Tagalog Christian Songs | "Dinadala ng Diyos ang Sangkatauhan sa Liwanag"
I
Dumarating ang Diyos na nagkatawang-tao
para gawin ang Kanyang gawain.
Mapagpakumbaba Siyang nagtatagong kasama ng tao,
ipinapahayag ang katotohanan at hinahatulan sila,
dinadala ang landas tungo sa buhay na walang-hanggan.
Ang mga salita ng Diyos ang katotohanan,
nilulupig ang mga puso ng daan-daang milyong tao.
Hinahatulan at inililigtas Niya ang sangkatauhan,
dinadala sa kanila ang liwanag.
Salita ng Diyos ay gaya ng tabak na magkabilang-talim,
hinahatula't nililinis masamang likas ng tao.
Buong bayan ng Diyos ay dinadalisay.
Nabubuhay sila sa liwanag
II
Salita ng Diyos ay inilalabas tulad ng kidlat,
kumikislap mula sa Silangan tungo sa Kanluran.
Ang gawain ng Diyos ay nakatuon sa buong sansinukob,
ang kaharian ng ebanghelyo'y
lumaganap na sa mga dulo ng mundo.
Ang mga hinirang ng Diyos ay nagtitipon
sa harap ng Kanyang trono mula sa lahat
ng bansa para sambahin ang Diyos.
Ang Kanyang mga salita'y
may dalang awtoridad at kapangyarihan,
at nakagawa ng isang grupo ng mananagumpay sa Tsina.
Salita ng Diyos ay gaya ng tabak na magkabilang-talim,
hinahatula't nililinis masamang likas ng tao.
Buong bayan ng Diyos ay dinadalisay.
Nabubuhay sila sa liwanag
at sama-samang sumasamba sa Kanya, sama-sama.
III
Nadaig na ng Diyos si Satanas at nagtamo ng kaluwalhatian.
Lubusang nakumpleto ang Kanyang dakilang gawain.
Ang sangkatauha'y mabubuhay sa loob ng liwanag,
at pupurihin ang Kanyang banal na pangalan magpakailanman.
Salita ng Diyos ay gaya ng tabak na magkabilang-talim,
hinahatula't nililinis masamang likas ng tao.
Buong bayan ng Diyos ay dinadalisay.
Nabubuhay sila sa liwanag
at sama-samang sumasamba sa Kanya, sama-sama.
Ebanghelyo ngayong araw: Sa kapanahunan ng Biyaya, ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos, pinatawad ang tao sa kanilang mga kasalanan, at ipinagkaloob sa tao ang masaganang biyaya; sa mga huling araw, ang Panginoon ay nagpapahayag ng mga salita, gumagawa ng gawain ng paghuhukom, lubusan na nag-aalis ng mga kasalanan ng tao, naglilinis ng tao at nagdala sa tao sa kaharian ng Diyos.