Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China [Trailer]
Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … Ang dokumentaryong ito ay matapat at inilalarawan nang walang pinapanigan ang tunay na mga karanasan sa pang-uusig na dinanas ng mga Kristiyanong Chinese sa mga kamay ng pamahalaang CCP. Ang mga Kristiyanong inusig sa pelikula ay mga tao mula sa iba’t ibang sekta at denominasyon na naghanap sa katotohanan, at narinig ang tinig ng Diyos at sa gayo’y nagsibalik sa Makapangyarihang Diyos. Tumahak sila sa tamang landas ng buhay, subalit galit na galit na pinag-aaresto sila ng pamahalaang CCP. Ang ilan sa kanila ay ibinilanggo, ang ilan ay pinahirapan sa anumang paraan, ang ilan ay namuhay bilang pugante na nahiwalay sa kanilang asawa’t mga anak, at ang ilan ay nalumpo o napatay pa dahil sa pang-aabuso. Ang dokumentaryong ito na napakaganda ng pagkakuha ay nagtatangkang muling isadula ang tunay na nangyari noong panahong iyon, at naglalaan ng malalim na pagninilay-nilay tungkol sa garapal na panghihimasok sa mga pananalig sa relihiyon at karapatang-pantao ng mga Kristiyanong Chinese. Ipinapakita sa atin nito ang tunay na buhay ng mga Kristiyanong Chinese at mga Kristiyanong pamilya upang mas maunawaan natin, gayundin bilang pagninilay-nilay—na bihirang makita nitong nakaraang mga taon—tungkol sa mga karanasan at damdamin ng mga Kristiyanong Chinese na inusig dahil sa kanilang pananampalataya.
Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. …Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.”
Upang palaguin sa buhay ang sangkatauhan at Kami ng sangkatauhan ay magkamit ng mga resulta sa aming nagkakaisang simulain, lagi Akong nagpapatangay sa sangkatauhan, tinutulutan silang makatamo ng pampalusog at pantustos mula sa Aking salita at makatanggap ng lahat ng Aking kasaganaan mula rito. Kahit kailan ay hindi Ko ipinahiya ang sangkatauhan, subali’t hindi kailanman isinasaalang-alang ng tao ang Aking mga damdamin. Ito ay sapagka’t ang sangkatauhan ay manhid at “hinahamak” ang lahat ng mga bagay bukod sa Akin. Dahil sa mga pagkukulang ng sangkatauhan, nagpapakita Ako ng simpatiya sa kanila at sa gayon ay puspusang pinagsisikapan ang para sa kanila, upang maaari nilang matamasa ang lahat ng kasaganaan ng lupa hanggang ibig nila sa loob ng kanilang panahon sa lupa. Hindi Ko tinatrato nang hindi-patas ang tao at bilang pagsasaalang-alang sa pagsunod sa Akin ng mga tao sa loob ng maraming taon, lumambot ang Aking puso para sa kanila. Para bang hindi Ko kayang pagawin sila ng anumang gawain. Kaya, pinanonood Ko ang mga payat-na-payat na mga taong nagmamahal sa Akin tulad ng pagmamahal nila sa kanilang mga sarili at sa Aking puso ay palaging mayroong di-maipaliwanag na damdaming masakit, nguni’t sinong lalabag sa kinasanayan dahil dito? Sinong gagambala sa kanilang mga sarili dahil dito? Gayunpaman, naipagkaloob Ko na ang lahat ng Aking gantimpala sa sangkatauhan upang matamasa nila ito nang lubusan, at hindi Ko minaltrato ang sangkatauhan sa isyung ito. Ito ang kung bakit nakikita pa rin ng sangkatauhan ang Aking mahabagin at mabait na mukha. Lagi Akong nakapagtiis at nakapaghintay. Kapag ang sangkatauhan ay nagtatamasa hanggang kanilang ikinasisiya at nababagot, magsisimula Akong “pagbigyan” ang kanilang mga kahilingan at tulutan ang buong sangkatauhan na takasan ang kanilang walang-kabuluhang mga buhay, at pagkatapos ay hindi na Ako muling magkakaroon ng mga pakikitungo sa mga tao. Sa ibabaw ng lupa, nakaraan na ay nilamon Ko na ang sangkatauhan ng tubig-dagat, kinontrol Ko sila ng mga taggutom, tinakot Ko sila ng mga salot ng mga kulisap, at ginamit ko ang malalakas na mga ulan upang “diligin” sila, nguni’t hindi nadama ng tao ang kahungkagan ng buhay. Ngayon hindi pa rin nauunawaan ng tao ang kabuluhan ng pamumuhay sa lupa. Maaari kaya na ang pamumuhay sa Aking presensya ang pinakamahalaga na aspeto ng pantaong buhay? Ang pamumuhay ba sa Akin ay nagpapahintulot sa isa na takasan ang banta ng sakunâ? Ilang mga katawang makalaman sa lupa ang namuhay sa kalayaan ng pagtatamasa sa sarili? Sinong nakatakas sa kahungkagan ng pamumuhay sa laman? At sinong makaaalam nito? Mula sa Aking paglalang sa sangkatauhan magpahanggang sa ngayon, walang sinumang nakapamuhay ng pinaka-makabuluhang buhay sa lupa, kaya’t ang tao ay laging inaaksaya lamang ang isang buhay na lubos na walang-kabuluhan, nguni’t walang sinumang handang takasan ang mahirap-na-katayuang ito at walang sinumang handang iwasan ang kanilang hungkag at pagod na mga buhay. Sa karanasan ng sangkatauhan, walang sinuman sa mga namumuhay sa laman ang nakatakas sa mga kinagawian ng mundo ng tao, kahit na magsamantala sila sa pagtatamasa sa Akin. Sa halip, lagi lamang nilang hinayaan ang takbo ng kalikasan at nilinlang ang kanilang mga sarili.
Human Rights Lawyer Carlos Iglesias: Repatriating Chinese Christians Is Putting Their Lives at Stake
Since the Chinese Communist Party came into power, it has been oppressing religious beliefs and frantically arresting and persecuting Christians. In recent years, some Chinese Christians have been forced to flee overseas because of their faith. However, their asylum applications are denied in Western countries, especially some in Europe, as the authorities of these countries do not acknowledge the fact that these Christians have been subjected to persecution, and they are in danger of being deported back to China. Carlos Iglesias, a senior Spanish human rights lawyer, comments on the egregious human rights situation in China, as well as its status quo of religious persecution. Regarding the exiled Chinese Christians being denied political asylum, Mr. Iglesias appeals to the authorities of Western countries to act with caution, saying “when they grant or deny this asylum, what is at stake is that person’s life.”
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang konseptong ito ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu ay masyadong katawa-tawa! Pinagpira-piraso nito ang Diyos at pinagbaha-bahagi sa tatlong persona, bawat isa ay may kalagayan at Espiritu; paano kung gayon na Siya ay isang Diyos at isang Espiritu pa rin? Sabihin ninyo sa Akin, ang langit at lupa, at ang lahat ng mga bagay na nakapaloob dito ay nilikha ba ng Ama, ng Anak, o ng Banal na Espiritu? Sinasabi ng ilan na nilikha Nila ito nang magkakasama. Kung gayon sino ang tumubos sa sangkatauhan? Ito ba ang Banal na Espiritu, ang Anak, o ang Ama? Sinasabi ng ilan na ang Anak ang tumubos sa sangkatauhan. Kung gayon ay sino ang Anak sa kaanyuan? Hindi ba Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos? Tinatawag ng nagkatawang-tao ang Diyos sa langit sa pangalang Ama mula sa pananaw ng isang taong nilikha. Hindi mo ba alam na si Jesus ay ipinanganak mula sa paglilihi ng Banal na Espiritu? Sa loob Niya ay ang Banal na Espiritu; anuman ang iyong sabihin, Siya ay kaisa ng Diyos sa langit, sapagkat Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu ng Diyos. Ang ideyang ito tungkol sa Anak ay tunay na hindi totoo. Ito ay ang isang Espiritu na ipinatutupad ang lahat ng gawain; tanging ang Diyos Mismo, iyon ay, ang Espiritu ng Diyos ang nagpapatupad ng Kanyang gawain.”
Hindi Ko alam kung gaano kabuti ang kalagayan ng mga tao sa paggawa sa Aking mga salita na batayan ng kanilang pag-iral. Ako ay laging nababalisa para sa kapalaran ng tao, nguni’t tila hindi ito nadarama kahit kaunti ng mga tao—at bilang resulta, hindi nila kailanman pinansin ang Aking mga ginagawa, at hindi kailanman nagkaroon ng pagsamba dahil sa Aking saloobin tungo sa tao. Para bang sila ay nag-alis ng damdamin matagal nang panahon upang bigyang-kasiyahan ang Aking puso. Kinakaharap ang gayong mga kalagayan, minsan pa Akong natahimik. Bakit ang Aking mga salita ay hindi karapat-dapat sa pagsasaalang-alang ng mga tao, sa higit na pagpasok? Dahil ba ito sa “wala Akong realidad” at sinusubukan Kong makaimpluwensya sa mga tao? Bakit lagi Akong binibigyan ng mga tao ng “natatanging pagtrato”? Ako ba ay may-kapansanan na nasa kanyang sariling hiwalay na ward? Bakit, gayong ang mga bagay-bagay ay nakarating sa puntong narating ng mga ito ngayon, iba pa rin ang nagiging tingin sa Akin ng mga tao? May mali ba sa Aking saloobin tungo sa tao? Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain. Sa “bahay-tuluyan” na Aking binuksan, walang nagsasanhi sa Aking pagkamuhi nang higit kaysa tao, dahil ang mga tao ay laging nagiging dahilan ng kaguluhan para sa Akin at binibigo Ako. Ang kanilang asal ay nagdadala ng kahihiyan sa Akin at kahit kailan ay hindi Ko naitaas ang Aking ulo. Sa gayon, kalmado Akong nakikipag-usap sa kanila, hinihinging iwan nila ang Aking bahay sa lalong madaling panahon at huminto sa pagkain ng Aking pagkain nang libre. Kung nais nilang manatili, kung gayon dapat silang sumailalim sa pagdurusa at tiisin ang Aking pagdadalisay. Sa kanilang mga isipan, lubos Akong walang kamalay-malay at walang-alam sa kanilang mga ginagawa, at sa gayon lagi silang nakatayo nang mataas sa harap Ko, walang anumang tanda ng pagbagsak, nagkukunwari lamang na tao para buuin ang mga bilang. Kapag Ako ay humingi sa mga tao, sila’y nagugulat: Hindi nila kailanman naisip na ang Diyos, na laging mabuti-ang-kalooban at mabait sa loob ng napakaraming taon, ay makakapagsalita ng ganoong mga salita, mga salitang walang-puso at hindi makatarungan, kaya’t wala silang masabi. Sa ganoong mga pagkakataon, Aking nakikita na ang pagkamuhi para sa Akin sa mga puso ng mga tao ay tuminding muli, dahil muli nilang sinimulan ang gawain ng pagdaing. Lagi nilang inaakusahan ang lupa at tinutungayaw ang Langit. Gayunman sa kanilang mga salita, wala Akong nakikitang anuman na nagmumura sa kanilang mga sarili dahil ang kanilang pag-ibig sa kanilang mga sarili ay napakatindi. Sa gayon ay Aking binubuod ang kahulugan ng pantaong buhay: Dahil masyadong minamahal ng mga tao ang kanilang mga sarili, ang kanilang buong buhay ay pangingipuspos at walang-kabuluhan, at sila ay nagdurusa ng paghampas-sa-sariling pagkawasak sa kabuuan dahil sa kanilang pagkamuhi sa Akin.
Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | ‘Pag Binuksan Mo’ng Puso Mo sa Diyos
‘Pag ang Diyos ay ‘di mo batid, at likas Niya’y di mo tanto, puso mo’y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos. ‘Pag naintindihan mo na’ng iyong Diyos, ang nasa puso Niya’y mauunawaan mo, at ito’y daranasin mong lubusan ng may buong pananampalataya. ‘Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti unti, sa bawat araw, ‘pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos, pagbubuksan Siya ng iyong puso. ‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso, ‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso, Iyong makikitang suklam at kahihiyang mapaglustay’t makasariling hiling. ‘Pag tunay na bukas ang ‘yong puso, ‘pag tunay na bukas ang ‘yong puso. Makikita sa puso Niya’y mundong walang-hanggan, tungo sa kahariang walang katulad. Sa kaharia’y walang pandaraya, walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan. Tanging kataimtiman at katapatan; tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob. Siya’y pag-ibig, Siya ay mapag-aruga, walang hanggang kahabagan. Sa iyong buhay, saya’y nadarama, kung buksan ang puso mo sa Diyos. Sa dunong Niya’t lakas napupuspos ang kaharian, maging ng awtoridad Niya’t pag-ibig. Makikita mo kung anong mayron at sino Siya, kung ano ang nagdudulot sa Kanya ng saya, ng hapis, ng lungkot at galit, nariyang makita ng lahat. ‘Pag binuksan ang puso mo sa Diyos at anyayahan Siyang tumuloy.