菜單

Mar 28, 2018

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

    Ang mga tao ay nakatuon sa bawa’t galaw Ko, na para bang ibababa Ko na angmga kalangitan, at sila ay palaging naguguluminahan sa Aking mga ginagawa, na para bang ang Aking mga gawa ay lubos na hindi-maarok sa kanila. Sa gayon, kinukuha nila ang kanilang hudyat mula sa Akin sa lahat ng kanilang ginagawa, lubhang natatakot na magkakasala sila sa Langit at mapapatapon sa “mundo ng mga mortal.” Hindi Ko sinusubukang mahawakan ang mga tao, kundi tinututukan ng Aking gawain ang kanilang mga pagkukulang. Sa sandaling ito, sila ay napakasaya, at lumalapit upang umasa sa Akin. Kapag nagbigay Ako sa tao, minamahal Ako ng mga tao gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sariling mga buhay, subali’t kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, iniiwasan nila Ako. Bakit ganito? Hindi ba nila man lamang maisasagawa ang “pagiging-patas at pagkamakatwiran” ng mundo ng tao? Bakit ba Ako humihingi ng ganoon sa mga tao nang paulit-ulit? Talaga bangang kalagayan ay wala Ako kahit ano? Tinatrato Ako ng mga tao na parang isangpulubi. Kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, itinataas nila angkanilang mga “tira-tira” sa harap Ko upang Aking “tamasahin,” at sinasabi pangtangang pag-aalaga nila sa Akin. Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kaibhan, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling di-nakauunawa, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik. Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa di-alam na dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y walang kakayahang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin. Bilang resulta, Aking itinatala ang kanilang nagpipilit na mga pag-aalinlangan kabilang sa “mga salita ng hiwaga,” upang magsilbing “sanggunian” para sa mga henerasyon sa hinaharap, dahil ang mga ito ay ang “mga resulta ng siyentipikong pagsasaliksik” na naibunga ng “pagpapagal na paggawa” ng mga tao; paano Kong basta na lamang aalisin ang mga iyon? Hindi ba ito ay magiging “pagbigo” sa mabubuting mga hangarin ng mga tao? Sapagka’t Ako, kung tutuusin, ay talagang may konsensya, hindi Ako nakikisangkot sa tuso at nakikipag-sabwatangmga kilos ng tao—hindi ba gayon ang Aking mga gawa? Hindi ba ito ang “pagiging-patas at pagiging-makatwiran” na sinabi ng tao? Sa gitna ng tao, nakágáwâ Ako nangwalang-humpay hanggang sa kasalukuyan. Sa pagdating ng mga panahong gaya ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, itinuturing pa rin nila Akong tulad sa isang dayuhan, at dahil nadálá Ko sila sa isang “dulong hangganan,” lalo pangnamumuhi sa Akin. Sa panahong ito, ang pag-ibig sa kanilang mga puso ay matagal nang naglaho nang walang bakas. Hindi Ako nagpapalabis, lalo nang hindi minamaliit ang tao. Maaari Kong mahalin ang tao hanggang sa kawalang-hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian hanggang sa kawalang-hanggan, at ito ay hindi kailanman magbabago, pagka’t Ako ay may pagtitiyaga. Gayunman ang tao ay hindi nagtataglay ng pagtitiyagang ito, siya ay lagi nang pabagu-bago tungo sa Akin, siya ay laging nagbibigay lamang ng kaunting pansin sa Akin kapag ibinubuka Ko angAking bibig, at kapag itinikom Ko ang Aking bibig at hindi nagsalita ng kahit ano, siya ay kaagad na nawawala sa gitna ng mga alon ng malaking mundo. Sa gayon, pinaiikli Ko ito tungo sa isa pang kasabihan: Ang mga tao ay kulang sa pagtitiyaga, at sa gayon hindi nila kayang sundin ang Aking puso.

    Habang ang mga tao ay nananaginip, Ako ay naglalakbay sa mga bansa sa mundo na nagwiwisik ng “amoy ng kamatayan” sa Aking mga kamay sa gitna ng tao. Lahat ng mga tao ay agad na tinatalikuran ang kasiglahan at pumapasok sa susunod na baytang ng pantaong buhay. Sa kalagitnaan ng sangkatauhan, hindi na nakikita ang anumang nabubuhay na mga bagay, nakakalat kung saan-saan ang mga bangkay, ang mga bagay na punô ng kasiglahan ay agad na nawawala nang walangbakas, at ang nakasusulasok na amoy ng mga bangkay ay pumupuno sa lupain. Agad Kong tinatakpan ang Aking mukha at lumilisan mula sa tao, sapagka’t sinisimulan Ko ang susunod na hakbang ng gawain, binibigyan yaong nakarating na buháy ng isang lugar na titirahan at sinasanhi ang lahat ng mga tao na tumira sa isang angkop-na-angkop na lugar. Ito ang pinagpalang lupain—isang lupaing walang lungkot o hinagpis—na inihanda Ko para sa tao. Ang tubig na bumubulwak mula sa mga bukal ng lambak ay dalisay, sapat na malinaw kaya kita ang ilalim, walang-tigil ang pag-agos at hindi kailanman natutuyo, ang mga tao ay nabubuhay na kasundo ang Diyos, ang mga ibon ay umaawit, at sa gitna ng hanging amihan at maligamgam na araw, ang langit at lupa ay kapwa namamahinga. Ngayon, dito, ang mga bangkay ng lahat ng mga tao ay nangakahigang napakagulo. Nang hindi nalalaman ng mga tao, pinawawalan Ko ang salot sa Aking mga kamay, at ang mga katawan ng tao ay naaagnas, walang iniiwang bakas ng laman mula ulo hanggang paa, at lumalayo Ako mula sa tao. Hindi na Ako kailanman makikipagtipon sa tao, hindi na kailanman Ako lalapit sa gitna ng tao, sapagka’t ang huling yugto ng Aking buong pamamahala ay dumating na sa katapusan, at hindi Ko na muling lilikhain ang sangkatauhan, hindi na pakikinggang muli ang tao. Matapos ang pagbasa sa mga salita mula sa Aking bibig, ang mga tao ay nawawalang lahat ng pag-asa, sapagka’t ayaw nilang mamatay—subali’t sinong hindi “namamatay” alang-alang sa “pagkabuhay”? Kapag sinasabi Ko sa mga tao na kulang Ako ng mahika upang buháyin sila, bumubulalas sila ng iyak sa sakit; tunay nga, bagaman Ako ang Maylikha, mayroon lamang Akong kapangyarihan upang patayin ang mga tao, at walang kakayahan upang buhayin sila. Sa ganito, humihingi Ako ng paumanhin sa tao. Sa gayon, sinabi Ko sa tao nangpauna na “may utang Ako sa kanya na hindi-mababayaran”—gayunman inisip niya na Ako ay nagiging magalang. Ngayon, sa pagdating ng mga katunayan, sinasabi Ko pa rin ito. Hindi Ko ipagkakanulo ang mga katunayan kapag Ako ay nagsalita. Sa kanilang mga pagkaintindi, ang mga tao ay naniniwala na maraming mga paraan kung paanong Ako ay nagsasalita, kaya’t lagi nilang mahigpit–na-hinahawakan angmga salitang ibinibigay Ko sa kanila habang umaasa para sa iba pa. Hindi ba’t angmga ito ang mga maling pangganyak ng tao? Sa ilalim ng mga kalagayang ito Ako ay nangangahas nang “buong-tapang” na sabihing hindi Ako tutoong minamahal ng tao. Hindi Ko tatalikuran ang konsensya at pipilipitin ang mga katunayan, sapagka’t hindi Ko dadalhin ang mga tao tungo sa kanilang tamang-tamang lupain; sa katapusan, kapag ang Aking gawain ay natatapos, aakayin Ko sila sa lupain ng kamatayan. Kaya pinakamabuti pang huwag dumaing ang mga tao tungkol sa Akin—hindi ba ito dahil “mahal” Ako ng mga tao? Hindi ba ito dahil sa ang kanilangpagnanasà para sa mga pagpapala ay napakasidhi? Kung hindi nais ng mga tao na maghanap ng mga pagpapala, paanong magkakaroon ng ganitong “kasawian”? Dahil sa “katapatan” ng mga tao sa Akin, dahil sila ay nakásúnód sa Akin sa loob ng maraming taon, nagpapagal nang masigasig sa kabila ng hindi paggawa ng anumangkontribusyon, ibinubunyag Ko sa kanila ang kaunti sa nangyayari sa lihim na silid: Yamang sa ngayon, ang Aking gawain ay hindi pa nakakaabot sa isang tiyak na punto at ang mga tao ay itatapon pa sa maapoy na hukay, pinapayuhan Ko sila na umalis agad-agad sa kaya nila—lahat nang mananatili ay malamang na magdusa ng kasawian at bahagyang swerte sa katapusan, hindi pa rin nila maiiwasan angkamatayan. Aking binubuksan nang maluwang ang “pinto sa kayamanan” para sa kanila; sinuman ang handang umalis ay dapat na lumakad na kara-karakang kaya nila—kung maghihintay sila hanggang sa pagdating ng pagkastigo, magiging huli na ang lahat. Ang mga salitang ito ay hindi panlilibak—ang mga iyon ay tutoong mga katunayan. Ang Aking mga salita ay binibigkas sa tao sa malinis na konsensya, at kung hindi kayo aalis ngayon, kailan? Tutoo bang kaya ng mga taong magtiwala sa Aking mga salita?
  Hindi Ko napag-isipan nang masyado ang tadhana ng tao; Akin lamangsinusunod ang Aking sariling kalooban, di-nalilimitahan ng mga tao. Paano Kong babawiin ang Aking kamay dahil sa kanilang mga takot? Sa kabuuan ng Aking buong planong pamamahala, hindi kailanman Ako gumawa ng anumang karagdagangkaayusan para sa mga karanasan ng tao. Kumikilos lamang Ako ayon sa Aking orihinal na plano. Sa nakalipas, “inihandog” ng mga tao ang kanilang mga sarili sa Akin at Ako ay hindi mainit o malamig tungo sa kanila. Ngayon, “isinakripisyo” nila ang kanilang mga sarili para sa Akin, at Ako ay nananatiling hindi mainit ni malamig tungo sa kanila. Hindi Ko kinakalimutan ang Aking Sarili dahil isinasakripisyo ng mga tao ang kanilang mga buhay para sa Akin, ni nadadaig Ako ng matinding galak, kundi nagpapatuloy sa pagpapadala sa kanila sa dakong bitayan ayon sa Aking plano. Hindi Ko pinapansin ang kanilang pakikitungo sa panahon ng pangungumpisal—paanong ang Aking nagyeyelo at malamig na puso ay mahihipo ng puso ng tao? Ako ba ay isa sa mga emosyonal na hayop sa gitna ng sangkatauhan? Maraming ulit na napaalalahanan Ko ang mga tao na Ako ay walang emosyon, nguni’t ngumingiti lamang sila, naniniwalang Ako ay nagiging magalang lamang. Nasabi Ko na “Ako ay walang-alam sa mga pilosopiya sa buhay ng mundo ng tao,” nguni’t ang mga tao ay hindi kailanman naisip ang gayon, at sinabi na ang mga paraan kung paanong Ako ay nagsasalita ay napakarami. Dahil sa mga paglilimita ng pagkaintinding ito ng tao, hindi Ko alam kung sa anong tono, at sa anong pamamaraan, magsasalita sa mga tao—kaya’t, nang walang ibang pagpipilian, maaari lamang Akong magsalita nang tahasan na may tono ng pagsasabi sa kanila. Ano pang Aking magagawa? Ang paraan ng pagsasalita ng mga tao ay napakarami—sinasabi nila “Hindi Ako umaasa sa mga emosyon kundi nagsasagawa ng pagkamatuwid,” na siyang uri ng sawikain na kanilang naisigaw sa loob ng maraming taon, nguni’t hindi nila kayang kumilos nang naaayon sa kanilang mga salita, ang kanilang mga salita ay walang-laman—kaya Aking sinasabi na ang mga tao ay kulang sa kakayahan sapagka’t ang “kanilang mga salita at mga naisakatuparan ay nangyayari nang sabay.” Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay naniniwala na ang pagkilos nang ganoon ay pagtulad sa Akin—gayunman wala Akong interes sa kanilang pagtulad, Ako ay sawang-sawa na rito. Bakit ang mga tao ay laging lumalaban sa Isa na siyang nagpapakain sa kanila? Nakapagbigay ba Ako nang napakaliit sa tao? Bakit ang mga tao ay laging palihim na sinasamba si Satanas sa Aking likuran? Ito ay para bang sila ay nagtatrabaho sa Akin at ang buwanangsahod na ibinibigay Ko sa kanila ay hindi-sapat para tugunan ang kanilang gastos sa pamumuhay, kung saan dahil dito ay naghahanap sila ng isa pang trabaho sa labas ng mga oras ng paggawa upang doblehin ang kanilang kita—sapagka’t ang paggastos ng mga tao ay napakalaki, at tila hindi nila alam kung paano makakaraos. Kung ito ay talagang ganoon, hihingin Ko sa kanila na iwanan ang Aking “pabrika.” Malaon nang panahon, ipinaliwanag Ko sa tao na ang pagtatrabaho para sa Akin ay hindi kinapapalooban ng anumang tanging pagtrato: Walang eksepsiyon, Aking tinatrato ang mga tao nang patas at makatwiran, inilalapat ang sistemang “gumawa nangmasigasig magtamo nang higit, gumawa nang kaunti magtamo nang kaunti, huwag gumawa magtamo nang wala.” Kapag Ako ay nagsasalita, wala Akong ipinagkakait; kung ang sinuman ay naniniwala na ang Aking “mga alituntunin sa pagawaan” ay napakahigpit, sila ay dapat na lumabas agad, babayaran Ko ang kanilang “gastos sa paglalakbay.” Ako ay “maluwag” sa paghawak sa ganoong mga tao, hindi Ko sila pinipilit na manatili. Sa gitna ng di-mabilang na mga taong ito, hindi ba Ako makasusumpong ng isang “manggagawa” na naaayon sa Aking sariling puso? Hindi Ako dapat maliitin ng mga tao! Kung sinusuway pa rin Ako ng mga tao at nais maghanap ng “trabaho” saanman, hindi Ko sila pipilitin—ito ay Aking tatanggapin, wala Akong pagpipilian! Hindi ba ito dahil Ako ay napakaraming “mga alituntunin at panuntunan”?
Ika-8 ng Mayo, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan