Pagpapakahulugan sa Ikadalawampu’t-isang Pagbigkas
Sa mga mata ng Diyos, ang mga tao ay katulad ng mga hayop sa mundo ng mga hayop. Sila ay nakikipaglaban sa isa’t isa, kinakatay ang isa’t isa, at may di-pangkaraniwang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa. Sa mga mata ng Diyos, sila ay katulad rin ng mga matsing, nagpa-pakana laban sa isa’t isa di alintana ang gulang o kasarian. Sa gayon, ang lahat nang ginagawa at inihahayag ng buong sangkatauhan ay hindi kailanman naging ayon sa puso ng Diyos. Ang sandali na tinatakpan ng Diyos ang Kanyang mukha ay eksaktong kung kailan ang mga tao sa buong mundo ay sinusubok. Lahat ng mga tao ay dumaraing sa sakit, silang lahat ay namumuhay sa ilalim ng banta ng sakunâ, at walang kahit isa sa kanila ang kahit kailan ay nakatakas mula sa paghatol ng Diyos. Sa katunayan, ang pangunahing layunin ng Diyos sa pagiging katawang-tao ay upang hatulan ang tao at usigin siya sa Kanyang katawang-tao. Sa isipan ng Diyos, matagal na itong napagpasyahan kung sino, ayon sa kanilang kakanyahan, ang maliligtas o wawasakin, at ito ay unti-unting magiging malinaw sa panahon ng huling yugto. Habang ang mga araw at mga buwan ay lumilipas, ang mga tao ay nagbabago at ang kanilang orihinal na anyo ay ibinubunyag. Kung mayroon mang manok o bibi sa itlog ay nakikita kapag ito ay nababasag. Ang panahon kapag ang itlog ay nababasag ay ang mismong panahon na ang mga kapahamakan sa lupa ay darating sa katapusan. Mula rito ay makikita na, upang malaman kung mayroong isang “manok” o isang “bibi” sa loob, ang “itlog” ay dapat na mabasag. Ito ang plano sa puso ng Diyos, at ito ay dapat na matupad.