Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “nakabasa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay walang silbi, lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat isama ang ating mga pagkaintindi sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya gagawin niyan tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyang-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat humanap ng paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat nakikipagmatigasan sa pagsalungat sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring maibunga ng ganoong mga pagkilos?
Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain. Maaaring hindi mo tanggapin ang mga salitang ito, maaaring kakaiba ang pakiramdam mo sa mga iyon, subali’t ang payo ko sa iyo ay huwag ibunyag ang iyong pagiging likas, pagka’t tanging yaong mga tunay na nagugutom at nauuhaw para sa pagkamatuwid sa harap ng Diyos ang maaaring makatamo ng katotohanan, at tanging yaong mga tunay na taos-puso ang maaaring maliwanagan at magabayan ng Diyos. Walang ibubunga ang paghahanap sa katotohanan sa pamamagitan ng pakikipag-away. Tanging sa paghahanap nang mahinahon tayo maaaring makakuha ng mga resulta. Kapag sinabi ko na, “Ngayon, ang Diyos ay may bagong gawain,” ang tinutukoy ko ay ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil hindi mo pinapansin ang mga salitang ito, marahil kinamumuhian mo ang mga iyon, o marahil ikaw ay may malaking interes sa mga iyon. Ano man ang kaso, inaasahan ko na lahat niyaong mga tunay na naghahangad ng pagpapakita ng Diyos ay maaaring humarap sa katunayang ito at bigyan ito ng maingat na pagsasaalang-alang. Pinakamainam na huwag padalus-dalos sa mga pagpapasya. Ito ang paraan na dapat ikilos ng mga taong marurunong.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at itakwil ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging isang mangmang at mayabang na tao, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang tapos; bukod pa rito, huwag maging mapagwalang-bahala at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat man lang ninyong malaman na yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang tapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang kapwa. Kayong lahat ay dapat maging isang taong makatuwiran at tumatanggap sa katotohanan. Marahil, dahil narinig mo na ang daan ng katotohanan at nabasa ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lang sa 10,000 sa mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Biblia, at sa gayo’y dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag masyadong magtiwala sa sarili, at huwag masyadong magmalaki. Kapag may kaunting paggalang sa Diyos sa puso mo, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung susuriin mong mabuti at paulit-ulit na pagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung ang mga ito ay totoo o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil ilang pangungusap lamang ang kanilang nabasa, pikit-matang hinuhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na nagsasabi, “Kaunting pagliliwanag lamang iyan mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimula kang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag ninyong lapastanganin ang Banal na Espiritu dahil lamang sa takot kayong malinlang. Hindi ba’t masyadong kaawa-awa ang gayon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi totoo, hindi ang daan, at hindi ang pagpapahayag ng Diyos, sa huli’y parurusahan ka, at hindi magtatamo ng mga pagpapala. Kung hindi mo matanggap ang katotohanang sinambit nang lantaran at napakalinaw, hindi ba’t hindi ka naaakma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba’t hindi ka pinapalad nang sapat upang makabalik sa harapan ng luklukan ng Diyos? Pagisipan ito! Huwag magpadalus-dalos at mapusok, at huwag ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip alang-alang sa iyong hantungan, alang-alang sa iyong mga inaasahan, alang-alang sa iyong buhay, at huwag mong paglaruan ang iyong sarili. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?
mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagbigkas ng Diyos—sapagkat kung saan naroon ang mga bagong salita ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saan naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saan naroon ang pagpapahayag ng Diyos, naroon ang pagpapakita ng Diyos, at kung saan naroon ang pagpapakita ng Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Habang hinahanap ang mga yapak ng Diyos, ipinagwalang-bahala ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” Kaya kapag tumatanggap ang maraming tao ng katotohanan, hindi sila naniniwalang nakita na nila ang mga yapak ng Diyos at lalong hindi tinatanggap ang pagpapakita ng Diyos. Napakalubhang pagkakamali iyon! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga pagkaintindi ng tao, lalong hindi maaaring magpapakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang mga sariling pasiya at Siya ay may sariling mga plano kapag Siya ay kumikilos para sa Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Hindi Niya kailangang ipaalam sa tao ang ginagawa Niya o humiling ng payo sa tao, lalong hindi kailangang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang mga gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, at higit pa rito, ay dapat itong tanggapin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, at nais ninyong sundan ang mga yapak ng Diyos, nararapat niyo munang lampasan ang inyong kaisipan. Hindi ninyo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyon, lalong hindi ninyo dapat Siya ikulong sa sarili ninyong hangganan at limitahan Siya sa sarili ninyong mga pagkaintindi. Bagkus, dapat ninyong itanong kung paano ni'yo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano niyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos; iyan ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi taglay ang katotohanan, ang tao ay dapat magsaliksik, tumanggap, at sumunod.
mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang substansya ay hindi nalalaman sa panlabas na kaanyuan; bukod pa rito, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman umayon sa mga pagkaintindi ng tao. Hindi ba’t ang panlabas na kaanyuan ni Jesus ay salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang Kanyang kaanyuan at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang palatandaan hinggil sa Kanyang tunay na pagkakakilanlan? Hindi ba’t ang dahilan kung bakit ang mga pinakaunang mga Fariseo ay sumalungat kay Jesus ay sapagka’t tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na kaanyuan, at hindi isinapuso ang mga salita na Kanyang binigkas? Aking pag-asa na ang mga kapatid na lalaki at kapatid na babae na naghahanap ng pagpapakita ng Diyos ay hindi uulitin ang trahedya ng kasaysayan. Hindi kayo dapat maging mga Fariseo ng modernong panahon at muling ipako ang Diyos sa krus. Dapat ninyong maingat na isaalang-alang kung paanong malugod na tanggapin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat magkaroon ng malinaw na isipan kung paanong maging isang tao na nagpapasailalim sa katotohanan. Ito ang pananagutan ng bawa’t isa na naghihintay kay Jesus na bumalik kasama ng mga ulap. Dapat nating kuskusin ang ating mga espiritwal na mga mata, at hindi dapat mabiktima sa mga salita na puno ng mga paglipad ng guniguni. Dapat nating pag-isipan ang tungkol sa praktikal na gawain ng Diyos, at dapat tingnan ang tunay na panig ng Diyos. Huwag magpapadala o iwawala ang inyong mga sarili sa mga pangangarap nang gising, palaging inaabangan ang araw na ang Panginoong Jesus ay biglaang bababa sa inyo mula sa isang ulap upang dalhin kayo na kailanma’y hindi nakakilala sa Kanya ni nakakita sa Kanya, at hindi alam kung paano gagawin ang Kanyang kalooban. Mas mainam na pag-isipan ang praktikal na mga bagay!
Maaaring nabuksan mo ang aklat na ito para sa layunin ng pagsasaliksik, o na may hangarin na tumanggap; anuman ang iyong saloobin, inaasahan ko na babasahin mo ito hanggang sa katapusan, at hindi agad na isasantabi ito. Marahil, matapos mong basahin ang mga salitang ito, ang iyong saloobin ay magbabago, subali’t iyon ay nakabatay sa kung gaano ka naganyak at kung gaano kadali mong isinasapuso ang mga bagay-bagay. May isang bagay, gayunman, na dapat mong malaman: Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba. Marahil, matapos basahin ang mga salitang ito, hindi mo tinatanggap na ang mga iyon ay mga salita ng Diyos, at tinatanggap lamang ang mga iyon bilang mga salita ng isang tao na naliwanagan. Sa ganoong kaso, ikaw ay binubulag ng kamangmangan. Paanong magiging pareho ang mga salita ng Diyos sa mga salita ng isang tao na naliwanagan? Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, nagbubunyag ng mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o maibubunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may substansya ng Diyos, at ang tao ay may substansya ng tao. Kung tinitingnan ng tao ang mga salitang binigkas ng Diyos bilang simpleng pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ituturing ang mga salita ng mga apostol at mga propeta bilang mga salita na personal na binigkas ng Diyos, kung gayon ang tao ay mali. Gayunpaman, hindi mo dapat kailanman palitan ang tama ng mali, o sabihin ang mataas bilang mababa, o sabihin ang malalim bilang mababaw; gayunpaman, hindi mo dapat kailanman kusang pasinungalingan ang alam mo na katotohanan. Ang bawa’t isa na naniniwala na may isang Diyos ay dapat isaalang-alang ang problemang ito mula sa wastong pananaw, at dapat tanggapin ang Kanyang bagong gawain at mga salita bilang isang nilikha ng Diyos—at kung hindi ay maaalis ng Diyos.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos na malaya sa pamimigil ng kahit na anong uri o bansa ay upang matapos Niya ang gawaing alinsunod sa Kanyang plano. Halimbawa, nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Ngunit naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng maging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang "imposible" ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa huli, humantong sa kapahamakan ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa ng parehong pagkakamali. Walang bahala nilang hinahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, ngunit sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos batay sa kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita ko na maraming tao ang tumatawang bumagsak matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Hindi ba ang pagtawang ito ay walang pinagkaiba sa pambabatikos at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo taimtim sa pagharap sa katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Kayo ay nag-aaral ngunit bulag at kampanteng naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pag-aaral at paghihintay nang ganito? Makukuha ba ninyo ang personal na patnubay ng Diyos? Kung hindi mo nauunawaan ang mga pagbigkas ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na maging saksi sa pagpapakita ng Diyos? Kung saan nagpapakita ang Diyos, naroon ang pagpapahayag ng katotohanan, at naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga kayang tumanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging mga ganoong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Isantabi ang inyong mga pagkaintindi! Huminto at dahan-dahang basahin ang mga salitang ito. Kung hahangarin mo ang katotohanan, paliliwanagan ka ng Diyos upang maunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Isantabi ang inyong pananaw na “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagkat ang katalinuhan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang naiisip ng Diyos ay higit pa sa mga naiisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas pa sa kakayanan ng pag-iisip at pagkaintindi ng tao. Kapag ang isang bagay ay imposible, lalong higit na dapat hanapin ang katotohanan; kapag ang isang bagay ay lampas sa pagkaintindi at imahinasyon ng tao, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Dahil kahit saan pa ipakita ng Diyos ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang sangkap ay hindi magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatili saanman magpunta ang Kanyang mga yapak. Nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ang Diyos ng buong sangkatauhan. Halimbawa, ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit dito ay ang natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagbigkas, at sundan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay laging malalapitan ng sangkatauhan. Mga mahal na kapatid, umaasa akong makita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, at umpisahang sundan ang Kanyang mga yapak tungo sa bagong kapanahunan, at tungo sa isang magandang bagong langit at bagong lupa na inihanda para sa mga naghihintay sa pagpapakita ng Diyos.
mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Nagdala ng Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?