Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas
Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula, lahat ng mga tao ay may bagong pagpasok, at sila ay susulong kasama Kong kapit-kamay, maglalakad kami sa malaking daan ng kahariang magkasama, at may matalik na kaugnayan sa pag-itan Ko at ng tao. Upang ipakita ang Aking mga nadarama, upang ipamalas ang Aking pagtrato tungo sa tao, palagi Akong nagsasalita sa tao. Bahagi ng mga salitang ito, gayunpaman, ay maaaring makasakit sa mga tao, samantalang ang iba sa mga iyon ay maaaring maging malaking tulong sa kanila, kaya’t pinapayuhan Ko ang mga tao na makinig nang mas maigi sa kung ano ang lumalabas sa Aking bibig. Ang Aking mga pagbigkas ay maaring hindi maging elegante at pino, subali’t ang lahat ng mga iyon ay mga salita mula sa kaibuturan ng Aking puso. Dahil ang tao sa orihinal ay Aking kaibigan, nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao, at ang tao, rin, ay ginagawa ang kanyang sukdulang makakaya upangmakipagtulungan sa Akin, lubhang natatakot sa pag-abala sa Aking gawain. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita, at ang Aking “pamilihan ng prangkisa” ay hindi na mabagal ang takbo. Ang mga tao ay makatuwiran sa paanuman, silang lahat ay handang “ialay ang kanilang mga sarili” para sa Aking pangalan at Aking kaluwalhatian, at sa paraang ito ang Aking “departamento ng prangkisa” ay kumikita ng ilang bagong “mga produkto,” kaya’t sa espirituwal na kinasasaklawan maraming “mga kostumer” ang dumarating upang bumili ng Aking “mga produkto.” Sa sandaling ito lamang Ako nakakatamo ng kaluwalhatian, saka lamang ang mga salitang binigkas mula sa Aking bibig ay hindi na mga walang-lamang salita. Ako ay naging matagumpay, at nakabalik na tagumpay, at lahat ng mga tao ay ipinagdiriwang Ako. Upang ipakita ang paghanga nito sa Akin, upangipakita na sumusuko ito sa ilalim ng Aking mga tuhod, sa sandaling ito ang malaking pulang dragon ay dumarating din para “magdiwang,” at Ako ay naluluwalhati rito. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, nakipaglaban na Ako sa maraming matatagumpay na mga digmaan, at nakágáwâ na ng maraming kahanga-hangangmga bagay. Maraming mga tao ang minsang ipinagdiwang Ako, at nag-alay ng papuri sa Akin, at sumayaw para sa Akin. Bagaman ang mga ito ay mga nakakapukaw na tagpo, at di-malilimutan, kailanman ay hindi Ko ipinakita angAking ngiti, sapagka’t hindi Ko pa nalulupig ang tao, at ginagawa lamang ang bahagi ng gawaing kahawig ng paglikha. Ngayon ay di-tulad ng nakaraan. Ako ay nagbibigay ng ngiti sa trono, nalupig Ko na ang tao, at ang mga tao lahat ay yumuyukod sa pagsamba sa harap Ko. Ang mga tao ng ngayon ay hindi yaong sa nakaraan. Kailan na ang Aking gawain ay hindi alang-alang sa kasalukuyan? Kailan ito hindi para sa Aking kaluwalhatian? Para sa kapakanan ng maningning na kinabukasan, palilinawin Ko ang buo Kong gawain sa tao nang maraming ulit, upang ang buo Kong kaluwalhatian ay maaaring “mamahinga” sa tao, na nilikha. Kukunin Ko ito bilang alituntuin ng Aking gawain. Yaong mga handang makipagtulungan sa Akin, tumáyô at magsigasig upang ang higit ng Aking kaluwalhatian ay maaaring pumuno sa papawirin. Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa. Lahat niyaong nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig ay may pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kakayahan dito, sa Aking lugar, at Aking mamaniobrahin ang lahat ng mga bagay upang “bumaling” para sa Aking gawain. Ang mga ibong lumilipad sa himpapawid ay Aking kaluwalhatian sa himpapawid, ang mga karagatan sa lupa ay Aking mga gawa sa lupa, ang panginoon ng lahat ng mga bagay ay Aking pagpapakita sa gitna ng lahat ng mga bagay, at Aking ginagamit ang lahat ng mayroon sa lupa bilang ang puhunan para sa Aking pamamahala, sinasanhi ang lahat ng mga bagay upang dumami, lumago, at sumagana ng buhay.
Sa panahon ng paglikha, Akin nang itinalaga na ang Aking gawain sa lupa ay darating sa ganap na katapusan sa huling kapanahunan. Kapag ang Aking gawain ay natapos ay ang mismong panahon na lahat ng Aking mga ginagawa ay maipapakita sa kalangitan. Gagawin Ko na ang mga tao sa lupa ay kilalanin ang Aking mga ginagawa, at sa harap ng “luklukan ng paghatol,” ang Aking mga gawa ay mapapatunayan, upang ang mga iyon ay kilalanin sa gitna ng mga tao sa buong lupa, na magpapasakop. Sa gayon, pagkatapos, susuong Ako sa isang proyekto na hindi pa kailanman naisakatuparan sa mga nakaraang kapanahunan. Mula sa araw na ito, gagawin Kong simple ang Aking mga gawa sunod-sunod na hakbang, upang angAking karunungan, Aking pagiging kamangha-mangha, at Aking pagiging hindi-maarok ay kikilalanin at patutunayan sa bawa’t mundong-ginagalawan sa lipunan. Sa partikular, sa harap ng lahat ng mga naghaharing partido sa lupa magkakaroon ng lalo pang malaking pagkilala sa Aking mga gawa, anupa’t ang Aking mga ginagawa ay hahatulan ng “mga hukom,” at “ipagtatanggol” ng “mga abugado,” at sa gayon ang Aking mga ginagawa ay kikilalanin, sasanhiin ang lahat ng mga tao na iyuko ang kanilang mga ulo at magpasakop. Mula sa sandaling ito pasulong, angAking mga pagkilos ay makikilala ng bawa’t mundong-ginagalawan sa lipunan, at ito ang magiging sandali kung kailan Aking tatamuhin ang lahat ng kaluwalhatian sa lupa. Sa ganoong panahon, Ako ay magpapakita sa tao at hindi na magiging nakatago. Sa kasalukuyan, ang Aking mga gawa ay hindi pa nakakaabot sa sukdulan nito. Ang Aking gawain ay umuunlad pasulong, at kapag naaabot nito ang taluktok nito ay kung kailan ito ay matatapos. Aking ganap na lulupigin ang mga tao ng lahat ng mga bansa, Aking sasanhiin ang mga mababangis na hayop na maging maamong gaya ng mga kordero sa harap Ko, at sasanhiin ang malaking pulang dragon na magpasakop sa harap Ko tulad ng mga tao sa lupa. Aking tatalunin ang lahat ng Aking mga kaaway sa langit, at sasanhiin ang lahat ng Aking mga kalaban sa lupa na malupig. Ito ang Aking plano, at ang pagiging kamangha-mangha ng Aking mga gawa. Ang tao ay maaari lamang mabuhay sa ilalim ng impluwensya ng kalikasan sa ilalim ng Aking paggabay—hindi siya makagagawa ng kanyang sariling mga desisyon! Sinong makatatakas sa Aking kamay? Akin nang nakategorya ang buong kalikasan, sinasanhi ito na umiral sa gitna ng mga batas, at dahil lamang dito na may ganoong mga batas tulad ng kainitan ng tagsibol at kalamigan ng taglagas sa lupa. Ang dahilan kung bakit ang mga bulaklak sa lupa ay nalalanta kung taglamig at bumubukad kung tag-init ay dahilan sa pagiging kamangha-mangha ng Aking kamay, ang dahilan kung bakit ang mga gansa ay lumilipad pahilaga kung taglamig ay dahil Aking itinatama ang temperatura, at ang dahilan kung bakit ang karagatan ay umuugong ay dahil nais Kong lunurin ang mga bagay sa kaibabawan. Ano anghindi Ko isinasaayos? Mula sa sandaling ito pasulong, ang “likas na mga kabuhayan” ng tao ay lubos na natalo ng Aking mga salita, at hindi na inaalis ng mga tao angAking presensya dahil sa pag-iral ng “mga batas ng kalikasan.” Sino ang kailanman ay muling magtatatwa sa pag-iral ng Pinuno ng lahat ng mga bagay? Sa langit, Ako ang Ulo; sa gitna ng lahat ng mga bagay, Ako ang Panginoon; at sa gitna ng lahat ng mga tao, Ako ang pangunahin. Sino ang mangangahas na takpan itong madali ng “pintura”? Kaya bang guluhin ng mga kasinungalingan ang pag-iral ng katotohanan? Sa mahalagang pagkakataong ito, minsan ko pang sinisimulan ang gawain sa Aking mga kamay, hindi na nagdurusa sa panghihimasok ng tao, pinananatili ang mga makinang tumatakbo.
Nakapagdagdag Ako ng sari-saring “mga panimpla” sa gitna ng Aking mga salita, at sa gayon Ako ay parang nakatataas kusinero ng tao. Bagaman hindi alam ng mga tao kung anong panimpla ang naidagdag, nasarapan sila sa lasa; hawak ang“plato,” silang lahat ay nasiyahan sa “mga putahe” na Aking inihanda. Hindi Ko alam kung bakit, laging nais ng mga tao na kumain ng marami ng mga putaheng personal Kong inihahanda. Para bang napakataas ng tingin nila sa Akin, na para bang nakikita nila Ako bilang pinakamataas sa lahat ng pampalasa, at wala man lamang pakialam sa iba. Dahil napakataas ang Aking paggalang-sa-sarili, hindi Ko nais basagin ang“bakal na mangkok ng kanin” ng iba para sa Aking mga sariling kadahilanan. Sa gayon, kinukuha Ko ang pagkakataon upang bumaba mula sa kusina at hayaan sa iba ang pagkakataon na mapatanyag ang kanilang mga sarili. Sa paraang ito lamang di-natitinag ang Aking puso; ayaw Kong gawing tinitingala Ako ng mga tao at minamaliit ang iba, hindi iyan tama. Ano ang kabuluhan ng pagkakaroon ng puwangsa mga puso ng mga tao? Ganoon ba talaga Ako kababang-uri at hindi-makatwiran? Ako ba ay talagang handang umupo sa isang posisyon? Kung gayon, bakit Ako susuong sa ganoong kalaking proyekto? Hindi Ko nais makipagtunggali para sa kasikatan at kayamanan laban sa iba, kinamumuhian Ko ang panlupang kasikatan at kayamanan, hindi ito ang Aking hinahabol. Hindi Ko nakikita ang tao bilang isanghuwaran, hindi Ako nakikipag-away o nang-aagaw, kundi nabubuhay sa pamamagitan ng pag-asa sa Aking “kagalingan,” at hindi gumagawa ng kalabisangmga gawain. Sa gayon, kapag naglalakad Ako palibot sa daigdig, gumagawa muna Ako at humihingi ng “kabayaran sa gawaing-kamay” pagkatapos—ito lamang angpagiging-patas at pagiging-makatwiran na sinasabi ng tao, walang kalabisangpagsasalita rito, hindi ito binawasan kahit katiting, nagsasalita Ako batay sa orihinal na kahulugan ng mga katunayan. Naglalakad Akong paroo’t parito sa gitna ng tao, naghahanap sa mga yaon na patas at makatwiran, gayunman ay hindi nagkaroon ng epekto. At dahil mahilig ang taong tumawad, ang presyo ay hindi napakataas o napakababa, kaya’t ginagawa Ko pa rin ang tungkulin sa Aking mga kamay. Ngayon, hindi Ko pa rin alam kung bakit ang tao ay hindi nananatili sa kanyang tungkulin, kung bakit hindi niya alam kung gaano kataas ang kanyang tayog. Hindi man lamangnalalaman ng tao kung ito ay gaano karaming gramo o gaano karaming liang.[a] At sa gayon, dinadaya pa rin nila Ako. Para bang ang Aking buong gawain ay nawalan ng kabuluhan, na parang ang Aking mga salita ay walang iba kundi alingawngaw sa malalaking mga bundok, at walang sinuman ang nakadama ng mga ugat ng Aking mga salita at mga pagbigkas. Kaya’t ginagamit Ko ito bilang pundasyon upang buuin ang ikatlong talinghaga: Hindi Ako kilala ng mga tao, sapagka’t hindi nila Ako nakikita. Para bang, pagkatapos kainin ang Aking mga salita, ang mga tao ay may iniinom na gamot upang tulungan ang panunaw, at dahil ang mga di-kanais-nais na epekto ng gamot ay napakalakas, nagdurusa sila ng pagkawala ng memorya, kaya’t ang Aking mga salita ang siyang nakakalimutan, ang lugar kung nasaan Ako ay nagiging ang sulok na kanilang nakakalimutan, at dahil dito Ako’y nagbubuntung-hininga. Bakit Ako nakágáwâ ng gayon karaming gawain, gayunman ay walangpatotoo nito sa mga tao? Hindi ba sapat ang Aking pagsisikap? O ito ba ay dahil hindi Ko natarok kung ano ang mga kailangan ng tao? Naubusan na Ako ng iniisip dito, ang tanging pagpipilian Ko lamang ay gamitin ang Aking utos sa pamamahala upang lupigin ang lahat ng tao. Hindi na Ako magiging isang mapagmahal na ina, kundi pamamahalaan ang buong sangkatauhan bilang isang mahigpit na ama!
Ika-15 ng Mayo, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Ang “liang” ay isang panukat ng timbang ng mga Tsino, isang liang ay 50 gramo.
Ang pinagmulan:Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan