菜單

Mar 28, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

    Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upangibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upanggambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu angpagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan angkabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyangsariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silangperpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nangnapapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, anghigit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?

    Sa gitna ng lahat ng mga taong Aking napili, Ako ay sumangkap sa pangangalakal, kaya’t mayroon laging isang pagdating at pag-alis ng mga tao sa Aking tahanan, sa isang walang-katapusang daloy. Silang lahat ay sumasangkap sa sari-saring mga pormalidad sa Aking lugar, na para bang sila ay nagtatalakay ng negosyo kasama Ko, anupa’t ang Aking gawain ay abalang-abala na may mga sandaling wala na Akong pagkakataong hawakan ang lahat ng mga alitan ng mga tao. Inuudyukan Ko ang mga tao na huwag maging isang tinik sa Aking tagiliran, at imaniobra ang kanilang sariling mga barko sa halip na patuloy ang pagsandal sa Akin. Sila ay dapat na hindi laging kumilos na parang mga bata sa Aking tahanan; anong pakinabang niyan? Ang Aking gawain ay malaking negosyo. Ito ay hindi maliit na tindahan sa bahayan, o maliit na gawaan. Laging nabibigo ang mga tao na maunawaan ang takbo ng Aking isipan, kitang-kita na sadyang nagbibiro. Ito ay magmumukhang gustung-gusto ng taong magsayang ng oras sa palibot na parangisang bata, hindi kailanman isinasaalang-alang ang seryosong negosyo, kaya’t maraming nabibigong tuparin ang “gawaing-bahay” na inilatag Ko para sa kanila. Kaya’t paanong naglakas-loob ang mga taong ito na ipakita ang kanilang mukha sa “guro”? Bakit sila ay hindi kailanman inaasikaso ang kanilang mga tungkulin? Anong uri ng bagay ang puso ng tao? Kahit ngayon Ako ay hindi malinaw. Bakit ang mga puso ng mga tao ay palaging nagbabago? Gaya ng isang araw ng Hunyo, paminsan-minsan ang nakakapasong araw ay walang-awa, kung minsan ang mga ulap ay madilim at makapal, at minsan naman ang mabagsik na hangin ay umuungol. Kaya bakit ang mga tao ay hindi makayang matuto mula sa kanilang mga karanasan? Marahil ito ay isang pagsasalita nang sobra. Hindi alam ng mga tao na magdala ng payong sa panahon ng tag-ulan, kaya sanhi ng kanilang kamangmangan sila ay nabásâ ng biglang pagpatak ng ulan mula sa mga kalangitan nang di-mabilang na ulit, na tila ba sadya Ko silang binibiro at sila ay palaging nababagsakan ng ulan sa langit. O kaya ito ay na Ako ay masyadong “malupit,” ginagawa ang bawa’t isa na wala-sa-sarili at sa gayon ay hindi matino ang pag-iisip, palaging di-malaman kung ano ang dapat gawin. Walang tao na tunay na nakatarok sa layunin o kabuluhan ng Aking gawain. Kaya silang lahat ay gumagawa ng gawain ng pagsasanhi ng gulo sa kanilang mga sarili, at kinakastigo ang kanilang mga sarili. Maaari kaya na sadya Kong kinakastigo sila? Bakit gumagawa ng gulo ang mga tao para sa kanilang mga sarili? Bakit sila ay palaging sumusugba sa bitag? Bakit hindi sila makipag-usap sa Akin, kundi sa halip ay naghahanap ng gawain para sa kanilang mga sarili? Maaari kaya na binibigyan Ko ang sangkatauhan nang napakaliit?
    Aking ipinalimbag ang Aking unang gawain sa gitna ng lahat ng mga tao, at dahil ang mga tao ay masyadong pinahanga ng Aking gawain, silang lahat ay maingat sa kanilang pag-aaral nito, at sa pamamagitan ng masusing pag-aaral na ito sila ay makakatamo nang malaki. Tila ang Aking gawain ay tulad ng isang maraming-pasikut-sikot at kahanga-hangang nobela, tulad ng isang malayang tula ng pag-ibig, tulad ng mga sinasabi ng isang palatuntunang pampulitika, tulad ng isangmasalimuot na halo ng pangkabuhayang katalinuhan. Dahil ang Aking gawain ay napakayaman, maraming naiibang mga palagay tungkol dito, at walang sinumangmakapagbibigay ng isang buod ng paunang-salita ng Aking gawain. Bagaman ang tao ay may “katangi-tanging” kaalaman at talino, ang gawain Kong ito lamang ay sapat upang lituhin ang lahat ng mga bayani. Habang sinasabi ng mga tao na “maaaring tumigis ang dugo, maaaring umagos ang mga luha, nguni’t hindi dapat itungo angulo sa kahihiyan,” hindi nila namamalayang itinutungo ang kanilang mga ulo sa kahihiyan, bilang pagpapahayag ng kanilang pagsuko sa Aking gawain. Nabuód ng tao kung ano ang kanyang natutunan sa pamamagitan ng kanyang mga karanasan, sinasabi na[a] ito ay tila ang Aking gawain ay isang makalangit na aklat, na nahulog mula sa himpapawid, nguni’t Aking inuudyukan ang tao na huwag maging masyadong maramdamin. Sa Aking paningin, ang Aking nasabi ay lubhangkinasanayang lahat; subali’t, umaasa Ako na mula sa Santalaalaman ng Buhay sa Aking gawain, nakakaya ng mga tao na masumpungan ang daan ng kabuhayan, at mula sa Hantungan ng Tao, maaari nilang matagpuan ang kahulugan ng buhay, at mula sa Ang Mga Lihim ng Mga Kalangitan, maaari nilang masumpungan ang Aking kalooban, at mula sa Ang Landas ng Sangkatauhan, maaari nilang matuklasan angsining ng pamumuhay. Hindi ba ito magiging mas mabuti pa? Hindi Ko pinipilit angtao; para sa mga yaon na hindi interesado sa Aking gawain, isasauli Ko ang kanilangibinayad sa Aking aklat, dagdag pa ang “bayad sa serbisyo.” Hindi Ko pinagagawa ang tao nang nag-aatubili. Bilang ang may-akda ng aklat na ito, ang tangi Kong pag-asa ay na mamahalin ng mga mambabasa ang Aking gawain, nguni’t angkinasisiyahan ng mga tao ay palaging naiiba. Kaya’t inuudyukan Ko ang mga tao na huwag ikompromiso ang kanilang panghinaharap na mga pagkakataon dahil lamangsa kahihiyan. Kung iyan ang katayuan, paano Ko, sa kabaitan Kong ito, matitiis anggayong malaking kahihiyan? Kung minamahal ninyo ang Aking gawain, umaasa Ako na inyong ipapaabot sa Akin ang inyong sariling mahalagang mga panukala, upangAking mapagbuti ang Aking pagsusulat, at sa gayon sa pamamagitan ng mga pagkukulang ng tao mapapabuti ang nilalaman ng Aking sinusulat. Binibigyang-pakinabang nito kapwa ang may-akda at ang mambabasa, hindi ba? Hindi Ko alam kung ito ay maituturing na tama. Marahil sa paraang ito mapapaigi Ko ang Aking kakayahan sa pagsulat, at palalakasin ang ating pagsasama. Sa kabuuan, Ako ay umaasa na ang lahat ay maaaring makipagtulungan sa Aking gawain, nang walangpaggambala, upang ang Aking salita ay maikalat sa bawa’t pamilya at tahanan, kaya’t lahat ng mga tao sa lupa ay makakapamuhay sa kalagitnaan ng Aking salita. Ito angAking layunin. Ako ay umaasa na sa pamamagitan ng Kabanata sa Buhay sa Aking mga salita lahat ng mga tao ay maaaring magkaroon ng isang bagay na matatamo, gaya ng mga kasabihan sa buhay, ng kaalaman sa[b] mga kakulangan sa gitna ng sangkatauhan, o kung ano itong Aking kinakailangan sa tao, o ng “mga lihim” ng mga tao ng kaharian ngayon. Subali’t, Aking inuudyukan ang mga tao na tingnan angAng Mga Iskandalo ng Tao Ngayon; ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa lahat. Maaari din ninyong basahin ang Ang Pinakabagong Sikreto, na siyangmaaaring higit pang maging kapaki-pakinabang para sa mga buhay ng mga tao. Mayroon ding Maiinit na Mga Paksa—hindi ba’t ito ay higit pang kapaki-pakinabangpara sa mga buhay ng mga tao? Walang masama sa paggamit ng Aking payo, at pagtingin kung ito ay may anumang epekto, at pakikipag-ugnayan sa Akin kung ano ang inyong nadarama pagkatapos ninyong mabasa ito, upang maaari Kong ireseta ang tamang gamot, na siyang sa katapusan ay maaaring ganap na magwasak sa mga karamdaman ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung paano gagana ang Aking mga panukala, nguni’t Ako ay umaasa na maaari ninyong magamit ang mga iyon bilangisang sanggunian. Ano sa palagay mo?
Ika-12 ng Mayo, 1992
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talababa:
a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “sinasabi na.”
b. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang “ng kaalaman sa.”
Ang pinagmulan:Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan