Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao,
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.
II
Sino ang pumipigil at nakadarama ng poot ng Diyos?
Sino ang naghahangad na sa Kanya'y mapalapit?
Na'san ang sumisilay sa kalungkutan ng Diyos
o sumusubok na unawain ang sakit na nadarama?
Kahit na narinig ang kanyang tinig,
sila'y patuloy na lumalayo.
Sa awa, katotohana't pagmasid ng Diyos;
Sarili'y binebenta nang maluwag sa loob kay Satanas.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
Masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.
III
Paano gayon kikilos ang Diyos
tungo sa taong suwail na sa Kanya'y tumatakwil?
Alamin na ang mga pagtawag
at paghimok ng Diyos ay sinusundan
ng lupit na sakuna at mahirap pasanin.
Pinaparusaha'y hindi lang laman kundi'y kanyang kaluluwa.
Walang nakakaalam kung ano ang ipamamalas Niya;
'Pag plano Niya'y binasura at hindi pansin ang tinig Niya;
poot na hindi pa nadama o narinig ng tao kailanman.
Ito'y kakaibang kalamidad;
nagplano ang Diyos ng paglikha at pagligtas.
Ito ang unang beses at huli,
walang sinuman ang nakakaunawa sa Kanyang puso.
Hapis na pag-ibig ng Diyos
at maalab na hangaring iligtas ang sangkatauhan.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan ang Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrerebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli, saan pupunta ang tao sa huli.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao