Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Mula ng sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinimulan mo nanggawin ang iyong tungkulin. Ginagampanan mo ang iyong papel ayon sa plano ngDiyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Sinimulan mo ang paglalakbay ng buhay. Anuman ang iyong kinagisnan at anumang paglalakbay ang nasa iyong hinaharap, walangmaaaring makaligtas sa pagsasaayos at pagkakaayos na inilaan ng Langit, at walang sinuman ang may kontrol ng kanilang kapalaran, sapagkat Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahan ng naturang gawain. Mula ngaraw na dumating ang pag-iral ng tao, ang Diyos ay naging matatag sa Kanyanggawain, namamahala sa sansinukob at nangangasiwa sa pagbabago at paggalaw ng lahat ng mga bagay. Tulad ng lahat ng mga bagay, tahimik at hindi alintanangtinatanggap ng tao ang sustansya ng katamisan at ng ulan at hamog mula sa Diyos. Tulad ng lahat ng mga bagay, hindi alam ng tao na siya’y namumuhay sa ilalim ngpagsasaayos ng kamay ng Diyos. Ang puso at espiritu ng tao ay tangan ng kamay ngDiyos, at lahat ng buhay ng tao ay nakikita ng mga mata ng Diyos. Ikaw man ay naniniwala rito o hindi, anuman at lahat ng mga bagay, buhay o patay, ay magpapalipat-lipat, magbabago, manunumbalik, at maglalaho ayon sa mga saloobin ng Diyos. Ganito mamahala sa lahat ng bagay ang Diyos.