Ang Ikaapatnapu’t-isang Pagbigkas
Ako ay minsang nagsagawa ng isang malaking gawain sa gitna ng mga tao, nguni’t hindi nila napansin, kaya’t kinailangan Kong gamitin ang Aking salita upangibunyag ito sa kanila. At gayunman, hindi pa rin maunawaan ng tao ang Aking mga salita, at nanatiling walang-alam sa layunin ng Aking plano. Kaya’t dahil sa mga kakulangan at mga pagkukulang ng tao, gumawa sila ng mga bagay-bagay upanggambalain ang Aking pamamahala, at sinamantala ng mga maruruming espiritu angpagkakataon upang mahayag, ginagawa ang sangkatauhan na kanilang mga biktima, hanggang sa sila ay pinahirapan ng mga maruruming espiritu at nadungisan angkabuuan. Sa panahong ito Aking nakita ang hangarin at layunin ng tao. Naghinagpis Ako mula sa kalabuan: Bakit ang tao ay kailangang laging kumilos para sa kanyangsariling mga interes? Hindi ba ang Aking mga pagkastigo ay para gawin silangperpekto? Sinusubukan Ko bang papanghinain ang kanilang loob? Ang wika ng tao ay napakaganda, at malumanay, at gayunman ang mga pagkilos ng mga tao ay sukdulang napakasama. Bakit ganito na ang Aking mga kinakailangan sa tao ay palaging nauuwi sa wala? Ito ba ay mistulang hinihingi Ko sa isang aso na umakyat sa isang puno? Sinusubukan Ko bang lumikha ng gulo mula sa wala? Habang Aking isinasakatuparan ang Aking buong planong pamamahala, nakálíkhâ Ako ng sari-saring “mga planong pagsubok,” subali’t sanhi ng masamang kalupaan, at sanhi ng napakaraming mga taóng walang sikat-ng-araw, ang kalupaan ay patuloy na nagbabago, nagsasanhi rito na mabasag, kaya’t sa Aking alaala, Akin nangnapapabayaan ang di-mabilang na mga ganitong uri ng mga plano. At ngayon pa rin, malaki sa kalupaan ay patuloy na nagbabago. Kung balang-araw ang lupa ay talagang nag-iibang uri, agaran Ko itong isasantabi—hindi ba iyan ang yugto na kinaroroonan Ko sa kasalukuyan sa Aking gawain? Nguni’t ang tao ay wala ni katiting mang pagdama rito. Sila ay kinakastigo lamang sa ilalim ng Aking paggabay. Bakit mag-aabala? Ako ba ay isang Diyos na dumating upang kastiguhin ang tao? Sa mga kalangitan, minsan Akong nagplano na sa sandaling Ako ay nasa gitna ng mga tao, Ako ay makikipag-isa sa kanila, upang lahat niyaong Aking minamahal ay magiging malápít sa Akin na walang anumang maghahati sa amin. Subali’t, sa kasalukuyan, sa mga kalagayan ngayon, hindi lamang kami hindi magkaugnay, anghigit pa, pinananatili nila ang kanilang agwat mula sa Akin dahil sa Aking pagkastigo. Hindi Ako tumatangis para sa kanilang pagliban. Ano ang maaaring magawa? Ang mga tao ay mga nagsisiganap lahat na sumasabay sa grupo. Maaari Kong hayaan ang mga tao na humulagpos mula sa Aking pagtangan, at higit pa upang Aking makaya na hayaan silang bumalik sa Aking pagawaan mula sa banyagang mga lupain. Sa sandaling ito, anong mga karaingan ang maaaring mayroon sila? Ano ang maaaring gawin ng tao sa Akin? Ang mga tao ba ay hindi madaling mahikayat? At gayunman, hindi Ko ginagawan nang masama ang tao dahil sa pagkukulang na ito, kundi sa halip binibigyan sila ng Aking sustansya. Sinong gumawa sa kanila na kumilos nang walang kapangyarihan? Sinong gumawa sa kanila na magkulang sa sustansya? Aking inaantig ang malamig na mga puso ng tao sa pamamagitan ng Aking mainit na yakap, sino pang iba ang maaaring gumawa ng gayong bagay? Bakit Ko napalawak ang gawaing ito sa gitna ng mga tao? Maaari bang tunay na maunawaan ng tao ang Aking puso?