菜單

Peb 22, 2019

Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos


Yixin Lungsod ng Shijiazhuang Lalawigan ng Hebei

Noon madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga kapatid, “Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ang pinakamainam; ito ang lahat na kailangan ng mga tao.” Inamin ko ito at sumang-ayon dito, nguni’t wala akong anumang naunawaan sa pamamagitan ng aking sariling karanasan. Nang maglaon, nakakuha ako ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin.
Mayroon akong isang natatanging marubdob na pagnanais para sa katayuan sa aking puso. Lagi akong umaasa na ang lider ay magbibigay-pansin sa akin at ang aking mga kapatid ay mag-iisip ng mataas sa akin, nguni’t ang katotohanan ay hindi kailanman gaya ng inaasam ko. Sa loob ng ilang taon, sino man ang naging kapares ko sa pagtupad ng aking tungkulin, laging ako ang “katulong”. Anuman ang nangyayari, laging tinatalakay ito ng pinuno sa aking kapares at aayusin na siya ang mangangalaga ng mga bagay. Tila ba sa mga mata ng pinuno, ako ay isang di-mahalaga at walang importansiyang tao. Ito ay talagang nagtapon sa akin sa walang-katiyakan. Naisip ko: “Tinutupad ko ang kaparehong mga uri ng tungkulin at di naman ako mas masama kaysa sa iba. Bakit laging ako ang ‘katulong’? Bakit ako laging nasa ilalim ng ibang tao?” Nakaranas ako ng kaunting pagdurusa ng pagpipino dahil ang aking mga hangarin ay hindi kailanman masisiyahan, at patuloy akong nabubuhay sa gitna ng aking di-pagkakaunawa sa Diyos. Hindi ako makatakas mula dito. Isang araw, pinabuo ng pinuno ang aking kapares ng ilang teksto, nguni’t hindi hiniling na tumulong ako. Nasapol nito ang maramdamin kong kamalayan. Kahit na alam ko na hindi ako dapat maghabol sa ganyang uri ng walang kabuluhang bagay, hindi ko na mabitawan ito, at muli akong nalubog sa sakit. Naisip ko: Bakit laging napupunta ako sa ganitong uri ng sitwasyon? Bakit hindi kailanman ang mga sitwasyong ito ang gusto ko? Bakit ginagawa ng Diyos ang mga bagay na tulad nito? Talagang hindi ko maunawaan ito.

Nang maglaon, nang ako ay kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, nakita ko ang mga sumusunod na salita mula sa Diyos: “Gayunman, ang kasamaan sa loob ng kalikasan ng tao ay dapat na malutas sa pamamagitan ng mga pagsubok. Sa alinmang mga aspeto hindi nakakapasa, sa ganitong mga aspeto dapat na mapino—ito ang kaayusan ng Diyos. Lumilikha ang Diyos ng kapaligiran para sa iyo, na pumipilit sa iyo para mapino doon upang malaman ang iyong sariling kasamaan. Sa huli aabot ka sa punto kung saan mas gugustuhin mo pang mamatay at isuko ang iyong mga pakana at mga pagnanasa, at magpasakop sa dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos. Kaya kung ang mga tao ay walang ilang taon ng pagpipino, kung wala silang tiyak na dami ng pagdurusa, hindi nila magagawang iwasan ang pagkaalipin ng kasamaan ng laman sa kanilang mga kaisipan at sa kanilang mga puso. Sa alinmang mga aspeto pa napapasakop sa pagkaalipin ni Satanas, sa alinmang aspeto pa may mga sariling pagnanasa, may mga sariling hinihingi--sa mga aspetong ito dapat magdusa. Tanging sa pagdurusa maaaring matututunan ang mga leksyon, ang ibig sabihin makakayang makamit ang katotohanan, at maunawaan ang intensyon ng Diyos” (“Kung Paano Bigyang-Kaluguran ang Diyos sa Gitna ng Mga Pagsubok” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).Nadama ko ang isang alon ng init sa puso ko mula sa mga salita ng Diyos, na tila pinaliliwanagan ako ng Diyos nang harapan, sinasabi sa akin kung bakit ginagawa Niya ang mga bagay sa ganitong paraan, ano ang layunin, at pinapayagan ako na maunawaan ang Kanyang mabuting mga hangarin. Sa kaliwanagang iyon mula sa Diyos, hindi ko nakayanan kundi bumaling at tingnan ang kapaligiran na nilikha Niya para sa akin. Nakita ko noon na lubhang kilala ako ng Diyos; alam Niya ang mga aspeto kung saan ang mga bigkis sa akin ng impluwensya ni Satanas ang pinakamasama. Malinaw din sa Kanya na ang aking kasamaan mula kay Satanas ay pinakamalubha sa larangan ng katayuan. Hindi makayanan ng Diyos na makita akong laging nabubuhay sa ilalim ng dominyon ni Satanas at pinipinsala, inaapi, pinahihirapan, at tinatapakan ni Satanas. Kaya, pinuntirya ng Diyos ang aking kalikasan, at alinsunod sa kung ano ang kailangan ko, patuloy na dinadalisay ako kung saan ako ay lalong napasama ni Satanas. Yaong mga paghahayag, yaong mga parusa, yaong mga pagpapabuti --- lahat ay pagliligtas ng pagmamahal ng Diyos para sa akin. Nguni’t sa loob ng maraming taon, hindi ko naunawaan ang mabubutting intensiyon ng Diyos. Hindi ko nais na tanggapin ang gawain ng Diyos ng ‘pag-alis’ sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit lagi kong hindi nauunawaan ang Kanyang kabaitan at laging nadarama na Siya ay mahigpit sa akin, pinipigilan ako, at hindi ako pinahihintulutang ipakita ang aking sarili. Kapag iniisip ko ito ngayon, kung ako, bilang isang tao na tumingin sa katayuan bilang buhay mismo, nanaig ang sarili kong paraan sa bawat larangan, ang aking panloob na mga hangarin ay maaaring tumubo at lumaki, at sa wakas ay maaari lamang akong mapahamak. Ako sana ay lubusang mawawasak. Noon ko lamang naunawaan ang mahirap na gawain na ginawa ng Diyos sa akin sa loob ng maraming taon; noon ko lamang nakita na ang mga kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin ay upang iligtas ako. Ito ay isang pagmamahal na hindi maipahayag ng mga salita. Naantig ang puso ko sa taos-pusong pagmamahal ng Diyos at ang mga hindi ko pagkakaunawa sa Diyos ay nawala sa aking puso. Masaya akong naging handa na maging masunurin sa kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin.

Sa pamamagitan lamang ng karanasang ito tunay kong natanto na ang Diyos ay lumilikha ng mga kapaligiran upang subukan at pinuhin ang sangkatauhan. May parehong malalim na kahulugan at dakilang pag-ibig sa loob nito! Ang katotohanan ay, para sa akin, kapag ang mga sitwasyong hindi kasuwato sa aking mga konsepto ay nasa akin, sila ay eksaktong kung ano ang kailangan ko sa buhay. Ito ay isang mahalagang paraan ng Diyos na kilalanin at sundin Siya upang mailigtas ako at gawin akong perpekto. Tulad ng tunay na naiintindihan ng ina ang kalusugan ng kanyang mga anak --- aling bata ang nangangailangan ng ano, anong nutrisyon ang kailangan nilang dagdagan --- tunay na nauunawaan iyan ng isang ina. Ngayon, ang ginagawa ng Diyos sa buhay ng mga tao ay gayundin. Ang Diyos ay lumilikha ng isang kapaligiran para sa mga tao at lahat ng ginagawa Niya sa kanilang buhay ay batay lamang sa kung ano ang kailangan nila. Ang lahat na ito ay anuman ang pinakakapaki-pakinabang para sa kanilang buhay at ito ay upang tulutan silang makuha ang katotohanan, makamit ang pagsunod sa Diyos, at iwaksi ang impluwensiya ni Satanas. Kung ang mga tao ay maaaring maging masunurin sa loob ng kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa kanila, maaari nilang makuha ang katotohanan, magkaroon ng buhay, at sa wakas ay makakakuha sila ng ganap na kasakdalan mula sa Diyos. Kung ang mga tao ay magbibigay-kalayaan sa kanilang sariling pag-uugali at mga kagustuhan at ipagkakaloob ang mga ito ng Diyos sa kanila, hindi lamang sila ay hindi makakakuha ng anumang bagay, nguni’t magagawa nlang kasuklaman sila ng Diyos, at sa huli ay maaari lamang makapinsala at sumira sa kanilang mga sarili. Ito ay dahil sa kung ano ang gusto ng mga tao ay hindi angkop para sa kanila, at lalong hindi kapaki-pakinabang para sa kaligtasan at perpeksiyon ng Diyos sa kanila. Ang ibinibigay ng Diyos lamang sa sangkatauhan ang pinakamainam; tanging iyan ang pinakakailangan ng tao. Sa panahong iyon ay sa wakas nagkaroon ako ng praktikal na pag-unawa sa sinabi ng Diyos: “At ang landas ng kasalukuyan ay may kasamang paghatol at sumpa, nguni’t dapat ninyong lahat na malaman na kung ano ang naípágkaloob Ko sa inyo, kung paghatol man o pagkastigo, ang mga iyon ang pinakamahusay na mga kaloob na maibibigay Ko sa inyo, at ang mga iyon ang mga bagay na inyong agarang kinakailangan.”

Nagpapasalamat ako sa kaliwanagan ng Diyos na nagpahintulot sa akin na magkaroon ng kaalaman at pag-unawa sa gawain ng Diyos sa akin, at malaman na mas ayaw kong tanggapin ang isang bagay, mas kailangan ko ito, at lalong dapat kong tanggapin ito. Sa ganitong paraan lamang makakamtan ko kung ano ang ibinibigay ng Diyos sa akin. Nalaman ko rin na ang diwa ng Diyos ay mabuti, at ang ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay pagmamahal lahat. Ito ang lahat na pinakakapaki-pakinabang sa buhay ng mga tao; ito ang pinakakailangang pagkain sa buhay ng mga tao, at ito ay ang pinakamainam na regalo na ibinigay ng Diyos sa tao. Mula ngayon hanggang sa susunod, handa akong ilagay ang kabuuan ng aking sarili sa mga kamay ng Diyos, upang sundin at tanggapin ang lahat ng gawain na tinatapos ng Diyos sa akin. Nahahanda akong hilingin na malaman ang katotohanan, abutin ang katotohanan, at kamtin ang pagbabago sa pag-iisip sa madaling panahon sa kapaligirang nililikha ng Diyos para sa akin.

Rekomendasyon:Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?