菜單

May 13, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay.”
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal
Pag-imbestiga sa Kidlat ng Silanganan
Pananalig sa Diyos | Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kapareho sa Paniniwala sa Panginoon?
Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

Ang Kalooban ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-anim na Pagbigkas

    Sa gitna ng lahat ng mga salitang ito, walang higit na di-malilimutan kaysa roon sa ngayon. Ang mga salita ng Diyos noong una ay nagbunyag sa mga katayuan ng tao o mga hiwaga ng langit, gayunman ang pagbubunyag na ito ay di-tulad niyaong sa nakaraan. Hindi ito nanunuya o nanunukso, kundi isang bagay na ganap na di-inaasahan: ang Diyos ay naupo at kalmadong nakipag-usap sa mga tao. Ano ang Kanyang hangarin? Anong iyong nakikita kapag sinasabi ng Diyos, “Ngayon, nakapagsimula Ako ng bagong gawain sa ibabaw ng mga sansinukob. Nabígyan Ko ang mga tao sa lupa ng bagong simula, at hiningi sa kanilang lahat na umalis sa Aking bahay. At dahil laging nais ng mga tao na magpasásà sa kanilang mga sarili, pinapayuhan Ko sila na maging gisíng-sa-sarili, at huwag laging gambalain ang Aking gawain”? At ano itong “bagong pasimula” na sinasabi ng Diyos? Pinayuhan ng Diyos ang mga tao na umalis nang una, nguni’t ang hangarin ng Diyos noon ay subukin ang kanilang pananampalataya. Kaya ngayon, kapag Siya ay nagsasalita na may ibang tono—Siya ba ay nagiging totoo o hindi? Dati, hindi alam ng mga tao ang mga pagsubok na sinasabi ng Diyos. Saka lamang sa pamamagitan ng hakbang ng gawain ng mga taga-serbisyo na nakita ng kanilang mga mata, at personal nilang naranasan, ang mga pagsubok ng Diyos. Sa gayon, mula sa panahong iyon hanggang sa daraan, salamat sa halimbawa ng daan-daang mga pagsubok ni Pedro, malimit nagkamali ang mga tao sa paniniwalang “Ito ay pagsubok ng Diyos.” Higit pa, sa mga salita ng Diyos ang mga katunayan ay bihira lamang dumating. Sa gayon, ang mga tao ay naging higit na mapamahiin tungkol sa mga pagsubok ng Diyos, kaya’t sa lahat ng mga salitang binigkas ng Diyos, hindi sila kailanman naniwalang ito ay magiging gawain ng mga katunayang isinakatuparan ng Diyos; sa halip, naniwala sila na ang Diyos, na walang ibang gagawin, ay tanging gumagamit ng mga salita upang subukin ang mga tao. Sa kalagitnaan ng gayong mga pagsubok, na walang-pag-asa gayunma’y tila nag-aalok ng pag-asa, na ang mga tao ay sumunod, kaya’t matapos na sinabi ng Diyos “lahat nang nananatili ay malamang na magdusa ng kasawiang-palad at kaunting kapalaran sa katapusan,” itinuon pa rin ng mga tao ang kanilang pansin sa pagsunod, at sa gayon ay walang hangaring umalis. Ang mga tao ay sumunod sa gitna ng gayong mga ilusyon, at walang isa man sa kanila ang nangahas na tiyaking walang pag-asa—na bahagi ng patunay ng tagumpay ng Diyos. Ang punto ng pananaw ng Diyos ay nagpapakita na minamaniobra Niya ang lahat upang mapunta sa paglilingkod sa Kanya. Ang mga ilusyon ng mga tao ay humihimok sa kanila na huwag iwanan ang Diyos, di-alintana ang panahon o dako, kaya’t sa panahon ng hakbang na ito ginagamit ng Diyos ang di-perpektong mga pangganyak sa mga tao upang pagpasanin sila ng patotoo sa Kanya, na siyang malalim na kabuluhan ng kapag sinasabi ng Diyos, “Ako ay nakatamo ng isang bahagi ng mga tao.” Ginagamit ni Satanas ang mga pangganyak sa tao upang makagambala, samantalang ginagamit ng Diyos ang mga pangganyak sa tao upang papaglingkurin siya—na siyang tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos na “Naguguni-guni nila na maaari nilang maipasok ang kanilang sarili, nguni’t kapag iniabot nila ang kanilang mga huwad na pases sa pagpasok, itinatapon Ko agad ang mga iyon sa hukay ng apoy—at, nakikita ang kanilang sariling “maingat na pagsisikap” na naglalagablab, nawawalan sila ng pag-asa.” Minamaniobra ng Diyos ang lahat ng mga bagay upang papaglingkurin ang mga iyon, kaya’t hindi Niya iniiwasan ang sari-saring mga palagay ng tao, kundi matapang na sinasabi sa mga tao na umalis; ito ang pagiging kamangha-mangha at karunungan ng gawain ng Diyos, pinagsasama ang tapat na mga salita at ang pamamaraan tungo sa isa, iniiwan ang mga tao na nahihilo at tuliro. Mula rito ay makikita na talagang hinihingi ng Diyos sa mga tao na umalis mula sa Kanyang tahanan, na ito ay hindi isang uri ng pagsubok, at sinasamantala ng Diyos ang pagkakataong ito upang sabihing, “Gayunman ay sinasabi Ko rin sa mga tao na kapag nabigo silang makatamo ng mga pagpapala, walang maaaring dumaing tungkol sa Akin.” Walang sinumang makatatarok kung ang mga salita ng Diyos ay tunay o hindi, gayunman ginagamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang patatagin ang mga tao, upang alisan sila ng kanilang pagnanasang umalis. Sa gayon, kung isang araw sila ay isinumpa, sila ay patiuna nang nababalaan ng mga salita ng Diyos, gaya lamang ng sinasabi ng mga tao na “Ang pangit na mga salita ay ang mga mabubuti.” Ngayon, ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos ay tapat at taos-sa-puso, kaya’t sa mga salita na hindi nila masabi kung tunay o hindi, sila ay nalupig at natutong mahalin ang Diyos, na dahilan kung bakit sinabi ng Diyos “Natupad Ko na ang Aking dakilang gawain.” Kapag sinasabi ng Diyos “Umaasa Akong makikita nila ang kanilang sariling landas sa pananatiling buháy, at wala Akong kapangyarihan dito,” ito ang realidad ng pagbigkas ng Diyos sa lahat ng mga salitang ito—gayunman hindi ganoon ang iniisip ng mga tao; sa halip, sila ay laging nakásunod nang hindi nagbibigay ng kahit katiting na pansin sa mga salita ng Diyos. Sa gayon, kapag sinasabi ng Diyos “sa hinaharap, hindi na magkakaroon pa ng anumang mga salita sa pag-itan namin, hindi na kami magkakaroon ng anumang pag-uusapan, hindi namin pakikialaman ang isa’t isa, yayaon kaming pareho sa aming sariling daan,” ang mga salitang ito ay realidad, at walang-bahid kahit na katiting. Kung anuman ang iniisip ng mga tao, gayon ang pagiging di-makatwiran ng Diyos. Nadala na ng Diyos ang patotoo sa harap ni Satanas, at sinabi ng Diyos na gagawin Niya na hindi Siya iwanan ng lahat ng mga tao di-alintana ang panahon o dako—kaya’t ang hakbang na ito ng gawain ay natapos na, at hindi pinakikinggan ng Diyos ang mga hinaing ng tao. Gayunman ay nilinaw na ito ng Diyos mula sa umpisa, kaya’t ang mga tao ay naiwan sa isang kaawa-awang kalagayan, napilitang magpakumbaba. Ang paglalaban sa pag-itan ng Diyos at ni Satanas ay lubusang nakasalig sa tao. Ang mga tao ay walang kontrol sa kanilang mga sarili, sila ay mahusay at tunay na mga sunud-sunuran, habang ang Diyos at si Satanas ang siyang humahatak ng mga kuwerdas sa likuran ng mga tagpo. Kapag ginagamit ng Diyos ang mga tao upang magpatotoo para sa Kanya, ginagawa Niya ang lahat ng Kanyang maisip, ginagawa ang lahat na posible, upang gamitin ang mga tao na gumawa ng paglilingkod para sa Kanya, sinasanhi ang mga tao na mapaikot ni Satanas, at, higit pa, pinapatnubayan ng Diyos. At kapag ang patotoo na nais ng Diyos na dalhin ay natapos, iniiitsa Niya ang mga tao sa isang tabi at iniiwan silang nagdurusa, habang ang Diyos ay kumikilos na parang wala Siyang kinalaman sa kanila. Kapag nais Niyang muling gamitin ang mga tao, pinupulot Niya silang muli at ginagamit sila—at ang mga tao ay walang kamalay-malay dito. Sila ay tulad lamang ng baka o kabayo na ginagamit ayon sa kagustuhan ng panginoon nito, walang sinuman sa mga ito ang may anumang kontrol sa kanilang mga sarili. Maaaring may kalungkutan ang tunog nito, nguni’t kung may kontrol man o wala ang mga tao sa kanilang mga sarili, ang paglilingkod sa Diyos ay isang karangalan, hindi isang bagay na dapat kainisan. Para itong ang Diyos ay dapat na kumilos sa ganitong paraan. Ang kakayahan bang katagpuin ang pangangailangan ng Makapangyarihan ay hindi isang bagay na karapat-dapat ipagmalaki? Ano ngayon ang iyong iniisip? Naitalaga mo na ba ang iyong paninindigan sa pag-uukol ng paglilingkod sa Diyos? Maaari kayang inaasam mo pa ring panghawakan ang karapatang hanapin ang iyong sariling kalayaan?

May 12, 2018

Awit ng Pagsamba | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal





I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.

Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | God Is My Strength and Power


Tagalog Christian Movie 2018 | “Red Re-Education sa Bahay” | God Is My Strength and Power


Si Zheng Yi ay isang Kristiyano. Nang marinig niya ang tungkol sa malupit na pang-uusig ng pamahalaang CCP sa Kidlat ng Silanganan at ang pag-aresto sa mga Kristiyano noong nagtatrabaho siya sa Estados Unidos, nag-isip-isip siya, “Ang CCP ay isang partidong ateista, isang makademonyong rehimen na pinakamatinding kalaban ng Diyos. Sa kabila ng sumisiklab na pang-uusig at panunupil ng CCP, lalo pa ring naging maunlad ang Kidlat ng Silanganan. Malamang ay ito ang tunay na daan.” Kaya sinuri niya ang Kidlat ng Silanganan sa website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Natuklasan niya na ang salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan at tinig ng Diyos. Naipasiya niya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Kaya agad niyang tinanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Makalipas ang apat na taon, bumalik si Zheng Yi sa China at ipinasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw sa kanyang kapatid na si Zheng Rui, isang mamamahayag ng balita. 

May 11, 2018

Massimo Introvigne | Part 1 : Lies and Violence—Debunking the CCP’s Persecution of Christians


Massimo Introvigne | Part 1 : Lies and Violence—Debunking the CCP’s Persecution of Christians


As is well known, the Chinese Communist Party (CCP) seized power through lies and violence, and it relies on lies and violence to maintain its power. The CCP’s rule is nothing but lies, violence, and murder. The CCP propagates atheism, regarding religion as the spiritual opium of the people. Christians preach the gospel and witness for God to carry out God’s will, but the CCP condemns such righteous deeds as abandoning and breaking up their families, and arrests and imprisons Christians on various false charges. In mainland China, Christians from various house churches, particularly from CAG, suffer brutal oppression and persecution for the sake of their religious belief, some of whom were left disabled or died. Many Christians have gone into exile and were rendered homeless with their families scattered. Countless Christian families have been thus broken! In this episode, we have invited Professor Massimo Introvigne, an Italian scholar of new religious movements, founder and managing director of Center for Studies on New Religions, to talk about why the CCP oppresses and persecutes The Church of Almighty God, whether the CCP’s accusations against The Church of Almighty God are true, and who is the main culprit behind the breakdown of Christian families, and so on. The truth will be uncovered, and the CCP’s cruel and evil essence against God that wins fame through deceiving the public and fights against justice will be exposed. Please stay tuned!
Recommendation:
If Eastern Lightning is the true way, then what is the basis of your confirmation? We believe in the Lord Jesus because He redeemed us, but what do you use to verify that Eastern Lightning is the true way?
There is no way of eternal life within the Bible; if man holds to the Bible and worships it, then they will not obtain eternal life.

May 10, 2018

Ang tinig ng Diyos | Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-apat at Ikaapatnapu’t-limang Mga Pagbigkas

Pakahulugan sa Ikaapatnapu’t-apat at Ikaapatnapu’t-limang Mga Pagbigkas


    Yamang sinabi ng Diyos sa tao ang tungkol sa “pag-ibig ng Diyos”—ang pinakamalalim sa lahat ng mga aralin—tumuon Siya sa pagsasalita tungkol sa paksang ito sa “ang mga pagbigkas ng pitong-ulit na Espiritu,” sinasanhi ang lahat ng mga tao na subukang kilalanin ang pagiging hungkag ng pantaong buhay, at sa gayon hinuhukay ang tunay na pag-ibig sa loob nila. At gaano niyaong mga umiiral sa kasalukuyang hakbang minamahal ang Diyos? Alam ba ninyo? Walang hangganan ang aralin ng “pag-ibig sa Diyos.” Paano naman ang tungkol sa kaalaman ng pantaong buhay sa lahat ng mga tao? Ano ang kanilang saloobin tungo sa pagmamahal sa Diyos? Sila ba ay handa o hindi handa? Sinusundan ba nila ang napakalaking pulutong, o kinamumuhian ang laman? Ang tungkol sa mga ito ang lahat ng mga bagay-bagay na dapat kayong maging malinaw at inyong maunawaan. Wala ba talagang nasa loob ng mga tao? “Nais Kong Ako ay tunay na mahalin ng tao, nguni’t ngayon, ang mga tao ay nagpapatumpik-tumpik pa rin, hindi kayang ibigay ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin. Sa kanilang guni-guni, naniniwala sila na kung ibinibigay nila ang kanilang tunay na pag-ibig sa Akin, walang matitira sa kanila.” Sa mga salitang ito, ano ba talaga ang ibig sabihin ng “tunay na pag-ibig”? Bakit hinihingi pa rin ng Diyos ang tunay na pag-ibig ng mga tao sa kapanahunang ito kung kailan “lahat ng tao ay nagmamahal sa Diyos”? Sa gayon, ang hangarin ng Diyos ay hingin sa tao na isulat ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa isang pahina ng sagot, kaya’t, ito ang eksaktong takdang-aralin na inilatag ng Diyos para sa tao. Hinggil sa hakbang na ito ng ngayon, kahit na ang Diyos ay hindi humingi ng malaki sa tao, hindi pa naaabot ng tao ang orihinal na mga kinakailangan ng Diyos sa tao; sa ibang pananalita, hindi pa nila nailalaan ang lahat ng kanilang kalakasan sa pagmamahal sa Diyos. Sa gayon, sa kalagitnaan ng pagiging hindi handa, humihingi pa rin ang Diyos ng Kanyang mga kinakailangan sa mga tao, hanggang sa ang gawaing ito ay nagkaroon ng epekto, at Siya ay naluwalhati sa gawaing ito. Tunay nga, ang gawain sa lupa ay tinatapos ng pag-ibig ng Diyos. Sa gayon, saka lamang kapag tinatapos ng Diyos ang Kanyang gawain Kanyang ipakikita ang pinakamahalagang gawain sa lahat sa tao. Kung, sa sandaling nagwakas na ang Kanyang gawain, binigyan Niya ng kamatayan ang tao, anong mangyayari sa tao, anong mangyayari sa Diyos, at anong mangyayari kay Satanas? Saka lamang kapag ang pag-ibig ng tao sa lupa ay napukaw maaaring masabi na “Nalupig ng Diyos ang tao.” Kung hindi, sasabihin ng mga tao na tinatakot ng Diyos ang tao, at ang Diyos sa gayon ay mapapahiya. Hindi magiging napakahangal ng Diyos para wakasan ang Kanyang gawain nang walang sinasabi. Sa gayon, kapag malapit nang matapos ang gawain, lilitaw ang matinding damdamin ng pag-ibig sa Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay nagiging mainit na paksa. Sabihin pa, ang pag-ibig ng Diyos na ito ay walang bahid ng tao, ito ay isang walang-halong pag-ibig, tulad ng pag-ibig ng isang tapat na asawang-babae para sa kanyang asawang-lalaki, o ang pag-ibig ni Pedro. Hindi nais ng Diyos ang pag-ibig ni Job at Pablo, kundi ang pag-ibig ni Jesus kay Jehova, ang pag-ibig sa pag-itan ng Ama at Anak. “Iniisip lamang ang Ama, walang pagsasaalang-alang sa pansariling kalugihan o pakinabang, iniibig lamang ang Ama, at wala nang iba, at walang anumang ibang hinihingi”—kaya ba ito ng tao?

Awit ng Pagsamba | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang Banal na Espiritu, daan, Diyos, Kaalaman, Tinubos





I
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya’y patuloy sa pagbago,
at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.
Habang mas maraming gawain ang Diyos
mas maraming tao sa Kanya’y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma’y gawain Niya’y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.