Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII" (Ikatlong Bahagi)
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nagtrabaho nang palihim ang Diyos. Noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, bago makadaupang-palad ang sangkatauhang ito, nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito.
Ang lahat ng ginawa Niya ay para sa kapakanan ng sangkatauhan, para sa kapakanan ng kaligtasan ng kanilang buhay, at para sa konsiderasyon ng pag-iral ng sangkatauhan, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan sa mayaman at saganang materyal na mundong nilikha ng Diyos para sa kanila, at upang maaari silang mamuhay nang masaya, nang hindi kailangang mag-alala tungkol sa pagkain o mga damit, at hindi magkulang sa kahit ano. Nagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at mamuhay nang ligtas sa nasabing kapaligiran, ngunit hindi marami ang kayang maintindihan na nilikha ng Diyos ang lahat para sa sangkatauhan. Sa halip, pinalabas ni Satanas na ito ay nilikha ng kalikasan."