Ang Banal na Espiritu ay nagbibigay sa mga tao ng isang pakiramdam. Pagkatapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa kanilang mga puso sila ay matatag, at mapayapa, habang yaong mga hindi nakakamtan ang mga salita ng Diyos ay nadarama ang kahungkagan. Ganyan ang kapangyarihan ng mga salita ng Diyos—kailangang basahin ang mga iyon ng mga tao, matapos nilang basahin ang mga iyon sila ay nabubusog, at hindi sila maaari nang wala ang mga iyon. Ito ay tulad ng kapag ang mga tao ay lumalanghap ng opyo: Ito ay nagbibigay sa kanila ng lakas, at kung wala ito sila ay nakakaramdam ng kawalan ng pag-asa, at walang lakas. Ganoon ang nagiging ugali ng mga tao ngayon. Ang pagbabasa ng mga salita ng Diyos ay nagbibigay sa mga tao ng lakas. Kung hindi nila binabasa ang mga iyon, sila ay walang-sigla, nguni’t matapos nilang mabasa ang mga iyon, sila ay agarang tatayo mula sa kanilang “kinararatayan”. Ito ay ang salita ng Diyos na gumagamit ng kapangyarihan sa lupa at ang pamamahala ng Diyos sa lupa. May ilang tao na nais lumisan, o napagod na sa gawain ng Diyos. Kung anuman, hindi sila maaaring umalis mula sa mga salita ng Diyos; gaano man sila kahina, dapat pa rin silang umasa sa mga salita ng Diyos upang mabuhay, at gaano man sila mapaghimagsik, hindi pa rin nila pinangangahasang iwanan ang mga salita ng Diyos. Kapag tunay na ipinapakita ng mga salita ng Diyos ang kapangyarihan ng mga ito ay kung kailan naghahari at nagpapamalas ng kapangyarihan ang Diyos, at ganito kung paano gumagawa ang Diyos. Ito, matapos ang lahat, ay ang mga paraan kung paano gumagawa ang Diyos, at walang maaaring umalis dito. Ang mga salita ng Diyos ay lalaganap sa di-mabilang na mga tahanan, ang mga ito ay malalaman ng lahat, at saka pa lamang lalaganap ang Kanyang gawain sa buong sansinukob. Na ang ibig sabihin, kung ang gawain ng Diyos ay palalaganapin sa buong sansinukob, kung gayon ang Kanyang mga salita ay dapat mapalaganap. Sa araw ng kaluwalhatian ng Diyos, ipapakita ng mga salita ng Diyos ang kanilang kapangyarihan at awtoridad. Ang bawat isa sa Kanyang mga salita mula pa noong matagal nang panahong nakalipas hanggang ngayon ay matutupad at magkakatotoo. Sa paraang ito, kaluwalhatian ang mapapasa-Diyos sa lupa—na ang ibig sabihin, ang Kanyang mga salita ay maghahari sa lupa. Lahat ng masama ay kakastiguhin ng mga salita sa bibig ng Diyos, lahat ng matuwid ay pagpapalain ng mga salita sa Kanyang bibig, at ang lahat ay itatatag at gagawing ganap ng mga salita sa Kanyang bibig. Ni hindi Siya magpapakita ng anumang palatandaan o kababalaghan; ang lahat ay matutupad ng Kanyang mga salita, at ang Kanyang mga salita ay magbubunga ng mga katunayan. Ipagdiriwang ng lahat ng nasa lupa ang mga salita ng Diyos, maging matatanda man sila o mga bata, lalaki, babae, matanda, o bata, ang lahat ng tao ay magpapasakop sa ilalim ng mga salita ng Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay nagpapakita sa katawang-tao, tinutulutan ang mga tao na makita ang mga ito sa lupa, malinaw at parang buháy. Ito ang kahulugan ng Salita na maging tao. Ang Diyos ay naparito sa lupa pangunahin upang tuparin ang katunayan na “ang Salita ay nagiging tao,” na ibig sabihin, Siya ay naparito upang ang Kanyang mga salita ay mailabas mula sa katawang-tao (hindi tulad ng sa panahon ni Moises sa Lumang Tipan, nang ang Diyos ay direktang nagsalita mula sa langit). Matapos iyon, ang bawat isa sa Kanyang mga salita ay matutupad sa Kapanahunan ng Milenyong Kaharian, ang mga iyon ay magiging mga katunayang nakikita ng mga mata ng mga tao, at makikita ang mga iyon ng mga tao gamit ang sariling mga mata nang walang kahit bahagyang pagkakaiba. Ito ang pinakamataas na kahulugan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang gawain ng Espiritu ay natutupad sa pamamagitan ng katawang-tao, at sa pamamagitan ng mga salita. Ito ang tunay na kahulugan ng “ang Salita ay nagiging tao” at “ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao.” Ang Diyos lamang ang maaaring makapagsalita ng kalooban ng Espiritu, at tanging ang Diyos sa katawang-tao ang maaaring magsalita sa ngalan ng Espiritu; ang mga salita ng Diyos ay ginagawang payak sa katawang-tao ng Diyos, at ang lahat ay nagagabayan ng mga iyon. Walang sinuman ang hindi sakop, lahat sila ay umiiral sa loob ng saklaw nito. Mula lamang sa mga pagbigkas na ito makakaalam ang mga tao; yaong mga hindi nakakatamo sa paraang ito ay nananaginip nang gising kung sa tingin nila ay matatamo nila ang mga pagbigkas na ito mula sa langit. Ganoon ang awtoridad na ipinapakita sa katawang-tao ng Diyos: na nagpapapaniwala sa lahat. Kahit na ang pinaka-kapita-pitagang mga eksperto at mga relihiyosong pastor ay hindi makakapagsalita ng mga salitang ito. Sila ay dapat magpasakop sa ilalim nila, at walang makakagawa ng panibagong simula. Gagamitin ng Diyos ang mga salita upang lupigin ang sansinukob. Gagawin Niya ito hindi sa Kanyang katawang-tao, kundi sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagbigkas mula sa bibig ng Diyos na naging tao upang lupigin ang lahat ng tao sa buong sansinukob; tanging ito lamang ang Salita na naging tao, at ito lamang ang pagpapakita ng Salita sa katawang-tao. Marahil, sa mga tao, mukhang hindi nakagawa ng maraming gawain ang Diyos—nguni’t kailangan lamang bigkasin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang lubusang mapaniwala ang mga tao, at para sila’y lubusang humanga. Sa walang katunayan, sumisigaw at naghihiyawan ang mga tao; sa mga salita ng Diyos, sila ay nananahimik. Tiyak na matutupad ng Diyos ang katunayang ito, sapagka’t ito ang matagal nang naitatag na plano ng Diyos: ang pagtupad sa katunayan ng pagdating ng Salita sa lupa. Sa katunayan, walang pangangailangan para sa Akin na magpaliwanag—ang pagdating ng Milenyong Kaharian sa lupa ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos sa lupa. Ang paglusong ng Bagong Jerusalem mula sa langit ay ang pagdating ng mga salita ng Diyos upang mamuhay kasama ng tao, upang sumama sa bawat pagkilos ng tao, at sa lahat ng kanyang kaloob-loobang mga iniisip. Ito rin ang katunayan na tutuparin ng Diyos, at ang kahanga-hangang tanawin ng Milenyong Kaharian. Ito ang planong itinakda ng Diyos: Ang Kanyang mga salita ay magpapakita sa lupa nang isang libong taon, at ipamamalas ng mga ito ang lahat ng Kanyang mga gawa, at tatapusin ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa, kung saan pagkatapos nito ang yugtong ito ng sangkatauhan ay sasapit sa katapusan.
Maaari mo bang ipahayag ang disposisyon ng Diyos sa kapanahunan sa akmang wika na may kabuluhan sa kapanahunan? Sa pamamagitan ng iyong karanasan sa gawain ng Diyos, maaari mo bang detalyadong ilarawan ang disposisyon ng Diyos? Paano mo mailalarawan ito nang akma, naaangkop? Upang sa pamamagitan nito, maaaring matuto ang iba tungkol sa iyong mga karanasan. Paano mo ipapasa ang iyong mga nakikita at mga karanasan sa mga yaong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa pagkamatuwid at naghihintay sa iyo upang akayin sila? Anong uri ng mga tao ang naghihintay sa iyo upang akayin sila? Naguguni-guni mo ba? Namamalayan mo ba ang pasanin na iyong binabalikat, ang iyong tagubilin, at ang iyong pananagutan? Nasaan ang iyong makasaysayang pagkaunawa ng misyon? Paano ka magsisilbi bilang isang mabuting panginoon para sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang dakilang pagkaunawa ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba ang tunay na panginoon ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang at lahat ng materyal sa mundo? Ano ang mga plano na mayroon ka para sa pagsulong ng susunod na hakbang ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo upang ikaw ay maging kanilang pastol? Ang gawain mo ba ay mabigat? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nawawala, naghuhumiyaw sa kadiliman, “Nasaan ang daan?” Lubhang nananabik sila sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at pagwatak-watakin ang puwersa ng kadiliman na nang-api na sa mga tao sa loob ng maraming mga taon. Sino ang makaaalam kung gaanong kabalisa silang umaasa, at gaanong nananabik sila araw at gabi para dito? Ang mga taong ito na labis na naghihirap ay nananatiling nakabilanggo sa mga piitan ng kadiliman, walang pag-asang makawala, kahit sa araw na kumikislap ang liwanag; kailan sila hindi na luluha? Ang marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan ay tunay na nagdurusa sa gayong masamang kapalaran. Matagal na silang natalian ng walang-awang mga lubid at ng kasaysayan na hindi na nabubuwag. Sino ang kahit minsan ay nakarinig na sa huni ng kanilang pagtaghoy? Sino ang kahit minsan ay nakakita na sa kanilang kaawa-awang itsura? Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo na bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?
Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/the-millennial-kingdom-has-arrived
Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/the-millennial-kingdom-has-arrived