Ang Ikaapatnapu’t-tatlong Pagbigkas
Marahil ay dahil lamang sa Aking mga utos sa pangangasiwa kaya ang mga tao ay nagkaroon ng malaking “interes” sa Aking mga salita. Kung hindi sila pinamahalaan ng Aking mga utos sa pangangasiwa, sila sanang lahat ay umaalulong na parang mga tigreng kagagambala pa lamang. Araw-araw Ako ay pagala-gala sa ibabaw ng mga ulap, minamasdan ang sangkatauhang bumabalot sa lupa habang sila ay abalang-abala, pinipigilan Ko sa pamamagitan ng Aking mga utos sa pangangasiwa. Ito lamang ang paraan upang panatilihin ang lahi ng tao sa maayos na katayuan, kaya’t napanatili Ko ang Aking mga utos sa pangangasiwa. Mula sa sandaling ito hanggang sa daraan, yaong mga nasa lupa ay tatanggap ng lahat ng uri ng mga pagkastigo dahil sa Aking mga utos sa pangangasiwa, at habang ang mga pagkastigong ito ay bumababa sa kanila ang buong sangkatauhan ay nagsisigawan nang malakas at nagtatakbuhan sa lahat ng direksyon. Sa sandaling ito, ang mga bansa sa lupa ay agad na naglalaho, ang mga hangganan sa pag-itan ng bansa at bansa ay hindi na umiiral, ang lugar ay hindi na nababahagi mula sa lugar, at wala nang maghihiwalay ng tao mula sa tao. Sinisimulan Kong gawin ang “gawaing pang-ideolohiya” sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang ang mga tao ay sama-samangmakakairal nang mapayapa, hindi na nag-aaway-away, at, habang Ako ay nagtatayo ng mga tulay at nagtatatag ng mga koneksyon sa kalagitnaan ng sangkatauhan, angmga tao ay nangagkakaisa. Aking pupunuin ang mga kalangitan ng mga kahayagan ng Aking paggawa, upang ang lahat ng bagay sa lupa ay magpapatirapa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, ipinatutupad ang Aking plano para sa “pandaigdigangpagkakaisa” at dinadala ang isa Kong inaasam na ito sa kaganapan, kaya’t angsangkatauhan ay hindi na “magpapagala-gala” sa ibabaw ng lupa kundi makakatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkabalam. Nag-iisip Ako para sa lahi ng tao sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang ang buong sangkatauhan sa lalong madaling panahon ay makakapamuhay sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan, upangang mga araw ng kanilang mga buhay ay hindi na magiging malungkot at mapanglaw, kaya’t ang Aking plano ay hindi na mawawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil ang tao ay umiiral doon, Aking itatayo ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagka’t ang isang bahagi ng kahayagan ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko ang Aking mga lungsod sa ayos kaya’t gagawin ang lahat na bago kapwa sa itaas at sa ibaba. Aking sasanhiin ang lahat nangumiiral kapwa sa itaas at ibaba ng langit tungo sa iisang kaisahan, upang ang lahat ng mga bagay sa lupa ay makaisa ng lahat nang nasa langit. Ito ang Aking plano, ito ang Aking tutuparin sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam angsinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain tungo sa mga bansa ng mga Gentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang makatatarok sa gawaing Aking gagawin, kaya’t ang mga tao ay lubos na nalilito. At dahil Ako ay abáláng-abálá sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataon upang “maglaro.” Upang pigilan sila mula sa pagiging masyadong di-masupil, inilagay Ko muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at Aking gagamitin ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang tuparin ang gawain Kong ito, kung hindi ay magiging imposibleng isakatuparan ang Aking gawain. Aking sasanhiin ang mga tao sa buong sansinukob na magpasakop sa harap ng Aking trono, hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at higit pa pinagsusunud-sunod sila ayon sa kani-kanilang mga pamilya, upang ang buong sangkatauhan ay titigil sa pagsuway sa Akin, sa halip ay bumabagsak sa isang masinop at maayos na pagkakaayos ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaan ang sinuman na basta na lamang gumalaw sa palibot! Sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, nakágáwâ Ako ng bagong gawain; sa ibabaw at ilalim ng sansinukob, ang buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay pinasabog na di pa nangyari kailanman ng Aking bukas na pagpapakita. Hindi ba’t ang ngayon ay eksaktong tulad nito?