菜單

Nob 30, 2017

Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

karunungan, katotohanan, maglingkod, relihiyon

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal

    Gaano karaming relihiyosong kaugalian ang sinusunod mo? Ilang beses ka na bang nagrebelde laban sa salita ng Diyos at pinili ang iyong sariling landas? Ilang beses mo na bang isasagawa ang salita ng Diyos dahil tunay mong isinasaalang-alang ang Kanyang mga pasanin at hinahangad mong tuparin ang Kanyang nais? Unawain ang salita ng Diyos at isabuhay ito. Maging tapat sa iyong mga kilos at gawa; hindi ito pagsunod sa mga patakaran o ginagawa nang labag sa kalooban para sa pagkukunwari. Bagkus, ito ay ang pagsasagawa ng katotohanan at pamumuhay sa salita ng Diyos. Tanging ang pagsasagawa na tulad nito ang nakalulugod sa Diyos. Ang anumang kaugaliang nakalulugod sa Diyos ay hindi isang patakaran kundi isang pagsasagawa ng katotohanan.

    May ugali ang ilang mga tao sa pag-akit ng atensyon para sa kanilang mga sarili. Sa harapan ng kanyang mga kapatid, sasabihin niyang may utang na loob siya sa Diyos, ngunit sa likuran nila, hindi niya isinasagawa ang katotohanan at kabaligtaran ang lahat ng ginagawa. Hindi ba ito tulad ng mga relihiyosong Fariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nasa katotohanan ay ang taong matapat sa Diyos, ngunit hindi niya ibinubunyag sa labas. Pumapayag siyang isagawa ang katotohanan kapag may pagsubok at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag may pagsubok at tapat sa kanyang mga gawa, anuman ang katayuan. Ang taong tulad nito ay ang tunay na naglilingkod. May ilan namang madalas na hanggang bibig lang ang paglilingkod ng kanilang pagkakautang sa Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw nang may mga nakakunot na noo, na parang apektado, at kunwaring kahabag-habag ang mukha. Kasuklam-suklam! At kung tatanungin mo siya, “Sa anong mga paraan ka may utang na loob sa Diyos? Mangyaring sabihin sa akin!” wala siyang maisasagot. Kung ikaw ay matapat sa Diyos, huwag mo iyon banggitin sa publiko, kundi gamitin ang iyong aktwal na pagsasagawa upang ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos, at manalangin sa Kanya nang may tapat na puso. Mga ipokrito ang lahat ng mga gumagamit lamang ng salita upang makitungo sa Diyos! Ang ilan ay nagsasalita ng pagkakautang sa Diyos sa bawat panalangin, at nagsisimulang umiyak kapag nananalangin sila, kahit na walang pag-antig ng Banal na Espiritu. Namamayani sa mga taong tulad nito ang mga relihiyosong ritwal at palagay; namumuhay sila sa mga naturang ritwal at palagay, laging nagtitiwala na ang mga naturang kilos ay kalugud-lugod sa Diyos, at ang paimbabaw na kabanalan o malulungkot na luha ay pinapaburan ng Diyos. Anong mabuting idudulot ng mga katawa-tawang bagay na ito? Upang ipakita ang kanilang kababaang-loob, kunwaring nagpapakita ng paggalang kapag nagsasalita sa presensya ng iba. Ang ilan ay kusang sunud-sunuran sa presensya ng iba, gaya ng isang tupa na walang kahit anong lakas. Ganitong uri ba ng mga tao ang nasa kaharian? Ang taong nasa kaharian ay dapat na buhay na buhay at malaya, walang-sala at bukas ang kalooban, tapat at nakalulugod; siya ay namumuhay sa estado ng kalayaan. Mayroon siyang karakter at dignidad, at kaya niyang maging saksi saanman siya magpunta; siya ay parehong kinalulugdan ng Diyos at ng tao. Ang mga baguhan sa pananampalataya ay may napakaraming panlabas na gawi; kailangan muna nilang sumailalim sa isang panahon ng pakikitungo at pagsira. Ang mga may pananalig sa Diyos sa kanilang mga puso ay hindi kaiba sa panlabas na paningin ng iba, ngunit ang kanilang mga kilos at gawa ay kapuri-puri sa iba. Tanging ang mga tao lamang na ito ang maituturing na nagsasabuhay sa salita ng Diyos. Kung araw-araw kang mangangaral ng ebanghelyo sa taong ito at sa isa pa, hihikayatin sila sa kaligtasan, ngunit sa katapusan, ay namumuhay ka pa rin sa mga patakaran at doktrina, hindi mo mabibigyan ng karangalan ang Diyos kung gayon. Ang mga naturang uri ng tao ay relihiyoso, at ipokrito rin.
    Sa tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sasagot siya, “Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sasagot ang isa pa, “May utang na loob din ako sa Diyos at hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita ang pinaka-nakapandidiri at lubusang kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng naturang tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa katotohanan ay makipag-usap kung anuman ang nasa kanilang mga puso at binubuksan ang kanilang mga puso sa pakikipag-usap. Walang anumang bakas ng masamang gawa, walang kunwaring paggalang o mga walang katuturang pagbibiro. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na makamundong patakaran. May mga taong may ugali sa pagkukunwari, kahit walang anumang kahulugan. Kapag kumakanta ang isa pa, nagsisimula siyang sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa kanyang palayok. Ang mga naturang uri ng tao ay hindi maka-Diyos o kagalang-galang, at masyadong mababaw. Ang lahat ng ito ay patunay ng kakulangan ng katotohanan! Ang ilan ay nagtitipon upang makipagniig tungkol sa mga bagay ng ispiritwal na buhay, at bagaman hindi nila binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, pinananatili nila ang tunay na pagmamahal sa Kanya sa loob ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkakautang sa Diyos ay walang kinalaman sa iba; may utang na loob ka sa Diyos, hindi sa tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba? Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagtanggap sa katotohanan, hindi panlabas na adhika o pakitang-tao.
    Ano ang kinakatawan ng mga panlabas na mabubuting gawa ng tao? Kinakatawan ng mga ito ang laman, at kahit na ang pinakamaganda sa panlabas na gawi ay hindi kumakatawan sa buhay, tanging ang iyong sariling indibidwal na pag-uugali lamang. Hindi kayang tuparin ng mga panlabas na gawi ng tao ang nais ng Diyos. Lagi mong binabanggit ang iyong pagkakautang sa Diyos, ngunit hindi mo kayang tustusan ang buhay ng iba o hikayatin ang iba na mahalin ang Diyos. Naniniwala ka bang ikalulugod ng Diyos ang mga naturang kilos? Naniniwala kang ito ang nakalulugod sa kalooban ng Diyos, na ito ay para sa espiritu, ngunit ang totoo ay isa itong kabaliwan! Naniniwala ka na kung ano ang kasiya-siya sa iyo at kung ano ang nais mo ay nakalulugod sa Diyos. Kaya bang katawanin ng mga kaligayahan mo ang Diyos? Kaya bang katawanin ng karakter ng tao ang Diyos? Ang kasiya-siya sa iyo ay ang tiyak na kinasusuklaman ng Diyos, at ang iyong mga gawi ay ang pinandidirihan at inaayawan ng Diyos. Kung pakiramdam mo na may utang na loob ka, kung gayon ay manalangin ka sa Diyos. Hindi kailangang banggitin ito sa iba. Kung hindi ka nananalangin sa Diyos at sa halip ay laging kumukuha ng atensyon sa iyong sarili sa presensya ng iba, kaya ba nitong tuparin ang nais ng kalooban ng Diyos? Kung laging panlabas lamang ang iyong mga kilos, nangangahulugan na ikaw ang pinakahambog sa mga tao. Anong uri ng tao siya kung pakitang-tao lamang ang paggawa niya ng mabuti ngunit salat sa katotohanan? Ang mga naturang tao ay mga ipokritong Fariseo at relihiyosong tao! Kung hindi niyo titigilan ang inyong mga panlabas na gawi at hindi kayang gumawa ng mga pagbabago, mas lalong mananaig sa inyo kung gayon ang mga elemento ng pagka-ipokrito. Kung mas higit ang mga elemento ng pagka-ipokrito, mas higit ang pagsalungat sa Diyos, at sa katapusan, ang mga naturang uri ng tao ay siguradong itatakwil!
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos