菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagmamahal ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pagmamahal ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

May 12, 2018

Awit ng Pagsamba | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal





I
Nilikha ng Diyos ang tao;
naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao’y ‘di laruan para sa Kanya.

May 5, 2018

Ang tinig ng Diyos | Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas

Interpretasyon sa Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas


    Ayon sa likas na mga katangian ng sangkatauhan, iyan ay, ang tunay na mukha ng sangkatauhan, ang makayang makapagpatuloy hanggang ngayon ay tunay na hindi naging isang madaling bagay, at tangi lamang sa pamamagitan nito kaya ang dakilang kapangyarihan ng Diyos ay naging kitang-kita. Batay sa esensya ng laman gayundin sa pagkatiwali ng malaking pulang dragon hanggang sa puntong ito, kung hindi sa paggabay ng Espiritu ng Diyos, paanong makatatayo pa rin ang tao ngayon? Ang tao ay hindi karapat-dapat na lumapit sa harap ng Diyos, subali’t minamahal Niya ang sangkatauhan alang-alang sa Kanyang pamamahala at upang ang Kanyang dakilang gawa ay matupad bago maging lubhang matagal. Sa katotohanan, walang tao ang makapagsusukli sa pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan sa loob ng panahon ng kanilang buhay. Marahil may umaasam na masuklian ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng kanilang mga buhay, nguni’t sinasabi Ko sa iyo: Ang tao ay hindi karapat-dapat na mamatay sa harap ng Diyos, kaya’t ang kamatayan ng tao ay walang kabuluhan. Sapagka’t sa Diyos ang kamatayan ng isang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na mabanggit, ni may halaga man itong isang sentimo, kundi, ito ay tulad ng kamatayan ng isang langgam. Aking pinapayuhan ang mga tao na huwag isipin ang iyong sarili na napakahalaga, at huwag isipin na ang mamatay para sa Diyos ay may taglay na bigat ng isang malaking bundok. Sa katotohanan, ang kamatayan ng isang tao ay isang bagay na kasinggaan ng isang balahibo. Hindi ito karapat-dapat na maitala. Nguni’t gayundin, ang laman ng tao ay isinumpang mamatay ng kalikasan, kaya’t sa katapusan, ang katawang pisikal ay kailangang magwakas sa lupa. Ito ang tapat na katotohanan, at walang makapagtatanggi rito. Ito ay isang “batas ng kalikasan” na Aking binuo mula sa lahat ng karanasan ng pantaong buhay. Kaya’t hindi namamalayan, ang pagwawakas ng Diyos para sa tao ay binibigyang-kahulugan sa ganoon. Nauunawaan mo ba? Hindi nakapagtataka na sinasabi ng Diyos “Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao.”

Mar 5, 2018

Tagalog Christian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Song | Hanap ng Diyos ang Mga Uhaw sa Kanyang Pagpapakita

I
Hanap ng Diyos yaong mga uhaw sa Kanyang pagpapakita. Yaong mga di tumututol, masunuring tulad ng mga paslit. Hanap ng Diyos ang may kaya, kayang dinggin ang Kanyang mga salita, wag limutin Kanyang habilin, ialay katawan at puso sa Kanya. Kung walang makakayanig, walang makakayanig sa’yong panata sa Diyos, mamasdan ka Niya, mamasdan ka Niya nang may pabor, oh … Igagawad Niya pagpapalang dapat sa ‘yo, sa ‘yo, igagawad Niya pagpapalang dapat sa ‘yo!

Ene 8, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

 Kaharian, maghanap, Pagmamahal ng Diyos, pananampalataya


Ang Ikalabinlimang Pagbigkas

     Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kilala ang sarili niya, kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang pagkakilala sa kanyang palad, kahit na ang lahat ng ibang tao ay nakapasa at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito tila sinukat niya ang iba hanggang sa kanilang katayuan ng pag-iisip. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay pumasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay lumapit sa Akin muli, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga korderong bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, at saka nagiging tila mga maliliit na ibong lilipad-lipad nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga ng Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi nila, na tila ang Aking mga salita ay abala sa kanila? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, Ko nang nakikitang lumapit ang tao sa akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga tangka ay tapat. Napakaraming beses, Ko nang nakita na ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa loob ng Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses, na nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling mga tao, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matutuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang tunay na kahulugan ng pagpapala o paghihirap. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging wagas sa kanilang pagdulog sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo ang tatayo sa Aking harapan na kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaan na pagsubok ng tao ay hindi magdudulot ng paglisan ng kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magdudulot sa kanya ng reklamo laban sa Aking inihanda? Walang sinumang tao ang lubos na nalugod sa espadang taglay ng Aking bibig: Alam lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi tunay na inaalam ang mas malalim. Kung ang mga taong nilalang ay tunay na makikita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa tunay na kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang makikitang bakas kung gaano kahusay ang Aking mga salita, o kung gaano ang kalikasan ng kanilang pagkatao ng nahahayag, at kung gaano kahigit sa kanilang mga katiwalian ang nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at hindi mapagkakatiwalaang saloobin.