菜單

Abr 14, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

Karagdagan 1: Ang Unang Pagbigkas

    Ang Aking hinihingi na gawin ninyo ay hindi ang malabo at walang-lamang teorya na Aking sinasabi, ni ito ay di-kayang-maguni-guni ng utak ng tao o di-makakamtan ng katawang-lupa ng tao. Sino ang may kakayahan ng lubos na katapatan sa loob ng Aking bahay? At sino ang maaaring magkaloob ng kanilang lahat-lahat sa loob ng Aking kaharian? Kung hindi sa pagbubunyag ng Aking kalooban, aakuin ba ninyo sa inyong mga sarili na tuparin ang Aking puso? Walang sinuman ang kahit kailan ay nakaunawa sa Aking puso, at walang sinuman ang kahit kailan ay nakatalos ng Aking kalooban. Sino ang kahit kailan ay nakakita sa Aking mukha o nakarinig sa Aking tinig? Si Pedro ba? O si Pablo? O si Juan? O si Jacob? Sino ang kahit kailan ay nadamitan Ko, o naangkin Ko, o nagámit Ko? Bagaman sa unang pagkakataong Ako ay naging katawang-tao ay sa pagkaDiyos, ang katawang-tao kung saan Aking dinamitan ang Aking Sarili ay hindi alam ang mga pagdurusa ng tao, dahil Ako ay hindi nagkatawang-tao sa isang larawan, kaya’t hindi ito masasabi na ang katawang-tao ay lubos na nagsakatuparan ng Aking kalooban. Saka lamang kapag ang Aking pagkaDiyos ay nakayang gumawa kung paano Ako gagawa at nagsalita kung paano Ako magsasalita sa isang persona ng normal na pagkatao, nang walang hadlang o sagabal, maaari itong masabi na ang Aking kalooban ay isinakatuparan sa katawang-tao. Dahil ang normal na pagkatao ay nakakayang takpan ang pagkaDiyos, sa gayon ay nakamit ang Aking layunin ng pagiging mapagkumbaba at nakatago. Sa panahon ng yugto ng gawain sa katawang-tao, bagaman ang pagkaDiyos ay kumikilos nang tuwiran, ang gayong mga pagkilos ay hindi madali para sa mga tao na makita, na dahil lamang sa buhay at pagkilos ng normal na pagkatao. Ang pagkakatawang-taong ito ay hindi maaaring mag-ayuno nang 40 araw tulad ng unang pagkakatawang-tao, nguni’t Siya ay gumagawa at nagsasalita nang normal, at bagaman nagbubunyag Siya ng mga hiwaga, Siya ay napaka-normal; ang Kanyang tinig ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, tulad ng kulog, ang Kanyang mukha ay hindi kumikinang sa liwanag, at ang mga kalangitan ay hindi nanginginig kapag Siya ay naglalakad. Kung iyan ang katayuan, kung gayon dito ay hindi magkakaroon ng Aking karunungan, at hindi nito makakayang hiyain at gapiin si Satanas.

    Kapag Aking ipinamamalas ang Aking pagkaDiyos sa likod ng kalasag ng normal na pagkatao, Ako ay naluluwalhati nang buung-buo, ang Aking dakilang gawain ay natutupad, at walang nagpapakita ng anumang mga problema. Ito ay dahil ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao ay pangunahing upang tulutan ang lahat niyaong naniniwala sa Akin na mamasdan ang mga gawa ng Aking pagkaDiyos sa katawang-tao, at upang makita ang praktikal na Diyos Mismo, sa gayon ay pinapawi ang di-nakikita at di-nahahawakang lugar ng Diyos sa mga puso ng mga tao. Dahil Ako ay kumakain, nagbibihis, natutulog, nananahan, at kumikilos gaya ng isang normal na persona, dahil Ako ay nagsasalita at tumatawa bilang isang normal na persona, at may mga pangangailangan ng isang normal na persona, at nagtataglay rin ng diwa ng buong pagkaDiyos, Ako ay tinatawag na “ang praktikal na Diyos.” Ito ay hindi abstrak, at ito ay madaling maunawaan; dito ay maaaring makita kung saang bahagi nakalagak ang ubod ng Aking gawain, at kung saang yugto ng gawain naroon ang Aking tuon. Ang pagbubunyag ng Aking pagkaDiyos sa pamamagitan ng normal na pagkatao ay ang ubod na layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Ito ay hindi mahirap makita na ang gitna ng Aking gawain ay nasa ikalawang bahagi ng kapanahunan ng paghatol.
    Sa Akin, hindi kailanman nagkaroon ng pantaong buhay o pantaong sangkap. Ang pantaong buhay ay hindi kailanman nagkaroon ng lugar sa Akin, at hindi kailanman sumupil sa pagbubunyag ng Aking pagkaDiyos. Sa gayon, mas higit na ipinahahayag ng Isa ang Aking tinig sa langit at ang kalooban ng Aking Espiritu, mas higit niyang maipapahiya si Satanas, kaya’t nagiging mas madaling isakatuparan ang Aking kalooban sa normal na pagkatao. Ito ang tanging nakagapi kay Satanas, at si Satanas ay lubusan nang napahiya. Bagaman Ako ay nakatago, hindi nito pinipigilan ang mga pagbigkas at mga pagkilos ng Aking pagkaDiyos—na sapat upang ipakita na Ako ay naging matagumpay, at ganap na naluwalhati. Dahil ang Aking gawain sa katawang-tao ay walang hadlang, at dahil ang praktikal na Diyos ngayon ay may lugar sa mga puso ng mga tao at nakapag-ugat sa kanilang mga puso, ito ay ganap na napatunayan na si Satanas ay Aking natalo. At dahil si Satanas ay walang kakayahang gumawa nang anuman sa gitna ng tao, at mahirap ipasok ang kalidad ni Satanas sa katawan ng tao, ang Aking kalooban ay sumusulong nang walang hadlang. Ang nilalaman ng Aking gawain ay, pangunahing, magsanhi sa lahat ng mga tao na mamasdan ang Aking kahanga-hangang mga gawa at makita ang Aking totoong mukha: hindi Ako hindi-kayang abutin, hindi Ako tumataas tungong himpapawid, Ako ay hindi walang-anyo at walang-hugis. Ako ay hindi di-nakikita tulad ng hangin, ni Ako ay tulad ng lumulutang na alapaap, madaling mahipan paláyô; sa halip, bagaman Ako ay namumuhay sa gitna ng tao, at nakakaranas ng katamisan, kaasiman, kapaitan, at pag-aapoy sa gitna ng tao, ang Aking katawang-lupa ay pangunahing iba sa tao. Karamihan ng mga tao ay nahihirapan sa pakikisama sa Akin, gayunman karamihan din ay naghahangad na makisama sa Akin. Para bang may malaki at di-kayang-matarok na mga hiwaga sa nagkatawang-taong Diyos. Dahil sa tuwirang pagbubunyag ng pagkaDiyos, at dahil sa kalasag ng hitsura ng tao, ang mga tao ay nagpapanatili ng isang angkop na distansya mula sa Akin, naniniwala na Ako ay isang mahabagin at mapagmahal na Diyos, gayunman ay natatakot din sa Aking kamahalan at poot. Sa gayon, sa kanilang mga puso, inaasam nilang makipag-usap nang masigasig sa Akin, subali’t hindi sila makagawa ayon sa kanilang inaasam—kung ano ang ninanasà ng kanilang mga puso, ang kanilang lakas ay nagkukulang. Ganyan ang mga katayuan ng bawa’t isa sa kalagayang ito—at mas gaya nito ang mga tao, mas malaki ang patunay ng pagbubunyag ng sari-saring aspeto ng Aking disposisyon, sa gayon ay nakakamit ang layunin ng mga taong nakakakilala sa Diyos. Nguni’t ito ay pangalawahin; ang susi ay paggawa sa mga tao na makilala ang Aking kahanga-hangang mga gawa mula sa mga ginagawa ng Aking katawang-tao, magsasanhi sa kanila na makilala ang diwa ng Diyos: Ako ay hindi, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, abnormal at lampas-sa-natural; sa halip, Ako ang praktikal na Diyos na siyang normal sa lahat ng mga bagay. Ang “Aking” lugar sa mga pagkaintindi ng mga tao ay pinapawi na, at dumarating sila sa pagkakilala sa Akin sa katunayan. Doon Ko lamang makukuha ang Aking tunay na lugar sa mga isipan ng mga tao.
    Sa harap ng lahat ng mga tao, Ako ay hindi lamang hindi kailanman nakágáwâ ng anumang lampas-sa-natural na napapahalagahan ng mga tao, kundi Ako rin ay sukdulang pangkaraniwan at normal; sadya Kong hindi tinutulutan ang mga tao na makita ang anumang mayroong sangkap ng Diyos sa Aking nagkatawang-taong laman. Nguni’t dahil sa Aking mga salita, ang mga tao ay lubusang nilupig, at nagpapasakop sa Aking patotoo. Sa gayon lamang makakarating ang mga tao sa pagkakilala, nang walang pag-aalinlangan, sa Akin sa katawang-tao sa ibabaw ng pundasyon ng ganap na paniniwala na ang Diyos ay tunay na umiiral. Sa paraang ito, ang pagkakilala ng mga tao sa Akin ay nagiging mas tunay, mas malinaw, at ito ay hindi nabahiran kahit katiting ng kanilang mabuting asal; ang lahat ay bunga ng Aking pagkaDiyos na kumikilos nang tuwiran, binibigyan ang mga tao ng mas malaking pagkakilala sa Aking pagkaDiyos, sapagka’t ang pagkaDiyos lamang ang tunay na mukha ng Diyos at likas na katangian ng Diyos—dapat itong makita ng mga tao. Ang nais Ko ay mga salita, mga gawâ, at pagkilos na nasa pagkaDiyos—hindi Ko pinakikialaman ang mga salita at mga pagkilos sa pagkatao. Ang Aking layunin ay mamuhay at kumilos sa pagkaDiyos—hindi Ako nag-aasam na mag-ugát at sumibol sa pagkatao, hindi Ko inaasam na manirahan sa pagkatao. Nauunawaan mo ba ang Aking sinasabi? Kahit na Ako ay isang panauhin sa pagkatao, hindi Ko ito gusto; Ako ay kumikilos sa ganap na pagkaDiyos, at tanging sa paraang ito lamang maaaring higit na maunawaan ng mga tao ang Aking totoong mukha.
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal