Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas
Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon, at namumuhi Siya nang higit pa sa malaking pulang dragon. Ito ang ugat ng poot sa loob ng puso ng Diyos. Tila nais ng Diyos na ihagis ang lahat ng mga bagay na nabibilang sa malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre upang lubusang sunugin sila. May mga pagkakataon na tila nais pa nga ng Diyos na iunat ang Kanyang kamay upang personal na lipulin ito—tanging iyan ang maaring makapawi ng galit sa Kanyang puso. Ang bawa’t isang tao sa bahay ng malaking pulang dragon ay isang hayop na nagkukulang sa pagkatao, kaya ang Diyos ay matinding sinupil ang Kanyang galit para sabihin ang sumusunod: “Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo.” Nagsimula ang Diyos ng isang pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa sarili nitong bansa, at kapag ang Kaniyang plano ay dumating sa pagbubunga ay wawasakin Niya ito, hindi na pinapayagan ito na gawing tiwali ang sangkatauhan o pinsalain ang kanilang mga kaluluwa. Hindi lumilipas ang isang araw na ang Diyos ay hindi tumatawag sa Kanyang mga taong nahihimbing upang iligtas sila, nguni’t silang lahat ay nasa kalagayang pananamlay na tila sila ay uminom ng pildoras na pampatulog. Kung hindi Niya pinukaw ang mga ito kahit sandali ay bumabalik sila sa kanilang kalagayan ng pagtulog, nang walang kamalayan. Tila ang lahat ng Kanyang mga tao ay dalawang-ikatlong paralisado. Hindi nila alam ang kanilang sariling mga pangangailangan o ang kanilang sariling mga kakulangan, o kahit kung ano ang dapat nilang isuot o kung ano ang dapat nilang kainin. Ipinakikita nito na ang malaking pulang dragon ay nakagugol ng malaking pagsisikap upang gawing tiwali ang mga tao. Ang kapangitan nito ay umaabot sa bawa’t rehiyon ng Tsina. Nagáwâ pa nga nito na ang mga tao ay mayamot at ayaw nang manatili nang mas matagal pa sa nabubulok at mahalay na bansa. Ang pinaka-kinapopootan ng Diyos ay ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, kung kaya’t pinaaalalahanan Niya ang mga tao sa Kanyang poot bawa’t araw, at ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng mata ng Kanyang poot araw-araw. Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao ay hindi pa rin alam kung paanong hanapin ang Diyos, nguni’t sila ay umuupo lamang sa panonood at naghihintay upang pakainin sa palad. Kahit na sila ay namamatay na sa gutom hindi sila magkukusang humayong maghanap ng kanilang sariling pagkain. Ang mga konsensya ng mga tao ay malaon nang panahong ginawang tiwali ni Satanas at nagbago ang kakanyahan upang maging walang-puso. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos: “Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.” Para bang ang mga tao ay tulad ng mga hayop sa mahabang pagtulog sa panahon na dumaraan ang taglamig at hindi humingi upang kumain o uminom; ito ay eksaktong ang kasalukuyang kalagayan ng bayan ng Diyos, na dahilan kung bakit ang Diyos ay kinakailangan lamang na makilala ng mga tao na Diyos na nagkatawang-tao Mismo sa liwanag. Wala Siyang pangangailangan sa mga tao na magbago nang matindi o para sa kanila na magkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang buhay. Iyan ay sapat na upang talunin ang maruming, nakapandidiring malaking pulang dragon, kaya mas mahusay na naipamamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.