菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na takot sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na takot sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 23, 2019

31. Ano ang matatalinong dalaga? Ano ang mangmang na mga dalaga?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


Sa kasalukuyan, lahat niyaong sumusunod sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa daloy ng Banal na Espiritu; yaong mga estranghero sa totoong mga salita ng Diyos ay nasa labas ng daloy ng Banal na Espiritu, at ang gayong mga tao ay hindi pupurihin ng Diyos. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod.

May 19, 2019

Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



Tagalog Christian Songs | Yaon Lamang May Tunay na Pananampalataya ang Sinasang-ayunan ng Diyos



I
Nang hampasin ni Moises ang bato
at tubig ay bumukal, kaloob 'yon ni Jehova,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang tumugtog si David para purihin si Jehova,
puno ng galak ang kanyang puso,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Nang mga kawan at ari-arian ni Job ay nawala,
at katawan niya'y nagkapigsa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
At habang naririnig pa niya ang tinig ni Jehova,
at kaluwalhatian Niya’y kita pa,
dahil 'yon sa pananampalataya.
Dahil sa pananampalataya.

May 12, 2019

Tagalog Worship Songs | Ang Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig



Tagalog Worship Songs | Ang Paghatol ng Diyos ay Pag-ibig


I
Anong pagpapatotoo ang gagawin ng tao sa huli?
Sila ay sumasaksi na ang Diyos ay matuwid,
Siya ay poot, pagkastigo at paghatol.
Ang tao ay nagpapatotoo sa katuwiran ng Diyos.
Ang Diyos ay gumagamit ng paghatol
para gawing perpekto ang tao.
Kanya nang minamahal at inililigtas ang tao.
Ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig?
Paghatol, kadakilaan, mga sumpa at poot.
Isinusumpa ka Niya, upang mahalin mo Siya,
at malaman ang diwa ng laman.

May 2, 2019

Salita ng Buhay | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"



Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban."

Manood ng higit pa:Ano ang kalooban ng Diyos

Abr 28, 2019

Tagalog Christian Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God



Tagalog Christian Songs | "Buong Sangnilikha Dapat Sumailalim sa Dominyon ng Diyos" | Authority of God


I
Lahat ng bagay nilikha ng Diyos,
kaya ginagawa Niya lahat ng nilalang
mapasailalim sa Kanyang paghahari,
at pasakop sa Kanyang kapamahalaan. 
Inuutusan Niya lahat ng bagay,
kinokontrol sila sa mga kamay Niya.
Mga buhay na nilalang, kabundukan,
mga ilog at tao dapat sumailalim sa Kanyang paghahari.
Lahat ng bagay sa himpapawid at sa lupa
dapat sumailalim sa Kanyang kapamahalaan.

Abr 22, 2019

Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


Tagalog Worship Songs | Naihayag ng Diyos ang Kanyang Buong Disposisyon sa Tao


I
Dakila ang mga gawa ng Espiritu ng D'yos
mula pa man sa paglalang ng mundo.
Tinapos N'ya iba't-ibang mga gawain sa iba't-ibang mga bansa,
at sa iba't-ibang mga kapanahunan.
Ang mga tao sa bawat kapanahunan
nakikita'ng iba't iba N'yang mga disposisyon
likas na ibinunyag para makita ng lahat
at ipinakita sa iba't ibang mga gawain.
Siya ang D'yos puno ng awa at pagmamahal.
Siya ang alay sa kasalanan ng tao at pastol.

Abr 20, 2019

Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (5) "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Clip ng Pelikulang Ang Pag-Uusap (5) "Ang Magandang Sagot ng Isang Kristiyano sa mga Pagkaunawa ng Isang Three-Self Pastor"


Inanyayahan ng CCP ang isang pastor ng Three-Self Church para subukang i-brainwash at kumbinsihin ang isang Kristiyano. Nagpasimula ang Kristiyano at ang pastor ng isang magandang debate bilang tugon sa mga haka-hakang sinabi ng Three-Self pastor. Paano lalabanan ng Kristiyanong ito ang pastor? Bakit mabibigo ang pagtatangkang ito ng CCP na mag-brainwashi at mangumbinsi?


Abr 19, 2019

Pagtalakay Sa Buhay Iglesia at sa Totoong Buhay


Nadadama ng mga tao na nagagawa lamang nilang magbago sa loob ng kanilang buhay sa iglesia, at kung hindi sila nabubuhay sa loob ng iglesia, ang pagbabago ay hindi posible, na hindi nila magagawang matamo ang pagbabago sa kanilang totoong buhay. Nakikilala ba ninyo kung ano ang usaping ito? Nagsalita Ako tungkol sa pagdadala sa Diyos sa totoong buhay, at ito ang landas para sa kanila na naniniwala sa Diyos upang pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos. Sa katunayan, ang buhay ng iglesia ay isa lamang limitadong paraan upang gawing perpekto ang tao.

Abr 7, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita.

Abr 4, 2019

Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito,

Mar 29, 2019

Salita ng Diyos|Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga


Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos, iniibig ang Diyos, at napalulugod ang Diyos sa pamamagitan ng pag-antig sa Espiritu ng Diyos gamit ang kanilang mga puso, sa gayon ay nakakamtan ang Kanyang kaluguran; kapag nakikibahagi sa mga salita ng Diyos sa kanilang puso, sila sa gayon ay kinikilusan ng Espiritu ng Diyos. Kung nais mong matamo ang isang angkop na espirituwal na buhay at makapagtatag ng isang angkop na kaugnayan sa Diyos, dapat mo munang ibigay ang iyong puso sa Kanya, at ipanatag ang iyong puso sa harap Niya. Kapag naibuhos mo ang iyong puso sa Diyos saka mo lamang mapauunlad nang unti-unti ang isang espirituwal na buhay.

Mar 22, 2019

Ginagawang Perpekto ng Diyos Yaong Mga Naghahangad sa Kanyang Puso



Ang grupo ng mga tao na gustong makamit ng Diyos ay yaong nagsisikap na makipagtulungan sa Diyos, na magagawang sundin ang Kanyang gawain, at naniniwala na ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay totoo, na magagawang isagawa ang mga kinakailangan ng Diyos. Sila yaong mga mayroong tunay na pagkaunawa sa kanilang mga puso. Sila yaong maaaring gawing perpekto, at sila yaong walang pagsalang lalakaran ang landas ng pagiging perpekto. Yaong mga walang isang malinaw na pagkaunawa sa gawain ng Diyos, yaong mga hindi umiinom at kumakain ng salita ng Diyos, yaong mga hindi pumapansin sa salita ng Diyos, at yaong mga walang anumang pag-ibig para sa Diyos sa kanilang mga puso—ang mga taong kagaya nito ay hindi maaaring gawing perpekto.

Ene 5, 2019

Nakahanda Ka Bang Maging Isang Patotoo para sa Diyos


Tagalog Worship Songs
Nakahanda Ka Bang Maging Isang Patotoo para sa Diyos



I
Kapag magtatapos na ang tatlong yugto ng gawain,
may gagawing isang grupo ng mga
magiging saksi para sa Diyos.
Lahat ng mga taong ito'y makikilala ang Diyos
at magagawang isagawa ang katotohanan.
Sila yaong magiging patotoo para sa Diyos.
Sila'y magiging makatao, Magtataglay sila ng katinuan.
Lahat sila'y makikilala ang tatlong yugto
ng gawaing pagliligtas ng Diyos.
Marahil magkakaroon ng puwang
sa grupong ito para sa inyong lahat,
o marahil kalahati lamang, o marahil iilan lamang.

Dis 22, 2017

Salita ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos| Salita ng Diyos | Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos

    Ang bawat isa ay nararamdaman na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao na ang pamamahala ng Diyos ay ganap na hindi nauugnay sa tao. Palagay nila na itong pamamahala ay ang gawa ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang pagliligtas ng sangkatauhan ay naging malabo at magulo, at ngayon ay walang iba kundi walang laman na retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano nagagawa ng Diyos ang Kanyang gawa.