Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian. Marahil ito ay isang aspeto kung saan ang sangkatauhan ay nakikipagtulungan sa Diyos, ito ay di-nalalamang pakikipagtulungan ng sangkatauhan sa Diyos, kaya’t ang pagganap na ito na idinirekta ng Diyos ay makulay at parang buhay, napakalinaw. Sinasabi Ko ang mga bagay na ito sa Aking mga kapatirang lalaki at babae bilang ang pangkalahatang direktor ng palabas na ito—maaaring magsalita ang bawa’t isa sa atin sa ating mga iniisip at nararamdaman pagkatapos isagawa ito, at pag-usapan ang tungkol sa kung paano dinaranas ng bawa’t isa sa atin ang ating mga buhay sa loob ng palabas na ito. Maaari din tayong magkaroon ng isang lubos na bagong uri ng talakayan upang buksan ang ating mga puso at magsalita tungkol sa ating sining ng pagganap, tingnan kung paano ginagabayan ng Diyos ang bawa’t indibidwal upang sa susunod na pagganap kaya nating ihayag ang isang mas mataas na antas ng ating sining at bawa’t isa ay gagampanan ang ating sariling papel sa pinakamagaling nating kakayahan, hindi binibigo ang Diyos. Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakayang seryosohin ito—walang hindi makakapansin dito dahil ang pagganap nang mabuti sa isang papel ay hindi isang bagay na makakamit sa loob ng isa o dalawang araw. Kinakailangan nito na maranasan natin ang buhay at lumalim sa ating mga tunay na buhay sa mas matagal na panahon, at magkaroon ng praktikal na karanasan sa sari-saring uri ng mga pamumuhay. Doon lamang tayo maaaring umakyat sa tanghalan. Ako ay puno ng pag-asa para sa Aking mga kapatirang lalaki at babae, at Ako ay naniniwala na kayo ay hindi pinanghihinaan ng loob o nawawalan ng pag-asa, at anuman ang gawin ng Diyos, kayo ay tulad ng isang palayok ng apoy—kayo ay hindi kailanman malahininga at kaya ninyong manatili hanggang sa katapusan, hanggang sa ang gawain ng Diyos ay lubos na mabunyag, at hanggang ang palabas na nais ng Diyos na patnugutan ay dumating sa huling konklusyon nito. Wala Akong iba pang mga kinakailangan sa inyo. Ang inaasahan Ko lamang ay makakaya ninyong ipagpatuloy na humawak, na hindi kayo nababahala sa mga kalalabasan, na kayo ay makikipagtulungan sa Akin upang ang gawain na dapat Kong gawin ay magawa nang mabuti, at walang sinumang lumilikha ng mga pag-antala o mga paggambala. Kapag ang bahaging ito ng gawain ay natapos, ibubunyag ng Diyos ang lahat sa inyo. Pagkaraan na ang Aking gawain ay matapos, ihaharap Ko ang inyong bahaging ginampanan sa harap ng Diyos upang magsulit sa Kanya. Hindi ba’t mas mabuti iyan? Tayo ay maaaring magtulungan sa isa’t isa na makamit ang ating sariling mga layunin. Hindi ba’t ito ay isang perpektong solusyon para sa bawa’t isa? Ito ay isang mahirap na panahon na nangangailangan sa inyo na magbayad ng halaga. Sapagka’t Ako ang kasalukuyang direktor, umaasa Ako na wala sa inyo ang naiinis. Ito ang gawain na Aking ginagawa. Marahil ay magkakaroon ng isang araw kung kailan lilipat Ako sa isang mas akmang “sangay ng gawain” at hindi Ko na pinahihirap ang mga bagay-bagay para sa inyo. Ipakikita Ko sa inyo kung anuman ang handa kayong makita, at bibigyan Ko rin kayo ng katuparan kung anuman ang nahahanda kayong marinig. Subali’t hindi ngayon—ito ang gawain para sa ngayon at hindi Ko maaaring malayang rendahan ang inyong mga papel na ginagampanan at hayaan kayong gawin kung anuman ang nais ninyo. Sa paraang iyan, ang Aking gawain ay hindi magiging madaling gawin. Sa totoo lang, iyan ay hindi magbubunga ng anuman at hindi ito magiging kapaki-pakinabang para sa inyo. Kaya ngayon kailangan ninyong “makaranas ng mga kahirapan”, at kapag ang araw ay dumating na ang yugtong ito ng Aking gawain ay natapos na Ako ay magiging malaya. Hindi na Ako magdadala ng gayong kabigat na pasanin, at sasang-ayon Ako sa anumang hingin ninyo mula sa Akin; hangga’t kapaki-pakinabang ito para sa inyong mga buhay tutuparin Ko ang inyong mga kahilingan. Nakuha Ko na ngayon ang isang mabigat na pananagutan. Hindi Ko maaaring salungatin ang mga utos ng Diyos Ama, at hindi Ko maaaring sirain ang mga plano para sa Aking gawain. Hindi Ko maaaring pamahalaan ang Aking pansariling mga alalahanin sa pamamagitan ng Aking pangnegosyong mga alalahanin. Ako ay umaasa na Ako ay nauunawaan ninyong lahat at patatawarin Ako sapagka’t ang lahat ng Aking ginagawa ay ayon sa hangarin ng Diyos Ama. Aking ginagawa anuman ang ipinagagawa Niya sa Akin anuman ang nais Niya, at Ako ay hindi handang pukawin ang Kanyang galit o Kanyang poot. Ginagawa Ko lamang ang dapat Kong gawin. Kaya sa ngalan ng Diyos Ama, ipinapayo Ko sa inyo na magtiis ng kaunti pang panahon. Walang sinuman ang kailangang mag-alala. Pagkaraang matapos Ko ang kailangan Kong gawin, maaari ninyong gawin anuman ang inyong nais at makita anuman ang nais ninyo, nguni’t kailangan Kong tapusin ang gawaing kailangan Ko.