Ang Ikaapatnapu’t-pitong Pagbigkas
Upang palaguin sa buhay ang sangkatauhan at Kami ng sangkatauhan ay magkamit ng mga resulta sa aming nagkakaisang simulain, lagi Akong nagpapatangay sa sangkatauhan, tinutulutan silang makatamo ng pampalusog at pantustos mula sa Aking salita at makatanggap ng lahat ng Aking kasaganaan mula rito. Kahit kailan ay hindi Ko ipinahiya ang sangkatauhan, subali’t hindi kailanman isinasaalang-alang ng tao ang Aking mga damdamin. Ito ay sapagka’t ang sangkatauhan ay manhid at “hinahamak” ang lahat ng mga bagay bukod sa Akin. Dahil sa mga pagkukulang ng sangkatauhan, nagpapakita Ako ng simpatiya sa kanila at sa gayon ay puspusang pinagsisikapan ang para sa kanila, upang maaari nilang matamasa ang lahat ng kasaganaan ng lupa hanggang ibig nila sa loob ng kanilang panahon sa lupa. Hindi Ko tinatrato nang hindi-patas ang tao at bilang pagsasaalang-alang sa pagsunod sa Akin ng mga tao sa loob ng maraming taon, lumambot ang Aking puso para sa kanila. Para bang hindi Ko kayang pagawin sila ng anumang gawain. Kaya, pinanonood Ko ang mga payat-na-payat na mga taong nagmamahal sa Akin tulad ng pagmamahal nila sa kanilang mga sarili at sa Aking puso ay palaging mayroong di-maipaliwanag na damdaming masakit, nguni’t sinong lalabag sa kinasanayan dahil dito? Sinong gagambala sa kanilang mga sarili dahil dito? Gayunpaman, naipagkaloob Ko na ang lahat ng Aking gantimpala sa sangkatauhan upang matamasa nila ito nang lubusan, at hindi Ko minaltrato ang sangkatauhan sa isyung ito. Ito ang kung bakit nakikita pa rin ng sangkatauhan ang Aking mahabagin at mabait na mukha. Lagi Akong nakapagtiis at nakapaghintay. Kapag ang sangkatauhan ay nagtatamasa hanggang kanilang ikinasisiya at nababagot, magsisimula Akong “pagbigyan” ang kanilang mga kahilingan at tulutan ang buong sangkatauhan na takasan ang kanilang walang-kabuluhang mga buhay, at pagkatapos ay hindi na Ako muling magkakaroon ng mga pakikitungo sa mga tao. Sa ibabaw ng lupa, nakaraan na ay nilamon Ko na ang sangkatauhan ng tubig-dagat, kinontrol Ko sila ng mga taggutom, tinakot Ko sila ng mga salot ng mga kulisap, at ginamit ko ang malalakas na mga ulan upang “diligin” sila, nguni’t hindi nadama ng tao ang kahungkagan ng buhay. Ngayon hindi pa rin nauunawaan ng tao ang kabuluhan ng pamumuhay sa lupa. Maaari kaya na ang pamumuhay sa Aking presensya ang pinakamahalaga na aspeto ng pantaong buhay? Ang pamumuhay ba sa Akin ay nagpapahintulot sa isa na takasan ang banta ng sakunâ? Ilang mga katawang makalaman sa lupa ang namuhay sa kalayaan ng pagtatamasa sa sarili? Sinong nakatakas sa kahungkagan ng pamumuhay sa laman? At sinong makaaalam nito? Mula sa Aking paglalang sa sangkatauhan magpahanggang sa ngayon, walang sinumang nakapamuhay ng pinaka-makabuluhang buhay sa lupa, kaya’t ang tao ay laging inaaksaya lamang ang isang buhay na lubos na walang-kabuluhan, nguni’t walang sinumang handang takasan ang mahirap-na-katayuang ito at walang sinumang handang iwasan ang kanilang hungkag at pagod na mga buhay. Sa karanasan ng sangkatauhan, walang sinuman sa mga namumuhay sa laman ang nakatakas sa mga kinagawian ng mundo ng tao, kahit na magsamantala sila sa pagtatamasa sa Akin. Sa halip, lagi lamang nilang hinayaan ang takbo ng kalikasan at nilinlang ang kanilang mga sarili.