菜單

Abr 20, 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Pananalig sa Diyos (Trailer)


Tagalog Christian Movie 2018 | Pananalig sa Diyos (Trailer)

Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Tungkol sa Biblia

Abr 19, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikalabing-apat na Pagbigkas

    Ang tao ay hindi kailanman natuto ng anumang bagay mula sa salita ng Diyos. Sa halip, pinahahalagahan lamang ng tao nang pahapyaw ang salita ng Diyos, nguni’t hindi nalalaman ang tunay na kahulugan nito. Samakatuwid, bagaman ang karamihan ng mga tao ay kinagigiliwan ang salita ng Diyos, sinasabi ng Diyos na hindi nila talaga pinahahalagahan ito. Ito ay dahil sa pananaw ng Diyos, kahit na ang Kanyang salita ay isang mahalagang bagay, hindi natikman ng mga tao ang totoong katamisan nito. Samakatuwid, maaari lamang nilang “pawiin ang kanilang uhaw sa pag-iisip ng mga sirwelas,”[a] at sa gayon ay pinahuhupa ang kanilang mga sakim na puso. Hindi lamang gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa gitna ng lahat ng tao, mayroon ding pagliliwanag ng salita ng Diyos. Ang mga tao lamang ay masyadong bulagsak upang magawang tunay na napasasalamatan ang pinakadiwa nito. Sa isip ng tao, ito ngayon ay ang kapanahunan ng kaharian na lubusang natutupad, nguni’t hindi ito ang kalagayan sa realidad. Kahit na kung ano ang inihula ng Diyos ay ang Kanyang naisakatuparan, ang talagang kaharian ay hindi pa lubusang dumating sa lupa. Sa halip, kasama ang mga pagbabago sa sangkatauhan, kasama ang progreso sa paggawa, at kasama ang kidlat na lumalabas mula sa Silangan, iyon ay, kasama ang paglalim ng salita ng Diyos, ang kaharian ay unti-unting magaganap sa lupa, unti-unti nguni’t ganap na bumababa sa lupa. Ang proseso ng pagdating ng kaharian ay ang proseso din ng maka-Diyos na gawain sa lupa. Kasabay nito, nasimulan ng Diyos sa buong sansinukob ang gawaing hindi pa nagawa sa lahat ng kapanahunan ng kasaysayan upang muling buuin ang buong lupa. Halimbawa, may mga napakalaking pagbabago sa buong sansinukob kabilang ang mga pagbabago sa Estado ng Israel, ang kudeta sa Estados Unidos ng Amerika, ang mga pagbabago sa Ehipto, ang mga pagbabago sa Unyong Sobyet, at ang pagbagsak ng Tsina. Kapag ang buong sansinukob ay napanatag at napanauli sa normal, iyon ay kapag ang gawa ng Diyos sa lupa ay magiging ganap; iyan ang panahon na ang kaharian ay darating sa lupa. Ito ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob.” Hindi itinatago ng Diyos ang anumang bagay mula sa sangkatauhan, patuloy Niyang sinasabihan ang mga tao ng tungkol sa lahat ng Kanyang pagkamayaman, nguni’t hindi nila maipaliwanag ang Kanyang ibig sabihin, tinatanggap lamang nila ang Kanyang salita tulad ng isang hangal. Sa yugtong ito ng gawain, natutunan ng tao ang pagka-di-maarok ng Diyos at higit pa ay napapahalagahan kung gaano kalawak ang gawain ng pag-unawa sa Kanya; sa kadahilanang ito nadarama nila na ang paniniwala sa Diyos ang pinakamahirap na gawin. Sila ay ganap na walang magawa—ito ay tulad ng pagtuturo sa isang baboy upang kumanta, o tulad ng dagang naipit sa isang bitag. Tunay nga, gaano man kalaki ang kapangyarihan ng isang tao o kung gaano kabihasa ang kakayahan ng isang tao, o kung ang isang tao ay may walang-limitasyong kakayanan sa loob, pagdating sa salita ng Diyos ang mga bagay na ito ay walang kabuluhan. Ito ay parang ang sangkatauhan ay isang tumpok na abo ng nasunog na papel sa mga mata ng Diyos, ganap na walang anumang halaga, lalo nang walang anumang paggagamitan. Ito ay isang perpektong paglalarawan ng tunay na kahulugan ng mga salitang “ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila.” Mula rito makikita na ang gawain ng Diyos ay sumusunod sa isang likas na pagpapatuloy at ginagampanan batay sa kung ano ang maaaring tanggapin ng mga sangkap-pang-unawa ng mga tao. Kapag ang kalikasan ng sangkatauhan ay matatag at hindi-natitinag, ang mga salitang sinasalita ng Diyos ay ganap na umaayon sa kanilang mga pagkaintindi at tila ang mga pagkaintindi ng Diyos at ng sangkatauhan ay iisa at magkapareho, nang walang anumang pagkakaiba. Ginagawa nito ang mga tao na waring nababatid ang pagka-totoo ng Diyos, nguni’t hindi ito ang pangunahing layunin ng Diyos. Pinapayagan ng Diyos ang mga tao na mapanatag bago pormal na simulan ang Kanyang tunay na gawain sa lupa. Samakatuwid, sa pag-uumpisang ito na nakalilito para sa sangkatauhan, napapagtanto ng sangkatauhan na ang kanilang mga dating ideya ay hindi tama at na ang Diyos at ang tao ay kasing-iba ng langit at lupa at hinding-hinding magkapareho. Dahil ang mga salita ng Diyos ay hindi na masuri batay sa mga pagkaintindi ng tao, ang tao ay agad na nagsisimulang tumingin sa Diyos sa isang bagong liwanag, at sa gayon ay tinititigan nila ang Diyos sa panggigilalas, na tila ang praktikal na Diyos ay hindi malalapitan gaya ng hindi-nakikita at hindi-nahihipong Diyos, na tila ang laman ng Diyos ay nasa labas lamang at walang Kanyang kakanyahan. Ang mga tao ay nag-iisip na[b] bagaman Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu, maaari Siyang magbagong-anyo sa pormang Espiritu at lumutang palayo sa anumang oras. Samakatuwid, ang mga tao ay nabuuan ng isang waring iniingatang kaisipan. Sa pagbanggit sa Diyos, binibihisan Siya ng mga tao ng kanilang mga pagkaintindi, na sinasabing maaari Siyang sumakay sa mga ulap at hamog, maaaring lumakad sa tubig, maaaring biglang lumitaw at maglaho sa gitna ng mga tao, at ang iba ay may mas marami pang mga paglalarawang paliwanag. Dahil sa kamangmangan ng sangkatauhan at kawalan ng kaunawaan, sinabi ng Diyos “kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala Ko muna ito.”

Abr 18, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa’t Pagpapahayag Niya


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa’t Pagpapahayag Niya

Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa gawa’t pagpapahayag Niya. May isang pusong totoo, ginaganap Niya ‘yong pinagkatiwala, sinasamba ang Diyos sa langit at hinahanap ang kalooban ng Ama. Nalalaman ‘to sa diwa’t natural na pagbubunyag Niya. Natural na pagpapahayag Niya’y hindi panggagaya, o mula sa mga taong pag-aaral ng tao. Ang mga ito’y hindi natututunan, bagkus ito’y likas. Ang mga ito’y hindi natututunan, bagkus ito’y likas.

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabintatlong Pagbigkas

    Kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga inapo ng malaking pulang dragon, at namumuhi Siya nang higit pa sa malaking pulang dragon. Ito ang ugat ng poot sa loob ng puso ng Diyos. Tila nais ng Diyos na ihagis ang lahat ng mga bagay na nabibilang sa malaking pulang dragon sa lawa ng apoy at asupre upang lubusang sunugin sila. May mga pagkakataon na tila nais pa nga ng Diyos na iunat ang Kanyang kamay upang personal na lipulin ito—tanging iyan ang maaring makapawi ng galit sa Kanyang puso. Ang bawa’t isang tao sa bahay ng malaking pulang dragon ay isang hayop na nagkukulang sa pagkatao, kaya ang Diyos ay matinding sinupil ang Kanyang galit para sabihin ang sumusunod: “Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo.” Nagsimula ang Diyos ng isang pangwakas na pakikibaka sa malaking pulang dragon sa sarili nitong bansa, at kapag ang Kaniyang plano ay dumating sa pagbubunga ay wawasakin Niya ito, hindi na pinapayagan ito na gawing tiwali ang sangkatauhan o pinsalain ang kanilang mga kaluluwa. Hindi lumilipas ang isang araw na ang Diyos ay hindi tumatawag sa Kanyang mga taong nahihimbing upang iligtas sila, nguni’t silang lahat ay nasa kalagayang pananamlay na tila sila ay uminom ng pildoras na pampatulog. Kung hindi Niya pinukaw ang mga ito kahit sandali ay bumabalik sila sa kanilang kalagayan ng pagtulog, nang walang kamalayan. Tila ang lahat ng Kanyang mga tao ay dalawang-ikatlong paralisado. Hindi nila alam ang kanilang sariling mga pangangailangan o ang kanilang sariling mga kakulangan, o kahit kung ano ang dapat nilang isuot o kung ano ang dapat nilang kainin. Ipinakikita nito na ang malaking pulang dragon ay nakagugol ng malaking pagsisikap upang gawing tiwali ang mga tao. Ang kapangitan nito ay umaabot sa bawa’t rehiyon ng Tsina. Nagáwâ pa nga nito na ang mga tao ay mayamot at ayaw nang manatili nang mas matagal pa sa nabubulok at mahalay na bansa. Ang pinaka-kinapopootan ng Diyos ay ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, kung kaya’t pinaaalalahanan Niya ang mga tao sa Kanyang poot bawa’t araw, at ang mga tao ay nabubuhay sa ilalim ng mata ng Kanyang poot araw-araw. Gayunpaman, ang karamihan ng mga tao ay hindi pa rin alam kung paanong hanapin ang Diyos, nguni’t sila ay umuupo lamang sa panonood at naghihintay upang pakainin sa palad. Kahit na sila ay namamatay na sa gutom hindi sila magkukusang humayong maghanap ng kanilang sariling pagkain. Ang mga konsensya ng mga tao ay malaon nang panahong ginawang tiwali ni Satanas at nagbago ang kakanyahan upang maging walang-puso. Hindi nakakagulat na sinabi ng Diyos: “Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.” Para bang ang mga tao ay tulad ng mga hayop sa mahabang pagtulog sa panahon na dumaraan ang taglamig at hindi humingi upang kumain o uminom; ito ay eksaktong ang kasalukuyang kalagayan ng bayan ng Diyos, na dahilan kung bakit ang Diyos ay kinakailangan lamang na makilala ng mga tao na Diyos na nagkatawang-tao Mismo sa liwanag. Wala Siyang pangangailangan sa mga tao na magbago nang matindi o para sa kanila na magkaroon ng malaking pag-unlad sa kanilang buhay. Iyan ay sapat na upang talunin ang maruming, nakapandidiring malaking pulang dragon, kaya mas mahusay na naipamamalas ang dakilang kapangyarihan ng Diyos.

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (1)

Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Abr 17, 2018

Salita ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

    Kapag nakikinig ang lahat ng mga tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng mga bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawa’t tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan, tinatanglawan lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. Ibig sabihin, sa sandaling ito nagsisimula ang Diyos ng bagong gawain sa lupa, ipinahahayag sa mga tao ng buong sansinukob na “Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo.” Kaya, kailan ang oras na lumalabas ang kidlat mula sa Silangan? Kapag nagdidilim ang kalangitan at lumalamlam ang lupa iyon din ang kung kailan itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa mundo, at ang mismong sandali na malapit nang maligalig ang lahat sa ilalim ng kalangitan ng malakas na bagyo. Sa oras na ito, natataranta ang lahat ng tao, nangatatakot sa kulog, natatakot sa kislap ng kidlat, at lalo pang nasisindak sa pagdaluhong ng delubyo, anupa’t nagpipikit ng kanilang mga mata ang karamihan sa kanila at naghihintay na ilabas ng Diyos ang Kanyang poot at pabagsakin sila. At habang nagaganap ang iba’t ibang mga kalagayan, agad na lumalabas ang kidlat-silanganan. Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang soberanong kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat-silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat-silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buháy na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan tiyak na nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng Espiritung maka-pitong-ulit. Sa oras na ito, nagsisimulang lumabas ang kidlat-silanganan, at dahil sa pagkakaiba sa oras, nagkakaiba-iba rin ang antas ng pagliliwanag, at mayroon ding limitasyon sa saklaw ng kaningningan. Nguni’t habang kumikilos ang gawain ng Diyos, habang nagbabago ang Kaniyang plano—habang nagiiba-iba ang gawain sa mga anak at ng mga tao ng Diyos—lalong ginaganap ng kidlat ang likas na tungkulin nito, anupa’t nililiwanagan ang lahat sa buong sansinukob, at walang nananatiling latak o linab. Ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong planong pamamahala ng Diyos, at ang talagang bunga na tinatamasa ng Diyos. Hindi tumutukoy sa mga bituin sa kalangitan ang “mga bituin”, kundi sa lahat ng mga anak at mga tao ng Diyos na gumagawa para sa Diyos. Dahil nagpapatotoo sila sa Diyos sa kaharian ng Diyos, at kinakatawan ang Diyos sa kaharian ng Diyos, at dahil mga nilalang sila, tinatawag silang “mga bituin.” Tumutukoy sa mga pagbabago sa pagkakakilanlan at katayuan ang mga pagbabagong nagaganap: Nagbabago sila mula sa mga tao sa lupa tungo sa mga tao ng kaharian, at, higit pa, kasama nila ang Diyos, at nasa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos. Dahil dito, humahawak sila ng soberanyang kapangyarihan na kahalili ng Diyos, at nalilinis ang kamandag at mga dumi sa mga ito dahil sa gawain ng Diyos, sa kahuli-hulihan ay ginagawang angkop para sa paggamit ng Diyos at naaayon sa puso ng Diyos—na isang aspeto ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nililiwanagan ng silahis ng liwanag mula sa Diyos ang buong lupain, magbabago sa magkakaibang antas ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, at magbabago rin ang mga bituin sa langit, magpapanibago ang araw at ang buwan, at kasunod na magpapanibago ang mga tao sa lupa—na siyang kabuuan ng lahat ng mga gawaing nagawa ng Diyos sa pag-itan ng langit at lupa, at hindi kataka-taka.

Abr 16, 2018

Paris Symposium on Denial of Asylum Requests From The Church of Almighty God Christians


Paris Symposium on Denial of Asylum Requests From The Church of Almighty God Christians

On March 9 of 2018, the Coordination of Associations and Individuals for Freedom of Conscience (CAP LC) organized a special event in Hôtel Château Frontenac in Paris, France. In the event, the denied asylum requests of the members of The Church of Almighty God were discussed as well as the risk of deportation at any time that some Church members are facing after receiving the removal orders. An appeal was also made to the French government for the protection of the human rights of The Church of Almighty God Christians. Professor Massimo Introvigne, a well-known Italian Scholar of new religious movements and Managing Director of CESNUR (Center for Studies on New Religions); Mr. Willy Fautré, Executive Director of HRWF (Human Rights Without Frontiers); Ms. Marie Holzman, French Sinologist and President of the Association Solidarité Chine (Solidarity with China); and Mr. Eric Roux, the President of EIFRF (European Interreligious Forum for Religion Freedom) were all in attendance and delivered speeches. During the event, the organizer played a video of the testimonies of two Church members who suffered persecution at the hands of the authorities of the Chinese Communist Party (CCP). Those in attendance were moved to tears.
Rekomendasyon:The Eastern Lightning—The Light of Salvation
Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?
Classic Words on How to Believe in God