菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Landas. Ipakita ang lahat ng mga post

Ago 24, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diyos ay Tahimik na Nagbibigay sa Lahat

Landas, kapalaran, Diyos, biyaya, kaligtasan



I
Ang Diyos ay nagbibigay ng
mga pangangailangan ng lahat ng tao,
sa bawat lugar, sa lahat ng oras.
Pinagmamasdan Niya’ng lahat ng kanilang iniisip,
kung paano dumaan sa pagbabago ang kanilang mga puso.
At binibigyan Niya sila ng kaginhawaan na kailangan nila,
pinasisigla at ginagabayan sila.
Para sa isang nagmamahal na sa Kanya,
para sa isang sumusunod,
walang ipagkakait ang Diyos,
lahat ng Kanyang pagpapala ay ilalahad.
Nagbibigay Siya ng biyaya sa kanilang lahat,
at ang Kanyang awa ay dumadaloy nang malawak.
Anong nasa Kaniya at kung ano Siya,
nagbibigay Siya nang walang pasubali.

Ago 12, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Hinahanap Ng Diyos ang Iyong Puso at Iyong Espiritu"


I
Taong nilisan tustos-buhay mula sa Makapangyarihan
di alam ba't umiiral, nguni't takot sa kamatayan.
Walang suporta at tulong,
ngunit nag-aatubili pa ring ipikit kanilang mga mata,
sinusuong ang lahat,
inilalantad walang dangal na buhay sa mundo
sa katawang kaluluwa ay walang malay.
Buhay nang walang pag-asa't layunin.
Ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat,
ang Tanging Banal lamang ang nasa alamat
na magliligtas sa nagdurusa
at naghahangad ng Kanyang pagdating.
Sa taong walang-malay,
paniwalang ito'y di pa matatanto hanggang ngayon.
Gayunman, tao'y hangad pa rin ito, hangad ito.

Ago 8, 2018

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

pananalig, landas, kabutihan, Jesus, salita ng Diyos

    Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

Ago 7, 2018

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)


Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalimang Bahagi)

   Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Ang Kapalaran ng Tao ay Itinatakda sa Pamamagitan ng Kanyang Saloobin sa Diyos
Ang Umpisa ng Pagkatakot sa Diyos ay ang Pagturing sa Kanya Bilang Isang Diyos
Ang mga Tao na Hindi Kinikilala ng Diyos
Mga Salitang Pagpapayo

Ago 6, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Nalulungkot ang Diyos sa Kinabukasan ng Sangkatauhan"


I
Sa malawak na mundo na nagbago
nang 'di mabilang na beses mula pa noon,
walang sinuman ang nangunguna at gumagabay sa tao, 
walang sinuman kundi Siya na namamahala sa lahat.
Walang dakila na gumagawa at naghahanda
para sa kapakanan ng sangkatauhan.
Walang gagabay sa kanila tungo sa masiglang kinabukasan,
ni magpapalaya mula sa kawalang katarungan ng mundo.
Nalulungkot ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan. 
Nagdadalamhati Siya sa pagbagsak nila!
Tingnan Kanyang kalungkutan 'pagkat nabibigo silang malaman
na tinatahak nila ang landas ng walang balikan.
Tao'y nagrebelde, sinaktan ang puso ng Diyos;
masamang landas ni Satanas kanilang nilalakaran.
At walang tumitigil upang malinaw na makita kung
saan pupunta ang tao sa huli.

Ago 5, 2018

Full Tagalog Christian Movie | "Napakagandang Tinig" The Word of the Holy Spirit to the Churches


   Isang mangangaral si Dong Jingxin sa isang bahay sambahan sa Tsina. Tatlumpung taon na siyang nananampalataya sa Panginoon, at minamahal ang katotohanan; madalas niyang binabasa ang mga salita ng Panginoon at hinihimok ng mga ito. Ipinagmamalaki niya ang kanyang sarili para sa Panginoon nang may sigasig. Dahil sa kanyang gawain ng pangangaral, inaresto siya ng pulisya ng gobyerno ng Komunistang Tsino at ipinadala sa bilangguan kung saan naranasan niya ang kalupitan at pagpapahirap. Ang mga salita ng Panginoon ang gumabay sa kanya at natiis ang pitong taong di-makataong buhay sa bilangguan. Matapos makalaya, pinuntahan siya ng kanyang katrabahong si Chenguang at binasa sa kanya ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, sumasaksi na ang Diyos ay nagpakita at gumagawa sa mga huling araw. Binigyan din siya nito ng kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao Matapos basahin ang kaunting mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nadama ni Dong Jingxin na ang mga ito ay makapangyarihan at nanggaling sa Diyos. Nagkaroon siya ng pusong nananabik maghanap. Gutum na gutom sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos sina Dong Jingxin at ang kanyang asawa at natuklasang katotohanan ang lahat ng mga ito, tinig ng Diyos ang lahat ng mga ito. Natukoy nila na talagang pagbabalik ng Panginoong Jesus ang Makapangyarihang Diyos na ilang taon na nilang hinihintay! Habang ang dalawa ay nag-uumapaw sa tuwa ng pagsalubong sa pagbabalik ng Panginoon, pinuntahan sila ng hepe ng pulisya upang balaan na huwag dumalo sa anumang pagtitipon o gumawa ng anumang pangaral. Binalaan niya sila na kailangan nilang iulat ang sinumang nangangaral ng Kidlat ng Silanganan, na nagpabalisa kay Dong Jingxin. Pagkatapos noon, nang malaman ng kanilang pastor na pinamumunuan ni Dong Jingxin ang mga kapatid na tingnan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, humadlang din siya at hinarangan sila. Nahaharap sa pagkalito at pagkagambala mula sa mga puwersa ni Satanas, nagagawang makita nang malinaw ni Dong Jingxin ang tunay na mukha ng mga pastor at elder ng relihiyosong mundo sa pamamagitan ng pagdarasal, paghahanap at pagbabahagi. Hindi siya sumuko, at nagpatuloy na pamunuan ang mga kapatid upang imbestigahan ang tunay na landas, at inimbitahan niya ang mga tao mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos upang magbahagi at sumaksi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa huli, kinilala ng lahat na ang mga salitang binigkas ng Makapangyarihang Diyos ay talagang tinig ng Diyos, at Siya ang pagpapakita ng Diyos. Naantig ang damdamin ng lahat: Napakaganda ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos!

Hul 29, 2018

Tagalog Christian Music Video | "Ang Panloob na Kahulugan ng Gawain ng Paglupig"


I
Ang panloob na kahulugan ng paglupig ng tao
ay ang bumalik sa Maylalang.
Ito'y para sa tao na talikuran si Satanas
at lubos na pagbalik sa Diyos.
Ito ang kumpletong kaligtasan ng tao.
Paglupig ay ang huling labanan.
Ito ang huling yugto ng matagumpay na plano ng Diyos.
Kung wala ito, walang taong maliligtas,
walang tagumpay na nakukuha laban kay Satanas,
walang taong pumapasok sa isang mabuting hantungan.
Sangkatauhan ay naghihirap sa impluwensiya ni Satanas.
Kaya ang pagkatalo ni Satanas ay dapat mauna 
para madala ang kaligtasan ng tao.
Lahat ng mga gawain ng Diyos ay para sa kapakanan ng tao.

Hul 22, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I Ikalawang Bahagi


 ✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿¸.•*♡*•☆•.¸¸✿ 
 
 Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos angdalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay."