Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas
Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula, lahat ng mga tao ay may bagong pagpasok, at sila ay susulong kasama Kong kapit-kamay, maglalakad kami sa malaking daan ng kahariang magkasama, at may matalik na kaugnayan sa pag-itan Ko at ng tao. Upang ipakita ang Aking mga nadarama, upang ipamalas ang Aking pagtrato tungo sa tao, palagi Akong nagsasalita sa tao. Bahagi ng mga salitang ito, gayunpaman, ay maaaring makasakit sa mga tao, samantalang ang iba sa mga iyon ay maaaring maging malaking tulong sa kanila, kaya’t pinapayuhan Ko ang mga tao na makinig nang mas maigi sa kung ano ang lumalabas sa Aking bibig. Ang Aking mga pagbigkas ay maaring hindi maging elegante at pino, subali’t ang lahat ng mga iyon ay mga salita mula sa kaibuturan ng Aking puso. Dahil ang tao sa orihinal ay Aking kaibigan, nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao, at ang tao, rin, ay ginagawa ang kanyang sukdulang makakaya upangmakipagtulungan sa Akin, lubhang natatakot sa pag-abala sa Aking gawain. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita, at ang Aking “pamilihan ng prangkisa” ay hindi na mabagal ang takbo. Ang mga tao ay makatuwiran sa paanuman, silang lahat ay handang “ialay ang kanilang mga sarili” para sa Aking pangalan at Aking kaluwalhatian, at sa paraang ito ang Aking “departamento ng prangkisa” ay kumikita ng ilang bagong “mga produkto,” kaya’t sa espirituwal na kinasasaklawan maraming “mga kostumer” ang dumarating upang bumili ng Aking “mga produkto.” Sa sandaling ito lamang Ako nakakatamo ng kaluwalhatian, saka lamang ang mga salitang binigkas mula sa Aking bibig ay hindi na mga walang-lamang salita. Ako ay naging matagumpay, at nakabalik na tagumpay, at lahat ng mga tao ay ipinagdiriwang Ako. Upang ipakita ang paghanga nito sa Akin, upangipakita na sumusuko ito sa ilalim ng Aking mga tuhod, sa sandaling ito ang malaking pulang dragon ay dumarating din para “magdiwang,” at Ako ay naluluwalhati rito. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, nakipaglaban na Ako sa maraming matatagumpay na mga digmaan, at nakágáwâ na ng maraming kahanga-hangangmga bagay. Maraming mga tao ang minsang ipinagdiwang Ako, at nag-alay ng papuri sa Akin, at sumayaw para sa Akin. Bagaman ang mga ito ay mga nakakapukaw na tagpo, at di-malilimutan, kailanman ay hindi Ko ipinakita angAking ngiti, sapagka’t hindi Ko pa nalulupig ang tao, at ginagawa lamang ang bahagi ng gawaing kahawig ng paglikha. Ngayon ay di-tulad ng nakaraan. Ako ay nagbibigay ng ngiti sa trono, nalupig Ko na ang tao, at ang mga tao lahat ay yumuyukod sa pagsamba sa harap Ko. Ang mga tao ng ngayon ay hindi yaong sa nakaraan. Kailan na ang Aking gawain ay hindi alang-alang sa kasalukuyan? Kailan ito hindi para sa Aking kaluwalhatian? Para sa kapakanan ng maningning na kinabukasan, palilinawin Ko ang buo Kong gawain sa tao nang maraming ulit, upang ang buo Kong kaluwalhatian ay maaaring “mamahinga” sa tao, na nilikha. Kukunin Ko ito bilang alituntuin ng Aking gawain. Yaong mga handang makipagtulungan sa Akin, tumáyô at magsigasig upang ang higit ng Aking kaluwalhatian ay maaaring pumuno sa papawirin. Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa. Lahat niyaong nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig ay may pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kakayahan dito, sa Aking lugar, at Aking mamaniobrahin ang lahat ng mga bagay upang “bumaling” para sa Aking gawain. Ang mga ibong lumilipad sa himpapawid ay Aking kaluwalhatian sa himpapawid, ang mga karagatan sa lupa ay Aking mga gawa sa lupa, ang panginoon ng lahat ng mga bagay ay Aking pagpapakita sa gitna ng lahat ng mga bagay, at Aking ginagamit ang lahat ng mayroon sa lupa bilang ang puhunan para sa Aking pamamahala, sinasanhi ang lahat ng mga bagay upang dumami, lumago, at sumagana ng buhay.