May mga tao na maaaring mayroong kaunting pananaw sa mga salita ng Diyos, subali’t walang sinuman sa kanila ang nagtitiwala sa kanilang mga damdamin; sila ay lubhang natatakot na mahulog sa pagkanegatibo. Sa gayon, sila ay palaging halinhinan sa pag-itan ng galak at lungkot. Patas na sabihing ang mga buhay ng lahat ng mga tao ay puno ng dalamhati; sa kasunod pang hakbang dito, mayroong pagpipino sa pang-araw-araw na buhay ng lahat ng mga tao, gayunman masasabi Ko na walang sinuman ang nakatatamo ng anumang pagpapalaya sa kanilang mga espiritu bawa’t araw, at ito ay para bang may tatlong malalaking bundok ang dumadagan sa kanilang mga ulo. Walang isa man sa kanilang mga buhay ang masaya at nagagalak sa lahat ng sandali—at kahit na kapag medyo masaya sila, pinipilit lamang nilang nagpapakasaya ang kanilang mga itsura. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay palaging may pakiramdam na parang may di-tapos. Sa gayon, hindi sila matatag sa kanilang mga puso; sa buhay, ang mga bagay-bagay ay tila walang laman at hindi-patas, at pagdating sa paniniwala sa Diyos, sila ay abálá at kulang sa panahon, o kaya ay wala silang panahon para kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o hindi kayang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Walang isa man sa kanila ang mapayapa, at malinaw, at matatag sa kanilang mga puso. Para bang sila ay nahirati na sa pamumuhay sa ilalim ng nalalambungang kalangitan, na para bang namumuhay sila sa isang kalawakang walang oksidyen, at humantong ito sa kalituhan sa kanilang mga buhay. Ang Diyos ay laging nagsasalita nang diretso sa mga kahinaan ng mga tao, lagi Niya silang sinasaktan sa kanilang sakong ni Akiles—hindi mo ba malinaw na nakita ang tono ng Kanyang pagsasalita sa kabuuan? Kailanman ay hindi binigyan ng Diyos ang mga tao ng pagkakataong magsisi, at ginagawa Niya ang lahat ng mga tao na mamuhay sa “buwan” nang walang oksidyen. Mula sa simula hanggang ngayon, ang pang-ibabaw ng mga salita ng Diyos ay naglantad ng kalikasan ng tao, gayunman ay walang sinuman ang malinaw na nakakita sa nilalaman ng mga salitang ito. Lumilitaw na sa pamamagitan ng paglalantad sa kakanyahan ng tao, ang mga tao ay dumarating sa pagkakilala sa kanilang mga sarili at sa gayon ay dumarating sa pagkakilala sa Diyos, gayunman ay hindi ito ang landas sa nilalaman. Ang tono at higit na kalaliman ng mga salita ng Diyos ay nagpapakita ng malinaw na pagkakaiba sa pag-itan ng Diyos at tao. Sa kanilang mga damdamin, ginagawa nito ang mga tao na maniwala nang hindi namamalayan na ang Diyos ay hindi kayang maabot at hindi kayang malápítan; dinadala ng Diyos ang lahat sa lantad, at tila walang sinuman ang kayang magbalik ng kaugnayan sa pag-itan ng Diyos at tao sa kung paano ito dati. Hindi mahirap makita na ang layunin ng lahat ng mga pagbigkas ng Diyos ay upang gamitin ang mga salita upang pabagsakin ang lahat ng mga tao, sa pamamagitan niyon ay natutupad ang Kanyang gawain. Ito ay isang hakbang ng gawain ng Diyos. Gayunman ay hindi ito ang pinaniniwalaan ng mga tao sa kanilang mga isipan. Sila ay naniniwala na lumalapit na ang gawain ng Diyos sa kasukdulan nito, na lumalapit na ito sa pinaka-nababatid na epekto upang sa gayon ay malupig ang malaking pulang dragon, na ang ibig sabihin, ginagawa ang mga iglesiana sumusulong, at walang sinuman ang nagkakaroon ng mga pagkaintindi tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao, o kaya ang lahat ng mga tao na nakakakilala sa Diyos. Gayunman basahin natin kung ano ang sinasabi ng Diyos: “Sa isipan ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at hindi madaling pakisamahan, habang ang tao ay tao, at hindi dapat madaling maging salaula … at bilang resulta, palagi silang mababa at matiyaga sa harap Ko; hindi nila kayang maging tugma sa Akin, sapagka’t masyado silang maraming mga pagkaintindi.” Mula rito ay nakikita na, hindi alintana kung ano ang sinasabi ng Diyos o kung ano ang ginagawa ng tao, ang mga tao ay lubos na walang kakayahan sa pagkilala sa Diyos; dahil sa papel na ginagampanan ng kanilang kakanyahan, kung anuman, sila ay, sa pagtatapos ng maghapon, walang kakayahang kilalanin ang Diyos. Sa gayon, ang gawain ng Diyos ay magtatapos kapag nakita ng mga tao ang kanilang mga sarili bilang ang mga anak-na-lalaki ng impiyerno. Walang pangangailangan para sa Diyos na pawalan ang Kanyang poot sa mga tao, o usigin sila nang tuwiran, o sukdulang hatulan sila ng kamatayan upang tapusin ang Kanyang buong pamamahala. Sumasatsat lamang Siya ayon sa Kanyang kakanyahan, na parang ang pagtatapos ng Kanyang gawain ay nagkataon lamang, isang bagay na natupad sa Kanyang ekstrang panahon nang wala ni katiting na pagsisikap. Mula sa labas, tila mayroong kaunting pag-aapura sa gawain ng Diyos—gayunman hindi nakágáwâ ng anuman ang Diyos, wala Siyang ginagawa kundi magsalita. Ang gawain sa gitna ng mga iglesia ay hindi kasing-laki ng sa mga nakaraang panahon: ang Diyos ay hindi nagdaragdag ng mga tao, o nagpapaalis sa kanila, o inilalantad sila—ang ganoong gawain ay napaka-karaniwan. Tila ang Diyos ay walang iniisip na gawin ang ganoong gawain. Nagsasalita lamang Siya ng kaunti ng kung ano ang dapat, kung saan pagkatapos ay tumatalikod Siya at nawawala nang walang bakas—na, natural, ay ang tagpo ng pagtatapos ng Kanyang mga pagbigkas. At kapag dumarating ang sandaling ito, lahat ng mga tao ay gigising mula sa kanilang pagtulog. Ang sangkatauhan ay nakatulog sa loob ng libu-libong taon, siya ay mahimbing na mahimbing sa buong panahon. At sa loob ng maraming taon, ang mga tao ay nagmamadaling parito at paroon sa kanilang mga panaginip, at humihiyaw pa sila sa kanilang mga panaginip, hindi kayang magsalita tungkol sa kawalang-katarungan sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Sa gayon, sila ay “nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso”—nguni’t kapag sila ay nagising, matutuklasan nila ang tutoong mga katunayan, at mapapasigaw: “Ganito pala ang nangyayari!” Kaya sinasabi na “Ngayon, karamihan sa mga tao ay tulóg na tulóg pa rin. Saka lamang kapag tumutunog ang pangkahariang awitin sila nagmumulat ng kanilang inaantok na mga mata at nakakaramdam ng bahagyang kalungkutan sa kanilang mga puso.”
Tagalog Christian Movie 2018 | Anak, Umuwi Ka Na! (Trailer)
Isang mag-aaral ng senior high school si Li Xinguang. Isa siyang makatwiran at matinong bata simula pa noong maliit siya. Paborito siya ng kanyang mga magulang at guro. Nang tumuntong na siya sa middle school, nahumaling siya sa mga internet computer game. Madalas siyang lumiliban sa klase upang makapunta sa internet cafe. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat upang makalaya siya sa adiksyon ng internet. Sa kasamaang palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging delinkwente. … Nang malapit nang mawalan ng pag-asa ang mga magulang ni Li Xinguang, nalaman nilang kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, kayang tulungang makalaya sa kanilang adiksyon sa internet at makawala sa paninira ni Satanas. Dahil dito, nagpasya silang maniwala sa Diyos at hinangad na maliligtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasiraan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kasamaan at kadiliman ng tao at naunawaan na tanging Diyos lang ang makapagliligtas sa tao at makapagpapalaya mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Kailangan lamang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at magagawa niyang lumaya sa kanyang adiksyon sa internet. Dahil dito, ipinalaganap nila ang ebanghelyo kay Xinguang at ginabayan si Xinguang basahin ang mga salita ng Diyos. Nagdasal sila sa Diyos at hiningi sa Kanyang iligtas ang kanilang anak at tulungan siyang makalaya sa kanyang adiksyon sa internet. … Pagkatapos ng isang laban, nagsimulang magdasal at magtiwala sa Diyos si Xinguang. Sa ilalim ng gabay ng mga salita ng Diyos, nagawa niyang makawala sa wakas sa kanyang adiksyon sa internet at pinalaya ang sarili mula sa paninira at pagpapahirap ni Satanas. Ang anak na dating wala nang pag-asa dahil sa mga internet game at internet cafe ay umuwi na sa wakas!
Interpretasyon ng Ikadalawampu’t siyam na Pagbigkas
Sa gawain na ginawa ng mga tao, ang ilan sa mga ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng direktang pagtuturo mula sa Diyos, nguni’t para sa ilang bahagi nito ay hindi nagbibigay ang Diyos ng mga hayag na tagubilin, sapat na nagpapakita na ang ginagawa ng Diyos ay, ngayon, hindi pa lubos na naibunyag—na ang ibig sabihin, marami ang nananatiling nakatago at hindi pa naging pampubliko. Subali’t may ilang mga bagay na kailangang maging pampubliko, at may ilan na kailangang iwan ang mga tao na naguguluhan at nalilito; ito ang kung ano ang kinakailangan ng gawain ng Diyos. Halimbawa, ang pagdating ng Diyos mula sa langit sa gitna ng tao: kung paano Siya dumating, sa anong segundo Siya dumating, o kung ang mga kalangitan at lupa at ang lahat ng bagay ay sumailalim sa pagbabago o hindi—ang mga bagay na ito ay kinakailangan para ang mga tao ay malito. Ito ay batay din sa mga aktwal na kalagayan, dahil ang pantaong laman mismo ay hindi kayang direktang pumasok sa espirituwal na kinasasaklawan. Samakatuwid, kahit na kung ang Diyos ay malinaw na nagsasaad kung paano Siya pumarito mula sa langit tungo sa lupa, o kapag sinasabi Niya, “Noong araw na ang lahat ng bagay ay muling nabuhay, Ako ay tumungo sa tao, at nagpalipas Ako ng mga magagandang araw at gabi kasama siya,” ang mga salitang iyon ay tulad ng isang tao na nakikipag-usap sa isang katawan ng puno—walang kahit katiting na reaksiyon, dahil ang mga tao ay walang kaalaman sa mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kahit pa tunay nilang batid, naniniwala sila na ang Diyos ay lumipad pababa sa lupa mula sa langit tulad ng isang ada at muling ipinanganak sa gitna ng tao. Ito ang nakamit ng mga kaisipan ng tao. Ito ay dahil ang esensiya ng tao ay hindi niya kayang maintindihan ang diwa ng Diyos, at hindi kayang maintindihan ang realidad ng espirituwal na kinasasaklawan. Sa pamamagitan tangi ng kanilang esensiya, ang mga tao ay walang kakayahan na kumilos bilang isang huwaran para sa iba, dahil ang mga tao ay likas na magkakapareho, at hindi magkakaiba. Kaya, ang paghiling na ang mga tao ay magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba o magsilbi bilang isang huwaran ay nagiging isang bula, ito ay nagiging singaw na umaangat mula sa tubig. Samantalang kapag sinasabi ng Diyos, “nakikita niya ang ilan sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako” ang mga salitang ito ay nagpapatungkol lamang sa paghahayag ng gawain na ginagawa ng Diyos sa katawang-tao; sa ibang salita, ang mga ito ay nakadirekta sa totoong mukha ng Diyos—pagkaDiyos, na pangunahing tumutukoy sa Kanyang pagkaDiyos na disposisyon. Na ang ibig sabihin, ang mga tao ay hinihilingan na maunawaan ang mga bagay tulad ng kung bakit ang Diyos ay gumagawa sa ganitong paraan, kung anong mga bagay ang maisasakatuparan ng mga salita ng Diyos, kung ano ang nais ng Diyos na matamo sa lupa, kung ano ang nais Niya na makamit sa gitna ng tao, ang mga pamamaraan ng pagsasalita ng Diyos, at kung ano ang saloobin ng Diyos patungkol sa tao. Maaaring sabihin na walang karapat-dapat-maipagmalaki sa tao, ibig sabihin, wala sa kanya na maaaring magpakita ng isang halimbawa para sundan ng iba.
Christian Feng Aixia’s Account of Her Experience of the CCP’s Cruel Persecution
Feng Aixia accepted Almighty God’s kingdom gospel in 2006. She was arrested by the CCP police when preaching the gospel in 2014. During the interrogation, the police stripped her off, slapped her on the face, beat her with electric batons, pulled one of her hands back over the shoulder and the other hand up along the back before cuffing them together, etc., torturing her in various kinds of ways. In the end, she was detained for fourteen days on the charge of preaching the gospel illegally and disturbing the social order. After her release, unable to bear the threat and control of the CCP, she was forced to leave her home and flee everywhere.
Ang kalagayan ng mga tao ay na mas kakaunti ang pagkaunawa nila tungkol sa mga salita ng Diyos, mas may-pag-aalinlangan sila sa kasalukuyang paraan ng paggawa ng Diyos. Nguni’t ito ay walang epekto sa gawain ng Diyos; kapag ang Kanyang mga salita ay umaabot sa isang tiyak na punto, ang mga puso ng mga tao ay likas na tatanggap. Sa kanilang mga buhay, ang bawa’t isa ay nakatuon sa mga salita ng Diyos, at nagsisimula rin silang manabik sa Kanyang mga salita—at dahil sa tuluy-tuloy na paglalantad ng Diyos, nagsisimula silang hamakin ang kanilang mga sarili. Gayunman, binigkas din ng Diyos ang marami sa mga sumusunod na uri ng mga salita: “Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga pagsusumamo ng sangkatauhan na taos-puso, at hindi isang pagkukunwari.” Sa katunayan, ang mga tao ay walang kakayahan na lubusang maunawaanang mga salita ng Diyos, maaari lamang nilang maunawaan ang nasa ibabaw. Ginagamit lamang ng Diyos ang mga salitang ito upang bigyan sila ng isang layunin na itaguyod, upang maramdaman nila na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bagay nang basta-basta, nguni’t seryoso sa Kanyang gawain, at saka lamang sila magkakaroon ng pananampalatayang itataguyod. At sapagka’t ang lahat ng mga tao ay nagsusumamo lamang para sa kanilang sariling mga kapakanan, hindi para sa kalooban ng Diyos, nguni’t ang Diyos ay hindi pabago-bago, ang Kanyang mga salita ay laging nakatuon sa kalikasan ng tao. Bagaman ang karamihan sa mga tao ngayon ay nagsusumamo sila ay hindi tapat—ito ay isang pagkukunwari lamang. Ang kalagayan ng lahat ng mga tao ay na“isinasaalang-alang nila ang Aking bibig bilang isang kornukopya. Nais ng lahat ng mga tao na makakuha ng isang bagay mula sa Aking bibig. Mga lihim man ito ng kalagayan, o mga misteryo ng langit, o ang dinamika ng espirituwal na mundo, o ang hantungan ng sangkatauhan.” Dahil sa kanilang pagkamausisa, ang mga tao ay handang lahat nasaliksikin ang mga bagay na ito, at ayaw nilang makamitang anumang bagay na paglalaan ukol sa buhay mula sa mga salita ng Diyos. Kaya naman sinasabi ng Diyos, “Masyadong marami ang kakulangan sa kaloob-looban ng tao: Hindi lamang mga ’suplementong pangkalusugan‘ ang kanyang pangangailangan, ngunit mas higit pa ang ’suporta sa pag-iisip‘ at maging ang ’espirituwal na panustos.’“ Ito ang mga pagkaintindi sa mga tao na humantong sa pagkanegatibo ngayon, at ito ay dahil ang kanilang pisikal na mga mata ay masyadong “piyudal” kaya walang sigla sa kung ano ang kanilang sinasabi at ginagawa, at sila ay walang-pakialam at pabaya sa lahat ng mga bagay. Hindi ba ito ang mga kundisyon ng mga tao? Hindi ba dapat magmadali ang mga tao at ituwid ito, sa halip na magpatuloy na ganoon sila? Ano ang pakinabang na malaman ang hinaharap para sa tao? Bakit may reaksyon ang mga tao pagkatapos mabasa ang ilan sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang nalalabing bahagi ng Kanyang mga salita ay walang epekto? Halimbawa, kapag sinasabi ng Diyos, “Nagbibigay Ako ng lunas para sa sakit ng tao upang makamit ang mas mahusay na mga epekto, upang bumalik ang lahat sa kalusugan, at upang, salamat sa Aking lunas, maaari na silang bumalik sa normalidad,” paanong ang mga salitang ito ay walang epekto sa mga tao? Hindi ba lahat ng bagay na ginawa ng Diyos ay ang dapat matamo ng tao? May gawain ang Diyos na dapat gampanan—bakit walang landas na lalakaran ang mga tao? Sa ganito, hindi ba sila lumilihis mula sa Diyos? Mayroon talagang malaking gawain na dapat gawin ng mga tao—halimbawa, gaano ang kanilang nalalaman tungkol sa “malaking pulang dragon” sa mga salitang “Talagang namumuhi ba kayo sa malaking pulang dragon”? Ang mga salita ng Diyos na “Bakit Ko ito tinanong sa inyo nang maraming beses?” ay nagpapakita na ang mga tao ay walang pa ring alam sa likas na katangian ng malaking pulang dragon, na sila ay nananatiling hindi kayang mas lumalim. Hindi ba ito ang gawaing dapat gawin ng tao? Paano masasabi na ang tao ay walang gawain? Kung gayon nga, ano ang magiging kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Ang Diyos ba ay nagiging pabaya at walang-pakialam alang-alang sa pagdaan lamang sa mga galaw? Maaari bang matalo ang malaking pulang dragon sa ganitong paraan?
Magkakaroon Lamang ng Magandang Kapalaran ang Tao Kung Sila’y Sasamba sa Tunay na Diyos
Diyos ang may likha ng mundo at ng tao. Unang kultura ng Griyego at sibilisasyon ng tao’y gawa Niya. Diyos lang ang umaaliw, umaaliw sa tao. Diyos lang ang umaaruga sa tao araw at gabi. Pag unlad ng tao’y di-mahiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Ang nakaraan at kinabukasan ng tao’y di-mahiwalay sa mga disenyo ng Diyos, ang disenyo ng Diyos.
Ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot sa kanilang taluktok, ibig sabihin, ang ikalawang bahagi ng panahon ng paghuhukom ay umabot na sa rurok nito. Nguni’t hindi ito ang pinakamataas na rurok. Sa panahong ito, ang tono ng Diyos ay nagbago, hindi ito nanunuya o nakakatawa, at hindi nananakit o nanunumpa; pinalambot ng Diyos ang tono ng Kanyang mga salita. Ngayon, nagsisimula ang Diyos na “makayang gunitain” ang tao. Ang Diyos ay parehong nagpapatuloy sa gawain ng panahon ng paghuhukom at binubuksan ang landas ng susunod na seksyon ng gawain, upang ang lahat ng mga bahagi ng Kanyang gawain ay magkakaugnay-ugnay sa isa’t isa. Sa isang banda, nagsasalita Siya tungkol sa “katigasan ng ulo ng tao at kanyang pagbabalik sa dati,” at sa kabilang banda, sinasabi Niya “Sa Aking mga kasiyahan at kalungkutan, hindi Ko kayang gunitain ang pakikipaghiwalay at pakikipagbalikan Ko sa tao”—kung saan parehong nagsasanhi ng isang reaksyon sa puso ng mga tao, at inaantig kahit na ang pinakamanhid sa kanila. Ang layunin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito ay pangunahing upang magpatirapa ang lahat ng mga tao sa harap ng Diyos, nang walang mapapabulong, sa katapus-tapusan, at pagkatapos “magiging maliwanag lamang sa ganoong panahon ang Aking mga gawain, makikilala Ako ng lahat ng tao dahil sa sarili nilang kabiguan.” Ang kaalaman sa Diyos ng mga tao ng panahong ito ay nananatiling ganap na mababaw, hindi ito tunay na kaalaman. Bagaman sila ay nagsisikap nang maigi hangga’t maaari, hindi nila kayang makuha ang naisin ng puso ng Diyos; ngayon, ang mga salita ng Diyos ay umabot na sa kanilang kaitaasan, nguni’t ang mga tao ay nananatili sa mga unang yugto, at sa gayon ay hindi kayang pumasok sa mga pagbigkas ng dito at ngayon—na nagpapakita na ang Diyos at tao ay magkaibang-magkaiba sa isa’t isa. Batay dito, kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa katapusan makakaya lamang ng mga tao na makamit ang mga pinakamababang pamantayan ng Diyos. Ito ang paraan kung saan ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito na lubos na ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, at ang Diyos ay kailangang gumawa upang makamit ang pinakamainam na epekto. Ang mga tao ng mga iglesia ay nagbibigay ng higit na pansin sa mga salita ng Diyos, nguni’t ang intensyon ng Diyos ay upang makilala nila ang Diyos sa Kanyang mga salita—hindi ba may pagkakaiba? Gayunpaman, sa kasalukuyang sitwasyon, hindi na iniisip ng Diyos ang kahinaan ng tao, at nagpapatuloy sa pagsasalita na hindi alintana kung ang mga tao ay kayang tanggapin ang Kanyang mga salita o hindi. Ayon sa Kanyang layunin, kung kailan magtatapos ang Kanyang mga salita ay magiging kung kailan makumpleto ang Kanyang gawain sa lupa. Nguni’t ang gawaing ito ay hindi katulad ng nakaraan. Kung kailan magtatapos ang mga pagbigkas ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; kung kailan magtatapos ang gawain ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam; at kung kailan magbabago ang anyo ng Diyos, walang sinuman ang makaaalam. Ganyan ang karunungan ng Diyos. Upang maiwasan ang anumang mga akusasyon mula kay Satanas at anumang pagkagambala mula sa mga pwersa ng kaaway, ang Diyos ay gumagawa nang walang sinuman ang nakaaalam, at sa ngayon ay walang reaksyon sa mga tao sa lupa. Kahit na ang mga palatandaan ng pagbabagong-anyo ng Diyos ay minsan nang binanggit, walang sinuman ang nakakayang maunawaan ito, sapagka’t nakalimutan na ng tao ang bagay na ito, at hindi niya binibigyang pansin ito. At dahil sa mga pag-atake mula sa loob at labas—ang mga sakuna ng panlabas na mundo at ang pagsusunog at paglilinis sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ang mga tao ay hindi na handang magpagal para sa Diyos, sapagka’t sila ay masyadong abala sa kanilang sariling negosyo. Kapag tinanggihan ng lahat ng mga tao ang kaalaman at paghahanap ng nakaraan, kapag ang lahat ng mga tao ay nakita ang kanilang mga sarili nang malinaw, sila ay mabibigo at ang kanilang ganang sarili ay hindi na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso. Saka lamang totoong mananabik ang mga tao para sa mga salita ng Diyos, saka lamang ang mga salita ng Diyos ay tunay na magkakaroon ng puwang sa kanilang mga puso, at saka lamang ang mga salitang ito ay magiging pinagmumulan ng kanilang pag-iral—at sa sandaling ito, ang naisin ng puso ng Diyos ay matutupad. Nguni’t ang mga tao ngayon ay malayong-malayo diyan. Ang ilan sa kanila ay bahagya nang nakausad ng isang pulgada, at sa gayon sinasabi ng Diyos na ito ay “pagbabalik sa dati.”