang hindi ako naliwanagan ng Diyos? Maaari kayang ako ay lihim na pinabayaan ng Diyos? Marahil ang bawa’t isa ay ayos, at naliwanagan silang lahat ng Diyos maliban sa akin. Bakit lagi akong nakakaramdam na nababagabag kapag binabasa ko ang mga salita ng Diyos, bakit hindi ko matarok kahit kailan ang anumang bagay? Bagaman iniisip ng mga isipan ng mga tao ang mga bagay na ito, walang nangangahas na ipahayag ang mga iyon; nagpapatuloy lamang silang nakikipagtunggali sa loob. Sa katunayan, walang sinuman kundi ang Diyos ang kayang maunawaan ang Kanyang mga salita o tarukin ang Kanyang tunay na kalooban. Gayunman laging hinihingi ng Diyos na tarukin ng mga tao ang Kanyang kalooban—hindi ba ito ay gaya ng pagtutulak sa isang bibi tungo sa isang dapúán? Ang Diyos ba ay mangmang sa mga pagkabigo ng tao? Ito ang interseksyon ng gawain ng Diyos, ito ang hindi nauunawaan ng mga tao, at sa gayon ay sinasabi ng Diyos, “Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito.” Ayon sa mga salita ng Diyos at kung ano ang hinihingi Niya sa tao, walang makakapanatiling buháy, sapagka’t walang anuman sa laman ng tao ang tumatanggap sa mga salita ng Diyos, kayâ kung kaya ng mga tao na sundin ang mga salita ng Diyos, magpahalaga at maghangad sa mga salita ng Diyos, at iakma ang mga salita sa mga pagbigkas ng Diyos na tumutukoy sa mga katayuan ng tao sa kanilang sariling mga kalagayan, at sa gayon ay makilala ang kanilang mga sarili, kung gayon ito ang pinakamataas na pamantayan. Kapag ang kaharian ay naging realidad sa kahuli-hulihan, yaong mga namumuhay sa laman ay hindi pa rin makakayang tarukin ang kalooban ng Diyos, at mangangailangan pa rin ng personal na paggabay ng Diyos. Mawawalan nga lamang ang mga tao ng panghihimasok ni Satanas, at matataglay ang normal na buhay ng tao, na siyang layunin ng Diyos sa paggapi kay Satanas, at pangunahing upang bawiin ang orihinal na kakanyahan ng tao, na nilikha ng Diyos. Sa isipan ng Diyos, ang “laman” ay tumutukoy sa sumusunod: ang kawalang-kakayahan na makilala ang kakanyahan ng Diyos, ang kawalang-kakayahan na makita ang mga kaganapan sa espirituwal na kinasasaklawan, at, higit pa, ang kakayahang magawang tiwali ni Satanas nguni’t mapatnubayan din ng Espiritu ng Diyos. Ito ang diwa ng laman na nilikha ng Diyos. Likas lamang na ito rin ay upang maiwasan ang kaguluhan na sanhi ng kakulangan ng kaayusan sa buhay ng sangkatauhan. Mas nagsasalita ang Diyos, at mas nagiging matalim ang Kanyang mga salita, mas nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga salita. Ang mga tao ay hindi-namamalayang nagbabago, at hindi-namamalayang namumuhay sa liwanag, at sa gayon “Dahil sa liwanag, lahat ng mga tao ay lumalago, at iniwan na ang karimlan.” Ito ang magandang tagpo ng kaharian, at gaya ng malimit na sinalita sa nakaraan: “namumuhay sa liwanag, lumilisan sa kamatayan.” Kapag ang Sinim ay naging tunay sa lupa—kapag ang kaharian ay naging tunay—hindi na magkakaroon ng digmaan sa lupa, hindi na kailanman magkakaroon ng mga taggutom, mga salot, at mga lindol, ang mga tao ay hihinto sa paggagawa ng mga sandata, lahat ay mamumuhay sa kapayapaan at katatagan, at kapwa ang mga tao at mga bansa ay magkakaugnay nang normal sa isa’t isa. Gayunman ang kasalukuyan ay hindi maihahambing dito. Ang lahat sa ilalim ng mga kalangitan ay nasa kaguluhan, ang mga kudeta ay unti-unting nagsisimulang maganap sa bawa’t bansa. Habang binibigkas ng Diyos ang Kanyang tinig ang mga tao ay unti-unting nagbabago, at, sa panloob, bawa’t bansa ay dahan-dahang nagkakawatak-watak. Ang matibay na mga pundasyon ng Babilonia ay nagsisimulang kumalog, gaya ng isang kastilyo na umaabot tungo sa himpapawid, at habang ang kalooban ng Diyos ay nag-iiba, matitinding mga pagbabago ang nagaganap na di-napapansin sa mundo, at lahat ng galaw ng mga palatandaan ay lumilitaw sa anumang oras, ipinakikita sa mga tao na ang huling araw ng mundo ay nakarating! Ito ang plano ng Diyos, ang mga ito ang mga hakbang kung saan sa pamamagitan nito Siya ay gumagawa, at bawa’t bansa ay tiyak na magkakapira-piraso, ang matandang Sodoma ay mawawasak sa ikalawang pagkakataon, at sa gayon sinasabi ng Diyos “Masisira ang mundo! Paralisado ang Babylon!” Walang sinuman kundi ang Diyos lamang ang may kakayahan ng ganap na pag-unawa rito; mayroong, sa paanuman, isang hangganan sa kamalayan ng mga tao. Halimbawa, ang mga ministro ng panloob na mga kaganapan ay maaring nakakaalam na ang kasalukuyang mga kalagayan ay hindi matatag at magulo, nguni’t wala silang kakayahang lunasan ang mga iyon. Maaari lamang silang sumakay sa agos, umaasa sa kanilang mga puso para sa araw kung kailan maitataas nila ang kanilang mga ulo, naghahangad na ang araw ay darating kung kailan ang araw ay muling sisikat sa silangan, sumisikat sa buong lupain at ibinabaligtad ang kaawa-awang katayuang ito ng mga kaganapan. Bahagya nilang nalalaman, gayunpaman, na kapag ang araw ay sumisikat sa ikalawang pagkakataon, ito ay hindi upang panumbalikin ang lumang kaayusan, kundi upang bumalikwas pabalik, at magdala ng lubos na pagbabago. Ganyan ang plano ng Diyos para sa buong sansinukob. Dadalhin Niya ang isang bagong mundo, nguni’t higit sa lahat, paninibaguhin muna Niya ang tao. Ngayong araw, ang pagdadala ng mga tao tungo sa mga salita ng Diyos ay siyang susi, hindi lamang pagpapahintulot sa kanila na magtamasa ng mga pagpapala ng katayuan. Higit pa, gaya ng sinasabi ng Diyos, “Sa kaharian, Ako ang Hari—ngunit sa halip na ituring Ako bilang kanyang Hari, tinatrato Ako ng tao bilang Tagapagligtas na bumaba mula sa langit. Bilang resulta, umaasa siya na magbibigay ako sa kanya ng limos, at hindi tuluyang naghahangad na ako’y makilala.” Ganyan ang tunay na mga kalagayan ng lahat ng mga tao. Ngayong araw, ang mahalaga ay ganap na pagpapawi sa walang-kasiyahang kasakiman ng tao, sa gayon ay pinahihintulutan ang mga tao na makilala ang Diyos nang hindi humihingi ng anuman; hindi kataka-taka, kung gayon, na sinasabi ng Diyos, “Maraming umiyak sa Aking harapan katulad ng isang pulubi; maraming nagbukas ng kanilang mga “sako” sa Akin at nakiusap sa Aking bigyan sila ng pagkain upang mabuhay.” Ang sari-saring mga katayuang ito ay tumutukoy sa kasakiman ng mga tao, at ipinakikita ng mga ito na hindi minamahal ng mga tao ang Diyos kundi gumagawa ng mga panghihingi sa Diyos, o kaya ay sinusubukang matamo ang mga bagay-bagay na kanilang inaasam. Ang mga tao ay may kalikasan ng isang gutom na lobo, silang lahat ay tuso at sakim, at sa gayon ang Diyos ay gumagawa ng mga kinakailangan sa kanila nang paulit-ulit, pinipilit silang alisin ang kasakiman sa kanilang mga puso at mahalin ang Diyos nang taos-puso. Sa katunayan, hanggang sa araw na ito, hindi pa naibibigay ng mga tao ang kanilang buong puso sa Diyos, sila ay namamangka sa dalawang ilog, kung minsan ay umaasa sa kanilang mga sarili, kung minsan ay umaasa sa Diyos nang hindi lubusang nananalig sa Diyos. Kapag ang gawain ng Diyos ay umaabot sa isang tiyak na punto, lahat ng mga tao ay mamumuhay sa gitna ng tunay na pag-ibig at pananampalataya, at ang kalooban ng Diyos ay matutupad; sa gayon, ang mga kinakailangan ng Diyos ay hindi matayog.