菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sakuna. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sakuna. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan. 
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

Hul 15, 2018

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung ikaw ay isang tunay na Kristiyano, kung gayon ikaw ay tiyak na maniniwala na ang pagbangon at pagbagsak ng anumang bayan o bansa ay nangyayari ayon sa mga disenyo ng Diyos. Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito. Kung ang sangkatauhan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung ang isang bayan ay nais na magkaroon ng isang magandang kapalaran, kung gayon ang tao ay dapat na yumukod sa Diyos sa pagsamba, magsisi at umamin sa harap ng Diyos, o kung hindi ang kapalaran at patutunguhan ng tao ay hindi maiiwasang magtapos sa sakuna."

Rekomendasyon:

Ano ang Pagkakaiba ng Cristianismo at ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?