菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na propesiya sa bibliya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na propesiya sa bibliya. Ipakita ang lahat ng mga post

Hul 21, 2019

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?


  Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

Peb 27, 2019

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia” (Unang bahagi)

1. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang kulto, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sinasabi mo na naniniwala ka sa Panginoon, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at bukod sa Biblia hindi ka dapat sumamba ng anumang libro na walang kinalaman ang Biblia. Kung gagawin mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula nang panahong mayroon ng Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia.

Peb 6, 2019

Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Makakamit Ba Natin ang Buhay sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Biblia?


Ang mga pastor at elder ay kadalasang itinuturo sa mga tao na hindi sila matatawag na mga mananampalataya kapag lumayo sila mula sa Biblia, at na sa pagtangan lang sa Biblia sila magtatamo ng buhay at makakapasok sa kaharian ng langit. Kaya talaga bang hindi tayo maaaring magtamo ng buhay kapag lumayo tayo mula sa Biblia? Ang Biblia ba ang makapagbibigay sa atin ng buhay, o ang Diyos? Sabi ng Panginoong Jesus, "Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagka’t iniisip ninyo na sa mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang mga ito’y siyang nangagpapatotoo tungkol sa akin.

Peb 2, 2019

Tagalog Christian Movies-Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan


Tagalog Christian Movies-"Sino ang Aking Panginoon" (Clip 5/5) Mga Sumusunod Lang sa mga Yapak ng Diyos ang Makakatahak sa Landas ng Buhay na Walang Hanggan

Maraming taong sumasampalataya sa Panginoon ang naniniwala na: Dahil ang Biblia ay isang talaan ng salita ng Diyos at patotoo ng tao at makapagbibigay ng malaking katatagan sa tao, ang pagbabasa ng Biblia ay dapat magbigay sa atin ng buhay na walang hanggan. Ngunit sabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man” (Juan 11:25-26). Bakit sinabi ng Panginoong Jesus na walang buhay na walang hanggan sa Biblia? Ano ang dapat nating gawin para makamit natin ang daan tungo sa buhay na walang hanggan?

Magrekomenda nang higit pa:Ebanghelyo

Ene 18, 2019

2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

III. Kailangang Magpatotoo ang Isang Tao sa Aspeto ng Katotohanan tungkol sa Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw


2. Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang paghatol ng malaking puting luklukan, tulad ng ipinropesia sa Aklat ng Pahayag.

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Dios” (1 Pedro 4:17).


“At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa.