菜單

Okt 3, 2019

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?

Biblia, buhay, Jesus, Salita ng Diyos, Propesiya,


Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian.  Ipinapaliwanag Ko ang mga likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa inyo upang ihinto ninyo ang pananatilisa kadiliman. Dahil ang mga tao ay may maraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa kanila ay mali; ang pagbasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon nang kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking istorbo para sa mga gawain sa hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang tinuturo ko sainyo ay ang simpleng diwa lamang at ang nasa loob ng kuwento ng Biblia. Hindi Ko sinasabi na huwag ninyong basahin ang Biblia, o lumibot kayo at ipahayag na ito ay ganap na walang halaga, kundi na kayo ay magkaroon ngwastong kaalaman at pananaw sa Biblia. Huwag maging masyadong may kiling! Kahit na ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan na isinulat ng mga tao, tinatala rin nito ang karamihan ng mga prinsipyo na kung saan ang mga sinaunang santo at propeta ay naglingkod sa Diyos, pati na rin ang mga kamakailang karanasan ng mga apostoles sa paglilingkod sa Diyos—lahat ng mga ito ay totoong nakita at nakilala ng mga taong ito, at maaaring magsilbi bilang sanggunian para sa mga tao sa kapanahunang ito sa paghahanap ng tunay na landas. Kaya, sa pagbabasa ng Biblia ang mga tao ay maaari ring makakuha ng maraming paraan sa buhay na hindi maaaring matagpuan sa iba pang mga libro. Ang mga paraan na ito ay ang mga daan sa buhay na gawain ng Banal na Espiritu na naranasan ng mga propeta at apostoles sa mga nagdaang kapanahunan, at karamihan sa mga salita ay mahalaga, at maaaring magbigay ng mga pangangailangan ng tao. Kaya, ibig ng lahat na magbasa ng Biblia. Dahil sa napakarami ang nakakubli sa Biblia, ang mga pananaw ng tao hinggil dito ay hindi tulad sa mga kasulatan ng dakilang espirituwal na mga kaanyuan. Ang Biblia ay isang talaan at koleksyon ng mga karanasan at kaalaman ng mga taong naglingkod kay Jehova at ni Jesus sa luma at bagong kapanahunan, at sa gayon ang mga sunod na henerasyon ay makayanang matamo ang maramingkaliwanagan, pagliliwanag, at mga landas upang magsanay mula dito. Ang dahilan kung bakit ang Biblia ay mas mataas kaysa sa mga kasulatan ng sinumang dakilang espirituwal na kaanyuan ay sapagkat ang lahat ng kanilang mga kasulatan ay hinango mula sa Biblia, ang kanilang mga karanasan ay lahat nagmula sa Biblia, at lahat sila ay ipinapaliwanag ang Biblia. At sagayon, bagaman ang mga tao ay maaaring makakuha ng kakailanganin mula sa mga libro ng anumang dakilang espirituwal na kaanyuan, sinasamba pa rin nila ang Biblia, dahil ito ay tila sobrang mataas at malalim para sa kanila! Kahit na ang Biblia ay pinagsasama ang ilang mga aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham nila Pablo at sulat ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay maaaring mabigyan matulungan ng mga librong ito, nakalipas pa rin ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano man sila kabuti, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring simpleng tumigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga librong ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng huling mga araw. Ang mga ito ay maaari lamang maglaan para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga santo ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano sila kabuti, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay pareho sa gawain ni Jehova ng paglikha o sa Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang gawaing ito, ito ay hindi pa rin napapanahon, at ang oras ay darating pa rin nang ito ay lumipas. Ang gawa ng Diyos ay pareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon na ito ay magtatapos; hindi ito maari na palagiang manatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni hindi rin isa sa pagpapako sa krus. Hindi mahalaga kung paano kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, hindi mahalaga kung gaano kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, pagkatapos ng lahat, ay gawain pa rin, at ang kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi maaaring palagiang manatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon din ay kailanman hindi magbago, dahil doon ay mayroong paglikha at doon ay dapat mayroong huling mga araw.

mula sa “Tungkol sa Biblia (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung nais ming lumakad sa bagong landas ngayon, sa gayon kailangan mong lisanin ang Biblia, dapat kanghumayo lampas sa mga libro ng propesiya o kasaysayan na nasa Biblia. Matapos lamang ng iyon maaari kang makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa gayon lamang kayo makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. Dapat mong maunawaan kung bakit, ngayon, hinihiling sa iyo na huwag basahin ang Biblia, kung bakit mayroong ibang gawa na hiwalay sa Biblia, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghanap nang mas bago, mas detalyadong kasanayan sa Biblia, kung bakit sa halip ay mayroong mas makapangyarihang gawa sa labas ng Biblia. Ito ang lahat ng dapat ninyong maunawaan. Kailangan mong malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng luma at bagong gawa, at kahit na hindi mo binabasa ang Biblia, dapat kaya mo itong mapag-aralan; kung hindi, sasambahin mo pa rin ang Biblia, at magiging mahirap ito para sa iyo na makapasok sa bagong gawa at sumailalim sa mga bagong pagbabago. Yamang mayroong mas mataas na paraan, bakit mag-aaral nang mas mababa, wala-na-sa-panahong paraan? Yamang may bagong mga pagbigkas, at mas bagong gawa, bakit mamumuhay sa gitna ng lumang makasaysayang mga talaan? Ang mga bagong pagbigkas na maaaring makapaglaan sa inyo, na nagpapatunay na ito ay bagong gawa; ang mga lumang talaan ay hindi ka papagsawain, o tutugon sa iyong kasalukuyang pangangailangan, na nagpapatunay na sila’y kasaysayan, at hindi gawa ng dito at ngayon. Ang pinakamataas na paraan ay ang pinakabagong gawa, at sa bagong gawa, kahit gaano pa kataas ang daan ng nakaraan, ito pa rin ay kasaysayan ng mga pagninilay ng mga tao, at kahit gaano pa ang halaga nito bilang sanggunian, ito pa rin ay lumang landas. Kahit na ito ay naitala sa “banal na aklat,” ang lumang landas ay kasaysayan; kahit na walang nakatala nito sa “banal na aklat,” ang bagong landas ay ang dito at ngayon. Ang ganitong paraan maaari kang iligtas, at maaari kang magbago sa ganitong paraan, dahil ito ay gawa ng Banal na Espiritu.

mula sa "Tungkol sa Biblia (1)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao