菜單

Mar 31, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-dalawang Pagbigkas

    Sa sandaling ang bagong gawain ay nagsisimula, lahat ng mga tao ay may bagong pagpasok, at sila ay susulong kasama Kong kapit-kamay, maglalakad kami sa malaking daan ng kahariang magkasama, at may matalik na kaugnayan sa pag-itan Ko at ng tao. Upang ipakita ang Aking mga nadarama, upang ipamalas ang Aking pagtrato tungo sa tao, palagi Akong nagsasalita sa tao. Bahagi ng mga salitang ito, gayunpaman, ay maaaring makasakit sa mga tao, samantalang ang iba sa mga iyon ay maaaring maging malaking tulong sa kanila, kaya’t pinapayuhan Ko ang mga tao na makinig nang mas maigi sa kung ano ang lumalabas sa Aking bibig. Ang Aking mga pagbigkas ay maaring hindi maging elegante at pino, subali’t ang lahat ng mga iyon ay mga salita mula sa kaibuturan ng Aking puso. Dahil ang tao sa orihinal ay Aking kaibigan, nagpatuloy Ako na isinasakatuparan ang Aking gawain sa gitna ng tao, at ang tao, rin, ay ginagawa ang kanyang sukdulang makakaya upangmakipagtulungan sa Akin, lubhang natatakot sa pag-abala sa Aking gawain. Sa sandaling ito, ang Aking puso ay puno ng matinding kagalakan, sapagka’t Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao, kaya’t ang Aking “negosyo” ay hindi na bagsak, hindi na ito walang-lamang mga salita, at ang Aking “pamilihan ng prangkisa” ay hindi na mabagal ang takbo. Ang mga tao ay makatuwiran sa paanuman, silang lahat ay handang “ialay ang kanilang mga sarili” para sa Aking pangalan at Aking kaluwalhatian, at sa paraang ito ang Aking “departamento ng prangkisa” ay kumikita ng ilang bagong “mga produkto,” kaya’t sa espirituwal na kinasasaklawan maraming “mga kostumer” ang dumarating upang bumili ng Aking “mga produkto.” Sa sandaling ito lamang Ako nakakatamo ng kaluwalhatian, saka lamang ang mga salitang binigkas mula sa Aking bibig ay hindi na mga walang-lamang salita. Ako ay naging matagumpay, at nakabalik na tagumpay, at lahat ng mga tao ay ipinagdiriwang Ako. Upang ipakita ang paghanga nito sa Akin, upangipakita na sumusuko ito sa ilalim ng Aking mga tuhod, sa sandaling ito ang malaking pulang dragon ay dumarating din para “magdiwang,” at Ako ay naluluwalhati rito. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, nakipaglaban na Ako sa maraming matatagumpay na mga digmaan, at nakágáwâ na ng maraming kahanga-hangangmga bagay. Maraming mga tao ang minsang ipinagdiwang Ako, at nag-alay ng papuri sa Akin, at sumayaw para sa Akin. Bagaman ang mga ito ay mga nakakapukaw na tagpo, at di-malilimutan, kailanman ay hindi Ko ipinakita angAking ngiti, sapagka’t hindi Ko pa nalulupig ang tao, at ginagawa lamang ang bahagi ng gawaing kahawig ng paglikha. Ngayon ay di-tulad ng nakaraan. Ako ay nagbibigay ng ngiti sa trono, nalupig Ko na ang tao, at ang mga tao lahat ay yumuyukod sa pagsamba sa harap Ko. Ang mga tao ng ngayon ay hindi yaong sa nakaraan. Kailan na ang Aking gawain ay hindi alang-alang sa kasalukuyan? Kailan ito hindi para sa Aking kaluwalhatian? Para sa kapakanan ng maningning na kinabukasan, palilinawin Ko ang buo Kong gawain sa tao nang maraming ulit, upang ang buo Kong kaluwalhatian ay maaaring “mamahinga” sa tao, na nilikha. Kukunin Ko ito bilang alituntuin ng Aking gawain. Yaong mga handang makipagtulungan sa Akin, tumáyô at magsigasig upang ang higit ng Aking kaluwalhatian ay maaaring pumuno sa papawirin. Ngayon ang panahon upang gamitin nang pinakamahusay ang mga talento ng isa. Lahat niyaong nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Aking pag-ibig ay may pagkakataon upang gamitin ang kanilang mga kakayahan dito, sa Aking lugar, at Aking mamaniobrahin ang lahat ng mga bagay upang “bumaling” para sa Aking gawain. Ang mga ibong lumilipad sa himpapawid ay Aking kaluwalhatian sa himpapawid, ang mga karagatan sa lupa ay Aking mga gawa sa lupa, ang panginoon ng lahat ng mga bagay ay Aking pagpapakita sa gitna ng lahat ng mga bagay, at Aking ginagamit ang lahat ng mayroon sa lupa bilang ang puhunan para sa Aking pamamahala, sinasanhi ang lahat ng mga bagay upang dumami, lumago, at sumagana ng buhay.

Mar 30, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Dinala na ng Diyos ang Kanyang Kaluwalhatian sa Silangan

Ibinigay ng Diyos luwalhati Niya sa Israel at inalis ito mula roon, dala ang mga Israelita’t lahat ng tao sa Silangan. Lahat sila’y inakay ng D’yos sa liwanag nang sila’y muling magkasama’t makisama sa liwanag, ‘di na kailangang hanapin, hanapin ang liwanag. Hahayaan ng Diyos ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at ang kaluwalhatian Niya sa Israel, makita ang Diyos na bumaba sa puting ulap sa gitna ng mga tao, makita ang mga puting ulap, makita ang mga kumpol ng prutas, makita si Jehova Diyos ng Israel, Diyos ng Israel,

Mar 28, 2018

Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas

    Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upangibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upanggambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu angpagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan angkabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyangsariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silangperpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nangnapapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, anghigit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?

Ang tinig ng Diyos | Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

Ang Ika-apatnapung Pagbigkas

    Ang mga tao ay nakatuon sa bawa’t galaw Ko, na para bang ibababa Ko na angmga kalangitan, at sila ay palaging naguguluminahan sa Aking mga ginagawa, na para bang ang Aking mga gawa ay lubos na hindi-maarok sa kanila. Sa gayon, kinukuha nila ang kanilang hudyat mula sa Akin sa lahat ng kanilang ginagawa, lubhang natatakot na magkakasala sila sa Langit at mapapatapon sa “mundo ng mga mortal.” Hindi Ko sinusubukang mahawakan ang mga tao, kundi tinututukan ng Aking gawain ang kanilang mga pagkukulang. Sa sandaling ito, sila ay napakasaya, at lumalapit upang umasa sa Akin. Kapag nagbigay Ako sa tao, minamahal Ako ng mga tao gaya ng pagmamahal nila sa kanilang sariling mga buhay, subali’t kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, iniiwasan nila Ako. Bakit ganito? Hindi ba nila man lamang maisasagawa ang “pagiging-patas at pagkamakatwiran” ng mundo ng tao? Bakit ba Ako humihingi ng ganoon sa mga tao nang paulit-ulit? Talaga bangang kalagayan ay wala Ako kahit ano? Tinatrato Ako ng mga tao na parang isangpulubi. Kapag humingi Ako ng mga bagay-bagay mula sa kanila, itinataas nila angkanilang mga “tira-tira” sa harap Ko upang Aking “tamasahin,” at sinasabi pangtangang pag-aalaga nila sa Akin. Tinitingnan Ko ang kanilang pangit na mga mukha at mga kaibhan, at muli Akong lumilisan mula sa tao. Sa ilalim ng gayong mga kalagayan, ang mga tao ay nananatiling di-nakauunawa, at muling binabawi ang mga bagay-bagay na ipinagkait Ko sa kanila, hinihintay ang Aking pagbabalik. Nakagugol Ako ng malaking panahon, at nagbayad ng malaking halaga, alang-alang sa tao—nguni’t sa sandaling ito, sa di-alam na dahilan, ang mga konsensya ng mga tao ay nananatiling kailanma’y walang kakayahang gampanan ang kanilang orihinal na tungkulin. Bilang resulta, Aking itinatala ang kanilang nagpipilit na mga pag-aalinlangan kabilang sa “mga salita ng hiwaga,” upang magsilbing “sanggunian” para sa mga henerasyon sa hinaharap, dahil ang mga ito ay ang “mga resulta ng siyentipikong pagsasaliksik” na naibunga ng “pagpapagal na paggawa” ng mga tao; paano Kong basta na lamang aalisin ang mga iyon? Hindi ba ito ay magiging “pagbigo” sa mabubuting mga hangarin ng mga tao? Sapagka’t Ako, kung tutuusin, ay talagang may konsensya, hindi Ako nakikisangkot sa tuso at nakikipag-sabwatangmga kilos ng tao—hindi ba gayon ang Aking mga gawa? Hindi ba ito ang “pagiging-patas at pagiging-makatwiran” na sinabi ng tao? Sa gitna ng tao, nakágáwâ Ako nangwalang-humpay hanggang sa kasalukuyan. Sa pagdating ng mga panahong gaya ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, itinuturing pa rin nila Akong tulad sa isang dayuhan, at dahil nadálá Ko sila sa isang “dulong hangganan,” lalo pangnamumuhi sa Akin. Sa panahong ito, ang pag-ibig sa kanilang mga puso ay matagal nang naglaho nang walang bakas. Hindi Ako nagpapalabis, lalo nang hindi minamaliit ang tao. Maaari Kong mahalin ang tao hanggang sa kawalang-hanggan, at maaari Ko rin siyang kamuhian hanggang sa kawalang-hanggan, at ito ay hindi kailanman magbabago, pagka’t Ako ay may pagtitiyaga. Gayunman ang tao ay hindi nagtataglay ng pagtitiyagang ito, siya ay lagi nang pabagu-bago tungo sa Akin, siya ay laging nagbibigay lamang ng kaunting pansin sa Akin kapag ibinubuka Ko angAking bibig, at kapag itinikom Ko ang Aking bibig at hindi nagsalita ng kahit ano, siya ay kaagad na nawawala sa gitna ng mga alon ng malaking mundo. Sa gayon, pinaiikli Ko ito tungo sa isa pang kasabihan: Ang mga tao ay kulang sa pagtitiyaga, at sa gayon hindi nila kayang sundin ang Aking puso.

Spanish Friends Attended the New Year's Entertainment Party of Chinese Christians


Spanish Friends Attended the New Year’s Entertainment Party of Chinese Christians

On February 17, 2018, Christians from The Church of Almighty God in Spain hosted an evening gathering in Madrid’s Fuenlabrada with the theme of “We gather together here.” The purpose of the event was for friends of different nationalities to gain a greater understanding of The Church of Almighty God and to promote friendship between these groups. Unlike the events held the previous two years, that evening over a dozen international friends were invited, including: Cynthia, a representative from the Todo Mejorar Foundation; Elahi, chairman of Valientes Banglas; Manuel, chairman of the European Citizens’ Anti-Corruption Association; Sagrario, manager of the San Lorenzo Center. It was a joyful gathering in celebration of the lunar new year.
Recommendation:Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?
Classic Words on How to Believe in God
Only God’s Judgment and Chastisement in the Last Days Is His Critical, Decisive Work for Saving Mankind
Classic Words on How to Practice Love of God

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

    Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian angpagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilangnadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulangkahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walangpatatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.