菜單

Abr 4, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-limang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-limang Pagbigkas

    Minsan ay pinili Ko ang pinong mga gamit para maiwan sa Aking bahay, upang sa loob nito ay magkaroon ng di-matutumbasang mga kayamanan, sa gayon ay mapapalamutihan ito, kung saan mula rito ay nakatamo Ako ng kasiyahan. Nguni’t dahil sa pagtrato ng tao sa Akin, at dahil sa mga pangganyak ng mga tao, wala Akong napagpilian kundi isantabi ang gawaing ito at gumawa ng iba. Aking gagamitin ang mga pangganyak ng tao upang tuparin ang Aking gawain, Aking imamaniobra ang lahat ng mga bagay para magsilbi sa Akin, at sanhiin ang Aking bahay na hindi na maging madilim at malungkot bilang resulta. Minsan ay nanood Ako sa gitna ng tao: Lahat ng may laman at dugo ay nakatulálâ, wala kahit isang bagay ang nakaranas ng pagpapala ng Aking pag-iral. Ang mga tao ay namumuhay sa gitna ng mga pagpapala nguni’t hindi alam kung gaano sila talagang pinagpala. Kung ang Aking mga pagpapala sa sangkatauhan ay hindi nakáiral hanggang ngayon, sino sa gitna ng sangkatauhan ang nakápánatili hanggang sa kasalukuyan at hindi naglaho? Na ang mga tao ay nabubuhay ay Aking pagpapala, at nangangahulugan ito na namumuhay siya sa gitna ng Aking mga pagpapala, dahil sa pasimula ay wala siyang anuman, dahil siya ay orihinal na walang puhunan upang mabuhay sa pag-itan ng langit at lupa; ngayon patuloy Akong tumutulong sa tao, at dahil lamang dito kaya nakakatayo ang tao sa harap Ko, mapalad lamang na makatakas sa kamatayan. Nabuod na ng tao ang mga lihim ng pag-iral ng tao, nguni’t walang sinumang nakadama na ito ay Aking pagpapala. Bilang resulta, isinusumpa ng lahat ng mga tao ang kawalang-katarungan sa loob ng mundo, lahat sila ay dumaraing tungkol sa Akin dahil sa kalungkutan sa kanilang mga buhay. Kung hindi sa Aking mga pagpapala, sinong makakakita ng ngayon? Lahat ng mga tao ay dumaraing laban sa Akin dahil hindi nila kayang mamuhay sa gitna ng kaginhawahan. Kung ang buhay ng tao ay maningning at magaan, kung ang mainit na “bugso ng tagsibol” ay ipinadala sa puso ng tao, nagsasanhi ng di-mahigitang kaginhawahan sa kanyang buong katawan, iniiwan siyang hindi-nasasaktan kahit katiting, kung gayon sino sa gitna ng tao ang mamamatay na dumaraing? Ako ay lubhang nahihirapan sa pagtatamo ng walang-pasubaling katapatan ng tao, dahil ang mga tao ay masyadong maraming mga tusong pakánâ—sapat, napakasimple, upang paikutin ang ulo ng isa. Nguni’t kapag nagtaas Ako ng mga pagsalungat sa kanila, nagkikibit-balikat lamang sila sa Akin, hindi nila Ako pinapansin, dahil ang Aking mga pagsalungat ay nakasaling sa kanilang mga kaluluwa, iniiwan sila na hindi kayang mapatatag mula ulo hanggang paa, kaya’t kinamumuhian ng mga tao ang Aking pag-iral, sapagka’t gusto Ko laging “pahirapan” sila. Dahil sa Aking mga salita, ang mga tao ay umaawit at sumasayaw, dahil sa Aking mga salita, tahimik nilang iniyuyuko ang kanilang mga ulo, at dahil sa Aking mga salita, bumubulalas sila ng iyak. Sa Aking mga salita, nawawalan ng pag-asa ang mga tao, sa Aking mga salita, natatamo nila ang liwanag para manatiling buháy, dahil sa Aking mga salita, pabiling-biling sila, di-makatulog araw at gabi, at dahil sa Aking mga salita, nagmamadali sila sa buong lugar. Inilulubog ng Aking mga salita ang mga tao sa Hades, pagkatapos ay inilulubog sila ng mga ito tungo sa pagkastigo—nguni’t, nang hindi ito natatanto, tinatamasa rin ng mga tao ang Aking mga pagpapala. Kaya ba itong makamit ng tao? Darating ba ito kapalit ng walang-kapaguran na mga pagsisikap ng mga tao? Sinong makatatakas sa mga pagsasaayos ng Aking mga salita? Sa gayon, dahil sa mga pagkabigo ng tao, ipinagkakaloob Ko ang Aking mga salita sa sangkatauhan, sinasanhi ang mga kakulangan ng tao na mapunuan dahil sa Aking mga salita, nagdadala ng di-matumbasang mga kayamanan sa buhay ng sangkatauhan.

    Malimit Kong sinusuri ang mga salita at mga kilos ng mga tao. Sa kanilang asal at mga itsura ng mukha, nakatuklas Ako ng maraming “mga hiwaga.” Sa pakikipag-ugnayan ng mga tao sa iba, “ang mga lihim na pamamaraan” ay praktikal na ipinagmamalaki ang lugar—at sa gayon, kapag nakikisama Ako sa tao, ang Aking natatamo ay ang “lihim na mga pamamaraan ng pantaong interaksiyon,” na nagpapakita na hindi Ako minamahal ng tao. Malimit Kong pinagsasabihan ang tao dahil sa kanyang mga kabiguan, gayunman ay hindi Ko kayang kamtin ang kanyang tiwala. Ang tao ay hindi handang magpapaslang sa Akin, pagka’t sa “mga lihim na pamamaraan ng pantaong interaksiyon” ng tao, hindi kailanman natuklasan na ang tao ay nagdusa ng nakamamatay na sakúnâ—nagdusa lamang siya ng ilang kabiguan sa panahon ng kasawiang-palad. Ang mga tao ay humihiyaw dahil sa Aking mga salita, at ang kanilang mga pakiusap ay laging nagtataglay ng mga hinaing tungkol sa Aking kawalang-puso. Para bang lahat sila ay naghahanap para sa Aking tunay na “pag-ibig” sa tao—nguni’t paano nila matatagpuan ang Aking pag-ibig sa Aking mariing mga salita? Bilang resulta, lagi silang nawawalan ng pag-asa dahil sa Aking mga salita. Para bang, sa sandaling narinig nila ang Aking mga salita, namamasdan nila si “kamatayan,” kaya nanginginig sa takot. Nalulungkot Ako dahil dito: Bakit ang mga taong nasa laman, na laging namumuhay sa gitna ng kamatayan, ay laging takot sa kamatayan? Ang tao ba at kamatayan ay mahigpit na magkaaway? Bakit ang pagkatakot sa kamatayan ay laging nagsasanhi ng pagkabalisa sa mga tao? Sa buong “di-pangkaraniwang” mga karanasan ng kanilang mga buhay, sila ba ay nakakaranas lamang ng kaunting kamatayan? Bakit, sa kanilang sinasabi, ang mga tao ay laging dumaraing tungkol sa Akin? Kaya, Aking binubuod ang ikaapat na kasabihan para sa pantaong buhay: Ang mga tao ay katiting lamang ang pagiging masunurin sa Akin, kaya’t lagi nila Akong kinamumuhian. Dahil sa pagkamuhi ng tao, malimit Akong umaalis. Bakit Ko isasailalim ang Aking Sarili dito? Bakit dapat lagi Kong pukawin ang pagkamuhi sa mga tao? Yamang hindi tinatanggap ng mga tao ang Aking pag-iral, bakit Ako magmumukhang matapang at mamumuhay sa bahay ng tao? Wala Akong pagpipilian kundi kunin ang Aking “dala-dalahan” at iwan ang tao. Nguni’t hindi matiis ng taong paalisin Ako, hindi nila nais kailanman na hayaang umalis Ako, pumapalahaw sila at humahagulgol, lubhang natatakot na Ako ay aalis, at sa gayon ay mawawalan sila ng kanilang inaasahan para mabuhay. Nakikita ang kanilang nagsusumamo titig, ang Aking puso ay lumalambot. Sa kalagitnaan ng mga karagatan ng mundo, sinong may kakayahang mahalin Ako? Ang tao ay balót ng maruming tubig, napapalibutan ng pwersa ng dagat. Kinamumuhian Ko ang pagkamasuwayin ng tao, gayunman ay nakadarama rin Ako ng habag sa kasawiang-palad ng buong sangkatauhan—sapagka’t ang tao, sa paanupaman, ay biktima pa rin. Paano Kong maitatapon ang tao sa karagatan kapag siya ay mahina at walang kapangyarihan? Ako ba ay napakalupit para sipain siya gayong lugmok na? Ang puso Ko ba ay walang-awa? Ito ba ay dahil sa Aking pagtrato sa sangkatauhan kaya ang tao ay pumapasok sa kapanahunang ito kasabay Ko, ito ba ay dahil dito kaya napalipas niya ang di-pangkaraniwang mga araw at gabing ito na kasama Ko. Ngayon, ang mga tao ay nasa kasabikan ng kagalakan, higit nilang nadarama ang Aking pagkagiliw, at minamahal nila Ako nang may matinding kalakasan, dahil may kasiglahan sa kanilang mga buhay, at hindi na sila mga alibughang anak na lumalaboy sa mga dulo ng daigdig.
    Sa Aking mga araw ng pamumuhay kasama ng tao, ang mga tao ay umaasa sa Akin, at dahil Ako ay may pagsasaalang-alang sa tao sa lahat ng mga bagay, at metikuloso sa Aking pagkalinga sa kanya, ang mga tao ay laging namumuhay sa Aking mainit na yakap, walang tinitiis na hanging humihihip, pumapatak na ulan, o nakasusunog na araw; ang mga tao ay nabubuhay sa kalagitnaan ng kaligayahan, at itinuturing Ako bilang isang mapagmahal na ina. Ang mga tao ay tulad ng mga bulaklak sa isang grinhaus, lubos na hindi-kayang tagalan ang pananalanta ng “likas na mga sakúnâ,” kahit kailan ay hindi-kayang tumayo nang matatag. Kaya inilalagay Ko sila sa kalagitnaan ng mga pagsubok ng humuhugong na mga karagatan, at wala silang magáwâ kundi walang-tigil na “magpahapay-hapay,” sila ay halos walang kapangyarihang lumaban—at dahil ang kanilang tayog ay kulang na kulang at ang kanilang mga katawan ay napakahina, nakadarama Ako ng kabigatan. Kaya, nang hindi ito natatanto, ang mga tao ay isinasailalim sa Aking mga pagsubok, dahil sila ay napakaselan, at hindi kayang tagalan ang humuhugong na mga hangin at nakasusunog na araw. Hindi ba ito Aking gawain ng kasalukuyan? Bakit, kapag nakaharap sa Aking mga pagsubok, ang mga tao ba ay palaging bumubulalas ng iyak? Ginagawan Ko ba sila ng kawalang-katarungan? Sadya Ko ba silang pinapaslang? Bakit ang katayuan ng tao na kaibig-ibig ay namamatay, upang hindi na kailanman muling mabuhay? Lagi Akong sinusunggaban ng mga tao at hindi binibitawan; dahil kahit kailan ay hindi nila nakayang mamuhay sa kanilang sarili, lagi nilang hinayaan ang kanilang mga sarili na maakay ng Aking kamay, lubhang natatakot na makuha ng iba. Hindi Ko ba ginagabayan ang kanilang buong buhay? Sa panahon ng kanilang maligalig na buhay, habang sila ay tumatawid sa taluktok at libis, nakaranas sila ng malaking kaligaligan—hindi ba ito nagmula sa Aking kamay? Bakit hindi kailanman naunawaan ng mga tao ang Aking puso? Bakit ang Aking mabuting mga hangarin ay laging hindi nila nauunawaan? Bakit ang Aking gawain ay hindi masimulan nang matagumpay sa lupa? Dahil sa kahinaan ng tao, lagi Kong naiwasan ang tao, na lubhang nagpapalungkot sa Akin: Bakit ang Aking susunod na hakbang ng gawain ay hindi maisakatuparan sa tao? Kaya, Ako ay tumatahimik, maingat siyang tinitimbang: Bakit kailanma’y napipigilan Ako ng mga kakulangan ng tao? Bakit laging may mga hadlang sa Aking gawain? Ngayon, hindi pa Ako nakakasumpong ng ganap na katugunan sa tao, sapagka’t ang tao ay laging pabagu-bago, hindi siya normal kahit kailan, alinman ng namumuhi siya sa Akin nang sagad sa kanyang mga buto, o may sukdulang pag-ibig para sa Akin. Ako, ang normal na Diyos Mismo, ay hindi makatagal sa gayong pagpapahirap mula sa tao. Dahil ang mga tao ay laging abnormal ang isipan, Ako ay tila natatakot nang kaunti sa tao, kaya’t ang panonood sa bawa’t galaw niya ay nagpapaisip sa Akin sa kanyang pagka-abnormal. Hindi Ko sinasadyang matuklasan ang hiwaga sa tao: Lumalabas na mayroong utak sa likod niya; dahil dito, ang mga tao ay laging matapang at tiwala, na parang nakágáwâ sila ng isang bagay na makatuwiran. Sa gayon, ang mga tao ay laging nagkukunwari bilang isang matanda at kinakausap nang nakaka-engganyo ang “maliit na bata.” Pinanonood ang pagpapanggap ng tao, wala Akong magáwâ kundi magpuyós sa galit: Bakit ang mga tao ay napaka-di-maibigin at walang-galang sa kanilang mga sarili? Bakit hindi nila kilala ang kanilang mga sarili? Ang Akin bang mga salita ay nakalipas na? Ang Akin bang mga salita ang kaaway ng tao? Bakit, kapag kanilang binabasa ang Aking mga salita, lalo ba Akong inaayawan ng mga tao? Bakit ba palaging idinaragdag ng mga tao ang kanilang sariling mga kaisipan sa Aking mga salita? Ako ba ay napaka-hindi-makatwiran tungo sa tao? Dapat pag-isipang mabuti ng lahat ng tao ang tungkol dito, tungkol sa kung ano ang nakapaloob sa Aking mga salita.
Ika-24 ng Mao, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos sa “Tungkol sa Biblia