菜單

Abr 17, 2018

Salita ng Diyos | Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

Interpretasyon ng Ikalabindalawang Pagbigkas

    Kapag nakikinig ang lahat ng mga tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng mga bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawa’t tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan, tinatanglawan lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. Ibig sabihin, sa sandaling ito nagsisimula ang Diyos ng bagong gawain sa lupa, ipinahahayag sa mga tao ng buong sansinukob na “Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo.” Kaya, kailan ang oras na lumalabas ang kidlat mula sa Silangan? Kapag nagdidilim ang kalangitan at lumalamlam ang lupa iyon din ang kung kailan itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa mundo, at ang mismong sandali na malapit nang maligalig ang lahat sa ilalim ng kalangitan ng malakas na bagyo. Sa oras na ito, natataranta ang lahat ng tao, nangatatakot sa kulog, natatakot sa kislap ng kidlat, at lalo pang nasisindak sa pagdaluhong ng delubyo, anupa’t nagpipikit ng kanilang mga mata ang karamihan sa kanila at naghihintay na ilabas ng Diyos ang Kanyang poot at pabagsakin sila. At habang nagaganap ang iba’t ibang mga kalagayan, agad na lumalabas ang kidlat-silanganan. Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang soberanong kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat-silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat-silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat-silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buháy na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan tiyak na nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng Espiritung maka-pitong-ulit. Sa oras na ito, nagsisimulang lumabas ang kidlat-silanganan, at dahil sa pagkakaiba sa oras, nagkakaiba-iba rin ang antas ng pagliliwanag, at mayroon ding limitasyon sa saklaw ng kaningningan. Nguni’t habang kumikilos ang gawain ng Diyos, habang nagbabago ang Kaniyang plano—habang nagiiba-iba ang gawain sa mga anak at ng mga tao ng Diyos—lalong ginaganap ng kidlat ang likas na tungkulin nito, anupa’t nililiwanagan ang lahat sa buong sansinukob, at walang nananatiling latak o linab. Ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong planong pamamahala ng Diyos, at ang talagang bunga na tinatamasa ng Diyos. Hindi tumutukoy sa mga bituin sa kalangitan ang “mga bituin”, kundi sa lahat ng mga anak at mga tao ng Diyos na gumagawa para sa Diyos. Dahil nagpapatotoo sila sa Diyos sa kaharian ng Diyos, at kinakatawan ang Diyos sa kaharian ng Diyos, at dahil mga nilalang sila, tinatawag silang “mga bituin.” Tumutukoy sa mga pagbabago sa pagkakakilanlan at katayuan ang mga pagbabagong nagaganap: Nagbabago sila mula sa mga tao sa lupa tungo sa mga tao ng kaharian, at, higit pa, kasama nila ang Diyos, at nasa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos. Dahil dito, humahawak sila ng soberanyang kapangyarihan na kahalili ng Diyos, at nalilinis ang kamandag at mga dumi sa mga ito dahil sa gawain ng Diyos, sa kahuli-hulihan ay ginagawang angkop para sa paggamit ng Diyos at naaayon sa puso ng Diyos—na isang aspeto ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag nililiwanagan ng silahis ng liwanag mula sa Diyos ang buong lupain, magbabago sa magkakaibang antas ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa, at magbabago rin ang mga bituin sa langit, magpapanibago ang araw at ang buwan, at kasunod na magpapanibago ang mga tao sa lupa—na siyang kabuuan ng lahat ng mga gawaing nagawa ng Diyos sa pag-itan ng langit at lupa, at hindi kataka-taka.

Abr 16, 2018

Paris Symposium on Denial of Asylum Requests From The Church of Almighty God Christians


Paris Symposium on Denial of Asylum Requests From The Church of Almighty God Christians

On March 9 of 2018, the Coordination of Associations and Individuals for Freedom of Conscience (CAP LC) organized a special event in Hôtel Château Frontenac in Paris, France. In the event, the denied asylum requests of the members of The Church of Almighty God were discussed as well as the risk of deportation at any time that some Church members are facing after receiving the removal orders. An appeal was also made to the French government for the protection of the human rights of The Church of Almighty God Christians. Professor Massimo Introvigne, a well-known Italian Scholar of new religious movements and Managing Director of CESNUR (Center for Studies on New Religions); Mr. Willy Fautré, Executive Director of HRWF (Human Rights Without Frontiers); Ms. Marie Holzman, French Sinologist and President of the Association Solidarité Chine (Solidarity with China); and Mr. Eric Roux, the President of EIFRF (European Interreligious Forum for Religion Freedom) were all in attendance and delivered speeches. During the event, the organizer played a video of the testimonies of two Church members who suffered persecution at the hands of the authorities of the Chinese Communist Party (CCP). Those in attendance were moved to tears.
Rekomendasyon:The Eastern Lightning—The Light of Salvation
Each sect within the religious world believes that their way is the true way, so how does one distinguish the true way from false ways?
Classic Words on How to Believe in God

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)


The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2)

Since it came to power in mainland China in 1949, the Chinese Communist Party has been unceasing in its persecution of religious faith. It has frantically arrested and murdered Christians, expelled and abused missionaries operating in China, confiscated and destroyed countless copies of the Bible, sealed up and demolished church buildings, and tried to eradicate all house churches. This documentary describes the real experience of a Chinese Christian, Zhou Haijiang who was arrested by the CCP government, tortured, and died from his mistreatment because of his belief in God and performance of duty. After Zhou Haijiang’s death, his family was also monitored, threatened, and terrified by the CCP. They were not only unable to get justice for the deceased, but were thrown into disarray by the CCP’s persecution.
Rekomendasyon:Paano nagsimula ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal
Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago Na ng Diyos ang Langit at Lupa

Abr 15, 2018

Ang tinig ng Diyos | Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

Karagdagan 2: Ang Ikalawang Pagbigkas

    Kapag namamasdan ng mga tao ang praktikal na Diyos, kapag personal silang namumuhay ng kanilang mga buhay kasama, lumalakad kasabay, at nananahan kasama ang Diyos Mismo, kanilang isinasantabi ang pagkamausisa na nasa kanilang mga puso sa loob ng maraming mga taon. Ang pagkakilala sa Diyos na sinalita nang una ay ang unang hakbang lamang; bagaman ang mga tao ay may pagkakilala sa Diyos, mayroong nananatiling maraming nagpupumilit na mga pag-aalinlangan sa kanilang mga puso: Saan nanggaling ang Diyos? Kumakain ba ang Diyos? Malaki ba ang kaibahan ng Diyos sa pangkaraniwang mga tao? Para sa Diyos, ang pakikitungo ba sa lahat ng mga tao ay napakadali, laro lamang ng bata? Ang lahat bang sinabi ng bibig ng Diyos ay mga hiwaga ng langit? Ang lahat ba na Kanyang sinasabi ay mas mataas kaysa roon sa lahat ng mga nilalang? Ang liwanag ba ay sumisikat mula sa mga mata ng Diyos? At iba pa—ito ang kung anong kaya ng mga pagkaintindi ng mga tao. Ang mga bagay na ito ang dapat ninyong maunawaan at mapasok bago ang lahat ng iba pa. Sa mga pagkaintindi ng mga tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay isa pa ring malabong Diyos. Kung hindi sa pamamagitan ng praktikal na kaalaman, hindi Ako kailanman makakayang maunawaan ng mga tao, at hindi kailanman mamamasdan ang Aking mga gawa sa kanilang mga karanasan. Ito ay dahil lamang sa Ako ay naging katawang-tao na hindi nakakaya ng mga tao na maunawaan ang Aking kalooban. Kung Ako ay hindi naging katawang-tao, at nasa langit pa rin, nasa kinasasaklawang espirituwal pa rin, kung gayon “makikilala” Ako ng mga tao, sila ay yuyukod at sasamba sa Akin, at magsasalita tungkol sa kanilang “pagkakilala” sa Akin sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan—nguni’t ano ang magiging gamit ng ganoong pagkakilala? Ano ang magiging kabuluhan nito bilang sanggunian? Maaari bang maging tunay ang pagkakilalang nagmumula sa mga pagkaintindi ng mga tao? Hindi Ko nais ang pagkakilala ng mga utak ng mga tao—ang nais Ko ay praktikal na pagkakilala.

Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Misteryo ng Kabanalan (Trailer)

Si Lin Bo’en ay isang elder noon sa isang bahay na iglesia sa China. Sa lahat ng kanyang mga taon bilang isang mananampalataya, ikinarangal niya ang magdusa para sa Panginoon, at pinahalagahan ang kaalaman at pagkakamit ng Panginoong Jesucristo nang higit sa anupaman sa mundo. Isang nakatadhanang araw, lumabas siya upang mangaral at may narinig na nakabibiglang balita: Ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa katawang-tao, at Siya ang Cristo ng mga huling araw—Makapangyarihang Diyos! Naguluhan si Lin Bo’en. Sa pagbabalik ng Panginoon, Siya ay dapat bumaba sa mga ulap, kaya bakit Siya magkakatawang-tao Mismo at lihim na gagawin ang Kanyang gawain? Anong mga hiwaga ang nakatago sa likod ng pagkakatawang-tao ng Diyos? Kung totoong nagbalik na ang Panginoon, bakit hindi pa tayo dinala? … Nagkaroon ng isang matinding debate sa pagitan ni Lin Bo’en at ng kanyang mga kasamahang manggagawa at mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos … Mauunawaan ba nila sa wakas na ang Makapangyarihang Diyos ay ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao?
Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?

Abr 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

    Ang Aking hinihingi na gawin ninyo ay hindi ang malabo at walang-lamang teorya na Aking sinasabi, ni ito ay di-kayang-maguni-guni ng utak ng tao o di-makakamtan ng katawang-lupa ng tao. Sino ang may kakayahan ng lubos na katapatan sa loob ng Aking bahay? At sino ang maaaring magkaloob ng kanilang lahat-lahat sa loob ng Aking kaharian? Kung hindi sa pagbubunyag ng Aking kalooban, aakuin ba ninyo sa inyong mga sarili na tuparin ang Aking puso? Walang sinuman ang kahit kailan ay nakaunawa sa Aking puso, at walang sinuman ang kahit kailan ay nakatalos ng Aking kalooban. Sino ang kahit kailan ay nakakita sa Aking mukha o nakarinig sa Aking tinig? Si Pedro ba? O si Pablo? O si Juan? O si Jacob? Sino ang kahit kailan ay nadamitan Ko, o naangkin Ko, o nagámit Ko? Bagaman sa unang pagkakataong Ako ay naging katawang-tao ay sa pagkaDiyos, ang katawang-tao kung saan Aking dinamitan ang Aking Sarili ay hindi alam ang mga pagdurusa ng tao, dahil Ako ay hindi nagkatawang-tao sa isang larawan, kaya’t hindi ito masasabi na ang katawang-tao ay lubos na nagsakatuparan ng Aking kalooban. Saka lamang kapag ang Aking pagkaDiyos ay nakayang gumawa kung paano Ako gagawa at nagsalita kung paano Ako magsasalita sa isang persona ng normal na pagkatao, nang walang hadlang o sagabal, maaari itong masabi na ang Aking kalooban ay isinakatuparan sa katawang-tao. Dahil ang normal na pagkatao ay nakakayang takpan ang pagkaDiyos, sa gayon ay nakamit ang Aking layunin ng pagiging mapagkumbaba at nakatago. Sa panahon ng yugto ng gawain sa katawang-tao, bagaman ang pagkaDiyos ay kumikilos nang tuwiran, ang gayong mga pagkilos ay hindi madali para sa mga tao na makita, na dahil lamang sa buhay at pagkilos ng normal na pagkatao. Ang pagkakatawang-taong ito ay hindi maaaring mag-ayuno nang 40 araw tulad ng unang pagkakatawang-tao, nguni’t Siya ay gumagawa at nagsasalita nang normal, at bagaman nagbubunyag Siya ng mga hiwaga, Siya ay napaka-normal; ang Kanyang tinig ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, tulad ng kulog, ang Kanyang mukha ay hindi kumikinang sa liwanag, at ang mga kalangitan ay hindi nanginginig kapag Siya ay naglalakad. Kung iyan ang katayuan, kung gayon dito ay hindi magkakaroon ng Aking karunungan, at hindi nito makakayang hiyain at gapiin si Satanas.

Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)


Tagalog Christian Movie | Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (Trailer)

Si Song Ruiming ay pastor ng isang iglesia sa South Korea. Bilang isang tapat na alagad ng Panginoon sa loob ng maraming taon, masigla siyang sumasampalataya at naglilingkod sa Panginoon habang naghihintay na maitaas sa kaharian sa langit pagbalik ng Panginoon. Nitong nakaraang mga taon, litung-lito siya at nawawalan ng lakas kapag nakikita na wala sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at nagiging lubhang malungkot. Noon niya narinig ang tungkol sa isang sektang tinatawag na Kidlat ng Silanganan na lumalabas sa China na nagpapatotoo sa pagbalik ng Panginoong Jesus—Makapangyarihang Diyos, na gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan. Kaya nga nagpunta si Song Ruiming at ang mangangaral na si Cui Cheng’en sa China para pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan, kung saan binasa nila sa wakas ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nalaman nila na lahat ng salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang tinig ng Diyos! Malamang na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus! Gayunman, nang pinag-aaralan na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ibinenta sila ng mga elder ng relihiyon na nagsuplong sa kanila sa mga pulis. Inaresto ang dalawa at ipinatapon ng mga pulis ng Chinese Communist. Sa South Korea naman, nasaktan at nalito si Song Ruiming. Patuloy siyang nag-isip ng mga paraan para makontak ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Isang araw, bigla niyang natuklasan ang Korean website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa Internet, batid na lumaganap na ang Kidlat ng Silanganan sa South Korea at nagtatag ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos! Masayang-masaya at tuwang-tuwa, hinikayat ni Song Ruiming na pag-aralan ng mga kapatid sa kanyang iglesia ang tunay na daan sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matibay ang paniniwala nila na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Masaya nilang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at natagpuan nila ang landas patungo sa kaharian ng langit. Sa huli ay may pagkakataon na rin siyang tuparin ang kanyang pinapangarap na kaharian sa langit.
Rekomendasyon:Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala.
Tungkol sa Biblia