Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng Gawain ng Diyos ng mga Huling Araw
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao