菜單

Nob 11, 2019

Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo


Tagalog Christian Songs | Ituring ang Salita ng Diyos Bilang Batayan ng Asal Ninyo



Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat ng bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Ito ma'y mga salitang
gusto n'yong dinggin o hindi,
ito ma'y mga salitang
masaya n'yong tinatanggap o nahihirapan,
dapat n'yo itong bigyang-halaga.
Kilos n'yong mababaw at walang pakialam
magdudulot ng lungkot at muhi sa Kanya.
Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.

Lubos na umaasa ang Diyos
na paulit-ulit n'yong basahin ang Kanyang salita,
Lubos na umaasa ang Diyos
na isapuso n'yo ang Kanyang salita.
Sa ganitong paraan n'yo lang
S'ya hindi madidismaya.
Wala nang nabubuhay nang ganito.

Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpa pagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.
Lahat kayo ay nalubog
sa buhay na lulong sa paglamon,
lahat kayo ay nalubog
sa pag-inom lang hanggang masiyahan.
'Di n'yo ginagamit ang salita ng Diyos
sa pagpapayaman sa puso't kaluluwa.
Konklusyon ng Diyos, tao ay traydor.

Mapagtataksilan n'ya ang Diyos kahit kailan,
walang ma'aring maging lubusang tapat sa salita N'ya.

Diyos umaasang hindi n'yo maaksaya
lahat na bigay N'ya, pagpapagal N'ya;
at malalaman ninyo puso N'ya,
tinuturing salita N'ya inyong batayan.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Magrekomenda nang higit pa:Tagalog Worship Songs