菜單

Peb 21, 2018

2. Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Paghahanap sa Totoong Daan, Dapat Mong Mataglay ang Katuwiran


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


  Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring masabing magkapantay. Ang Kanyang substansya at ang Kanyang gawain ay ang pinaka-di-maaarok at hindi-kayang-unawain ng tao. Kung ang Diyos ay hindi personal na gumagawa ng Kanyang gawain at bumibigkas ng Kanyang mga salita sa mundo ng tao, kung gayon hindi kailanman mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at sa gayon, kahit yaong mga naglaan ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi maaaring makatamo ng Kanyang pagsang-ayon. Kung wala ang gawain ng Diyos, gaano man kabuti ang ginagawa ng tao, mababalewala iyon, pagka’t ang mga pag-iisip ng Diyos ay palaging magiging mas mataas kaysa mga pag-iisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi maaarok ng tao. At sa gayon sinasabi ko na yaong mga “nakabasa” sa Diyos at sa Kanyang gawain ay walang silbi, lahat sila ay mayabang at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; higit pa rito, hindi maaaring bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay mas maliit kaysa isang langgam, kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga patuloy na nagsasabi, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan” o “Ang Diyos ay tulad nito o noon”—hindi ba silang lahat ay mayabang? Dapat nating kilalaning lahat na ang mga tao, na siyang galing sa laman, ay napasamang lahat ni Satanas. Ito ay kanilang kalikasan na tutulan ang Diyos, at hindi sila kapantay ng Diyos, lalong hindi nila kayang mag-alok ng payo para sa gawain ng Diyos. Kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao ay gawain ng Diyos Mismo. Dapat magpasailalim ang tao, at dapat hindi magkaroon ng gayo’t gayong pananaw, pagka’t ang tao ay alabok lamang. Yamang sinusubukan nating hanapin ang Diyos, hindi natin dapat isama ang ating mga pagkaintindi sa gawain ng Diyos para sa pagsasaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin ang ating mga tiwaling disposisyon upang sadyang subukan na tutulan ang gawain ng Diyos. Hindi kaya gagawin niyan tayong mga antikristo? Paano maaaring sabihin ng mga ganoong tao na sila’y naniniwala sa Diyos? Yamang tayo ay naniniwala na mayroong Diyos, at yamang ninanais natin na bigyang-kasiyahan Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat humanap ng paraan upang maging kaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat nakikipagmatigasan sa pagsalungat sa Diyos; anong kabutihan ang maaaring maibunga ng ganoong mga pagkilos?

1. Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos.

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos 1. Dapat Mong Malaman ang Pinagmumulan ng Pagsalungat ng Mga Tao sa Bagong Gawain ng Diyos sa Kanilang Pananampalataya sa Diyos.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

     Ang dahilan kung bakit sumasalungat ang tao sa Diyos ay nagmumula, sa isang banda, sa masamang disposisyon ng tao, at sa kabilang banda, sa kamangmangan tungkol sa Diyos at sa kakulangan ng pag-unawa sa mga prinsipyo ng gawa ng Diyos at ng Kanyang kalooban patungo sa tao. Ang dalawang aspetong ito ay nagsasama upang maging iisang kasaysayan ng paglaban ng tao sa Diyos. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay sumasalungat sa Diyos dahil ang pagsalungat ay nasa kanilang kalikasan, samantalang ang pagsalungat sa Diyos ng mga mananampalayatang may maraming taon na sa paniniwala ay bunga ng kamangmangan nila tungkol sa Diyos, samahan pa ng kanilang masamang disposisyon.

Peb 20, 2018

Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, sa gayon, na lahat ng mga taong hindi nakakaalam sa Diyos ay nagtataglay ng isang nakakalitong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagkat ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, sa gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang hangarin ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon makakatupad sa hangarin ng Diyos at makakikilala sa Diyos. Tanging sa ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwat ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagkat sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa guwang na mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang sustansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari bang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugang wala nang higit pa sa pagtanggap sa maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos ngunit hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Kanya nguni’t tinututulan Siya, tunay na makakatupad sa hangarin ng Diyos?
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan”


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.”
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Peb 19, 2018

Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng Gawain ng Diyos ng mga Huling Araw

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman ang mga Katotohanan ng Gawain ng Diyos ng mga Huling Araw

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihitulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang kapinuhan ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagpungos sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang kapinuhan ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, ngunit para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng kapinuhan sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa kapinuhan na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagkat ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa pagtatapos ng araw, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang kapinuhan ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng kapinuhan ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagpungos at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng kapinuhan. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang kapinuhan ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng kapinuhan, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang kapinuhan ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng kapinuhan maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.
mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit | Movie Clip tungkol sa Ebanghelyo (1)

Nadarama ng karamihan sa mga nananalig sa Panginoon na basta’t sinusunod natin ang mga salita ng Panginoon, nagpapakumbaba tayo at nagtitiyaga, at sinusunod natin ang halimbawa ni Pablo sa pagsasakripisyo, paggugol at pagsisikap para sa Panginoon, mabibigyang-kasiyahan natin ang kalooban ng Diyos. At dadalhin tayo sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Gayunman, napag-isip-isip na ba natin kung talagang makakamit ng paghahanap na ito ang papuri at pagtanggap ng Panginoon sa kaharian sa langit? Kung hindi, paano natin dapat pagsikapang matamo ang papuri ng Panginoon at madala sa kaharian sa langit?
Rekomendasyon:Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan

Peb 18, 2018

Šorytė: If the Persecuted Christians Are Repatriated to Their Homeland, It Is Utterly a Crime!


Šorytė: If the Persecuted Christians Are Repatriated to Their Homeland, It Is Utterly a Crime!

On October 23, 2017, at a meeting on “Religious Freedom and Refugee Human Rights” held in South Korea, Ms. Rosita Šorytė, who had represented the Interim Lithuanian President as Chairman of the EU Working Group on Humanitarian Assistance, stated in her speech, “According to the 2004 Guidelines of the United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) and the 1987 UN Refugee Convention, for a persecuted religious group, members of The Church of Almighty God (CAG) have clearly been subject to the persecution of torture, a higher severity of iniquity than social persecution, thus more deserving of being granted refugee status.” Šorytė mentioned that the Republic of Korea is a respected democracy that has also signed and ratified the 1951 Refugee Convention and the 1967 Protocol. It should fulfill its responsibilities in accordance with these international documents. If the persecuted Christians of CAG are repatriated to mainland China, it is utterly a crime!
Recommendation:The brief introduction of the Church of Almighty God
Investigating the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus