菜單

Mar 10, 2018

Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: “Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin.” (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit ” (Mat 7:21). “… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal” (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Tunay na Pagsasamahan

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Pagsasamahan

Fang Li    Lungsod ng Anyang, Probinsya ng Henan
    Kamakailan, naisip ko na ako’y nakapasok sa isang maayos na pagsasamahan. Ang kasama ko at ako ay maaaring talakayin ang anumang bagay, minsan sinabi ko pa sa kanya na punahin niya ang aking mga pagkukulang, at hindi kami kailanman nag-away, kaya akala ko na nakamtan namin ang isang maayos na pagsasamahan. Ngunit habang lumalabas ang mga katotohanan, ang isang tunay na maayos na pagsasamahan ay hindi tulad ng anumang bagay na aking inakala.

Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!
Rekomendasyon:Pagsaliksik sa Kidlat ng Silanganan
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Gitna ng Kasakunaan Nakita Ko ang Matuwid na Disposisyon ng Diyos

Li Jing, Beijing
Agosto 7, 2012
    Nang araw na iyon, nagsimulang umulan sa umaga. Nagtungo ako sa pulong sa bahay ng isa kong kapatid na lalaki, habang palakas nang palakas ang ulan. Kinahapunan ito’y lumalagunos na para bang nagmumula mismo sa langit. Nang matapos na ang aming pagpupulong, ang ulan ay nakapasok na sa patyo ng aking kapatid na lalaki, ngunit dahil ako’y nag-aalala sa aking pamilya, nagpumilit akong umuwi. Sa kalagitnaan ng pagpunta roon, ang ilang mga taong lumilikas ay nagsabi sa akin, “Hindi ka ba lilikas, uuwi ka pa rin ba?” Pagdating ko sa bahay, nagtanong ang aking anak, “Hindi ka ba inanod ng baha?” Noon ko lamang napagtanto na wala ang Diyos sa aking puso. Hindi kalaunan, ang asawa ng kapitbahay kong kapatid na babae ay umakyat sa bubungan at nakita niya na ang mga kabahayang malapit sa amin ay tinangay ng baha. Lumalakas ang agos at ang asawa ng kapatid na babae ay ipinipilit na iakyat na ang kanilang anak sa itaas ng bundok, ngunit ayaw niya. Kaming magkakapatid na babae ay pinag-usapan ito, na ang pakikipagtalo ng asawang lalaki na gaya nito ay kalooban ng Diyos; sa gayo’y noon lamang kami sumunod sa kanya patungo sa bahay sa riles sa ibabaw ng bundok upang doon magpalipas ng gabi. Doon ay narinig namin mula sa mga nagsilikas mula sa kasakunaan kung gaano kapanganib ang daluyong ng baha, at kung paano ang mga tao ay nagsilikas sa iba’t ibang dako; ang iba’y umakyat sa bubungan, ang ilan ay naanod, ang iba’y nasangat sa mga puno …

Expert Urges European Countries to Show Solicitude for the Persecution of The Church of Almighty God


Expert Urges European Countries to Show Solicitude for the Persecution of The Church of Almighty God

On December 14, 2017, a news conference was held in the Chamber of Deputies, the Parliament of Italy in Rome, over the issue of Religious Freedom Violations in China—a Case Study of Persecution Against Christian Minorities. An internationally renowned research expert on new religions, Professor Massimo Introvigne, spoke at the conference and introduced his findings on The Church of Almighty God, confirming that the Zhaoyuan McDonald’s homicide case of 2014 in Shandong Province had nothing to do with The Church of Almighty God, that the CCP’s coverage of the case was false news fabricated by the CCP to persecute and suppress The Church of Almighty God. At the same time, he presented a study jointly completed with Mr. Willy Fautré, chairman of the Human Rights Without Frontiers. The report shows that despite having the largest number of people arrested in China, and more members seeking refuge in Italy and Europe than any other areas, the passing rate for the asylum applications of The Church of Almighty God’s members in Italy is merely 10%, while there have been several cases of repatriation in Switzerland. He indicated that this represented a grave violation of the International Refugee Convention, thereby expressing his strong condemnation. He called on all European countries to show solicitude for the persecution against Christians of The Church of Almighty God and the status quo of their applications for asylum as refugees.
Recommendation:Investigating the Eastern Lightning
The Return of the Lord Jesus

Mar 9, 2018

Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tunay na Dahilan ng Hindi Epektibong Gawain

Xinyi    Lungsod ng Xi’an, Lalawigan ng Shaanxi
    Sa aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang pagkagipit at hindi komportable. … Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at, upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang nanalangin ako sa Diyos, “O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong pagliliwanag. “

Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao

Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa TaoXunqiu    Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Henan

    Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.